Share

Chapter 3

Author: anrizoe
last update Last Updated: 2025-09-18 09:50:35

“Please, Attorney, do everything you can nang sa ganon ay hindi madiin ng pamilya ng gagong iyon si Aeris sa kasalanang hindi naman niya ginawa,” dagdag pa niya.

Nang ibaling ko ang tingin ko kay Lucien, blangko na ang mga mata niya. Hindi siya kaagad sumagot kaya napalunok ako. Kinuha niya ang laptop at binalik iyon sa bag. Naglabas siya ng papel at ballpen saka inilapit sa akin.

“Write down everything. Every details, Mrs. Anderson—”

“Call her Miss Steele. She doesn’t need that fucking name beside her name,” Caleb cut him off.

Pansin ko ang pagtagis ng bagang ni Lucien habang hawak pa rin ang ballpen at inaabot sa akin. Nakatingin pa rin ito sa akin at tila ba hinihintay akong tanggapin ang ballpen na iyon. Nang abutin ko iyon ay bigla niyang binitiwan at tiningnan ako nang mas malalim at mabigat.

“I’ll get back to you later. May kailangan lang akong tawagan,” aniya at agad na tumayo.

Hinabol ko lang sya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng silid. Sumunod din kaagad sa kanya si Caleb kaya naiwan akong mag isa silid na iyon. Napatulala ako saglit sa papel bago ko sinulat doon lahat ng nangyari nang gabing iyon. Hindi ko alam kung anong proseso ito pero bahala na.

Saktong matapos ko ang sinulat ko nang muling dumating si Lucien kaya tumayo na ako. Iaabot ko na sana sa kanya ang papel at ballpen ngunit bigla niya akong hinapit sa baywang kaya napasigaw ako’t nabitiwan ko ang mga iyon.

“Lucien!”

“Do you really want to get away with this case?” His voice is hoarse and cold. Ramdam na ramdam ko ang malaking braso at kamay niya sa baywang ko.

Amoy na amoy ko rin ang bango niya—pinaghalong sigarilyo at manly scent. Hindi kaagad ako nakasagot dahil saglit na natulala ako sa sobrang lapit niya sa akin. His wide chest is pressing against my chest while his hand on my waist is gently caressing it.

“Ano… Bitawan mo ako…” Nauutal na sambit ko.

“Tell me, Aeris, are they really your family? Ikaw ba ang babaeng nasa video?” Puno ng pagbabanta ang boses niya.

Nangunot ang noo ko. Sinalubong ko ang malamig, ngunit nag aapoy niyang mga mata.

“How about you, Lucien Reed, is that really your real name? Abogado ka nga ba talaga? What’s with the Luke Stone, huh? Nagpapanggap ka lang, hindi ba? Nandito ka ba hindi para ipagtanggol ako kundi para mas idiin ako sa ibinibintang sa akin?” Matapang na tanong ko sa kanya.

His jaw clenched. Tila natumbok ko ang kung anong iniisip niya. O may iba pang dahilan iyon. Mas humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Pakiramdam ko ay unti-unting umiinit ang katawan niyang nakadikit sa katawan ko kaya hindi ko maiwasang maconscious. Ramdam ko ang kabang bumabalot sa puso ko, ngunit pinanatili kong matigas ang ekspresyon ko.

“Let’s have a deal,” malamig niyang usal.

Tumaas ang kilay ko. Napahawak ako nang mahigpit sa damit ko nang mapansin ko ang mapula niyang labi at tila ba tinatawag ako nito. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin; sa mga mata niyang nag aalab at hindi ko matagalan dahil pakiramdam ko ay natutunaw ako o sa labi niyang ito.

“Deal?”

“Pretend you don’t know me as Lucien Reed and I’ll win your case,” he stated.

“At paano kung ayoko?” Matapang kong sabi kahit sa loob ko ay gusto ko na lang sumang-ayon para lang matapos na ito.

Bigla siyang ngumisi na nagbigay sa akin ng  kilabot lalo na nang yumuko siya kaya bahagya akong napaatras, ngunit agad niyang sinalo ang likod ko.

“You don’t have a choice but to obey me, Aeris, unless you want to be in jail…” mas lalo pa siyang yumuko, tila inaabot ang labi ko kaya kusa na akong napanganga, “or you want  to be punish by me.”

Namanhid ang tuhod ko. Sa isang iglap ay biglang nagwala ang puso ko at tila may kung anong kiliti akong naramdaman sa tiyan ko.

But I stayed still. Pinilit kong patigasin ang ekspresyon ko nang sa ganon ay hindi tuluyang matibag ang pader ko.

