Xander Pov... Hindi ko alam kung anu ang nangyari pero panigurado kong hindi okay si Steve. Ito pa lang ang unang pagkakataon na pumalpak siya. Mantakin mong maraming nakalimutan pagkatapos makita ang mahiwagang babae. Ilang buwan na niyang ipinapahanap ang babae pero hindi siya mahanap hanap kahit na batikan at magaling ang mga detective na binayaran niya. Paano ba naman kasi hahanapin ang hindi alam ang pangalan saka paano kung taga ibang bansa pala siya. Nahihiwagan din ako kung sino ang babaeng nakaniig niya. Pumunta ako sa bar at hinanap pero ang vip ay walang camera nga pala. Hindi rin naman niya kasi maalala ng maayos ang mukha ng babae. Mata at labi lang daw pero kapag makita daw niya masisigurado niya na siya yung babae. Kung sana maipinta niya ng maayos eh. Para kaming naghahanap ng karayom sa imbakan ng dayami. Natatawa nalang ako na sa apat na buwan na nakalipas ay ang babaeng nakaulayaw niya ang tanging bumabagabag sa kanya. Hindi siya tumigil sa paghahanap kung sino
Jaya Pov... Nakatayo ako dito sa labas ng Cebu paliparan. Inaanaty ko ang aking pinsan na susundo sa akin.Sa pagmamadali kong umalis, hindi ko nasabihan si Misha na siya na ulit ang magiging assistant ni daddy. Wala siyang kaalam alam na nakaalis na ako. "Bakla, sorry ha hindi na ako nagsabi sa'yo, biglaan ang alis ko bago mahalata ang paglobo ng aking tiyan. Andito na ako sa Cebu ngayon at kina lola Angela ako titira ng isang taon. Depende sa sitwasyon kung kailan ako babalik jan." Ipinadala kong mensahe kay Misha. "Baklaaaaa!!!! Kukurutin na kita sa tinggil mo eh! Kaya ko naman maglihim ng sekreto para takbuhan mo ako ng ganyan. Oh, siya dadalawin nalang kita jan para naman hindi ka masiraan ng bait." Maktol naman niyang sagot. "Nag aalala kasi akong mapansin ni mommy at daddy ang pagbabago sa katawan ko." Paliwanag ko na sagot. "Pero dapat sinabihan mo pa rin ako para nasamahan man lang kita. Bakla ka talaga!" Reklamo niya na sagot din. "Pasensya ka na Misha. Alam mo naman w
Steve Pov...Namiss ko ang aking opisina, isang buwan akong namalagi sa Maynila dahil sa isang malaking proyekto. Umupo ako at pinaikot ang aking upuan na nakapikit. Hmmn! I miss this smell. Walang pinakamasarap sa pakiramdam ang mamalagi dito sa aking opisina. Ito na ang pangalawa kong bahay. Haaay! My little sanctuary! Pagbulalas kong nakapikit. Natinag ako sa pagmuni muni sa pagbukas ng pintuan. "Steve iho!" Bungad ni daddy pagkapasok niya. "Hi dad!" Nakangiti ko rin na sagot. "Kumusta ang lakad mo anak? Anung nangyari sa meeting mo doon sa Maynila. Paniguradong magugustsuhan nila, maganda ang lokasyon mo ngayon at ang disenyo." Tanong agad ni daddy pagkaupo niya. "Dad, okay naman, natuwa sila sa ganda ng lokasyon at plano kaya pumirma agad sila sa kontrata." Masaya kung pagbalitang sagot. Pinagulong man ako ni Mr. Salas nakabingwit naman ako ng mas malaking isda. Hindi ko alam kung papasalamatan ko ba siya o kakasuklaman. "I never doubted you iho! You always amazed and surpr
Jaya Pov..."Pinsan, bakit ganyan ang itsura mo parang hinahabol ka ng ilang kabayo sa pagtakbo." Sita ko sakanya pagkakita kong humahangos papasok ng mansion ni Lola Angela."Naku pinsan mas malala pa sa kabayo!" Kanyang sagot na hinihingal. Humalakhak ako sa kanyang kalokohan. "Anu naman ang drama mo pinsan. Nakakatawa ka!" Nakatawa kong sagot sa kanya. "Pinsan nagmamakaawa ako kailangang-kailangan ko ang tulong mo, please!." Habol kabayong hiningang sabi ng pinsan ko. "Magpahinga ka kaya muna bago mo sabihin sa akin ang pakay mo, ikukuha muna kita ng tubig baka lusubin pa kami ni Marco dito." Sabi ko sabay tumayong pumasok sa loob ng bahay. Gaano ba kaimportante ang gusto niyang sabihan. "Salamat pinsan." Saad niya pagkaabot ko ng baso ng tubig at nilagok dahil sa kauhawan. "Oh! Anung tulong ba ang kailangan mo sa akin na hindi pwedeng ipabukas. Hitsura mo parang galing pa sa welga!" Natatawa kong tanong sa kanya. "Alam mong nagtatrabaho ako sa isang hotel & resort corp dito s
