Masuk“S-Senna…” nanginginig niyang tawag habang namumuo ang luha sa mga mata niya. “I… I’m sorry…”
Lumapit siya sa akin para humingi ng tawad. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit, malakas na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.
Pak!
Napasinghap siya habang napahawak sa namumulang mukha niya.
“Senna…” umiiyak niyang sabi.
“Hayop ka!” sigaw ko habang nanginginig sa galit ang buong katawan ko. “Kaibigan kita! Tinuring kitang kapatid tapos magagawa mo ‘to sa akin?!”
Muli kong itinaas ang kamay ko upang sampalin ulit si Natalia, ngunit bago pa dumapo ang palad ko sa mukha niya, mabilis na may humawak sa pulsuhan ko. Sa sobrang higpit na halos maramdaman kong mamaga ang braso ko sa sakit. Napasinghap ako bago dahan-dahang napatingala. Nakita ko si Mavix, suot na ang boxer shorts niya.
“Bitawan mo ako, Mavix,” galit kong utos sa kanya.“H’wag na h’wag mong sasaktan si Natalia,” malamig niyang sabi.Nanlaki ang mata ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa asawa ko.
“We’ve been married for five years, Mavix! Habang nasa ospital kami, nagpapakasarap ka naman rito kasama ng kaibigan ko. May sakit ang anak natin! Sinabi ng doktor na may leukemia si Ashley!”
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Mavix.
“Kailangan ko ng pera para sa anak natin!” sigaw ko. “Bakit mo ginamit ang perang iyon para sa luho ng kabit mo?!”
Ngunit tila ba wala lang sa kanya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
“Wala akong pakialam, Senna.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
“A-Anong sabi mo?” mahina kong tanong.
“I said I don’t care.”
Nanlaki ang mata ko habang napaatras nang bahagya. Binitawan na rin ako ni Mavix.
“Mavix…” nanginginig kong sambit. “Anak mo si Ashley… may sakit siya tapos ganiyan ka kung magsalita?!”
Biglang tumigas ang panga niya. Makalipas ang ilang segundo, malamig niya akong tinitigan bago tuluyang nagsalita.
“She’s not my daughter, Senna.”
Pakiramdam ko’y biglang tumigil ang mundo ko.
“A-Anong sabi mo?”
Muling sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling iyon.
“M-Mavix… ano bang sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko.
Bigla siyang natawa nang marahan. Pagkatapos no’n, yumuko siya at may hinugot na papel mula sa drawer sa gilid ng kama. Walang pag-aalinlangan niya iyong inihagis iyon sa akin.
Nanginginig kong pinulot ang papel mula sa sahig. Ngunit pagtingin ko pa lang sa nakasulat sa itaas, parang biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.
DNA test result?
Mabilis na lumabo ang paningin ko habang bumabagsak ang tingin ko sa pinakailalim ng papel.
Probability of Paternity: 0%.
“Hindi…” bulong ko habang mabilis na lumalabo ang paningin ko. “Hindi puwede…”
Galit na napatawa si Mavix habang pinapatakbo ang kamay sa buhok niya.
“Akala ko buong buhay ko, anak ko si Ashley,” madiin niyang sabi habang nagdidilim ang tingin sa akin. “Pero nalaman ko ang totoo nang pumunta ako sa ospital.”
Napatingin ako sa kanya.
“G-Galing ka sa ospital?”
Tumawa siya nang malamig.
“Oo. Dahil kailangan daw ng dugo ni Ashley.” Humigpit ang panga niya. “Handa akong magbigay. Pero nang kunan ako ng blood compatibility test, doon nila sinabi na hindi kami match.”
Nanlaki ang mata ko.
“Mabuti na lang may available na dugo sa blood bank,” dagdag niya nang walang emosyon. “At agad ko sinagawa ang DNA test. Simula ngayon, hindi ko na kinailangang magpanggap pa bilang ama niya.”
“Mavix, hindi totoo ‘yan…” umiiyak kong sabi habang nanginginig ang ulo ko. “Hindi kita niloko—”
“Talaga ba?” putol niya. “Kung gano’n, explain that DNA test result?”
Parang nawalan ako ng boses. Tuluyan akong napatulala habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko.
Hindi ko maintindihan, paanong hindi si Mavix ang kasama ko no’ng gabing iyon, limang taon na ang nakalipas?
