FAZER LOGINSENNA
Mabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.
“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.
Napapikit ako sandali.
Wala na akong panahon para mamili.
“Saan ko siya mahahanap?” agad kong tanong.
Makalipas ang isang oras, naroon na ako sa isang makitid na eskinita sa likod ng lumang commercial building. Madilim ang paligid at amoy sigarilyo ang buong lugar. May ilang lalaking may tattoo ang nakatambay sa labas habang nag-iinuman. Nang makita nila ako, agad nilang sinundan ng tingin ang bawat galaw ko dahilan para mas lalo akong kabahan.
Parang gusto kong umatras, ngunit naalala ko si Ashley kaya nilakasan ko ang loob ko at pumasok sa loob ng opisina.
Maliit lang ang kwarto. Madilim. May umiikot na electric fan sa kisame habang makapal na usok ng sigarilyo ang bumabalot sa paligid. Sa gitna ng silid, naroon ang isang lalaki na may gintong kuwintas at singsing sa bawat daliri.
Tinaasan niya ako ng kilay.
“Magkano?”
Lumunok muna ako bago nagsalita.
“Isang milyon po.”
Bahagyang natawa ang lalaki habang sumasandal sa upuan.
“Isang milyon?” ulit niya. “Malaki-laking pera ’yan.”
“Opo…” mahina kong sagot. “Anim na buwan ko pong babayaran.”
Marahang tumawa ang lalaki. “Apat na buwan lang ibibigay kong palugit sa’yo. Take it or leave it.”Napalunok ako. “P-payag po ako sa apat na buwang palugit,” agad kong tugon.Malakas ang loob ko dahil may stable job naman ako. Maaari rin akong mag-file ng company loan para kahit paano ay may maipandagdag ako sa pagbabayad ng utang.
Tahimik akong pinagmasdan ng lalaki bago siya ngumisi.
“Alam mo naman siguro ang kalakaran dito.”
Napahigpit ang hawak ko sa bag ko.
“M-Magbabayad po ako sa tamang oras…”
Tumawa siya nang marahan bago sumandal.
“Mabuti naman. Dahil kapag hindi ka nakabayad…” bahagya siyang yumuko habang malamig ang tingin sa akin, “hindi lang ikaw ang sisingilin namin.”
“Malinaw ba tayo?”
Lumunok ako at dahan-dahang tumango.
“O-Opo.”
***
Mahigpit kong yakap ang case na naglalaman ng perang inutang ko habang palabas ng building. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko matapos ang pakikipag-usap sa loanshark, ngunit kahit paano ay bahagya akong nakahinga nang maluwag. May pambayad na ako kay Ashley. Hindi ko man alam kung paano ko bubunuin ang ganoon kalaking utang, basta ang mahalaga ngayon ay mailigtas ko ang anak ko.
Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, biglang nag-ring ang cellphone ko. Napahinto ako sandali bago mabilis iyong sinagot nang makita kong mula sa ospital ang tawag.
“Hello?”
“Mrs. Chavez? Kailangan mo nang bumalik dito. Umiiyak si Ashley, kanina ka pa niya hinahanap.”
Parang may kumurot agad sa puso ko.
“A-Andiyan na po ako.”
Agad akong sumakay sa kotse at nagmamadaling bumalik sa ospital. Pagdating ko sa kuwarto ni Ashley, bumungad agad sa akin ang anak kong nakaupo sa hospital bed habang umiiyak.
“Mommy!”
Mabilis siyang bumaba ng kama at agad akong niyakap nang mahigpit. Napansin kong tinanggalan na siya ng suwero.
“Mommy… mommy…” hikbi niya habang nanginginig ang maliit niyang katawan. “I’m scared…”
Parang nadurog agad ang puso ko. Mabilis ko siyang kinarga at mahigpit na niyakap.
“Shh… nandito na si Mommy,” mahina kong sabi habang hinihimas ang likod niya.
“Akala ko hindi ka na babalik…” umiiyak niyang sabi habang mahigpit na nakakapit sa leeg ko.
“Babalik ako lagi kay baby,” sagot ko kahit gusto ko na ring umiyak. “Hindi kita iiwan.”
