홈 / Romance / Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy / Chapter 039 — Under His Protection

공유

Chapter 039 — Under His Protection

작가: Eliana Asher
last update 게시일: 2026-10-04 13:08:51

SENNA

Napansin ko agad na may nagbago sa security simula nang maging public ang engagement namin ni Lucien.

Dati, dalawang security personnel lang ang madalas kong makita sa lobby ng penthouse building. Ngayon, may isa sa entrance, isa sa parking area, at minsan ay may sumusunod pang sasakyan kapag umaalis kami ni Ashley.

Noong una, inisip kong normal lang iyon dahil masyado nang interesado ang media sa buhay namin. Pero nang mapansin kong pati pagpunta namin sa ospital ay may security na nakab
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 040 — Just Lucien

    SENNANanatili si Lucien sa kusina kahit tapos na ang seryosong usapan namin tungkol kay Ashley.Akala ko babalik na siya sa office niya, pero nakasandal lang siya sa counter habang pinapanood akong magbalot ng natitirang saging.Hanggang sa bigla siyang nagsalita.“Why do you keep calling me ‘sir’? You’re being too formal, you know?” tanong ni Lucien habang bahagyang nakakunot ang noo.Napalingon ako.“Ha?” tanong ko.“Sir, po,” ulit niya. “You still call me that even here.”“Eh ano ba dapat itawag ko sa’yo?” tanong ko habang natatawa. “Hubby? Daddy? Honey? Lovey?”Akala ko pagtatawanan lang niya ang sinabi ko.“I think hubby suits me well,” sagot ni Lucien na parang normal lang ang sinabi niya. “Ashley can call me Daddy too.”Napatingin ako sa kanya.“Grabe naman. Hubby na, Daddy pa?” tanong ko habang napapailing. “Joke lang naman ’yon.”“You were the one who suggested it,” sagot niya habang bahagyang nakataas ang kilay.“Example lang ’yon,” depensa ko habang ibinabalik ang atensyon

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 039 — Under His Protection

    SENNANapansin ko agad na may nagbago sa security simula nang maging public ang engagement namin ni Lucien.Dati, dalawang security personnel lang ang madalas kong makita sa lobby ng penthouse building. Ngayon, may isa sa entrance, isa sa parking area, at minsan ay may sumusunod pang sasakyan kapag umaalis kami ni Ashley.Noong una, inisip kong normal lang iyon dahil masyado nang interesado ang media sa buhay namin. Pero nang mapansin kong pati pagpunta namin sa ospital ay may security na nakabantay sa labas, nagsimula na akong magtaka.Isang hapon, pag-uwi namin galing sa checkup ni Ashley, sinalubong kami ni Lucien sa sala.“Mommy, sa room ko po muna ako,” paalam ni Ashley habang hawak ang maliit niyang bag.“Sige, baby. Magpalit ka muna ng damit,” sagot ko habang hinahalikan siya sa noo.Masayang tumakbo si Ashley papunta sa hallway. Hinintay ni Lucien na mawala siya sa paningin bago ako nilapitan.“We need to talk,” sabi niya habang seryoso ang mukha.Napakunot agad ang noo ko.“A

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 038 — Stay Until I Sleep

    SENNADalawang araw matapos umiyak si Ashley tungkol sa daddy niya, bumalik kami sa ospital para sa scheduled treatment niya.Hindi naman emergency ang appointment, pero gaya ng dati, pagod na pagod siya pagkatapos. Tahimik lang siya sa biyahe pauwi at halos nakasandal sa akin buong oras.Pagdating namin sa penthouse, hindi na siya nagreklamo nang diretso ko siyang dalhin sa kuwarto.“Mommy, I’m so tired po.” bulong niya habang nakahiga.“I know, baby,” sagot ko habang inaayos ang kumot niya. “Rest ka po muna okay?”Hinawakan ko ang noo niya. Wala naman siyang lagnat, pero maputla siya at halatang nanghihina.Kukunin ko sana ang medicine bag niya sa sala nang hawakan niya ang pulso ko.“Mommy, huwag po muna kayong umalis,” pakiusap niya habang nakatingin sa akin.“Kukunin ko lang ang gamot mo,” paliwanag ko habang hinahaplos ang kamay niya. “Babalik agad ako.”Ayaw pa rin niyang bumitaw.Bago pa ako makapagsalita, may kumatok sa bukas na pinto.Napalingon ako at nakita ko si Lucien. K

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 037 — Where Is My Daddy?

