Share

18: Driver

Napaka-awkward ng katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko sana magpatugtog pero baka hindi niya gusto. Hindi rin ako makapagsalita kaya bahala na. Hindi rin naman ako makapag-cellphone dahil nahihilo ako kapag umaandar.

Honestly, hindi ko alam kung makakarating ba akong maayos sa Aurora. Tahimik lang si Jeremy na nagda-drive, seryoso ang mukha, halatang hindi mo mabibiro.

Naalala ko yung mga araw na kami pa noon. Siya talaga lagi ang nagda-drive. Hatid-sundo niya ako kapag pumupunta ako sa work. Pero hindi ganito na hindi kami nag-uusap. Magkasundo kami maski sa taste sa music kaya madalas na nagkakantahan kami sa loob ng sasakyan o kung hindi ay nagkukwentuhan ng mga nakakatawa at nakakaasar na nangyari sa buong araw namin.

We weren't just boyfriend-girlfriend. We used to be each other's best friends. Kaya din siguro kahit naka-move on na ako, kami, may parte pa rin na masakit. Friendship break up sucks, too.

Literal na walang umimik sa amin hanggang makarating kami sa hotel na pan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status