LOGINNakatutok ang mga mata ko sa news na nagpeplay sa TV. Kitangkita ko ang mga ambulansya at mga kotse ng mga pulis na nakapalibot sa bahay namin habang si mama Amora ay nagwawala sa labas at umiiyak. Si Sharon ay nasa tabi nito at pinapatahan.
It was a replay video and it was 2 days ago. Iyon ang gabing may mga bisita si Flyn at ang gabing umalis ako sa bahay matapos kong marinig ang pinaplano niya sa akin.
Maya-maya pa, tumutok ang camera kay Mama Amora na umiiyak pa rin. Napaatras ako dahil sa sinigaw niya.
“It was his wife, Aeris Cervantes! She killed my son and escaped immediately! My beloved son—oh God!”
Hindi ko na tinapos panoorin iyon at tumalikod na lamang habang iniisip ang nangyayari. Kung ano ang nangyari nang gabing iyon nang umalis ako, kung bakit ako ang naging suspect, kung nasaan ako ngayon, at kung sino ang lalaking ito na nagpaliwanag sa akin ng lahat.
Kahit isa ay wala akong maintindihan.
“The fact that you suddenly disappeared makes you the prime suspect. Iyon lang ang hawak nilang theory sa ngayon,” ani ng lalaking ito kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino ka? Ikaw ba ang kumuha sa akin mula sa tulay na iyon?” tanong ko sa kanya.
Wala akong ibang makitang emosyon sa mukha niya. Kalmado lang ito habang nakatingin sa akin. Ngunit may isang bagay na nakatawag ng atensyon ko.
May kamukha siya. His face is familiar to me. Parang nakita ko na siya ngunit hindi ko maalala kung saan o kung sino ang kamukha niya.
“You’ll understand soon, sa ngayon, kailangan mong magpagaling—”
“Hindi ko kailangang magpagaling. Ang kailangan ko, sagot mo. Sino ka? Nasaan ako? Sino ang boss mo? Ikaw ba si Elias?” Agad na putol ko sa sasabihin niya.
Nangunot ang noo niya saka umiling. “I’m not. Sinong Elias?”
Saglit na natigilan ako. Kung hindi siya si Elias, sino siya?
Muli kong nilibot ang paningin ko sa buong silid. Malaki ito at halatang pangmayaman. Mamahalin ang mga kagamitan at malinis. May malaking french window sa gitna, may chandelier sa taas ng kisame, may malaking book shelves sa sulok at may dalawang pintuan na hindi ko alam kung ano at para saan.
Tumayo ako at naglakad patungo sa french window. Napasinghap ako nang bumungad sa akin ang isang malawak na kalupaan. Nagmistulang kasinlaki ng mga langgam ang mga kotseng nakaparada sa ibaba at ang mga iilang taong naroon ay hindi ko na makita nang maayos. Ibig sabihin ay nasa mataas na palapag ang silid na ito.
“You’re safe here, Aeris, don’t worry,” sabi na naman ng lalaking ito kaya marahas ko siyang nilingon.
“Safe? How so? E hindi nga kita kilala. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit narito ako ngayon. Paano ako magiging ligtas sa lugar na hindi ko naman alam?” bulyaw ko at matalim siyang tiningnan.
Ngumisi siya at tumango. Sinara niya ang laptop at tuluyan akong nilapitan kaya napaatras ako.
“Wash up. Take a bath and get dressed. May mga damit ka sa walk-in closet na yan sa pangalawang pinto,” aniya at tinuro ang isang pintuan sa kaliwa, “pagkatapos ay bumaba ka. Magpapadala ako ng aalalay sayo. I want you to meet someone.”
Hindi pa nga ako nakakareact ay mabilis na niya akong tinalikuran, kinuha ang laptop saka lumabas ng silid. Napanganga ako. Maya-maya pa, pumasok ang dalawang babaeng hindi nalalayo sa edad ko at nilapitan ako.
That man was right. I am safe here, I can feel it. Wala akong maramdamang kahit na ano bukod sa kaguluhan. And Flyn’s situation right now. Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari iyon at wala akong natatanggap na kahit na anong balita o mga pulis na naghahanap sa akin.
Marahil ay tinatago ako ng kung sino mang dumampot sa akin.
Dahil sa isiping iyon ay mabilis kong tinapos ang paliligo at agad na lumabas. Nasa labas pa rin ang dalawang babae. Nagulat pa ako dahil may napili na silang damit na susuotin ko at isa itong black floral summer dress na above the knee. May pinasuot din sila sa aking doll shoes na kasyang kasya sa akin. Matapos nila akong ayusan ng buhok at lagyan ng make up ay saka lang nila ako inalalayan palabas ng silid.