“At alam mo kung ano ang nakakatawa?” mapait niyang dagdag. “Pinakasalan kita hindi lang dahil sa akala ko anak ko ang dinadala mo.”
Patuloy lang siya sa pagsasalita.“Kundi pinakasalan kita dahil anak ka ni Don Alejandro De Alcantara. Akala ko kapag naging asawa kita, magiging parte ako ng kompanya ng pamilya ninyo. Iyon naman pala… itinakwil ka ng sarili mong ama…”Napakagat ako sa labi habang tuluyang nadudurog.
“Sa una, ayos lang, dahil kaya ko naman kayong buhayin ni Ashley. Pero no’ng nalaman ko ang totoo, matagal mo na pala akong niloloko, Senna.”
“H-Hindi…” umiiyak kong bulong habang umaalog ang ulo ko. “Hindi kita niloko…”
Ngunit tila ba wala nang pumapasok sa tenga niya ang bawat pagsusumamo ko. Nanatili lang siyang malamig na nakatingin sa akin bago muling dumampot ng isang papel mula sa mesa sa gilid ng kama. Wala man lang pag-aalinlangan niya iyong iniabot sa akin.
Nanginginig kong tinanggap ang papel.
Ngunit pagtingin ko pa lang sa nakasulat sa ibabaw ng dokumento, parang biglang nanigas ang buo kong katawan ang petition for annulment.
“Maghiwalay na tayo, Senna. Pirmahan mo ’yan.”
Napatingin ako sa kanya habang halos hindi na makahinga.
“Umalis ka na rin sa pamamahay ko. Dapat bukas ng umaga, wala na ang mga gamit niyong mag-ina,” malamig niyang sabi.
“At tungkol sa anak mo… doon ka sa pamilya mo humingi ng tulong kung gusto mong mabuhay pa siya,” dugtong pa niya.Tuluyan akong natigilan.Mabigat akong napalingon sa direksyon ni Natalia, na katabi lang ni Mavix.
Nakabalot pa rin sa kumot ang hubad nitong katawan. Malinaw kong nakita kung paano bahagyang umangat ang gilid ng labi niya. Ngunit agad din niya iyong binawi nang mapansing nakatingin ako sa kanya.
Bigla siyang nagkunwaring nag-aalala.“Ang harsh mo naman kay Senna, Mavix. Kung alam ko lang na galing sa pera mo ’yon, Senna… hindi ko na sana ginamit ang card ng asawa mo.”
Napahigpit ang panga ko habang nakatitig kay Natalia. Halos gusto kong matawa sa kapal ng mukha niyang magkunwaring walang kasalanan. Kanina lang, hubad siyang nakapatong sa asawa ko, ngunit ngayon ay nagagawa pa niyang magpanggap.
Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko kay Mavix.
“At least ngayon… alam ko na kung gaano kababa ang tingin mo sa akin.”
Mahigpit kong hawak ang annulment papers habang pinipilit kong buuin ang natitira kong dignidad.
“Pero tandaan mo ito, Mavix…” nanginginig kong dagdag habang diretsong nakatingin sa kanya, “darating ang araw na pagsisisihan mo ito.”
Saka ko ibinaling ang tingin kay Natalia. “At pati na rin ikaw, Natalia.”
Tahimik akong tumalikod at lumabas ng kuwarto habang unti-unting nadudurog ang bawat hakbang ko palabas ng bahay.
***
Nilunok ko ang natitira kong pride habang nakatayo sa harap ng napakalaking gate ng De Alcantara Mansion. Limang taon na ang lumipas mula nang huli akong tumapak sa lugar na ito, at sa loob ng mga panahong iyon, ni minsan ay hindi sumagi sa isip kong babalik pa ako rito. Ito ang bahay na minsang naging tahanan ko, ngunit siya ring lugar kung saan ako itinakwil ng sarili kong pamilya. Ngunit ngayon, para kay Ashley, handa kong lunukin ang lahat—kahit ang natitira ko pang dignidad. Mabagal na bumukas ang bakal na gate matapos akong kilalanin ng matandang guwardiya. Halata ang gulat sa mukha nito nang makita ako, ngunit wala itong sinabi. Tahimik lang akong pinapasok habang mabigat ang bawat hakbang ko papasok sa mansyon.Napakalaki pa rin ng mansyon ng mga De Alcantara. Naroon pa rin ang puting fountain sa gitna na dati kong paboritong tambayan noong bata pa ako. Maayos pa rin ang malawak na hardin, at gano’n pa rin kakinis ang sahig sa loob ng bahay. Lahat ay mamahalin. Lahat ay maganda. Pero kahit gaano pa kayaman at kaganda ang mansyong ito, wala pa rin akong maramdamang init. Katulad noon, malamig pa rin ang bahay na ito para sa akin simula nang mamatay ang mommy ko.
