LOGINKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley na abala sa paglalaro ng luma niyang stuffed toy. Halos wala na kaming ibang gamit sa apartment kundi ilang kahon ng damit at mga gamit niya.
Ang ibang gamit namin, pina-Lalamove ko na lang mula sa bahay ni Mavix. Ayoko nang bumalik doon. Ayoko nang makita pa silang dalawa ni Natalia.
“Mommy…” mahinang tawag ni Ashley habang nakatingin sa paligid ng apartment. “Bakit tayo lumipat ng bahay?”
Napilitan akong ngumiti sa kanya kahit masakit.
“Mas malapit kasi ito sa work ni Mommy at sa hospital mo, baby,” pagsisinungaling kong sagot habang inaayos ang kumot niya.
“Hindi na tayo babalik sa old house?”
Saglit akong natahimik.
“H-Hindi na muna.”
“Paano si Daddy?”
Napahigpit ang hawak ko sa damit na tinutupi ko.
“Busy si Daddy sa work,” pilit kong sabi kahit parang sinasakal ako ng sariling kasinungalingan ko.
Tahimik na tumango si Ashley bago muling niyakap ang stuffed toy niya.
At sa gabing iyon, habang tulog ang anak ko, halos hindi ako tumigil sa pagse-send ng resume online. Kahit masakit ang ulo ko at halos namamaga pa ang mga mata ko sa puyat, pilit kong nilalabanan ang antok. Kailangan kong makahanap agad ng trabaho. Hindi puwedeng mawalan ako ng pera ngayon.
Kinabukasan, sunod-sunod akong nagpunta sa mga initial interview kasama si Ashley. Kung minsan online, kung minsan naman ay personal. Paulit-ulit kong inuulit ang parehong sagot tungkol sa work experience ko habang pilit na ngumingiti kahit halos wala na akong tulog. Ngunit maghapon na ang lumipas, wala pa ring kompanyang tumatawag pabalik sa akin.
Unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob habang nakaupo sa loob ng sasakyan.Pagod na pagod ang katawan ko, at pakiramdam ko’y unti-unti na namang lumiliit ang pag-asa ko.
Hanggang sa biglang nag-ring ang cellphone ko.
Mabilis ko iyong sinagot nang makita kong unknown number ang tumatawag.
“Hello?”
“Good morning, Mrs. Senna Chavez,” magalang na boses ng babae ang narinig ko mula sa kabilang linya. “This is from Ellington Biopharm Corporation.”
Napaupo ako nang maayos.
“O-Opo?”
“We reviewed your application. We would like to inform you that you are hired as the new Executive Assistant of our CEO.”
Nanlaki agad ang mata ko.
“R-Really?”
“Yes. The salary offer is one hundred thousand pesos per month, excluding benefits and incentives.”
Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
One hundred thousand? Ang laki na no’n!
Hindi na ako nagdalawang isip na sumagot.
“Opo! Tinatanggap ko po!”
Pagkababa ko ng tawag, napahawak ako sa bibig ko habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko.
Sa wakas… parang may pag-asa na muling bumukas para sa amin ni Ashley.
***
Unang araw ko pa lang sa Ellington Biopharm Corporation ay agad na akong sinalubong ng assistant manager ng CEO.
“Mrs. Chavez,” seryoso nitong sabi habang naglalakad kami sa hallway ng top floor. “May isang bagay kang dapat tandaan tungkol kay Sir Lucien Ellington.”
Napakunot-noo ako.
“Ano po iyon?”
“Allergic sa bata si Sir.”
Natigilan ako.
“P-Po?”
“Kaya hangga’t maaari, ilayo mo siya sa mga bata.”
Bahagya akong napakurap sa sinabi niya. Sa isip-isip ko, baka sobra lang silang mag-warning sa akin. Siguro madali lang mairita si Sir Lucien sa mga bata, o ayaw lang niya ng maingay sa paligid. Pero dahil unang araw ko pa lang sa trabaho, hindi na ako nagtanong pa at tahimik na lang akong tumango.