Mas lalo akong namangha nang makita ko ang buong bahay kung nasaan ako. This is not a simple house or a villa. This is a mansion. A huge mansion.
“Are you ready?”
Nilingon ko ang lalaking nagsalita bago kami makapasok sa lift at doon ko nakita muli ang lalaking ito. Sya pa mismo ang gumiya sa akin papasok sa lift ng palasyo na ito. Ang dalawang babaeng nag alalay sa akin kanina ay naiwan sa palapag na iyon.
“At least tell me your name first bago mo ako tanungin ng ganyan,” ani ko sa kaswal na tono kahit ang totoo ay nagsisimula na akong makairita.
The man chuckled. Pinagmasdan ko sya. Simpleng maong pants at black buttoned-down lang ang suot niya pero malakas ang dating. Matangkad, moreno, at gwapo. He’s really familiar to me.
“I’m Caleb, and this is your home, Aeris.”
Pumasok kami sa isang silid. Hindi pa nga ako tapos sa pagtatanong ko ay may kumatok na sa pintuan kaya sabay kaming napatingin doon.
“Who’s that?” Caleb chimed in.
“Sir, nandito na po si attorney,” sigaw ng babae mula sa labas.
“Let him come.”
Napako ang tingin ko sa pintuan hanggang sa bumukas iyon. Maya-maya pa, isang pigura ng lalaking hindi ko inaasahan ang lumitaw roon at agad na tumutok ang malamig at pamilyar niyang mga mata sa akin.
“Lucien…?” Bulong ko.
“Aeris, this is our family lawyer, Attorney Luke Stone. Siya ang hahawak sa kaso mo. Tell him everything he needs to know, especially what happened that night. Gagawin natin ang lahat para mapawalang-sala ka, ” Caleb explained to me.
Naningkit ang mga mata ko. Lucien’s cold eyes pierced through my soul as if he’s telling me something I couldn’t understand.
“Luke Stone?” I mumbled. Pinigilan ko ang sarili kong maging sarkastiko dahil halatang may nangyayaring hindi maganda rito.
“Nice to meet you, Miss Steele. Yes, I’m Luke Stone. Just call me Luke or whatever you like,” kaswal na sabi niya, pinagdidiinan ang pangalan na iyon na alam kong gawa-gawa niya lang.
Tumaas ang kilay ko. Hindi ako nagpatinag sa matatalas niyang tingin sa akin. Na kung wala lang si Caleb ngayon sa tabi ko ay sigurado akong may gagawin na siya sa aking kalupitan.
I’m certain. He’s not Luke. He’s Lucien. Ilang beses na siyang nagawi sa bahay namin noon at nagpakilalang uncle ni Flyn. Hindi ako puwedeng magkamali.
“Really, huh? Puwede ba kitang tawaging Luci—”
“Call me Attorney Stone,” agad na putol niya sa sasabihin ko kaya natikom ko agad ang bibig ko. Lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Ang kanyang panga ay patuloy sa pagtagis.
Hindi ko maisip na hindi niya ito inaasahan dahil kita kong alam niya ang ginagawa niya. There’s just something off going on.
“Alright, Attorney Stone,” I mumbled and cleared my throat, “inuulit ko, wala akong kasalanan. Hindi ko kayang patayin ang asawa ko,” pagdidiin ko.
Tumaas ang kilay ni Lucien. Inilapag niya ang black bag sa table na pumapagitna sa amin at inilabas doon ang isang laptop. Para talaga siyang attorney sa dating at kilos niya. Bagay na hindi ko nakita noong una’t huli ko siyang nakita bago pa ang araw na ito.
I thought he was just a businessman. At bakit iba ang pangalan niya?
“How would you explain this to the court then?” Lucien asked in his serious tone as he moved the laptop toward me.
Nang lumapag ang tingin ko roon, nagpeplay na ang isang CCTV footage. Naningkit ang mga mata ko’t nalaglag ang panga ko nang makita ko ang sarili kong sinusundan si Flyn patungo sa kitchen. The woman in the video took the kitchen knife and suddenly stabbed my husband.
Natutop ko ang bibig ko. Kamukhang kamukha ko ang babae sa footage maging ang damit na suot ko nang gabing iyon. Pero hindi ako yon! Paanong magiging ako ‘yon kung nakuha na ako ni Caleb nang gabing iyon sa tulay?
