"Huwag mo ng isipin iyon. Hindi naman siya kawalan, duh!""Satrue lang. Ano naman kung gwapo yung ex mo? Eh, napakadami namang may itsura sa mundo. So kung mayaman? Eh, may pera ka rin naman. Hahanapan na lang kita ng iba."Napailing-iling ako sa mga kaibigan ko. Kasama ko ngayon si Ryla at si Jess. Nasa loob kami ng Mall at namimili ng mga gamit ko dahil madami pang wala sa condo. At ngayon ay naglalakad-lakad kami habang namimili ng sofa set para sa living room ko. Katatapos lang kasi namin bumili ng mga appliances na ide-deliver mamaya.Topic nila si Jeremy. Yung Jeremy na bago. Hindi ko siya ma-consider na ex ko dahil ibang-iba siya sa taong nakilala at minahal ko. I get that we're both mad at each other but I don't see any reason for him to rude at me. It's not like I cheated on him-- oo nga pala, iyon nga pala ang akala niya."P'wede ba, Jess? Hindi naman ako umuwi para sa kanya o para makipagbalikan, ano!""You proposed a marriage, Zoe! Ano pa sa tingin mo ang nangyayari ha?" U
Si Ate Jane ay kasama ko noong nagtatrabaho ako rito five years ago. At totoong walang nakakaalam na akin ang cafe na ito. Ayaw ko rin naman ipaalam dahil pakiramdam ko ay mag-iiba ang trato nila sa akin kapag nalaman nila. And I'm happy with the my relationship with my co-workers that time."Kailan ka pa nakauwi? Napakaganda mo, para kang artista."Uminit ang mukha ko sa compliment na binigay niya."This is your order, Ma'am." Ibinaba ng babaeng nagse-serve ang order ko sa aming mesa. Pagkatapos ay gulat siyang napatingin sa manager niya. "Hello po, Ma'am Jane.""Say hello to your real boss, Kia. This is Zoefia Chelsea Morgan," pakilala niya sa akin.Natatarantang tumingin sa akin ang babae at yumuko pa sa harap ko."Pasensya na, ma'am, hindi ko po kayo nakilala. First time ko po kasi kayo makikita sa personal," kinakabahang paliwanag niya.I smiled before tapping her arm."Ayos lang iyon. Bumalik ka na sa trabaho mo."Nagpasalamat ito at nagmamadaling umalis. I am sure I am not inti
Cheater...Narinig ko na naman ang salitang iyon. Hindi ako galit. Hindi na rin ako naiinis. Noon siguro, oo. Noon, naiinsulto. Pero ngayon ay wala na lang. Hindi rin naman ako guilty.Tumayo ako at lumayo sa kanya. Mukhang kahit naman anong gawin kong pangungumbinsi ay wala akong magagawa."You're looking for a wife," puna ko. "Wala ka rin namang girlfriend. It's not as if may mawawala sa iyo kung ako ang pipiliin mo."His brow shot up. Umayos siya ng tindig at diretsong tumingin sa akin pero bago iyon ay pasimple niyang pinasadahan ang kabuuan ko. I'm wearing a semi-formal clothes today so he can't put a bad comment on it."Wala rin naman akong mapapala kung ikaw ang pakakasalan ko."Yung pang-iinsulto mula sa bibig niya ay tumagos sa dibdib ko. Wow! As if naman may mapapala ako sa kanya."Ano naman kung wala?" Taas-noo ko siyang tiningnan. "Company, partnership, business deal... iyon ang pinag-uusapan natin dito. This is nothing personal.""Marriage is very personal to me, Miss Mor
Maghapon kong kasama si Lander. Bumalik kami sa opisina pagkatapos naming magtungo sa bahay. Nagkaroon ng meeting at ilang mga pagpapakilala. May mga investors din na dumaan para makita ako. Mas kilala ang kapatid ko sa pagma-manage ng mga negosyo namin dahil sa cafe lang naman talaga ako naka-focus. Pero ngayon ay nakakatuwa na makilala ang mga tao na tumulong upang maabot namin kung nasaan kami ngayon."I know a good restaurant. Doon na lang tayo mag-dinner?""Sige," sagot ko at hinayaan siyang mag-drive kung saan man ang tinutukoy niya.Ako naman ay abala sa ipad ko. Sa dinner ay idi-discuss na rin namin ni Lander ang mga plano namin para sa mga susunod na buwan. Kailangan din naming puntahan ang hotel namin sa Cebu na next month na ang opening. I have to schedule my visitation for that. "Nabanggit mo na ba kila tita na ibebenta na ang bahay?" "Hindi pa ngayon pero nasabi ko naman na bago tayo umuwi. Ayos lang naman sa kanila. Wala na rin naman silang balak umuwi pa roon," sagot
