One Night Stand
Napatda ako sa nakita ko pagpasok ko sa loob ng kwarto ng boyfriend ko. Nawala ang excitement sa mukha ko at napalitan ito ng galit at sama ng loob. Nilabas ko ang dala kong spray paint. "Mga hayop kayo! Mga taksil! Ang bababoy ninyo! Tangina n’yo, mga walanghiya kayo!" malakas kong sigaw, galit na galit sa kanila, habang panay pa rin ang pag-spray sa gawi ng dalawang magkasiping sa sahig. Wala na akong pakialam kung pati ang mukha nila ay malagyan ng spray paint. Dahil maputi ang boyfriend ko, halos itim na lahat ang buo nitong likod. Itim pala ang nahawakan kong spray paint at iyon ang ginamit ko sa kanila. Lahat ng madaanan ko ay in-sprayhan ko, pati mga pader ng bahay na ito, display, at lahat. Bago ako tumakbo palabas ng bahay, hindi ko pinalagpas na isama ang puting pinto ng bahay na ito. Humagulhol ako dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko matanggap na niloloko na pala ako ng boyfriend ko. Nang mahimasmasan ako, agad akong umangkas sa motorcycle ko. Paalis pa lang ako nang makita kong palapit na sa gawi ko ang boyfriend ko. Binilisan ko ang patakbo ng motorcycle ko para makaalis na agad sa bahay nito. Pagdating sa bahay, sinalubong ako ng malakas na sampal ng aking ina na ikinagulat ko. "Kahit kailan, problema at kahihiyan ang dala mo sa pamilyang ito!" sigaw ng ina ko. "Bakit, anong ginawa ko na naman ba?" galit na tanong ko sa aking ina. "Nagmamaang-maangan ka pa, na walanghiyang bata ka! Wala ka nang pinag-aralan, wala ka pang-mudo, bata ka!" galit na sigaw ng aking ina, at sampal ulit sa kabilang pisngi ko. "Hindi ba't ito naman ang gusto mo, Mom, ang maging mangmang sa paningin mo? Ayaw mo naman palang maungusan ko ang anak mo. Bukod sa mas maganda ako sa anak mong si Crystal, mas matino at matalino pa ako sa kanya! Hindi ko alam kung anong dahilan ng pananakit mo sa akin, Mom. But, never mind!" sumbat ko, nilagpasan ko na ito. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ng ina sa pangalan ko. Sa gabi ring iyon ay nagtungo ako sa bar, sa luxury bar sa Makati kung saan ako pinasyal ng aking ama noon. Kagaya ng dati, nag-ala Spider Woman na naman ako at bumaba sa terrace. Sakay ang motorcycle ko, pinaharurot ko ng matulin palayo sa mansyon namin. Mabilis akong nag-park sa nakitang bakante sa parking lot. Hindi ko na pinansin ang nagreklamo na siya raw ang nauna. Diretso lang ako ng lakad papasok sa loob ng bar. Nakaupo lang ako at nanonood sa mga nagsasayaw sa gitna ng entablado. Gusto ko rin sumayaw, kaso nakita ko ang mga grupo ng kapatid. Kaya imbes na sumayaw ako sa gitna, in-enjoy ko na lang ang sarili ko dito sa upuan ko. Umiindak ako at sinasabayan ang kanta. Nakataas na rin ang mga kamay ko, umiindak kasama ang ulo ko. "Wooohh, break it down!" sigaw ko pa. "Shut up!" may narinig akong sumita sa akin, pero hindi ko ito pinansin. Siraulo, nandito kami sa disco bar. Dapat VIP na lang ito kung ayaw nito ng maingay. "I don't care, I'm enjoying myself here!" malakas kong sigaw. Iba na namang tugtog at nakakadala sumayaw. Puwede rin palang mag-enjoy kahit mag-isa lang. Dahil medyo may tama na ako, tumayo ako at sumayaw na mag-isa. May nakita akong nakaupo na lalaki na mag-isa sa tabi ng upuan ko. Lumapit ako at wala sa sariling hinila ko ito patayo. "Fvck!" mura nito. "Let's dance, don't sulk in the corner. Let's enjoy while we're still alive. Come on!" hila ko sa lalaki. Hindi ko naman siya kilala, pero parang mag-isa siya, kaya kailangan ko ring mapasaya ang ibang tao, hindi lang ang sarili ko. "Stop, woman!" suway niya sa akin. "Just dance. Don't be shy, men!" sigaw ko at sinimulan ko nang sumayaw sa harapan nito. Hinawakan ko pa ang isa nitong kamay at nagpa-ikot-ikot