Number
Nang matapos ang klase namin ay dumiretso na ako sa locker ko para ilagay ang mga bago kong libro. Ito na ang huling klase ko kaya uuwi na rin siguro ako. Didiretso muna ako sa department ni olivia.
Habang tinatahak ko ang corridor patungo sa department ni olivia ay nakita ko ang grupo nila ethan na nag aabang sa gilid. Tila may hinihintay ang mga ito.
Nang makadaan ako sa gilid nila ay saka ko naramdaman ang paghawak ng isang lalaki sa palapulsuhan ko. Agad ko itong tinanggal at saka lumingon sa kanila.
"Hi, zandra!" saad ng pangit na kaibigan ni ethan.
I raised my brows.
"Jeremy nga pala." saad nito.
Tumango nalang ako at saka ito tinalikuran pero bago 'yon ay may humarang na sa akin. Isa rin sa mga kaibigan ni ethan.
"Ang sungit mo naman, miss. Akala mo virgin pa." saad nito na ikinatawa ng iba pa niyang kasama.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bulgar na sinabi nito. Narinig ko ang ilang tawanan ng mga estudyante.
"Pakipot pa, e, nahalikan na nga ni ethan." pangsusulsol ng isa.
Mas lalong umingay ang tawanan ng mga estudyante.
"Excuse me?" mariin kong saad.
"Oh ano? Totoo naman ha?"
"Franco, jiro, tama na. Tumigil na kayo." pagpipigil ni jeremy sa dalawa.
I rolled my eyes.
"For your information mister jiro the ugly, wala kang pakealam kung pakipot ako o hindi. And please, better shut your ugly fucking mouth. Ang baho kasi ng hininga mo. Ang pangit mo na nga, mabaho pa hininga mo." saad ko.
"Anong sabi mo?" sigaw nito.
Narinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante sa gilid at tila nagpipigil ng tawa.
"Mabaho pala hininga ni jiro."
"Kaya pala walang gustong makipagsex sa kanya."
"Sino ba naman ang gaganahan makipagsex kung pangit na nga at mabaho pa ang hininga?"
I smiled at jiro.
"Tarantado 'tong babae na 'to, ha! Kung anong pinagsasabi. Akala mo kung sinong vir-."
Natigil sa pagsasalita si jiro nang dumating ang lalaking hindi ko nakita ng ilang araw.
Si saturn!
"Anong kaguluhan ang meron dito?" Saturn coldly said.
"Hala si Mr. President." bulong ng isang babae.
"Ang guwapo niya!"
"Balita ko magaling daw 'yan sa kama."
"Ay weh? seryoso?
"Oo nga. Sa pogi niyang 'yan, sa tingin mo wala pa siyang natikman?"
Agad na nag init ang pisngi ko dahil sa mga naririnig na bulongan ng mga estudyante.
Napatingin ako ngayon kay saturn na mariing nakatingin kay jiro at pingsasabihan ito. Yumuko lang si jiro at saka tumango.
"Umuwi na kayo." saad ni saturn.
Bumaling ang atensyon ko ngayon kay saturn. Tinapik lang nito ang balikat ni jiro at saka lumapit sa direksyon ko.
Agad akong nag iwas ng tingin at saka mariing pumikit. Anong gagawin ko? Baka isumbong niya ako sa dean! Pero nauna naman ang grupo nila jiro ha!
"Umuwi ka na." tipid nitong saad at saka ako tinalikuran.
Napangiwi ako sa sinabi nito. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatalikod na ito sa akin at diretso na palabas ng gate.
'Yon lang 'yon? Pinapauwi niya na ako?! Pero ba't parang ang tagal niyang kausapin si jiro? Tapos 'yong sasabihin niya sa akin ay gano'n lang?
Dati ka bang hahaxd, saturn?
Bumuntong hininga nalang ako at saka dumiretso sa department ni olivia.
Ang dami niyang puwedeng sabihin sa akin tapos 'yon lang? Grabe ka saturn! Mariin ang pagkakahawak ko ngayon sa bag dahil sa inis.
"Nakakainis!" I gritted my teeth.
"Sinong nakakainis?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si ethan na nasa likuran ko ngayon.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
Ethan chuckled.