Pagkabukas ng glass door ng executive office, agad akong natigilan nang makita ang boss kong si Lucien Ellington.
Malapad ang balikat. Maitim ang buhok na maayos na nakaayos paatras.
Matangos ang ilong at matalim ang panga na lalong nagpatingkad sa malamig niyang mukha. Nakasuot siya ng itim na suit habang tahimik na nakatingin sa tablet niya.
May kakaibang lamig sa paraan ng pag-upo at pagtitig niya sa tablet na hawak niya—kontrolado, dominante, at nakakatakot lapitan. Ni hindi man lang siya agad tumingin sa akin, pero pakiramdam ko’y para na akong naiilang sa harapan niya.
“May meeting tayo mamayang lunch with Valence Medical Group,” malamig niyang sabi habang nakatutok pa rin sa tablet. “Ihanda mo ang reservation.”“O-Opo, Sir.”
Tumango lang siya bago ibinaba ang tablet. Saka lang niya ako tinignan nang diretso. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong kinabahan sa malamig niyang mga mata. Parang ang dali niyang mang-intimidate kahit tahimik lang siya.
“Oras na magkamali ka,” mababa niyang sabi, “hindi ako magdadalawang-isip na tanggalin ka sa trabaho.”
Napapalunok ako.
“Hindi ko gusto ang incompetent na tao. Ayoko ng maingay. Ayoko ng paulit-ulit. At higit sa lahat…” bahagyang tumalim ang tingin niya, “ayoko ng sakit sa ulo.”
“Opo, Sir,” mabilis kong sagot.
Pagkalabas ko ng opisina niya, saka lang ako nakahinga nang maayos. Pakiramdam ko’y ilang minuto akong hindi huminga habang kaharap siya.
***
Makalipas ang ilang oras, nasa isang mamahaling restaurant na kami para sa lunch meeting niya with the clients.
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid habang kinakausap ni Lucien ang mga investors. Kalmado lang ang boses niya, pero halatang siya ang may kontrol sa buong usapan. Sa bawat salita niya, parang walang sinumang gustong sumingit o kumontra.
Ngunit maya-maya, may batang lalaki na biglang tumakbo sa gilid ng mesa namin habang may hawak na ice cream. Mukha itong masaya at halatang hinahabol ng kung sino man sa likuran nito. Siguro nasa limang taong gulang lang siya.
Ngunit bago pa tuluyang makaiwas si Lucien, aksidenteng nabunggo ng bata ang gilid ng mesa dahilan para matapon ang hawak nitong ice cream sa pantalon ni Lucien.
Nanlaki agad ang mata ng bata habang napaatras nang bahagya.
“I-I’m sorry po…” takot nitong sabi habang mahigpit na hawak ang natunaw na cone. Saka itong malibis na tumakbo palayo.
Natigilan si Lucien.
Sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya, nakita kong bahagyang nagbago ang ekspresyon sa malamig niyang mukha. Nanlaki rin ang mata ko nang mapansin kong parang bigla siyang nanigas sa kinauupuan niya.Agad akong lumapit.
“S-Sir…” mabilis kong sabi habang kumukuha ng tissue upang punasan sana ang natapong ice cream sa pantalon niya.
Ngunit habang papalapit ako, napansin kong unti-unting namumula ang balat sa leeg niya. Parang biglang nahirapan siyang huminga habang mahigpit na nakakuyom ang kamay niya sa gilid ng mesa.“Y-Yung gamot…” paos niyang sabi habang hinihingal. “Nasa bag…”
Nataranta agad ako.
“A-Anong gamot?!” tanong ko, sabay hinahanap iyon.
“Kunin mo… yung injection…”
Tuluyan akong nagpanic habang kinakapa ang bag niya. Samantalang ang mga kliyente sa harap niya ay nag-aalala na rin.
“What’s wrong with Mr. Ellington? I think we should call the ambulance!” sabi ng kliyente.Mabuti na lang at may lalaking biglang lumapit sa amin.
