“CALL me Nim, and I’ll be your guide for this EBC trek.” Pagpapakilala ng lalaki. Tumingin ito sa dalawang kasama, “These are Adesh and Hem, your porters,” dagdag pa nito. The porters lightly arched their heads. Parang nahihiya ang dalawa. Samantalang nakipagkamay si Nim sa kanilang limang naroon. “I’m Nehan,” pagpapakilala nito mula sa tabi ni Lara. “Lara.” Itinaas ng dalaga ang kanyang kamay. “I’m Austin,” nakangiting anas ng lalaki. At itinuro nito ang katabi, “And this is Devance.” Napaangat ang isang kilay ni Triana at hindi nakatiis na magkumento. “Is your friend mute or something?” pasaring ng dalaga. Laking gulat ni Triana nang biglang nilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. “I didn’t know you want my name that bad. You can call me, Dev. What’s your name?” Napuno ng katiyawan ang paligid. Pakiramdam ni Triana ay umakyat ang kanyang dugo sa mukha dahil biglang uminit iyon. Tumingin si Triana sa mga kasama at atubiling tinanggap ang kamay ng lalaki. “Triana.” Mabilis na bi
KINABUKASAN ay bumalik sila sa trail ilang oras matapos mag-agahan sa inn. Iwas na iwas si Triana kay Devance dahil sa insidenteng nangyari kaninang madaling araw. Tiyak na papatulan niya ang pagiging presko nito kapag nagpang-abot uli sila. Lalong umiinit ang ulo siya sa lalaki. His presence alone made her feel uneasy. Kung makaasta ito ay kakambal na yata ang lakas ng hangin sa katawan at kayabangan. And speaking of the devil, parang nananadya ito. Naglakad ito patungo sa kanya at nagsalubong ang kanilang mata “Hey, Austin! Pakitingnan nga kung may butas itong hydration pack ko,” tila nang-aasar na sabi nito sa kasama pero sa kanya nakatingin. Mabilis naman si Austin na lumapit dito. “Bakit, may leak ba? Na-check ko naman ‘yan nang maigi. Sinigurado kong walang butas,” wika ni Austin. Hindi maiwasan ni Triana ang magulat. Bumuka ang bibig niya na hindi makapaniwala sa mga naririnig. Deretso talagang managalog ang dalawa! Tumingin si Austin sa gawi niya. Halatang pinagti-tripan
NAGISING si Triana sa hindi pamilyar na silid. Nahilot niya ang sentido dahil sa bahagyang pagkirot niyon. Unti-unti niyang inalala ang mga nangyari. Her eyes widened when she realized what had happened during the trek. She remembered her severe altitude sickness. Malamang ay pinag-alala niya ang kaibigan at sinira niya ang itinerary ng mga kasama patungong basecamp. Mabilis siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Her eyes traveled around as she studied the room, mukhang wala naman siya sa hospital kung pagbabasehan niya ang mga mamahaling muwebles na naka-display sa paligid. She even recognized some famous paintings that were proudly hanged on the wall. Nasaan ba siya? And where was Lara? Tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili. Hindi na naman siya nahihilo. Kaya lumabas siya sa terrace ng silid na kanyang kinaroroonan. Mataas na ang araw, pero bigla siyang sinalubong ng malamig na ihip ng hangin mula sa labas. It appeared that her room was located on the fourth floor.