“Punish how?” I almost stuttered.

Hindi siya sumagot kaagad, ngunit bigla niyang tinaas ang kamay niyang nasa baywang ko at pinagapang iyon patungo sa likuran ko. Napaigtad ako nang bigla niyang pinasok sa blouse ko ang kamay niya at mabilis na pinagapang iyon sa balat ko.

“I don’t know… You tell me,” he mumbled as he suddenly unhook my bra which made me gasp.

“Subukan mo, sasabihin ko sa kanila kung sino ka talaga. Wala akong pakialam sa kaso ko dahil wala naman akong kasalanan,” banta ko sa kanya bago pa man niya matuloy ang binabalak niya.

Lucien smirked. Gumalaw ang mga mata niya na tila ba kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko. He tilted his head for a moment at muling binasa na naman ang kanyang ibabang labi na tila ba sinasadya niya—dahil iyon ang gusto kong gawin niya—at nababasa niya ang iniisip ko.

“Touché,” he remarked and slowly let go of me nang hindi pa rin pinuputol ang titig niya sa akin. “We’ll be seeing each other often. Let’s see if you still don’t want to do this with me,” mayabang niyang sabi at inirapan ako.

Bago siya muling pumasok sa silid ay nginisian niya pa ako. Ramdam ko ang labis na iritasyon sa puso ko habang pinapanood siyang lamunin ng pinto na iyon. Marahas akong bumuntong-hininga bago sumunod sa kanya.

“So, what’s her alibi? Sinabi mo na ba sa kanya na matibay ang hawak na ebidensya ng mga Anderson laban sa kanya?”

Nangunot ang noo ko at napatingin kay Lucien. Iyon agad ang bungad niya sa akin nang makaupo kami pareho na para bang hindi niya tinanggal ang bra ko kanina at binantaan ako. Gusto ko siyang suntukin.

Katabi niya si Caleb at tila ba sila lang ang nag uusap at sinasadya niya lamang iparinig sa akin bawat remarks niya.

Hindi ko pa rin maintindihan. Siya ang lawyer ko? Paano nangyari? Uncle siya ni Flyn at kapatid niya si Mama Amora. Hindi ba nila ito alam?

“Just talk her throughout, Mr. Stone. Kung ano ang kailangan niyang gawin at sabihin sa oras na imbitahan siya sa presinto. I’m sure you’re on her side during those times. You have to,” Caleb said kaya lalo akong naguluhan sa mga naririnig ko.

Hindi ko maipaliwanag ang tingin na ipinupukol sa akin ng lalaking ito, ngunit ramdam kong may kakaiba.

“Aeris, you have to tell him everything he needs to know, especially what happened that night,” Caleb explained to me.

Naningkit ang mga mata ko. Lucien’s cold eyes pierced through my soul as if he’s telling me something I couldn’t understand.

Mr. Stone, huh?

“Luke Stone?” I mumbled. Pinigilan ko ang sarili kong maging sarkastiko dahil halatang may nangyayaring hindi maganda rito.

“Nice to meet you, Miss Steele. Yes, I’m Luke Stone. Just call me Luke or whatever you like,” kaswal na sabi niya, pinagdidiinan ang pangalan na iyon na alam kong gawa-gawa niya lang.

Tumaas ang kilay ko. Hindi ako nagpatinag sa matatalas niyang tingin sa akin. Na kung wala lang si Caleb ngayon sa tabi ko ay sigurado akong may gagawin na siya sa aking kalupitan.

“Really, huh? Puwede ba kitang tawaging Luci—”

“Call me Attorney Stone,” agad na putol niya sa sasabihin ko kaya natikom ko agad ang bibig ko. Lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Ang kanyang panga ay patuloy sa pagtagis.

Hindi ko maisip na hindi niya ito inaasahan dahil kita kong alam niya ang ginagawa niya. There’s just something off going on.

“Alright, Attorney Stone,” I mumbled and cleared my throat, “inuulit ko, wala akong kasalanan. Hindi ko kayang patayin ang asawa ko,” pagdidiin ko.

Tumaas ang kilay ni Lucien. Inilapag niya ang black bag sa table na pumapagitna sa amin at inilabas doon ang isang laptop. Para talaga siyang attorney sa dating at kilos niya. Bagay na hindi ko nakita noong una’t huli ko siyang nakita bago pa ang araw na ito.

I thought he was just a businessman. At bakit iba ang pangalan niya?