Maya-maya, pinapasok ako ng isang maid. Hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng pagsulyap niya sa akin—parang hindi rin siya makapaniwalang bumalik ako rito.
Tahimik akong nagtungo sa mini garden sa likod ng mansyon. At doon ko nakita ang ama kong si Alejandro De Alcantara.Nakatayo ang ilang bodyguards sa di kalayuan habang kalmado naman siyang nakaupo sa garden chair, nagbabasa ng diyaryo habang dahan-dahang umiinom ng mamahaling kape.“Anong kailangan mo’t bumalik ka?” malamig niyang tanong.Ngunit sa kabila ng limang taon naming hindi pagkikita, ni hindi man lang niya ako nilingon.SENNAMakalipas ang ilang araw, bumalik na ako sa Ellington Biopharm bilang executive assistant ni Lucien. Light duty pa rin ako dahil hindi pa fully healed ang ankle ko, kaya karamihan ng trabaho ko ay schedules, emails, meeting files, at documents na maaari kong asikasuhin habang nakaupo.Mas okay na rin iyon. At least, unti-unti nang bumabalik sa normal ang routine ko matapos ang ilang araw na halos puro hospital lang ang mundo ko.Bandang alas-dos ng hapon, dumating si Dr. Adrian para sa meeting nila ni Lucien.“Kamusta na ang paa mo, Senna?” tanong niya habang humihinto sa harap ng desk ko.“Mas okay na po ngayon doc kumpara noong mga nakaraang araw” sagot ko habang bahagyang itinataas ang paa ko. “Hindi na po gaanong masakit.”“Good. Huwag mo lang abusuhin.” paalala niya habang itinuturo ako.“Opo, Doc,” sagot ko habang bahagyang ngumingiti.Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang elevator sa kabilang bahagi ng executive floor. Lumabas mula roon ang isang babaeng may hawak na
SENNATatlong araw matapos ma-admit si Ashley, saka lang ako nakahinga nang maayos nang sabihin ng doktor na mas maganda na ang response ng katawan niya sa bagong treatment.Nakatayo ako sa tabi ng hospital bed habang pinagmamasdan siyang kumakain ng mansanas. Mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara noong unang araw, at kahit halata pa rin ang pagod, mas madalas na rin siyang ngumiti.“Mrs. Chavez, stable sa ngayon ang condition ni Ashley, pero hindi ibig sabihin non na tapos na ang kanyang treatment, maganda din ang response niya nitong mga nakaraang araw.” paliwanag ng doktor habang tinitingnan ang chart niya. “Kaya puwede na natin siyang i-discharge mamayang hapon.”Parang biglang gumaan ang dibdib ko.“Talaga po, Doc?” tanong ko habang hindi ko mapigilang mapangiti.Tumango ang doktor bago niya ipinakita sa akin ang discharge instructions.“Yes, pero kailangan nating maging strict sa medications at follow-up schedule niya,” paalala nito. “May laboratory tests pa rin siya sa
SENNAIlang segundo lang akong tinitigan ni Lucien matapos kong sabihin na papayag akong maging fake fiancée niya.Hindi siya ngumiti o nagpakita ng kahit anong excitement. Bahagya lamang siyang sumandal sa upuan bago itinuro ang bakanteng silya sa harapan ng desk niya.“Sit down,” sabi niya habang pinagmamasdan ako.Tahimik akong naupo at inilapag ang bag sa kandungan ko. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang magiging epekto ng desisyong ito sa buhay namin ni Ashley, pero wala na akong balak umatras nang hindi man lang naririnig nang maayos ang terms and conditions niya.Kumuha si Lucien ng folder mula sa drawer at inilapag iyon sa harapan ko.“Before anything else, kailangan nating linawin ang tungkol sa one million pesos,” sabi niya habang itinutulak ang folder papunta sa akin. “Separate iyon sa engagement.”Napatingin ako sa kanya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko habang hindi ko muna binubuksan ang folder.“You still owe me one million,” paliwanag niya nang diretso. “You can r