MAINGAT si Devance sa pag-drive kaya maayos naman ang kanilang naging biyahe nang marating ang kanilang destinasyon sa Nagarkot. May mga nadaanan silang lubak kaya panay ang reklamo ni Triana kung bakit hindi pa iyon pinapaayos samantalang papunta iyon sa isang kilalang tourist destination. Bumaba sila sa motor at saglit na nag-mini trek papunta sa mataas na bahagi ng burol kung saan makikita ang overlooking view ng Himalayas. Kaso pagdating nila sa itaas ay walang clearing. Napailing na lang si Devance at apologetic na ngumiti. “Sorry girls, ang kapal ng ulap. It might rain anytime.” “This place is heavenly if only it’s not cloudy,” sabi ni Austin. Si Lara ang sumagot. “It’s all right. We are thankful for your efforts to drive us here. Besides, unpredictable talaga ang weather sa bundok.” And as if on cue, it began to drizzle. “Let’s go, it’s raining!” yakag ni Devance sa lahat. Nagsitakbuhan sila paibaba dahil mabilis na lumakas ang ulan. Pumasok sila sa loob ng isang maliit n
MAAGANG kinatok ni Triana sa kuwarto si Lara. It was almost dawn, and her friend moved lazily as she opened the door. Magulo ang buhok nito at halatang-halata ang eyebags dahil marahil sa puyat. “What’s the matter? It’s too early. I’ve only been asleep for an hour!” palatak ni Lara sa kaibigan. “Come on, Lars. Get a shower, quick! We need to leave here now.” Mabilis na itinulak ni Triana ang babae patungo sa comfort room. “Bakit ba?” Naiinis na sambit ni Lara. “I’ll explain later. Come on!” “It’s impolite to leave without saying goodbye to our host. Hindi ka ba nahihiya?” Napahawak sa sentido si Lara. Tila unti-unti na itong nagkakaroon ng energy kahit tinatamad. “I know! But something happened last night.” Parang biglang nahimasmasan si Lara sa sinabi niya. “Bakit anong nangyari?” “Well…” bigla siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba rito ang nangyari kagabi. Lihim siyang napalunok bago muling nagsalita, “H-He tried to kiss me last night.” “Okay, and?” “That’s it! Hindi ni
“MOM, Dad! I didn’t know you were coming home.” Gulat na salubong ni Devance sa magulang nang maabutan itong umiinom ng tea sa rooftop. Abala si Bilhana sa pag-asikaso sa mga ito. Kadarating lang kasi niya mula sa jogging galing sa malapit na temple mula sa bahay at hindi naman nag-abiso ang dalawa na uuwi dito sa Nepal. Mahigit isang linggo na mula nang umalis sina Triana sa bahay at inabala na lang niya ang sarili sa work out at gardening habang nagpapalipas ng oras. Malaking bulas siya at maraming nagugulat na mahilig siya sa halaman. He just loved anything about nature.“Good thing you’re here now. We have been back here to catch you because we’re going to the Philippines,” wika ni Akhil matapos nitong uminom ng tea. Lumapit si Devance sa magulang. Humalik siya sa pisngi ng ina at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. “Why? Is there a problem?” takang tanong niya.Sandali silang naantala nang ihain ni Bilhana ang kanyang tea. Hinawakan ng kanyang ina ang kamay niya na nakapat
TAAS-NOONG bumaba ng sasakyan si Devance kasama ang kanyang mga magulang. Si Austin ang nag-drive ng sasakyan nila. Hindi sila nagdala ng maraming bodyguard para hindi makaagaw ng atensiyon. This could be his engagement, but he already made some precautionary measures. Lalo na kung sakaling magkagipitan. Pumayag lang siyang makipagkita sa babaeng itinakda ng ama sa kanya dahil talagang na-freeze ang ilang assets niya noong nagkipagtalo ulit siya sa daddy niya matapos ang ilang araw mulang nang dumating ito sa Nepal. He tried to push his luck, but it seemed his fate was already sealed. Ngayon heto at sumama siya sa Pilipinas para kilalanin kung sino ang babaeng iyon at sisiguraduhin niyang walang kasalan na magaganap. He never asked his parents about the girl, more on he was not interested. Kapag naaalala niya kasi ang tungkol dito ay lalong tumataas ang stress level niya sa katawan. Inilinga ni Devance ang mata sa paligid. He stood near the doorway of a modern two-storey house with
ON THE other side, Devance had to blink several times to make sure he was not imagining things. Paano ito nangyari? Nasa harapan niya ngayon ang isang surpresang kailanman ay hindi niya inaasahan. Tri? Kaswal niyang inilahad ang kamay nang makabawi sa pagkagulat. “Nice meeting you,” aniya sa seryosong tono. Ayaw niyang isipin ng magulang na nagkakilala na sila dati pa hangga’t hindi sila nagkakausap ng dalaga. “S-Same here.” Atubiling tinanggap nito ang kamay niya. It took her a while to act normal with her wonder-stricken face. Pinisil niya ang kamay nito pero agad din naman nitong binawi. Just how fast the night changes. He silently clicked his tongue. Handa na siya kaninang ipakita ang matinding disgusto sa mga mangyayari. Pero sa isang iglap lang, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Maging si Austin na nakatayo sa hindi kalayuan ay gulat na gulat din. Pero hindi naman ito nagkumento dahil wala ito sa lugar. Sabay-sabay nilang tinungo ang dining room at pasimple niyang tinapik