ako habang hawak ko ito. "AAAYYY!" sigaw ko nang bigla akong hilain. Napasubsob ako sa dibdib nito. Hmmm... ang bango naman ng lalaking ito. Pero ang ikinalaki ng aking mga mata ay ang bigla nitong pagdapo ng mapusok na halik sa labi ko. Dahil naka-inom ako at may tama na. Wala sa sarili, ginaya ko ang paggalaw ng labi nito. Tumugon ako agad sa matamis nitong halik sa akin. Malalalim at mapusok ang halik nito. "Oh God," bulalas ng isip ko. Napayakap na ako sa batok nito, nakikipaglaban sa mapupusok nitong halik sa akin. Ang dila nito’y ginalugad na ang loob ng aking bunganga. Nakikipag-espadahan na rin ang dila ko sa dila nito. Nakakadala ang halik ng lalaki. Nagugustuhan ko ang bawat hagod ng labi nito sa aking labi. Epekto na siguro ng hard drink na ininom ko kanina. "Fvck! I want you now!" marahas na bulong nito sa akin. Siniksik pa nito ang mukha sa leeg ko, at ramdam kong inaamoy niya ito. Maya’t maya ay humahalik na siya doon. "You smell good, I like it, and I'm so addicted." Magsasalita na sana ako nang bigla na naman akong sinunggaban ng mapusok na halik sa labi. Baka may makakita sa amin dito kaya pinatigil ko na ang lalaki sa paghalik sa akin. Pero hindi ito natinag, maalab pa rin niya akong hinalikan sa labi. Halos kainin na nito ang buong labi ko. Pero masarap naman at gustong-gusto ko. "Come on and fly with me, as we make our great escape. Not here," kanta 'yun, huh? Sabi ko pa sa isip. Kinakanta ko lang kanina, tapos ginamit na nito ang lyrics na 'yun sa akin? "Let's go, don't worry, you are my only. No need to worry, baby, I'm horny down there," anas pa nitong bulong sa akin. Uminit naman bigla ang aking katawan dahil sa init ng hininga nito sa tainga ko, lalo na nang bahagyang halikan pa nito ang punong tainga ko. Hindi pa ito nakontento, marahan pa nitong kinagat-kagat. Kinilabutan ako at nakiliti. Kaya bahagya kong nilayo ang ulo. Hinila na niya ako palayo sa loob ng club. Kinapa ko ang maliit kong backpack. Nasa likod ko pa naman. Pero baka manakaw ang motor ko. Huwag naman sana. Tutunog naman iyon kapag ginalaw nila, at nasa akin ang remote at susi ng motor ko. Kaya bahala na.Chapter 18 Her Angry Mom Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko ng magtama ang aming mga mata. Gulat na gulat siya habang ako naman ay kinakabahan. Nakita kong tumalim ang kanyang mga mata. I know she is doing something horrible because of her eyes. But I'm still hoping na sana mag-behave ang ina niya. "Kaya natin 'to, self. Hindi tayo magpapaapi pa sa kahit na sino!" bulong ko sa sarili. Never again! Hindi ko siya pinansin, tumalikod na ako sa kanya. May kasama itong ginang na kasing edad lang din niya. Tinandaan ko ang mukha niya para kapag pumasok dito ulit next time, matatandaan ko siya. Bumati ang mga katrabaho ko. Pero ako ay marahang lumalayo sa gawi nila. Mukhang papalapit rin sila dito sa pwesto ko. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko siya kailangan na iwasan. Hindi ako ang may kasalanan sa kanila, kundi sila ang may kasalanan sa akin. Lalo na ang walanghiyang half-sister ko! "What on earth are you doing here?" mahina pero mariin niyang tanong sa akin. "Why you ask
Chapter 17 Her Nice Customer Masaya naman ako sa trabaho ko. She doesn't care about the people who are gossiping about me. Nah... bakit ko iisipin kung ano ang sinasabi nila? Wala naman akong mapapala sa kanila. Stress at sama ng loob lang rin naman ang dulot kapag papatol ako sa mga chismis nila. Tse! Ano sila, diamond gold na pag-aksayahan ko pa ng oras? Never ever! Sampalin ko pa sila eh! Umirap ako sa hangin. "Good afternoon, ma'am! Have a good day. Welcome to Cromwell Mall," bati ko sa isang sosyal na babae. Tipid lang itong ngumiti. Okay na sa akin ang konting ngiti kaysa sa dedma. Sumunod ako sa kanya, hindi naman niya ako pinaalis. Hinahayaan lang rin niya akong nakasunod habang nagtitingin ng mga damit. Nagsasalita rin ako habang nagtitingin siya sa mga dress. Tatango lang rin siya ng konti sa pagsang-ayon sa sinabi ko. "Bagay po sa inyo 'yan, ma'am, lalo na sa kulay ng balat niyo. Makinis at maganda," magalang kong puri sa customer. "Thanks," sagot
