Home / Romance / Billionaire's Love at First Met / Ang babaeng nakalaan sa kanya

Share

Ang babaeng nakalaan sa kanya

Author: Esang
last update publish date: 2026-11-05 10:58:01

Kabanata 8

Hindi naging maganda ang gising ko kinabukasan. ‎Kahit ilang beses kong piliting huwag isipin ang sinabi ni Adrian, paulit-ulit pa rin itong bumabalik sa isip ko. Minsan, habang nag-aalmusal ako, bigla kong maaalala ang pangalan ni Camille. Minsan naman, habang inaayos ko ang mga gamit ko, maiisip ko kung gaano na kaya sila katagal magkakilala.

‎Hindi ko naman gustong ikumpara ang sarili ko sa kaniya. Wala akong dahilan para gawin iyon. Hindi ko siya kilala, at hindi ko alam kung ano
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire's Love at First Met   Ang babaeng nakalaan sa kanya

    Kabanata 8Hindi naging maganda ang gising ko kinabukasan. ‎Kahit ilang beses kong piliting huwag isipin ang sinabi ni Adrian, paulit-ulit pa rin itong bumabalik sa isip ko. Minsan, habang nag-aalmusal ako, bigla kong maaalala ang pangalan ni Camille. Minsan naman, habang inaayos ko ang mga gamit ko, maiisip ko kung gaano na kaya sila katagal magkakilala.‎Hindi ko naman gustong ikumpara ang sarili ko sa kaniya. Wala akong dahilan para gawin iyon. Hindi ko siya kilala, at hindi ko alam kung anong klaseng tao siya. ‎Pero hindi ko rin maitatangging may kaba akong nararamdaman. ‎Iba kasi kapag ang isang babae ay hindi lamang basta naging bahagi ng nakaraan ng lalaking gusto mo. Mas mahirap kapag alam mong may mga taong umaasang siya ang magiging bahagi ng kinabukasan nito.‎Bandang hapon, habang nakaupo ako sa gilid ng kama, tumawag si Adrian. ‎Ilang segundo akong nagdalawang-isip bago sagutin. Nang makita ko ang mukha niya sa screen, napansin kong pagod siya. Nakaayos pa rin ang buhok

  • Billionaire's Love at First Met   Ang lihim sa likod ng Mensahe

    Kabanata 7 Ilang minuto akong nakatitig sa cellphone ko matapos kung mabasa ang huling mensahe ni adrian. ‎May isang taong bumalik sa buhay niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Marahil dahil hindi ko kilala ang taong tinutukoy niya, o dahil natatakot akong may bahagi pala ng buhay niya na hindi ko kailanman malalaman hangga't hindi niya mismo sinasabi sa akin. Hindi naman bago sa akin na may mga taong naging bahagi ng buhay niya bago pa kami magkakilala. Natural lamang iyon. May sarili siyang kuwento, mga kaibigan, at mga karanasang hindi ko kailangang malaman lahat. ‎Pero iba ang pakiramdam ko ngayon. May kakaibang bigat sa paraan ng pagsasabi niya. Para bang may isang bagay siyang matagal nang iniiwasang pag-usapan at ngayon ay kailangan na niyang harapin. Muli kong binuksan ang aming usapan at binasa ang huling mensahe niya. ‎May isang taong bumalik sa buhay ko, Isabel. At alam kong may karapatan kang malaman kung sino siya. ‎Huminga ako nang malali

  • Billionaire's Love at First Met   Ang distansiyang namamagitan saamin

    Kabanata 6 Hindi ko akalaing magiging ganoon kahirap ang umalis sa Manila. Tatlong linggo lang naman ako roon. Tatlong linggong dapat ay trabaho lang ang iniisip ko, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang taong naging dahilan kung bakit ayaw ko nang matapos ang pananatili ko. Si Adrian Laurent. Mula nang makilala ko siya, maraming bagay ang nagbago sa pananaw ko. Hindi ko inaasahang ang isang lalaking unang nakilala ko bilang isang seryoso at halos hindi ngumingiting CEO ay magiging bahagi ng mga araw na gugustuhin kong balikan. Pero dumating din ang araw na kailangan kong umuwi. Pagdating ko sa Bukidnon, sinalubong ako ng pamilyar na kapaligiran. Tahimik ang paligid kumpara sa abalang mga kalsada ng Manila. Bumalik ako sa dati kong gawain, sa simpleng pamumuhay na nakasanayan ko bago pa ako nagkaroon ng pagkakataong makilala si Adrian. Dapat ay masaya akong nakabalik. Pero sa tuwing hawak ko ang cellphone ko, hinahanap ko ang pangalan niya. Hindi naman kami nawalan ng kom