"May dadaanan lang. Bakit?"
"Uhm wala lang hehe." saad ko at saka nag umpisa nang maglakad.
Nakita ko ang pagsabay nito sa akin sa paglalakad kaya tuluyan nang nangunot ang noo ko.
"So, sino 'yong nakakainis?" tanong muli ni ethan.
Lumunok muna ako bago magsalita.
"Uhm, wala."
"Really?"
Tumingin ako kay ethan ngayon at napansin kong huminto rin siya sa paglalakad at saka tumingin sa akin.
"What?" Ethan raised his brows.
"Wala ngang nakakainis. Wala lang 'yon." saad ko habang pinaglalaruan ang mga kamay ko.
Napatingin si ethan sa kamay ko ngayon kaya agad akong nag iwas ng tingin.
I heard him laughed.
"Okay. If you say so."
"Sige hehe." bulong ko.
"Una na ako, zandra.. Gusto sana kitang ihatid kaso may gagawin pa ako." pagpapaalam ni ethan.
Ihahatid ako ni ethan? Agad na namula ang pisngi ko sa sinabi nito.
"Okay lang." saad ko at saka tipid na ngumiti.
Ethan bit his lowerlip.
"Uhm...Can I got your number?" he asked.
Agad kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko. Kinuha ko ang phone ko at saka ko nilahad sa kanya.
"Number mo ang hinihingi ko, hindi cellphone mo." humalakhak ito.
"Ay sorry."
Agad kong binuksan ang lockscreen ng phone ko at saka pinindot ang contact ko.
Inilahad ni ethan ang phone nito sa akin kaya agad kong tinipa ang number ko. Sinave ko agad ito sa contact niya at saka ulit binigay sa kanya. Ngumiti ito sa akin at saka marahang ginulo ang buhok ko.
"Thank you." saad ni ethan at saka tuluyan ng umalis.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Nakauwi na kami ni olivia ngayon at kumakain na ng hapunan. Gabi na ng makauwi kami dahil nagpunta pa kami sa bahay nila haedi para makichismiss.
Nakita ko kasi sa faceboook dot com ang kumakalat na picture ni aia na may kahalikang lalaki. Hindi rin kasi pumasok ngayon si haedi kaya pumasyal na rin kami sa kanila. Akala pa nga namin ay nando'n rin si aia, e. Kaso wala don ang gaga. Ewan ko ba kung saan napupunta ang babaitang 'yon.
"Wala ka bang balak kumain?" tanong ni olivia.
Napatingin naman ako sa pagkain ko ngayon na wala pang bawas.
"Hindi kasi masarap luto mo." pagbibiro ko.
"Hindi mo pa nga natikman, e, kung sungalngalin kaya kita ng kutsara diyan." saad nito na ikinatawa ko.
"Joke lang. By the way, sino pala 'yong naghatid sa atin kanina?"
I smirked at her.
Agad na nag iwas ng tingin si olivia sa akin at saka nagsubo ng kanin. Muntik pa itong mabulunan dahil sa kakasubo ng kanin. Akala mo makakaligtas ka sa 'kin ha? Well, olivia. Kaibigan mo yata ako kaya alam ko ang halam ng bituka mo.
"Classmate ko." tipid nitong sagot.
"Ay weh?" I teased her.
"Stop teasing me zandra veronica! Hindi nakakatawa." Olivia rolled her eyes.
"Sino nga kasi 'yon? Ang guwapo, e. Halatang mayaman." pangungulit ko.
"H'wag mo nalang tanungin. Hindi 'yon interesado sa'yo." sagot nito at saka ako tinalikuran.
Dumiretso ito sa lababo para maghugas ng kamay. Bumaling ang atensyon ko sa cellphone ni olivia nang magvibrate ito. Agad ko 'yong kinuha at saka binuksan ang text message.
Nangunot ang noo ko nang makita ang pangalan nang nakaregister na number dito.
Doctor?
Napatingin ako kay olivia ngayon na busy sa lababo at hinuhugasan ang pinagkainan namin.. Tinago ko ang phone nito sa ilalim ng lamesa at saka binuksan ang message ni doc.