Chapter 16 "Tao po! Hello, Aling Rosing!" malakas kong sigaw sa labas ng gate ng bahay nila. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago bumukas ang pinto. Mukhang kagigising lang niya. Pinagbuksan pa rin naman niya ako ng gate. "Wala dito ang mga bata, hija. May kumuha na lalaki, si Jupiter ang pangalan, inutos mo daw dahil late ka makakauwi," sabi agad ni Aling Rosing. "Ah, opo. Wala na po kasi akong time magtungo sa lagayan ng mga gamit ko para tawagan ka, Aling Rosing. Sobrang busy ko po kasi ngayong araw. Pasensiya na, baka natakot ka pa po dahil iba ang kumuha sa mga bata," nahiya pa ako dahil baka kung ano ang isipin niya tungkol sa akin. "Ayos lang, hija. Mukhang kilala naman ng mga bata ang lalaki. Hindi ko pa nga sila napipigilan, tumakbo na sila agad pagkakita nila sa lalaki. Huwag mo sana mamasamain ha, kaano-ano mo ang lalaking iyon, hija?" tanong ni Aling Rosing. "Nakilala ko lang po siya sa mall, delivery boy siya ng department store na pinagtatrabahuan ko p
Chapter 15 Overtime Dumating ang mga bagong brand na damit at kailangan kong mag-overtime. Hindi ko masasamahan ang mga anak kong kumain, kaya babawi na lang ako sa kanila mamaya. Bibili ako ng paborito nilang pagkain para hindi sila magtampo. Tanghali na, di pa ako kumakain? Hindi naman ako nakaramdam ng pagkagutom. "Have you eaten?" gulat na gulat na naman ako. Napasimangot na naman ako ng mapag-sino ko ang nagsalita sa likuran ko."Gusto mo bang magka-heart attack ako sa gulat, ha?!" inis kong sambit. "Nagsalita ako, di mo lang ako pinapansin. Masyado kang seryoso sa ginagawa mo. Nagmukha ka na namang matanda! No chance maging maganda, swerte mo nandito na naman ako sa tabi mo. Kahit papaano, gumanda ka kahit kunti," pang-aasar na naman niya sa akin. "Kahit kailan, talagang gago ka! Akala mo gwapo ka, ha? Planetang Jupiter na Alien, alis ka dito. Nahahawaan ako sa ka-alien-an mo!" napipikon kong sambit. Tumawa lang naman ito na parang hindi na pinipikon sa sinabi ko. Ako la
Chapter 14Annoying Guy"Iligpit ninyo ang mga kinalat ninyong mga damit! Just because customers are always right doesn't mean you have the right to mess up the clothing displays here! You should follow the rules, not only the saleslady, you should also follow them dahil sila ang mas may alam kesa sa inyo!" ma-awtoridad na utos ni sir Waylen. "No, I won't. I don't care!" mayabang na sagot nila. "I also don't care! If one of these items gets torn, dirty, or whatever, I will charge you triple! I will blacklist you here and in the other branches of the mall. And if you continue to be stubborn because you think you can do whatever you want, I will copy the CCTV recordings and pass them on to every mall in the Philippines to have you banned! Let’s see if you’ll still be brave then!" galit na sabi ni sir Waylen. "As if you can! Are you the owner of this mall? You won't scare us," mayabang na sabi ng pinakamaliit sa kanila. Talagang tatapang rin naman. Sabi ko pa sa isip ko. "Guards! Gu