“Mr. Ellington?!”
Agad nitong inagaw ang bag mula sa akin.
“Nasaan ang injector?”
Mabilis nitong kinuha ang injection mula sa loob ng bag at agad iyong itinurok sa braso ni Lucien. Halos hindi ako makagalaw habang pinapanood ang nangyayari. Mabigat ang katahimikan sa paligid at tanging ang magaspang na paghinga lang ni Lucien ang naririnig ko.
Ilang segundo rin ang lumipas bago unti-unting bumalik sa normal ang paghinga niya. Dahan-dahang humupa ang pamumula ng mukha niya, ngunit halatang nanghihina pa rin siya habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng mesa.
Namumutla akong napaatras habang mabilis ang tibok ng puso ko. Doon ako tuluyang natigilan nang magsalita ang lalaking tumulong sa kanya.
“Hindi mo ba alam na allergic sa bata si Mr. Ellington?”
Napakurap ako.
Hindi ko naman alam na literal pala na allergic sa bata ang boss ko!
SENNA“Sir?” gulat kong tanong habang nakatitig kay Lucien. “Papakasalan po? Grabe naman iyong joke mo, Sir. Nakakatawa po. Ha-ha-ha.”Napatawa ako nang awkward habang panay ang tingin ko sa kanya, umaasang tatawa rin siya at sasabihing nagbibiro lang siya. Pero nanatiling seryoso ang mukha ni Lucien. Wala man lang kahit kaunting ngiti sa labi niya.Unti-unting nawala ang ngiti ko. Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo habang mahigpit na hinahawakan ang seatbelt.Mukhang hindi pala joke.Mula noon, hindi na ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya. Mas lalo lang akong nahiya nang maalala kong sinabi niyang pakasalan ko siya at ‘yong pagtawa ko nang malakas sa harapan niya.Hindi ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan sa tapat ng apartment namin.“Senna, nandito na tayo,” sabi ni Lucien habang bahagyang lumilingon sa akin.“Sir? Ah, oo nga po,” sagot ko sabay awkward na tawa bago ko agad hinawakan ang seatbe
3rd Person POVMatapos masigurong maayos na si Senna sa guest room ng penthouse niya, hindi doon nagpalipas ng gabi si Lucien. Dumiretso siya sa mansyon ng pamilya Ellington, at pagpasok pa lang niya sa sala ay sinalubong na siya ng galit na boses ng kanyang ama.“Ano bang pumasok sa kokote mo at bigla ka na lang umalis sa engagement party ninyo ni Cassandra?” galit na tanong ng Chairman habang nakatayo sa gitna ng sala. “At ano itong nabalitaan kong ginamit mo ang company chopper nang walang approval ko?”Hindi agad sumagot si Lucien.Nang hilahin siya ni Cassandra pabalik sa ballroom kanina, pilit niyang binalewala ang nangyayari kay Senna sa service parking. Personal na problema iyon ng babae at wala siyang obligasyong makialam.Pero hindi siya mapakali.Kaya bago pa tuluyang magsimula ang engagement program, bumalik siya sa service area. Doon niya nakita mula sa malayo si Senna na tumatakbo habang hinahabol ng mga lalaking nakausap nito kanina. Sinundan niya ang direksyong tinakbo
SENNA“It’s late and you’re injured,” sagot niya habang diretso akong tinitingnan. “Hindi kita pauuwiin nang mag-isa ngayong gabi.”Agad kong naisip si Ashley.“Pero may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan ko pong umuwi,” sabi ko habang nag-aalala.Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Ang gusto ko lang talaga ay makauwi kay Ashley.Siguro napansin iyon ni Lucien dahil ilang segundo niya akong tinitigan bago siya bahagyang napabuntong-hininga.“Sige, ihahatid kita,” sabi niya habang tumatalikod papunta sa private elevator. Makalipas ang ilang minuto, nasa loob na kami ng isang itim na luxury car. May driver sa harapan habang magkatabi kami ni Lucien sa backseat. Nakaangat nang kaunti ang paa ko dahil sa sprain, at tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang dumaraan ang mga ilaw ng siyudad.Hindi rin nagsasalita si Lucien.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa cellphone niya na parang wala siyang pakialam sa nangyari buong gabi. K