Jaya Pov... Nasa harapan na kami sa Hotel na pinapasukan ni Karol at kabado akong makaharap ang kanyang amo. Sana mabait siya at kami'y magkakasundo. Sana'y akong ako ang boss hindi 'yong ako ang uutusan o maninilbihan sa ibang tao. Pero kailangan ko ding gawin ito hindi lang dahil kay Karol at Zion kundi para sa sarili ko. Kailangan kong umusad para sa pag-asenso ng buhay ko. Kahit usad pagong pa yan basta my patutunguhan. "Good morning Sir Steve. Siya po ang tuturuan kong papalit sakin." Nakangiting bungad bati ni Karol pagkarating ng kanyang amo. Muntik ng mapabuka ang bibig ko para sumigaw ng WOW. Hindi ko naman kasi aakalain na makalaglag panty pala ang magiging amo ko sa kagwapuhan. Lintek! Makakapal ang kilay na parang sinadyang pina-ayos, mapula-pula ang maninipis niyang labi na maaakit kang halikan, maganda ang kanyang malalim na kulay bughaw na mata, tamang hugis ng mukha katulad ng mga japanese anime at matangkad na pwedeng maging kasapi ng basketball game. Maganda rin
Jaya Pov... Hindi ko namamalayan ang pagdaan ng panahon. Dalawang taon na pala akong naging sekretarya ni Steve Montano at kasama na doon ang itaboy ang mga lintang hitad na humahabol sa kanya. Para silang mga sinilihang linta sa kakahabol sakanya pero isa lang naman silang one night stand o tagakamot ng kati niya. Hindi ko alam kong isusumpa ko ang aking amo o ang mga hitad na nagpapaloko.Hindi naman talaga mahirap mahalin ang isang Steve Montano eh, nakakatakot nga lang ang kabayaran kapag mahalin mo siya. Nagwagi na nga siya actually dahil nasungkit na nga niya ang puso kong talandi. Sobrang hina ko rin at tanga.Sobrang kapit ko lagi sa aking gilid ng aking mesa para mapigilan ang sarili kong tumalon sa kandungan niya. Maamoy ko palang ang presko niyang amoy sa umaga namimilipit na ang aking leeg para silipin siya pero pinandigan kong huwag lingunin. Mahirap na, tanga pa naman ang katawan ko gusto talaga magpasakop sakanyang matitipunong bisig buti nalang gumagana pa ang utak ko
Steve Pov...Dalawang taon kong nakasama si Jaya pero ni minsan hindi ako tinapunan ng tingin o matitigan sa mukha. Para akong isang aninong dumadaan sakanyang harapan. Pakiramdam ko mayroon akong sakit na nakakahawa. Kunwaring marami siyang ginagawa at isasabay sakanyang pagbati para hindi magkasalubong ang aming tingin. Wala ba akong epekto sakanya? May nagbago na ba sa mukha ko. Hindi na ba ako kaakit-akit tignan? Kulang ba sa puti ang aking ngipin at hindi magandang tignan kapag ako'y ngumingiti? Wala naman akong masasabi tungkol sa trabaho niya. Mabilis at malinis siya magtrabaho. Pagpasok ko palang sa opisina andoon na ang mainit kong black coffee kasama lahat ng itineraries sa buong araw. Lahat ng dokumentong dapat pirmahan at deadlines nakaayos na magkakasunod sa mesa ko. Hindi ko siya kailangang sabihan ng mga gagawin niya. Isa lang talaga ang hindi niya magawa, ang tumingin sa akin at ngumiti o kausapin ako ng matagal. Kaya naisipan kong imbitahin sa aking opisina kung ako
Jaya Pov..Gumising akong parang dinaanan lang naman ng truck ang buo kong katawan at may bonus pa na sakit ng ulo. Nanghihina at pagod na pagod. Umiikot din ang paningin sa sakit ng aking ulo at nahihilo. Pinilit kong imulat ang aking mata para tignan kung anung oras.Oh my God!... Jaya anung oras na bakit andito pa ako sa opisina ni sir Steve at dito pa talaga ako natulog. Sermon ko sa aking sarili na nakatingin sa wall clock sa loob ng opisina ni sir Steve. Hinilot ko ang aking sintido para gumaan ang aking pakiramdam nung mapansin kong wala akong saplot at nagkalat ito sa sahig. Lumaki ang aking mata na nakatitig sa aking saplot na nagkalat sa sahig.Biglang nagflashback ang nangyari pagpasok ko dito kahapon bago sana ako umuwi. Kung hindi ako pumasok dito kahapon hindi sana ako gigising na luhaan. Anung katangahan nanaman ba ang ginawa ko kagabi! Tangi kong usal sa aking sarili na paulit ulit nagiging tanga. Napaluha nalang ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay inangkin nanama