Napasinghot siya habang pinupunasan ang luha niya gamit ang maliit niyang kamay.
“Mommy… gusto ko na umuwi.”
Huminga ako nang malalim.“Konti na lang, baby. Magpapagaling ka muna, okay?”
“Pero ayoko na rito… Masakit yung mga tusok… tsaka wala ka kanina…”
Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ko.
“I’m sorry, baby…” nanginginig kong bulong habang hinahalikan ang noo niya. “Patawarin mo si Mommy…”
Mahigpit niya akong niyakap.
“Don’t cry, Mommy…” bulong niya habang hinihimas pa ang pisngi ko gamit ang maliit niyang kamay. “I’ll be brave…”
Ngumiti lang ako kahit naninikip na naman ang dibdib ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ni Ashley bago ko siya muling hinalikan sa noo.
“That’s my brave girl,” mahina kong sabi habang pilit pinatatag ang sarili ko.
Maya-maya, pinakain ko muna siya ng lugaw na bigay ng ospital. Mabagal siyang kumain habang nakasandal sa akin, at paminsan-minsa’y inaantok na sumusubsob sa dibdib ko. Halatang pagod na pagod pa rin siya matapos ang sunod-sunod na tests at injections.
“Mommy…” mahina niyang tawag habang hawak ang kutsara. “Pag-uwi natin… pwede bang tabi tayo matulog?”
Napangiti ako kahit namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.
“Oo naman, baby.”
“Andoon pa rin ba si Daddy? Hindi niya ako binisita dito.”
Parang may kumirot bigla ang dibdi ko. Ngunit mabilis akong ngumiti.
“Magpahinga ka muna, okay?”
Tumango siya nang dahan-dahan bago muling sumubo.
Pagkatapos kong mapatulog si Ashley, tahimik akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa billing station. Mahigpit kong hawak ang case habang pilit pinapakalma ang sarili ko. Halos manginig pa ang mga kamay ko nang isa-isang bilangin ng cashier ang perang inutang ko.
“Fully paid na po kayo, Ma’am. Sinama ko na lang din ang bill ng kuwarto niyo ngayong gabi, para bukas ng umaga discharge na kayo,” magalang na sabi nito matapos i-print ang resibo.
Pakiramdam ko’y bahagya akong nakahinga nang maluwag matapos marinig iyon.
Ngunit habang nakatingin ako sa resibo, hindi ko maiwasang isipin ang malaking utang na nakaatang ngayon sa balikat ko.
Habang naglalakad ako pabalik sa kuwarto ni Ashley, mahigpit ko pang hawak ang resibo ng hospital bill nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Napahinto ako sandali sa gitna ng hallway bago mabilis iyong sinagot nang makita kong supervisor ko ang tumatawag.
“Hello, Ma’am Reg?”
“Senna, kumusta?” mahinang bungad nito sa kabilang linya.
"Ma'am Reg, discharge na po ng anak ko bukas. Sa lunes na po ako babalik ng opisina."Biglang tumahimik muna sa kabilang linya, saka kinabahan na ako.
“Actually, Senna…” mahina nitong sabi. “Tumawag ako para sabihin sa’yo na hindi mo na kailangang pumasok.”
Natigilan ako.
“A-Anong ibig mong sabihin?”
Huminga nang malalim si Ma’am Reg.
“May restructuring na nangyari sa kompanya. Kailangan naming magbawas ng empleyado dahil sa financial losses nitong mga nakaraan buwan.”
Parang biglang lumamig ang buong katawan ko.
“H-Hindi…” mahina kong bulong.
“Kasama ang department natin sa naapektuhan,” dagdag nito na halatang nahihirapang magsalita. “At isa ka sa mga natanggal.”
Pakiramdam ko’y nawalan ako ng balanse pagkarinig iyon. Napahawak ako sa dingding na malapit.
“Ma’am… kailangan ko po ng trabaho…” nanginginig kong sabi habang pilit pinipigilan ang pagbasag ng boses ko. “May sakit po ang anak ko…”
“I’m sorry, Senna,” malungkot nitong sagot. “Sinubukan kitang ipaglaban sa management. Pero final na ang decision.”