A/N: Play “Stay With Me” by Chanyeol & Punch as background music while reading this chapter! SENNA Hindi nga ako nagkamali. Si Lucien nga. Parang biglang bumagal ang paligid habang pinapanood ko siyang bumaba mula sa chopper. Sa lakas ng hangin mula sa umiikot na blades, nagliliparan ang mga dahon at damo sa paligid, pero parang wala akong marinig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. Paano niya nalaman na nandito ako? Bakit siya umalis sa sarili niyang engagement party? At higit sa lahat, bakit ako niniligtas ng ugok na ’to? Napailing ako sa sarili kong naiisip. “Senna, maghunos-dili ka nga,” saway ko sa sarili habang nakatitig pa rin sa papalapit niyang pigura. “Assuming ka rin, eh, no? Hindi naman siguro ikaw ang hinahanap niya. Tsaka bakit ka naman niya hahanapin? Fiancé niya si Cassandra.” Pero habang papalapit siya sa akin, lalo kong hindi maitanggi ang obvious. Sa akin talaga siya papunta. May ilang security personnel na kasunod niya, pero si Lucien ang unang nakal
SENNAHindi ko alam kung gaano na ako kalayo mula sa estate. Ang alam ko lang, patuloy akong tumatakbo.Sumasabit sa damit ko ang mga sanga at matataas na damo habang pilit akong lumulusot sa pagitan ng mga puno. Halos wala akong makita dahil sa dilim. Naririnig ko pa rin ang mga yabag sa likuran. Hinahabol pa rin nila ako.“Senna! Huwag mo na kaming pahirapan! Kung hindi ka titigil sa pagtatago dyan, mapipilitan talaga kaming gumawa ng marahas na paraan para pagbayaran iyon!” sigaw ng isang lalaki mula sa hindi kalayuan.Hindi ako lumingon. Mas lalo akong tumakbo kahit hinihingal na ako. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Basta kailangan ko lang makalayo sa kanila. Kailangan kong makabalik sa anak ko.Iyan ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.Naghihintay sa akin si Ashley. Hindi ako puwedeng mahuli ng mga lalaking iyon.“Senna, sa oras na makita ka namin, hindi ka makakalabas ng buhay pa dito!” sigaw ng isa pa habang naririnig ko ang pagkaluskos ng mga halaman
SENNANanlamig ang buong katawan ko nang makita ko si Peter na bumababa sa van. Siya ang lalaking pinagkakautangan ko ng isang milyon. At mas lalo akong kinabahan nang may sumunod pa sa kanya.Kasunod niyang bumaba ang dalawa pang lalaki. Nakilala ko rin agad ang isa sa kanila. Kasama siya ni Peter noong araw na pumunta ako sa kanila para mangutang ng isang milyon.Napaatras ako nang isang hakbang habang mahigpit na hawak ang cellphone ko.Hindi ko maintindihan kung paano nila nalaman na nandito ako.“Ano’ng ginagawa ninyo rito? Paano ninyo nalaman na nandito ako?” tanong ko habang pilit na pinatatatag ang boses ko.Ngumisi si Peter habang dahan-dahang lumalapit sa akin.“Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman, Mrs. Chavez,” sagot niya habang inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Ang mahalaga, nagkita na tayo. Lumampas ka na sa usapan natin.”Mabilis akong napalingon sa service entrance.Hindi naman kami ganoon kalayo sa mansion, pero nasa pinakatahimik na baha
SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan an
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa
SENNANapalingon si Natalia sa direksyon ko. Nang makita niya ako, agad na namutla ang mukha niya sa gulat. Mabilis siyang bumaba mula sa pagkakapatong kay Mavix at tarantang hinablot ang kumot upang ibalot sa hubad niyang katawan.“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga m