SENNAKinabukasan, habang inaayos ko ang mga gamit ko bago pumunta sa Ellington Biopharm para sa light duty, biglang tumunog ang cellphone ko.Napahinto ako nang makita ang pangalan sa screen.Si Dad ang tumatawag.Hindi kami iyong tipo ng mag-ama na nagtatawagan para mangumusta. Matapos niya akong itakwil limang taon na ang nakalipas, halos wala na kaming matinong pag-uusap maliban noong bumalik ako sa mansion para humingi ng tulong para kay Ashley.Kaya alam kong may problema.“Hello, Dad?” bati ko habang sinasagot ang tawag.“Anong ginawa mo kay Lucien Ellington?” malamig na tanong ni Daddy mula sa kabilang linya.Napakunot agad ang noo ko. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong ko habang inilalapag ang bag sa mesa.“Huwag mo nang pagtakpan, Senna,” mariing sabi niya. “Alam kong nagtatrabaho ka ulit sa kompanya niya. Ngayon naman, ayaw na niyang ituloy ang engagement niya kay Cassandra dahil ikaw daw ang gusto niyang ipalit.”Nanigas ako.“Ano?” tanong ko habang humihigpit ang hawa
SENNAPaglabas ko ng Ellington Biopharm, saka ko lang napansin ang sunod-sunod na notifications sa cellphone ko. May ilang messages si Aling Rosa tungkol kay Ashley, pero mas napansin ko ang notification mula sa article na nabasa ko na ilang araw ang nakalipas—iyong tungkol sa biglang pagkawala ni Lucien sa sarili niyang engagement party.Akala ko tapos na ang issue, pero mukhang lalo lang itong pinag-uusapan online. Libo-libo na ang reactions at comments, at nang buksan ko iyon, sunod-sunod agad ang nabasa ko.“Bakit biglang nawala ang groom? Parang may malaking nangyari.”“Nakakahiya naman kay Cassandra. Imagine, engagement party mo tapos biglang mawawala iyong fiancé mo.”“May problema kaya silang dalawa? Kasi kung emergency lang, bakit hanggang ngayon wala pa ring bagong engagement date?”“Something is definitely off. Hindi basta-basta aalis ang groom sa sarili niyang engagement party.”Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.Alam ko kung nasaan si Lucien noong gabing iyon. Hinahanap
SENNAIlang araw matapos ipakita ni Dr. Adrian ang results tungkol kay Lucien at Ashley, pinapunta ako ng HR sa Ellington Biopharm para ayusin ang employment status at benefits ko.Hindi pa tuluyang magaling ang paa ko. Kaya ko nang maglakad nang mas maayos, pero naka-ankle support pa rin ako at bawal tumayo nang matagal. Ayon kay Dr. Adrian, kailangan ko pa ng ilang araw bago ako puwedeng bumalik sa normal na trabaho.Pagdating ko sa HR, agad akong dinala ng isang staff sa maliit na conference room. May ilang documents nang nakahanda sa mesa.“Active na po ulit ang employee profile ninyo, Ma’am Senna,” paliwanag ng HR staff habang inilalapag sa harapan ko ang mga forms. “Kasama na rin po ulit ang health insurance, medical coverage, at iba pang employee benefits ninyo.”Napatingin ako sa effective date na nakalagay sa form.Parehong gabi iyon nang mawala ako sa kagubatan.Kahit alam ko na kung bakit ginawa ni Lucien iyon, kakaiba pa ring isipin na habang sugatan at nawawala ako sa git
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa
SENNAParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya. “Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa
SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan an
SENNA“Mrs. Chavez, lumabas na ang resulta ng bone marrow biopsy niya. Confirmed, may leukemia ang anak mo at delikado iyon. Ire-refer namin siya sa ibang ospital dahil kulang kami sa gamit dito. Pero kailangan niyo munang i-settle ang bill bago kayo lumipat.”Nanlumo ako pagkatapos kong marinig iy