Tuluyan akong napapikit habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Pakiramdam ko’y sunod-sunod akong binabagsakan ng problema nang wala man lang pahinga.
Isang problema pa lang kay Ashley, halos hindi ko na kayanin iyon pero heto ako ngayon, unti-unting nilulunod ng lahat. Nawalan ako ng asawa. Tinalikuran ako ng sariling pamilya. Nagkautang ng isang milyon.Ngayon, pati trabaho ko… mawawala rin sa akin. At sa gitna ng lahat ng iyon, may anak akong lumalaban sa ospital habang ako naman ay unti-unti nang nauubos.
“Isesend na lang ng HR ang final pay at severance pay mo,” dagdag pa nito. “Five years ka rin sa kumpanya kaya medyo malaki-laki naman ang makukuha mo.”
Hindi agad ako nakapagsalita.
Pagkatapos ng tawag, ilang segundo akong natulala habang nakatitig sa sahig ng hallway ng ospital.
At maya-maya lang tumunog na ang cellphone ko—isang bank Notification.
Nanginginig kong binuksan iyon.
₱350,450.89 has been credited to your account.
Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko.
Dati, matutuwa na ako sa ganoong kalaking pera.
Pero ngayon, pakiramdam ko’y isang patak lang iyon sa napakalaking gastusin para sa pagpapagamot ni Ashley.SENNAHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Lucien mula sa magkabilang bahagi ng ballroom.Siguro ilang segundo lang iyon, pero pakiramdam ko napakatagal.Bahagyang kumunot ang noo niya habang diretso lang sa akin ang tingin. Bumaba iyon sandali sa catering uniform na suot ko bago muling bumalik sa mukha ko.Agad akong umiwas ng tingin.Hindi ako naroon para ipaliwanag sa kanya kung bakit ako nagtatrabaho bilang waitress. Hindi ko rin kailangang malaman kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin.Trabaho lang ito.Kailangan ko lang tapusin ang shift para makauwi nako.Huminga ako nang malalim bago lumapit sa unang mesa at nagsimulang mag-serve ng appetizers.“Would you like some, Ma’am?” tanong ko sa isang guest habang bahagyang inilalapit ang tray sa kanya.“Yes, thank you,” sagot ng babae habang kumukuha ng isang appetizer mula sa tray.Ngumiti ako nang magalang bago lumipat sa susunod na mesa.Ilang grupo pa ng bisita ang nilapitan ko. Habang tumatagal, unti-unti r
SENNANanatili akong nakatayo sa harap ng mansion habang nakatingin sa malaking floral signage malapit sa entrance.Kanina pa kakaiba ang pakiramdam ko mula nang makilala ko ang daan papunta rito. Pero ngayong nakatayo na ako mismo sa De Alcantara Mountain Estate, mas lalo akong hindi mapakali.Ito ang lugar kung saan marami akong alaala kasama si Mommy.At ngayon, bumalik ako rito bilang catering staff.Huminga ako nang malalim bago muling itinuon ang tingin sa signage.Doon ko tuluyang nabasa ang nakasulat.THE ENGAGEMENT CELEBRATION OFLUCIEN ELLINGTON & CASSANDRA DE ALCANTARANanigas ako.Parang ilang segundo akong nakalimutang huminga habang paulit-ulit kong binabasa ang dalawang pangalan.Lucien Ellington At Cassandra De Alcantara.Hindi nga ako nagkamali.Ang engagement party na pagtatrabahuhan ko ngayong gabi ay para sa dating boss kong nagtanggal sa akin at sa sarili kong half-sister.Biglang bumalik sa isip ko ang araw na pumunta ako sa mansion para humingi ng tulong kay Dad