Doctor:
Hi bae, good evening. Me thinking ulam again. I don't know how to cook. Can I eat you instead?
"Tangina! na saan 'yong cellphone ko?" sigaw ni olivia.
Agad ako napabalikwas dahil sa sigaw nito. Lumingon ako sa kanya at laking gulat ko nang mariin itong nakatingin sa akin.
"Ilabas mo ang cellphone ko o pasasabugin ko 'yang mukha mo?" mariin nitong tanong.
Tipid akong ngumiti sa kanya at saka inilihad ang cellphone niya.
"Nagsearch lang ako hehe."
Agad nitong hinablot sa akin ang cellphone at saka ako sinabunutan.
"H'wag ako, zandra. Shit ka." saad nito at saka tumakbo papasok sa kuwarto namin.
Tuluyan na akong napatawa dahil sa reaksiyon ni olivia. Grabe, ang bigatin pala ng kaharutan niya, ha? Doctor? Sana all, Olivia. Kaya pala ayaw niyang sabihin sa 'kin 'yong name nong lalaki ha!
Olivia namin, may sugar daddy na.
:>
CaughtMakalipas ang ilang araw ay ganoon pa rin ang routine namin. Lagi kaming nasa school dahil sa tambak na mga activities namin. At ngayong araw lang kami makakapag-enjoy!Ngayon ang araw ng acquaintance party namin. At halos buong gabi akong naghanap ng isusuot ko kagabi. Mamayang gabi na rin kasi ang party kaya dapat maganda ako!Minsan ay nakikita ko rin si saturn sa school... kasama niya ang bandmates niyang sila ting. Hindi ko alam na marunong pala kumanta si saturn. Minsan ko na siyang marinig kumanta pero isang beses lang 'yon at bitin pa! Tinawag kasi ako ni olivia non kaya hindi ko na napatapos ang kanta niya....sayang naman.Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang maramdaman ko ang marahang paghalik ni ethan sa balikat ko."Hey, miss. Puwedeng pakiss?" ethan whispered while licking my earlobe."E-than.. b-aka m-ay m-akakita sa'tin." I murmurre
Handkerchief"Hoy, zandra. Kanina ka pa hindi mapakali. Ano bang nangyayari sa'yo?" bulong ni olivia.Nandito na kami ngayon sa school at halos nasa kalahati na rin ng estudyante ang nandito ngayon. Maymga lumapit pa sa'ming mga lalaki para alukin kami ng maiinom pero tinanggihan namin ito.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero kanina pa talaga ako kinakabahan! Halos pabalik balik ako sa tindahan para uminom ng tubig. Wala pa kasing mga nakahandang pagkain at inumin kaya sa labas muna ako bumibili."Zandra Veronica!" sigaw ni olivia."Ano?!" asik ko."Kanina pa kita tinatanong, hindi ka man lang sumagot! Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong muli nito."Wala." tipid kong sagot."Bahala ka nga diyan, hahanapin ko nalang sila aia at haedi." aniya at saka tuluyan na akong iniwan dito.
TomatoeHanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasa akin pa rin ang panyo ni saturn. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin mabalik sa kanya ang panyo nito. Pinapangunahan ako ng takot at hiya, dahil nga sa sinabi niya sa'kin na malandi ako.Matapos ang party ay hindi ko na rin ito nakita at halos iwasan niya rin ako sa school. Minsan ay nakikita ko rin itong kasama ni ethan. Hindi kaya may sinabi si ethan kay saturn para iwasan niya ako!?Bumuntong hininga nalang ako at saka namili ng gulay para sa ilulutong sinigang ni mama. Umuwi na rin kasi ako ngayon sa amin dahil birthday ni mama. Bukas pa ang birthday nito pero umuwi na ako ngayon. May outing rin kasi kami bukas at ayoko ring magtampo si mama kung hindi ako sasama. Balak ko nga sanang isama si olivia kaso ayaw nito."Ganda, bili ka na dito oh. Sampung piso nalang.""Pst ganda."
