MasukParang may humigpit agad sa dibdib ko nang marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang isa lang akong estrangherong biglang sumulpot sa bahay niya.
“Kailangan ko ng tulong mo, Dad,” pilit kong sabi.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa ng kape sa mesa bago tuluyang itiniklop ang diyaryo.Ngayon lang niya ako nilingon. At sa tingin pa lang niya, pakiramdam ko’y muli akong naging maliit na batang desperadong naghahanap ng pagmamahal mula sa ama.
Umupo ako sa tapat niya.
“May leukemia si Ashley…” nanginginig kong sambit. “Kailangan ko ng tulong ninyo.”
Napahigpit ang panga niya.
Kitang-kita ko kung paano nagdilim ang mukha niya, ngunit wala na akong pakialam. Nilunok ko na ang lahat ng pride ko. Hindi na mahalaga kung gaano ako kababa sa harapan niya. Basta mailigtas ko lang ang anak ko.
Ngunit ilang segundo lang siyang natahimik bago siya malamig na nagsalita.
“Hindi ba’t malinaw na nagkaintindihan na tayo limang taon na ang nakalipas?”
Napayuko ako. “Pero dad…”
“Na sa oras na piliin mo ang Mavix na iyon kaysa sa pamilya mo, wala na akong anak na nagngangalang Senna De Alcantara.”
Parang bumalik lahat ng sakit ng nakaraan.
Limang taon na ang nakalipas…
Dalawampu’t tatlong gulang pa ako nang pilitin niya akong ipakasal kay Don Eduardo Valdemoro—isang matandang negosyanteng halos doble ang edad niya sa akin. Lumpo na ito at kilala sa pagiging marahas, ngunit walang pakialam ang ama ko basta mapalawak lang ang negosyo nila.
At noong nalaman niyang buntis ako, gusto niyang ipalaglag ko si Ashley para matuloy pa rin ang kasal.
Ngunit tumakas ako. Pinili ko si Mavix. Dahil doon, itinakwil niya ako.
Maya-maya, bigla na lamang may tumikhim mula sa likuran ko.
“Ate Senna?”
Napalingon ako. At agad kong nakita ang half-sister kong si Cassandra De Alcantara.
Nakatayo siya roon habang nakasuot ng puting Chanel dress at bitbit ang isang Hermès bag. Perpekto ang pagkakaayos ng mahabang buhok niya, at ang makinis niyang balat ay lalo lamang nagpatingkad sa maaliwalas niyang mukha.
Ngunit higit sa lahat… halatang-halata dito kung gaano kasarap ang buhay niya.
“Ikaw ba ’yan?” muli niyang sabi.
Bahagya siyang napangiti.
“Bakit parang mukha kang haggard?” kunwari’y inosente niyang tanong. “Pagod ka na bang mag-alaga ng bata?”
Napayuko ako nang bahagya nang makita ko ang repleksyon ko sa glass wall ng mansyon. Doon ko lang tuluyang napansin kung gaano na ako nagbago. Maputla na ang mukha ko, namamaga na rin ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod na puyat at kakaiyak, at magulo na rin ang buhok ko. Halos wala nang buhay ang itsura ko. Samantalang si Cassandra, mukhang prinsesa pa rin sa mamahalin nitong damit at maayos na itsura.Napakagat ako sa labi ko. Dahil sa pag-aalaga ko sa pamilya ko ay dahan-dahan ko na palang napabayaan ang sarili ko.
“Bakit ba kasi hindi mo na lang pinakasalan si Don Eduardo noon?” muli niyang sabi habang umuupo sa tabi ni Alejandro. “Kahit matanda na iyon, makukuha mo naman sana ang mana niya.”
Napapikit ako sandali. Kitang-kita ko kung gaano sila ka-relaxed habang ako naman ay halos masiraan na ng bait kakaisip kung saan ako kukuha ng pambayad sa hospital bill ni Ashley.
“Mabuti pa ako,” masaya pang dagdag ni Cassandra habang hinihimas ang mamahaling engagement ring sa daliri niya. “Nakatakda akong maikasal sa napakaguwapong lalaki. Excited na nga akong makita siya.”
Mas lalong humigpit ang dibdib ko. Siyempre, si Cassandra ang paborito. Ang spoiled princess ng De Alcantara family. Lahat ng gusto niya, ibinibigay. Lahat ng pagmamahal, nasa kanya. Habang ako… simula nang mamatay ang mommy ko, parang naging multo na lang ako sa pamilyang ito. Kahit nasa loob ako ng mansyon noon, pakiramdam ko’y wala naman talagang nakakakita sa akin. Maging ang stepmother ko, hindi rin ako kailanman minahal.
At bago pa tuluyang bumigat ang katahimikan sa pagitan namin, muling nagsalita si Alejandro. “Mabibigyan kita ng tulong,” malamig niyang sabi dahilan para mabilis akong mapatingin sa kanya.Ngunit ang sumunod niyang sinabi ay tuluyang nagpayanig sa akin.
“Pero iiwan mo ang bata.”
Nanlaki ang mata ko.