    SENNAHalos ilang araw na rin kaming nakatira ni Ashley sa penthouse ni Lucien, at kahit ayaw kong aminin, unti-unti na akong nasasanay sa bago naming routine.Sa umaga, sabay kaming kumakain bago pumasok sa office. Sa gabi naman, madalas ay tahimik lang akong nagtatrabaho habang si Ashley ay naglalaro o nanonood ng cartoons. Si Lucien naman ay kadalasang nakakulong sa private office niya, pero paminsan-minsan ay lumalabas para makialam sa mga bagay na wala naman siyang alam tungkol sa pagpapalaki ng bata.Minsan nakakainis, minsan nakakatawa, at minsan nakakalimutan kong pansamantala lang ang lahat.Gabing iyon, halos alas-onse na nang magising ako sa mahinang hikbi.Agad akong bumangon at lumabas ng kuwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto ng room ni Ashley at doon ko narinig ang iyak niya.“Baby?” tawag ko habang mabilis na pumapasok.Nakita ko siyang nakaupo sa kama, yakap si Bunny habang pinupunasan ang luha niya gamit ang likod ng kamay.Agad akong naupo sa tabi niya.“Bakit umiiy

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 036 — The Man Behind Mr. Grumpy

    SENNATatlong araw pa lang kaming nakatira ni Ashley sa penthouse ni Lucien, pero parang mas matagal na.Hindi dahil nahihirapan kaming mag-adjust sa lugar. Sa totoo lang, si Ashley yata ang pinaka mabilis naka-adjust sa aming tatlo. Ako ang hindi pa rin sanay na paggising ko sa umaga ay hindi na ang maliit naming apartment ang nakikita ko. Si Lucien naman, mukhang hindi pa rin sanay na may apat na taong gulang na batang malayang gumagala sa tahimik niyang bahay.At si Ashley? Wala siyang pakialam.Para sa kanya, hindi billionaire CEO si Lucien Ellington. Hindi rin ito iyong lalaking kinatatakutan ng halos lahat ng empleyado sa company. Siya lang si Mr. Grumpy na puwede niyang kulitin anumang oras.“Mommy, ayoko po nito,” reklamo ni Ashley habang nakaupo sa dining table at nakatingin sa bowl sa harapan niya.Napatingin ako mula sa coffee maker. “Bakit? Cereal naman ’yan,” tanong ko habang lumalapit sa kanya.“Hindi po masarap,” sagot niya habang itinutulak nang kaunti ang bowl.Bago a

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 035 — From Waitress to Penthouse

    SENNAKinabukasan, nangyari mismo ang sinabi ng PR team.Lumabas online ang mga litrato ko mula sa iba’t ibang trabaho ko.May picture ako bilang catering waitress sa engagement party nina Cassandra at Lucien. May isa naman habang nagbebenta ako ng gulay sa labas ng apartment. May lumang litrato rin mula sa isa sa mga part-time jobs na pinasok ko noon.Napahawak ako sa noo habang nagso-scroll sa cellphone.FROM HEIRESS TO WAITRESS: SENNA DE ALCANTARA’S SECRET FIVE-YEAR LIFENapabuntong-hininga ako.Inasahan ko na ang masasamang comments.[Gold digger.][Fake heiress.][Naubusan ng pera kaya bumalik sa billionaire lifestyle.]Pero nang buksan ko ang reactions, hindi iyon ang karamihan kong nakita.Maraming nagtatanong kung bakit kailangan kong magtrabaho kung mayaman ang pamilya ko. Pero mas marami ang humahanga dahil hindi raw ako umasa sa pangalan ng De Alcantara.May nagsabing mas respectable daw iyon kaysa mamuhay lang sa pera ng pamilya. May isa pang nag-comment na walang nakakahi

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 006- The Man Allergic to Children

    SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 005- A Million Debt 

    SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 004- Rejected by My Own Family

    SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa

  • Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy    Chapter 003- She’s Not My Daughter

    SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status