“How would you explain this to the court then?” Lucien asked in his serious tone as he moved the laptop toward me.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 4

    Nang lumapag ang tingin ko roon, nagpeplay na ang isang CCTV footage. Naningkit ang mga mata ko’t nalaglag ang panga ko nang makita ko ang sarili kong sinusundan si Flyn patungo sa kitchen. The woman in the video took the kitchen knife and suddenly stabbed my husband.Natutop ko ang bibig ko. Kamukhang kamukha ko ang babae sa footage maging ang damit na suot ko nang gabing iyon. Pero hindi ako yon! Paanong magiging ako ‘yon kung nakuha na ako ni Caleb nang gabing iyon sa tulay?Padarag kong isinara ang laptop at marahas na umiling.“Hindi. Hindi ako ‘yan. Hindi maaaring ako ‘yan,” naalarma at kinakabahan kong giit at tiningnan siya. “Sigurado akong hindi ako ‘yan. Umalis ako sa bahay nang gabing ‘yan nang hindi pa nagsisimula ang nangyaring party kasama ang mga kaibigan ni Flyn sa bahay.”Tumigas ang ekspresyon ni Lucien at mas lalong lumalim ang tingin niya sa akin. Umayos din siya ng upo. Bakas sa ekspresyon at kilos niya na naging interesante sa kanyang pandinig ang sinabi ko.“The

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 3

    “Please, Attorney, do everything you can nang sa ganon ay hindi madiin ng pamilya ng gagong iyon si Aeris sa kasalanang hindi naman niya ginawa,” dagdag pa niya.Nang ibaling ko ang tingin ko kay Lucien, blangko na ang mga mata niya. Hindi siya kaagad sumagot kaya napalunok ako. Kinuha niya ang laptop at binalik iyon sa bag. Naglabas siya ng papel at ballpen saka inilapit sa akin.“Write down everything. Every details, Mrs. Anderson—”“Call her Miss Steele. She doesn’t need that fucking name beside her name,” Caleb cut him off.Pansin ko ang pagtagis ng bagang ni Lucien habang hawak pa rin ang ballpen at inaabot sa akin. Nakatingin pa rin ito sa akin at tila ba hinihintay akong tanggapin ang ballpen na iyon. Nang abutin ko iyon ay bigla niyang binitiwan at tiningnan ako nang mas malalim at mabigat.“I’ll get back to you later. May kailangan lang akong tawagan,” aniya at agad na tumayo.Hinabol ko lang sya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng silid. Sumunod din kaagad sa kanya si Ca

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 2

    Nakatutok ang mga mata ko sa news na nagpeplay sa TV. Kitangkita ko ang mga ambulansya at mga kotse ng mga pulis na nakapalibot sa bahay namin habang si mama Amora ay nagwawala sa labas at umiiyak. Si Sharon ay nasa tabi nito at pinapatahan.It was a replay video and it was 2 days ago. Iyon ang gabing may mga bisita si Flyn at ang gabing umalis ako sa bahay matapos kong marinig ang pinaplano niya sa akin.Maya-maya pa, tumutok ang camera kay Mama Amora na umiiyak pa rin. Napaatras ako dahil sa sinigaw niya.“It was his wife, Aeris Cervantes! She killed my son and escaped immediately! My beloved son—oh God!”Hindi ko na tinapos panoorin iyon at tumalikod na lamang habang iniisip ang nangyayari. Kung ano ang nangyari nang gabing iyon nang umalis ako, kung bakit ako ang naging suspect, kung nasaan ako ngayon, at kung sino ang lalaking ito na nagpaliwanag sa akin ng lahat.Kahit isa ay wala akong maintindihan.“The fact that you suddenly disappeared makes you the prime suspect. Iyon lang

  • Billionaire, Here Comes Your Wife!   Chapter 1

    Mula nang ikasal ako ay hindi na ako gaanong lumalabas dahil gusto kong maging mabuting asawa kay Flyn. Sa ganong paraan man lang ay mabawi ko ang malaking kasalanan kong nagawa sa kanya.Kahit na binubugbog pa niya ako.Matapos kong maghapunan ay natulog na lang kaagad ako. Naalimpungatan lang ako nang marinig ko ang kalabog ng kung ano sa labas ng silid namin kaya agad akong lumabas.Only to find him entering our guest room with a familiar woman. Kumalabog nang husto ang puso ko. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko kasabay ng panlalamig ng mga ito.I tried to take a step forward and I could feel my heart shattering into pieces as I was hearing his heavy breathing and the whimper of that woman he is with right now. Nang sinilip ko sila, doon na gumuho ang mundo ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang nakikita ko ang asawa kong mahalay na hinahalikan ang babaeng ito na halos hubad na."Wait, Flyn, is your wife here? Baka gising pa siya't marinig tayo," the woman said and

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status