“Dad—”
“Babalik ka rito bilang isang De Alcantara. Makikipaghiwalay ka sa lalaking iyon at kakalimutan mo ang batang ’yan. Ipapadala ko siya sa ibang bansa at bibigyan ng pinakamagagaling na doktor para magamot ang sakit niya.”
Napakuyom ako nang mahigpit habang unti-unting kumukulo ang dibdib ko sa galit at sakit. Pakiramdam ko’y may kung anong biglang pumutok sa loob ko matapos marinig ang sinabi niya. Dahan-dahan akong tumayo kahit nanginginig ang buo kong katawan.
“Hindi ko iiwan si Ashley,” madiin kong sabi.
Tahimik lang silang nakatingin sa akin—parang wala silang naramdamang awa habang pinag-uusapan nila ang anak ko na para bang isa lamang itong bagay na puwedeng ilayo sa akin anumang oras.
“Hindi ko alam kung bakit dito pa ako pumunta,” mapait kong tawa habang pinupunasan ang namumuong luha ko sa mata.
“Siguro akala ko… kahit papaano… lalambot pa ang puso mo bilang ama ko.”Napailing ako habang diretsong nakatingin kay Alejandro.
“Pero nagkamali ako.”
Humigpit ang panga ko.
“Mas matigas pa pala sa bato ang puso mo.”
“At kung kailangan kong maghirap para mabuhay ang anak ko,” nanginginig kong dagdag habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko, “gagawin ko. Dahil hindi ako katulad ninyo.”
Pagkatapos no’n, mabilis akong tumalikod at lumabas ng mansyon. Mabigat ang bawat hakbang ko habang pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko sa harapan nila.
Ngunit pagkalabas ko pa lang ng malaking gate ng De Alcantara Mansion, doon tuluyang bumigay ang natitira kong lakas.Napahagulgol ako habang naglalakad pabalik sa kotse ko. Pagkahawak ko sa pinto ng sasakyan, napaupo na lang ako habang umiiyak.
Saan na ako ngayon kukuha ng pambayad para sa hospital bill ni Ashley?SENNA“Sir?” gulat kong tanong habang nakatitig kay Lucien. “Papakasalan po? Grabe naman iyong joke mo, Sir. Nakakatawa po. Ha-ha-ha.”Napatawa ako nang awkward habang panay ang tingin ko sa kanya, umaasang tatawa rin siya at sasabihing nagbibiro lang siya. Pero nanatiling seryoso ang mukha ni Lucien. Wala man lang kahit kaunting ngiti sa labi niya.Unti-unting nawala ang ngiti ko. Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo habang mahigpit na hinahawakan ang seatbelt.Mukhang hindi pala joke.Mula noon, hindi na ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya. Mas lalo lang akong nahiya nang maalala kong sinabi niyang pakasalan ko siya at ‘yong pagtawa ko nang malakas sa harapan niya.Hindi ko namalayan na huminto na pala ang sasakyan sa tapat ng apartment namin.“Senna, nandito na tayo,” sabi ni Lucien habang bahagyang lumilingon sa akin.“Sir? Ah, oo nga po,” sagot ko sabay awkward na tawa bago ko agad hinawakan ang seatbe
3rd Person POVMatapos masigurong maayos na si Senna sa guest room ng penthouse niya, hindi doon nagpalipas ng gabi si Lucien. Dumiretso siya sa mansyon ng pamilya Ellington, at pagpasok pa lang niya sa sala ay sinalubong na siya ng galit na boses ng kanyang ama.“Ano bang pumasok sa kokote mo at bigla ka na lang umalis sa engagement party ninyo ni Cassandra?” galit na tanong ng Chairman habang nakatayo sa gitna ng sala. “At ano itong nabalitaan kong ginamit mo ang company chopper nang walang approval ko?”Hindi agad sumagot si Lucien.Nang hilahin siya ni Cassandra pabalik sa ballroom kanina, pilit niyang binalewala ang nangyayari kay Senna sa service parking. Personal na problema iyon ng babae at wala siyang obligasyong makialam.Pero hindi siya mapakali.Kaya bago pa tuluyang magsimula ang engagement program, bumalik siya sa service area. Doon niya nakita mula sa malayo si Senna na tumatakbo habang hinahabol ng mga lalaking nakausap nito kanina. Sinundan niya ang direksyong tinakbo
SENNA“It’s late and you’re injured,” sagot niya habang diretso akong tinitingnan. “Hindi kita pauuwiin nang mag-isa ngayong gabi.”Agad kong naisip si Ashley.“Pero may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan ko pong umuwi,” sabi ko habang nag-aalala.Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Ang gusto ko lang talaga ay makauwi kay Ashley.Siguro napansin iyon ni Lucien dahil ilang segundo niya akong tinitigan bago siya bahagyang napabuntong-hininga.“Sige, ihahatid kita,” sabi niya habang tumatalikod papunta sa private elevator. Makalipas ang ilang minuto, nasa loob na kami ng isang itim na luxury car. May driver sa harapan habang magkatabi kami ni Lucien sa backseat. Nakaangat nang kaunti ang paa ko dahil sa sprain, at tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang dumaraan ang mga ilaw ng siyudad.Hindi rin nagsasalita si Lucien.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa cellphone niya na parang wala siyang pakialam sa nangyari buong gabi. K