  • Billionaire's Love at First Met   Ang tatlong linggo na nagbago ng lahat

    Kabanata 5 Dalawang araw na lamang ang natitira bago matapos ang assignment ko sa Manila. Mas mabilis pala ang oras kapag ayaw mong matapos ang isang bagay. Noong una akong dumating, binibilang ko ang bawat araw. Dalawampu't isang araw. Tatlong linggo. Isang maikling assignment na kailangan ko lamang tapusin bago makabalik sa dati kong buhay. Ngayon, ayaw ko nang bilangin ang natitirang oras. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong nararamdamang may maiiwan ako kapag umalis. At alam ko kung sino iyon. Si Adrian. Buong umaga akong abala sa huling presentasyon ng proyekto. Kailangan naming isumite ang lahat ng dokumento bago matapos ang linggo, kaya sinigurado kong maayos ang bawat detalye. Nakapagtataka kung gaano kabilis naging pamilyar sa akin ang opisina, ang mga mukha ng mga kasamahan ko, at maging ang tunog ng mga yapak ni Adrian sa pasilyo. Malaking bahagi ng tagumpay ng aming pangkat ay dahil sa paraan niya ng pamumuno. Hindi siya palaging nakatayo sa tabi namin, at hindi ni

  • Billionaire's Love at First Met   May mga bahagi na hindi ko inaasahan

    Kabanata 4 Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa karaniwan. Hindi ko alam kung dahil sa pananabik o kaba. Marahil pareho. Buong gabi kong sinubukang huwag isipin ang nangyari sa tabi ng ilog, ngunit paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Adrian. Hindi niya ako pinilit. Hindi niya rin ako minadali. Gayunman, malinaw niyang ipinakita na gusto niya ako. At marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit mas mahirap siyang iwasan. Pagdating ko sa opisina, abala na ang buong pangkat. May bagong iskedyul para sa proyekto, at kailangan naming tapusin ang ilang dokumento bago matapos ang araw. Naupo ako sa mesa ko at agad binuksan ang laptop, determinadong ibalik ang sarili sa nakasanayang gawain. Trabaho ang dahilan kung bakit ako naroon. Dapat iyon ang manatili sa isip ko. Hindi nagtagal, may folder na inilapag sa tabi ng laptop ko. Pagtingala ko, nakita ko si Adrian. Wala siyang sinabi, tumingin lamang siya sa screen ko, saka itinuro ang folder. Binuksan ko iyon at nakita a

  • Billionaire's Love at First Met   Ang mga desisyon na ikinabigla ko

    Kabanata 3 Tatlong araw ang lumipas mula nang magsimula ang bagong iskedyul namin para sa proyekto. Sa unang tingin, wala namang nagbago. Maaga akong pumapasok, nagtatrabaho hanggang hapon, dumadalo sa mga pagpupulong, at umuuwi sa apartment kapag tapos na ang lahat. Sinubukan kong gawing normal ang bawat araw, pero may isang bagay na hindi ko na kayang balewalain. Si Adrian Laurent. Hindi ko sinasadyang hanapin ang presensiya niya. Minsan, sapat nang makita ko ang itim niyang sasakyan sa labas ng gusali para mapatingin ako. Kapag naririnig ko naman ang boses niya mula sa silid-pulong, kusa akong napapalingon. Kahit wala siya, nahuhuli ko ang sarili kong nag-iisip kung nasaan siya. Nakakainis, dahil pumunta ako sa Manila para magtrabaho, hindi para abalahin ang sarili ko sa isang bilyonaryo. Kaya lalo kong ibinuhos ang pansin ko sa trabaho. Noong araw na iyon, may mahalaga kaming presentasyon sa isang grupo ng mga mamumuhunan. Nakasalalay dito ang susunod na bahagi ng proyekto, kay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status