SENNAApat na buwan na ang lumipas mula nang magsimula akong tumanggap ng kung anu-anong trabaho para lang maitaguyod kaming mag-ina.Sa loob ng apat na buwang iyon, halos wala na akong araw na walang ginagawa. Kapag may catering event, pumapasok ako bilang waitress o kitchen helper. Kapag walang booking, naglilinis ako ng condo, nagpa-pack ng parcels, nagluluto ng packed meals, o nagbebenta online ng kahit anong puwedeng pagkakitaan.Malaking tulong ang limang daang libong pisong ibinigay sa akin ni Ma’am Emery, pero mabilis din iyong nabawasan. May mga gamot si Ashley na kailangang bilhin, laboratory tests, consultations, hospital visits, renta, pagkain, at iba pang gastusing hindi puwedeng ipagpaliban.Hindi ko pinagsisihan kahit isang piso.Kung para kay Ashley, kahit maubos pa lahat ng pera ko, ayos lang.Ang problema, may isa pa akong obligasyong hindi ko kayang takasan.Ang isang milyon kong utang.Naupo ako sa maliit na mesa ng apartment namin at binuksan ang notebook kung saa
SENNADumating ang araw ng malaking catering event na sinabi ni Ma’am Liza. Maaga pa lang ay nakahanda na ako. Ang problema, ilang minuto bago ako umalis ay tumawag ang aking kapitbahay na pinakiusapan kong magbantay sana kay Ashley. Hindi raw siya makakapunta dahil may emergency sa pamilya nila.Napahawak ako sa noo.Hindi ko pwedeng iwan mag-isa si Ashley. Pero hindi ko rin kayang hindi pumasok. Mas mataas ang bayad sa event na ito kaysa sa karaniwang booking namin.Wala akong ibang choice kundi isama siya.Pagdating namin sa catering office, agad akong lumapit kay Ma’am Liza habang hawak ang kamay ng anak ko.“Ma’am, pasensya na po. Biglang hindi po makakapunta iyong magbabantay sana kay Ashley. Pwede po bang dito lang siya sa staff lounge habang nagtatrabaho ako?” pakiusap ko habang bahagyang hinihigpitan ang hawak sa kamay niya.Tiningnan muna ni Ma’am Liza si Ashley bago napabuntong-hininga.“Sige,” sagot niya habang itinuturo ang staff area. “Pero siguraduhin mong hindi siya la
Part TwoSENNADoon nagsimula ang bago kong routine.Kapag may catering event, pumapasok ako bilang waitress o kitchen helper. Kapag walang booking, naghahanap ako ng ibang puwedeng pagkakitaan.Hindi na mahalaga sa akin kung anong trabaho iyon. Basta marangal, may bayad, at may maiuuwi akong pera para kay Ashley.Nag-online selling ako ng mga damit at gamit na hindi na namin kailangan. May ilang branded bags pa akong natira mula noong maayos pa ang buhay namin ni Mavix. Dati, iniingatan ko pa ang mga iyon dahil mahal ang bili ko, pero ngayon, kahit halos kalahati lang ng original price ang ibinabayad sa akin, ibinenta ko pa rin.Ano pa bang gagawin ko sa mamahaling bag kung wala naman akong pambili ng gamot ng anak ko?Naglinis din ako ng condo units kapag may nagpapahanap ng cleaner. May isang araw na dalawang unit ang nilinis ko mula umaga hanggang hapon. Pagkatapos no’n, dumiretso pa ako sa catering event sa gabi.May mga araw ding nagpa-pack ako ng parcels para sa isang online sho
Part OneSENNAPagkauwi namin mula sa ospital, halos hindi pa ako nakakapagpahinga nang maalala ko ang text message na natanggap ko tungkol sa part-time work sa catering service.Agad kong kinuha ang cellphone ko at muling binasa ang message.[ May kakilala akong naghahanap ng part-time staff sa catering service. Kailangan nila ng waitress at kitchen helper. Hindi kalakihan ang sahod pero puwedeng magsimula agad. Interested ka? ]Napatingin ako kay Ashley na nakahiga sa kama habang tahimik na naglalaro ng stuffed toy niya.Hindi na ako puwedeng mamili ng trabaho.May gamot siyang kailangang bilhin. May renta kaming kailangang bayaran. May pagkain at araw-araw na gastusin. At higit sa lahat, may isang milyon akong utang na kailangan kong bayaran sa loob ng apat na buwan.Agad kong tinawagan ang numerong ibinigay sa akin.“Hello po. Ako po si Senna Chavez. May nagsabi po sa akin na naghahanap kayo ng part-time staff,” bungad ko habang nakaupo sa maliit na mesa ng apartment namin.“Yes, h
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m
SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan an