A/N: Play “Stay With Me” by Chanyeol & Punch as background music while reading this chapter! SENNA Hindi nga ako nagkamali. Si Lucien nga. Parang biglang bumagal ang paligid habang pinapanood ko siyang bumaba mula sa chopper. Sa lakas ng hangin mula sa umiikot na blades, nagliliparan ang mga dahon at damo sa paligid, pero parang wala akong marinig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. Paano niya nalaman na nandito ako? Bakit siya umalis sa sarili niyang engagement party? At higit sa lahat, bakit ako niniligtas ng ugok na ’to? Napailing ako sa sarili kong naiisip. “Senna, maghunos-dili ka nga,” saway ko sa sarili habang nakatitig pa rin sa papalapit niyang pigura. “Assuming ka rin, eh, no? Hindi naman siguro ikaw ang hinahanap niya. Tsaka bakit ka naman niya hahanapin? Fiancé niya si Cassandra.” Pero habang papalapit siya sa akin, lalo kong hindi maitanggi ang obvious. Sa akin talaga siya papunta. May ilang security personnel na kasunod niya, pero si Lucien ang unang nakal
SENNAHindi ko alam kung gaano na ako kalayo mula sa estate. Ang alam ko lang, patuloy akong tumatakbo.Sumasabit sa damit ko ang mga sanga at matataas na damo habang pilit akong lumulusot sa pagitan ng mga puno. Halos wala akong makita dahil sa dilim. Naririnig ko pa rin ang mga yabag sa likuran. Hinahabol pa rin nila ako.“Senna! Huwag mo na kaming pahirapan! Kung hindi ka titigil sa pagtatago dyan, mapipilitan talaga kaming gumawa ng marahas na paraan para pagbayaran iyon!” sigaw ng isang lalaki mula sa hindi kalayuan.Hindi ako lumingon. Mas lalo akong tumakbo kahit hinihingal na ako. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Basta kailangan ko lang makalayo sa kanila. Kailangan kong makabalik sa anak ko.Iyan ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.Naghihintay sa akin si Ashley. Hindi ako puwedeng mahuli ng mga lalaking iyon.“Senna, sa oras na makita ka namin, hindi ka makakalabas ng buhay pa dito!” sigaw ng isa pa habang naririnig ko ang pagkaluskos ng mga halaman
SENNANanlamig ang buong katawan ko nang makita ko si Peter na bumababa sa van. Siya ang lalaking pinagkakautangan ko ng isang milyon. At mas lalo akong kinabahan nang may sumunod pa sa kanya.Kasunod niyang bumaba ang dalawa pang lalaki. Nakilala ko rin agad ang isa sa kanila. Kasama siya ni Peter noong araw na pumunta ako sa kanila para mangutang ng isang milyon.Napaatras ako nang isang hakbang habang mahigpit na hawak ang cellphone ko.Hindi ko maintindihan kung paano nila nalaman na nandito ako.“Ano’ng ginagawa ninyo rito? Paano ninyo nalaman na nandito ako?” tanong ko habang pilit na pinatatatag ang boses ko.Ngumisi si Peter habang dahan-dahang lumalapit sa akin.“Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman, Mrs. Chavez,” sagot niya habang inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Ang mahalaga, nagkita na tayo. Lumampas ka na sa usapan natin.”Mabilis akong napalingon sa service entrance.Hindi naman kami ganoon kalayo sa mansion, pero nasa pinakatahimik na baha
SENNA“Mrs. Chavez, lumabas na ang resulta ng bone marrow biopsy niya. Confirmed, may leukemia ang anak mo at delikado iyon. Ire-refer namin siya sa ibang ospital dahil kulang kami sa gamit dito. Pero kailangan niyo munang i-settle ang bill bago kayo lumipat.”Nanlumo ako pagkatapos kong marinig iy
SENNAKinabukasan matapos ma-discharge si Ashley, agad akong humanap ng maliit na apartment na kaya kong bayaran buwan-buwan. Hindi man iyon kasing ganda ng dati naming bahay, sapat na iyon para may matulugan kami ng anak ko.Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ashley n
SENNAMabuti na lang at binigyan ako ng ideya ng katrabaho ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nakaupo pa sa loob ng sasakyan.“May kakilala akong puwedeng magpautang. Pero… loan shark siya, Senna. Mataas ang interes,” wika ng katrabaho ko sa kabilang linya.Napapikit ako sandali.Wala na akong pa
SENNATuluyang nagulo ang isip ko. Bakit bibili si Mavix ng mga gamit na pambabae? Hindi naman ako mahilig sa gano’n kung reregaluhan niya ako. At alam niyang nasa ospital kami ni Ashley—bakit siya gagastos nang ganoon kalaking halaga?O baka naman… na-hack ang account namin?Agad kong tinawagan an