Everyone is so excited to see the twin. Ramdam ko ang pagsabog ng puso ko sa sobrang kagalakan sa kadahilanang maraming nagmamahal sa mga anak ko. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari nang mga nakaraang buwan habang ipinagbubuntis ko sila. Bumyahe pa ang ilan sa pamilya ko patungo rito sa Australia just to see us in person. Hindi raw sila makukuntento sa video chat lang.Lucien and I decided to postpone our wedding until I gave birth. Alam kong maayos din ang takbo ng kompanyang pansamantalang iniwanan ko dahil nasa mga kamay ito ni Uncle kahit pa abala rin ito sa family businesses niya. Sina Annie ay kamakailan lang ay kinasal na rin maging si Heather.Abala ako sa pagtitig ko sa mga anak kong mahimbing ang tulog sa tabi ko nang bumukas ang pintuan kaya umangat ang tingin ko roon. Umalis na ang lahat maging si Lucien upang bumili ng makakain namin kasama si Armani.Napangiti ako nang makita ko siya. Maluha-luha itong lumapit sa 'min kasama sina Yvo, Benjamin, at Rei."Oh... ang mga
Humiwalay ito sa 'kin at naglakad patungo sa walk in closet namin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa harapan ko dala ang isang brown envelope. Ngumisi ito saka kinagat ang ibabang labi niya habang inaabot sa 'kin ang envelope na iyon."What's this?""Just open it." He commanded me.Ni walang pumasok sa utak ko kung ano ang bagay na 'yon kaya kaswal na kaswal kong binuksan at kinuha ang laman no'n.Tahimik lang kaming dalawa. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakasulat sa mga papel na hawak ko. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko kasabay ng unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko. Natutop ko saglit ang bibig ko habang masuyong binabasa ang mga nakasaad doon. Checking if it's real or not, but no, it is fucking real."O-oh, God, Lucien . . ." I almost whispered to myself and immediately looked up to him. Malawak na ang ngiti nito sa 'kin habang nangingislap pa ang mga mata."W-what is this? Is this real?" Gulong-gulo kong sambit sa kaniya.Hindi siya
"Yes, please. Aayusin ko pag dating ko. Maraming salamat. I owe you big one." Dinig kong sinabi ni Lucien sa kanyang cellphone.Nakaharap siya sa dagat at ang malapad niyang likod ay kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong naglakad nang nakapaa."Oo nga, uuwi nga kami ngayon. We just needed some time. I'm sorry for not telling you." Sabi pa niya at napatingin sa akin.Tumitig siya sa akin habang nakikinig sa kabilang linya. Nakapameywang siya at nag-angat ng ngiti."Oo, pakisabi na rin kay lola," aniya tsaka binaba na ang cellphone.Naglahad siya ng braso sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at
Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may sasabihin pa siya. Sa halip ay tumalikod ako sa kaniya at niyakap ang mga braso niya palibot sa aking baywang. I leaned my head on his chest and shut my eyes, feeling his heartbeat, and hearing his raspy voice."When I left, walang araw na hindi ko tinitingnan lahat ng message mo. I wanted to see you so bad. I wanted to hear your voice all over again. I wanted to see and feel your support live. I wanted you so bad that I was even more hurt when I finally found out about our family history."Mas ginusto kong pumikit nang marinig ko iyon. Imagining his pain when he found out about it, how his Mom got hurt because of my Mom, how his Mom suffered for more than a decade because of my family, and how his Mom endured it all alone without telling anything to Dad.
"What is it this time, Lucien? What happened? Where have you been? Kanina pa kita tinatawagan-""Inuwi ni Uno si lola."Literal na natigilan ako dahil sa sinabi niya. Mabilis ko siyang tiningnan nang maramdaman ko ang kakaibang kaba sa puso ko."W-what? Why? What's happening, Lucien?""She wanted to surprise you. Noong nakaraang araw pa siya umuwi sa bahay kaya madalas akong wala. Kanina nang susunduin na namin siya para pumunta rito, she said she can't do it dahil biglang sumama ang pakiramdam niya-""Oh my god! Is she okay? Why didn't you tell me right away?" I cut him off.Nakita ko ang gulat sa
"Happy birthday, Aeris! They are getting bigger na!" Excited na bati sa 'kin ni Claire nang makarating siya kasama si Elias.Natawa lang ako saka tiningnan din ang tiyan niya."Kailan ang labas nito?" Tanong ko at nagpasalamat sa pagbati niya sa 'kin."By next week pwede na." Elias answered and handed me a paper bag na agad ko namang tinanggap. "Happy birthday.""Thank you. Nag abala pa kayo. Get in, nasa loob na ang iba." Paanyaya ko sa kanila at sinamahan na silang pumasok.Nang maihatid ko sila sa main door ng mansion ay bumalik ako sa labas kung nasaan ang malawak na hardin ng mansion ng mga Reed. Tumingala ako sa langit at napapikit nang sandaling umih