Lunch time na nang makarating kami sa Cebu. The hotel is still under construction. Kaya naman sa iba kami tumuloy. Isang magandang transient house na may view ng dagat ang napili ng mga kasama ko, hindi rin kalayuan sa hotel na dadalawin namin mamaya.I am with my friends. Weekend din kasi kaya naisipan na rin naming mamasyal kahit papaano."Mag-boy hunting na lang tayo diyan sa kabilang resort," biro ni Ryla habang nasa terrace kami ng tinutuluyan, nagkakape, at nakaharap sa malawak at payapang karagatan.Si Lander ay nauna na sa hotel na ginagawa dahil imi-meet niya na yung head engineer. Susunod kami mamayang hapon kapag hindi na mataas ang araw."No, thanks," sagot ni Jess na mayroon ng ka-talking stage. "Loyal ako, ano!"Ngumiwi si Ryla. "Ikaw na lang, Zoe.""Pass.""Pass pass ka diyan. Huwag mo sabihing na-inlove ka na naman doon sa ex mo?"Matalim ko siyang tinapunan ng tingin."The fvck?! Hindi, noh.""Wait, speaking of Jeremy, kumusta yung marriage proposal mo?" Jess asked. N
Green na silk mini dress ang suot ko nang pumasok kami sa loob ng club. Nagkayayaan lang na uminom ngayon. It's another Sunday night. Dalawang linggo na ako rito sa Pinas pero wala pa ring nangyayari. Balak kong pumunta sa opisina ni Jeremy noong Friday pero nagpa-appointment na muna ako. This time idadaan ko sa pormal at maayos na pakikipag-usap. This is a business deal and I want to do it in a way that he won't take personally. At bukas ang schedule ko. Sa tingin ko ay hindi niya alam na imi-meet niya ako dahil kung ganoon ay alam kong hindi siya papayag na maisingit ako sa schedule niya.Maingay pero masaya. Madaming nagsasayawan sa dance floor, nagtatawanan sa gilid, may mga magjojowa na may sariling mundo, at mga magbabarkada na nag-aasaran. Most of the people here are in their late twenties. "Whiskey, please," request ko sa bartender."Don't drink too much, Zoe," paalala ni Lander bago nagpunta sa mga kakilala niya.The girls started partying on the dance floor. Kasama rin nam
Tahimik akong umiyak kagabi habang tulala. Nasa tabi ko lang si Ryla, nakabantay, at hinahayaan akong umiyak. Nakakainis, eh. Bakit ba ako nagpapaapekto sa sinabi niya?Actually, alam ko ang rason.Kasi hindi siya ganoon noon. He never told me things that might hurt my feelings. He knew that words cut deeper than a knife could ever do. Hindi niya ako pinagsasalitaan ng ganoon noon kahit pa magkaaway kami.At ngayon ay naghahanda na naman ako para makita siya. Partner na pink suit at pants ang suot ko. White na top sa loob ng suit. White din na stilettos at bag. Naglagay ako ng light na make up. Hindi naman halata na umiyak ako kagabi lalo na't hindi naman ako humagulhol ng sobra. May mga luha lang talaga na hindi ko napigilang lumabas."Kaya mo ba siyang harapin ngayon? P'wede naman nating i-resched ito, Zoe," ani Ryla.Pati sina Jess at Lander ay nangungulit na huwag ko na lang daw munang harapin si Jeremy kung hindi ko kaya.Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili sa harapan n
Hindi ko na pinapasok si Lander sa loob at kinuha ko na lang sa kanya yung files sa labas ng opisina ni Jeremy, sa may pwesto nung secretary niya. Alam kong iinit lang ang ulo ni Lander at hindi rin ganoon kalamig ang ulo ni Jeremy rito.Pagbalik ko sa opisina niya ay ibinigay ko agad sa kanya ang hawak ko."Ito yung initial plan para sa project. May measurement na rin diyan pero estimate pa lang," sabi ko.Kinuha niya iyon at mabilis na pinag-aralan. Pagkatapos ay tiningnan niya ang oras sa kanyang relo at tumayo."I'll go to the conference room now. Come with me.""Ha?" Sinabi ng may mga lakad pa ako, eh! "Bakit kasama pa ako? Akala ko ba 'yang hard copy ng plan lang ang kailangan mo?""I will present your project with the engineers. Kapag may tinanong sila, alam ko ba ang isasagot ko?" Umismid ako at wala na ring nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Sumakay siya ng elevator at nag-aalangan akong sumunod. Pinindot niya ang floor number na nasa baba lang ng mismong office niya.K