ResortNang makauwi ako ay agad kong binigay kay mama ang pinamili ko para sa sinigang na iluluto niya ngayon."Natagalan ka ha." puna ng ate ko na nakaupo ngayon sa sofa habang nanonood ng tv."Walang tricycle, e." pagsisinungaling ko.Tumango naman si ate at saka hindi na ako pinansin.Dumiretso na ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang nangyari kanina. Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Sa dami ng mahahawakan ko bakit kamay niya pa? At least kamaylang hindi penis!Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa sariling naisip. Ano ba naman 'yan, zandra!Nang matapos ang araw na 'yon ay nag ayos na kami ng mga dadalhin namin para sa outing. Madaling araw na nang marinig kong nagsesermon si mama dahil sa binili kong isang kilo ng kamatis.&n
Pulled"D-ito na."Agad na bumaling ang tingin sa akin ni saturn nang marinig niya akong magsalita."Dito na? You sure?" tanong pa nito at saka sumilip sa loob ng cottage."Oo." tipid kong sagot.Tumango ito at saka muling tumingin sa akin.I sighed."Thank you sa paghatid. Bumalik ka na sa cottage niyo." saad ko at saka ngumiti.He just nodded and left me here.Tinanaw ko ang papalayong bulto ni saturn sa malayo. Hindi ito lumingon sa akin kaya hindi na rin ako umasa. Nang makapasok ako sa cottage ay narinig ko na agad ang sigawan ng mga kaibigan ni ate.Nakita ako si ate na pinapaikot ang isang bote ng tubig na wala ng laman.Agad na nangunot ang noo ko at saka masamang tinignan si ate."Ate.""
BirthdayNang makarating kami sa cottage nila saturn ay bumungad na sa amin ang ina nito na nakangiti habang hawak ang cake at kinakantahan ito ng happy birthday. Si varione naman ay nasa likod lang ng ginang habang nagvi-video at ang babae namang kasama nito ay nakangiti habang nakatingin kay saturn.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero feeling ko ay hindi ako nababagay rito. Para akong na out of place ng wala sa oras. Lumingon ako kay saturn ngayon na nakangiti habang nakatingin sa mama nito."Blow your candle na kuya." masiglang saad ni varione."Make a wish, babe." bulong ng babae na sapat para marinig ko.Nakita ko naman ang marahang pagsiko sa kanya ni varione. Ngumiwi lang ang babae at saka sinabunutan si varione. Umiling nalang ako at saka tumingin sa ginang."Happy Birthday, kuya! Tanda mo na." pahabol ni varione.Nang m
This story was not suitable for readers 18 below. Read at your own risk.Warning: Sexual AssaultNang maihatid ko si haedi kay prof laine ay siya ring pagtawag sa akin ng isa pang prof para kausapin ako, kaya agad ko ring iniwan si haedi roon."Good morning po, prof salazar." bati ko sa matanda."Morning too, Ms. Torres." saad ni prof salazar.Tumikhim muna ito bago magsalita."Nirecommend ka sa'kin ng adviser mo. Ikaw raw ang pinakamatalino sa klase nin'yo... Kaya gusto kong malaman mo na ikaw ang isasabak namin sa math contest next week." mahabang litanya nito."Po?" hindi makapaniwalang saad ko.Tumawa ang matanda at saka tinapik ang balikat ko."Ms. Torres, Huwag kang kabahan. May kasama ka rito at tiyak akong magkakasundo kayo. Pareho pa kayong dean lister!" masiglan
UmbrellaIlang oras ang tinagal namin ni saturn sa locker room. Nakaupo lang ako habang ito ay nakaluhod sa harap ko. Minsan ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin."Ihahatid na kita." pang babasag nito sa katahimikan.Nangunot ang noo ko.Agad kong naalala ang sinabi ni prof salazar kanina. May meeting pala kami ngayon. Bakit ngayon ko lang naalala? Lumingon ako kay saturn ngayon na tila malalim ang iniisip."May meeting pa kami ni prof salazar." nahihiyang sambit ko."Meeting for what? Puwede namang ipagpaliban 'yan. I'll talk to him. Ihahatid na kita pauwi." bakas sa boses nito ang inis."Pero may meeting kami para sa math contest! Ipapakilala ako ni sir kay Mr. Centaurus." I hissed.Nakita ko ang paglaki ng mata nito at saka bahagyang umawang ang labi."'Yon lang ba? Ihahatid pa rin kit