Chapter 13 Troublesome Customer Hindi ko alam kung bakit sobrang busy ko ngayong araw na ito. Nagtaka pa talaga ako, ang daming burarang kustomer. Parang sinasadya na nila. May pumasok na tatlong dalagita. Mukhang nasa 20's below ang edad nila. Maingay at magulo sila, nagtutulakan pa. "Ang gaganda ng mga damit," bulalas ng isa. Kumuha ng mga damit at mukhang gustong isukat. "Saan ang fitting room dito?" mataray na tanong niya sa akin. "Doon banda. At miss, hindi pwede ang maraming isusukat. Tatlo lang ang allowed," sabi ko. "Isusukat lang naman eh," sabi rin ng isa. "Yes, pero tatlo lang ang pwede!" mahinahon kong sabi. "Bakit hindi pwede ang marami, ha?" nakapamaywang pang tanong ng pinakamatangkad sa kanilang tatlo. "Nasa rules ng department store na ito na tatlo lang ang pwede, para madali lang sa amin malaman kung ilan ang sinukat ninyo, para maiwasan ang mawawalang items at nakaw," mapagpasensya kong paliwanag. "Anong akala mo sa amin, magnanakaw?" sigaw ng
Chapter 12 Eat Together with Jupiter Hinayaan ko na siya ang nagbayad sa pamasahe namin. Diretso na muna ako sa katabing kanto para bumili ng pagkain namin ng mga bata. Sigurado akong naghihintay na sila sa pag-uwi ko. Nasa bahay sila Aling Rosing ngayon. Dadaan na lang ako pagkabili ko ng ulam namin. "Hello, Ate, dalawang order nga po sa igado, isang order sa sinigang na hipon. Oh wait, hindi ba allergy sa hipon ang mga bata?" tanong ni Jupiter sa akin. "Hindi naman, walang allergies ang mga bata," sagot ko. Siya na kasi ang nagpresenta na bibili ng ulam namin. Hinahayaan ko lang siya. "Good, because sinigang na hipon is one of my favorite dishes. Ah, Ate, dalawang order pa sa pakbet at pritong manok. Okay na ba o may gusto ka pang ulam?" tanong nito sa akin. "Okay na 'yan, mga bata lang naman ang matakaw sa pagkain," sabi ko. "Drinks?" tanong nito. Minsan lang naman sila mag-drinks kaya tumango na ako. Orange juice ang pinabili ko. Dalawa naman ang binili niya. "D
Chapter 11 She Got Angry Isang linggo na walang lalaking nagpapapansin sa akin sa department store. Nawala nga ang lalaking palaging nanggugulo sa akin, pero sumunod naman na nagpaparinig ang ilan sa mga katrabaho ko dito. Sila rin ang gumawa ng chismis sa isa kong kaibigan dito. Ginawan nila ng kwento na hindi naman totoo. Tapos heto sila nagpapapansin naman sila sa akin. "Mga magkakaibigan na malalandi, alam na alam nila kung saan sila kakapit para umangat sa buhay," parinig ng isa sa katrabaho niya. 'Tanga! Anong akala niya sa akin, poor?' Dahil nakakainis na sila, nagparinig na ako. "Kailangan ko yatang magdala bukas ng Baygon, the multi-insect killer, o yung Raid para sa langgam at ipis. Ang daming virus at insektong nandito sa department store. Kailangan ko na yatang sabihin sa may-ari ng mall na ito na nagkalat ang mga insektong ito sa loob ng department store upang mapuksa na agad-agad. Hmp!" irap ko pa sa hangin. Humalakhak naman ang kaibigan kong si Rosey. "Ka
Chapter 10 Unwanted Visitor "Mama, gusto lang namin siyang kausapin. Tsaka baka pagod na siya sa pagtitinda ng balut," pa-cute na sabi ni Jon. "Magpahinga muna siya, Mama, kasi lagi siya nagtatawag ng bibili ng baluuuuuut, baluuuuuut, wuwuwutwu, baluuuuuut," hindi namin mapigilang tumawa sa panggagaya ni Jan sa balut. May karugtong pang ibang salita. Hindi ko na alam kung sino sa dalawa ang maloko at makulit. Minsan nagsasalitan silang dalawa sa kakulitan na parang may telepathy silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. "Mama, hindi po ba kayo magagalit?" dagdag pa ni Jam na tanong sa akin. Mahal na mahal ko ang batang ito. Malambing na bata siya. Kahit hindi kadugo ng mga anak ko si Jam ay very close at caring pa rin sila sa Ate Jam nila. "Ano pa nga ba, mga anak, hinila niyo na siya, di ba?" "Pahinga lang naman po siya eh," sagot ni Jan. "Sa labas lang, bawal sa loob," sabi ko. "Okay lang, ang mahalaga ay nakita ko kayo," singit ni Jupiter. "Kung sana nagtinda