Share

CHAPTER 5

“CALL me Nim, and I’ll be your guide for this EBC trek.” Pagpapakilala ng lalaki. Tumingin ito sa dalawang kasama, “These are Adesh and Hem, your porters,” dagdag pa nito.

The porters lightly arched their heads. Parang nahihiya ang dalawa. Samantalang nakipagkamay si Nim sa kanilang limang naroon.

“I’m Nehan,” pagpapakilala nito mula sa tabi ni Lara.

“Lara.” Itinaas ng dalaga ang kanyang kamay.

“I’m Austin,” nakangiting anas ng lalaki. At itinuro nito ang katabi, “And this is Devance.”

Napaangat ang isang kilay ni Triana at hindi nakatiis na magkumento. “Is your friend mute or something?” pasaring ng dalaga.

Laking gulat ni Triana nang biglang nilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. “I didn’t know you want my name that bad. You can call me, Dev. What’s your name?”

Napuno ng katiyawan ang paligid. Pakiramdam ni Triana ay umakyat ang kanyang dugo sa mukha dahil biglang uminit iyon.

Tumingin si Triana sa mga kasama at atubiling tinanggap ang kamay ng lalaki.

“Triana.” Mabilis na binawi ng dalaga ang kamay at kaswal na ipinasok sa bulsa ng suot niyang kulay gray na trekking pants.

“Triana… nice name,” the man smirked. He studied her from head to foot, “No offense meant, but are you sure you can manage this trek?”

Naningkit ang mata ng dalaga. Hindi lang pala antipatiko ang lalaking ito kundi judgemental pa!

“Of course, I’m prepared,” she confidently said.

“’Kay, you say so.” Nagkibit ng balikat ang lalaki.

Pigil na pigil ni Triana na ismiran ito. Kung hindi lang maraming matang nakatingin sa kanila.

Nagsimulang magbigay ng briefings si Nim. Ipinaliwanag nito ang klase ng trail na madadaanan at kung ilang oras ang magiging trek bawat araw. He repeatedly reminded everyone to take it slow for the body to be properly acclimatized.

“Everest base camp is five thousand three hundred eighty meters above sea level. We’ll have an acclimatization day once we reached Namche Bazar…” Inisa-isa ni Nim ang mga trail na dadaanan at sinabi nitong hindi naman ganoon ka-technical ang kanilang magiging trek.

Ipinadala nila ang mabibigat na equipment sa mga porter para at ease silang lahat. Pero sina Devance at Austin ay nanatiling dala ang kanilang eighty liters na hiking bag. Mukhang sanay naman ang dalawa.

Gustong mainis ni Triana dahil hindi niya makausap nang matino si Lara. Panay kasi ang dikit nito kay Nehan. Lagi niyang tinitingnan nang masama ang dalawa dahil hindi niya talaga gusto ang nakikita. Ayaw niyang isipin ng mga ito na kinukunsinti niya.

Mabuti na lang at friendly ang kanilang guide. Lagi itong nagbibigay ng facts tungkol sa home country nito.

“Did you know that Nepal is one of those countries that does not celebrate Independence Day? And it’s one of the oldest countries in South Asia!” masiglang wika ni Nim.

Tipid lang na ngumiti si Triana.

“Our Gurkhas are the most fearless soldiers in the world!” dagdag pa ni Nim. He sounded proud. Ang tinutukoy nito ay ang kilalang elite army ng Nepal.

Hindi nakatiis si Austin na makisali sa usapan. Magkakasunod kasi sila sa trail.

“Yes, they are renowned for their professionalism and bravery.” Austin appeared honored. “I used to work at the British Army, and Nepali soldiers are amazing!” dagdag pa nito.

Lumawak ang ngiti ni Triana dahil nahawa siya sa taas ng energy ni Austin. Nasa likuran nito si Devance na walang kibo at tila malalim ang iniisip habang nakatingin sa nagyeyelong bundok ng Himalayas sa paligid.

Napansin ni Triana na magaan kausap si Austin at friendly ito. Samantalang ang kasama nito laging nakakunot ang noo. Hindi na lang niya binibigyang pansin kahit pakiramdam niya parang galit ito sa mundo.

The trek was slow. Parang warm up lang sa mga susunod na araw. Dumaan sila sa mahabang suspension bridge na siyang nagpataas ng adrenaline rush sa katawan ni Triana. Marami ring nakalagay na makukulay na prayer flags sa trail.

Tumigil sila sa isang tea house. Halos limang oras silang naglakad sa hilly terrain bago nila narating ang unang destinasyon sa Monjo pagkagaling ng Lukla. Biglang natahimik si Triana dahil pakiramdam niya nahihilo siya dahil sa nipis ng hangin.

Ayaw niya naman na mag-alala ang lahat sa kanya. Tamang-tama dahil maya-maya lang ay oras na ng kanilang pahinga. Baka hindi pa lang nakaka-adjust ang katawan niya. Kaya uminom siya ng gamot pangontra sa altitude sickness. Tatlong piraso lang ang dala niya dahil tira lang iyon nang huling hike niya sa Sedona.

PAGDATING ng gabi ay nag-inuman ang mga lalaki para maibsan ang lamig sa katawan. Habang nakikinig lang sina Lara at Triana sa kuwentuhan ng mga ito. Naroon sila sa loob ng inn na siyang kasama sa package nila. Madalas si Nehan at Austin ang nagkukuwento, samantalang tahimik lang si Devance.

Maliit lang ang inn, hindi iyon katulad ng mga five-star hotel na madalas nilang pagpalipasan ng gabi. Everything around seemed basic. Sanay naman siya Triana sa ganoon dahil likas ang pagiging adventurous niya at hindi rin siya maarte sa katawan. Maging si Lara ay ganoon din sa kabila ng estado nito sa buhay.

Ang totoo ay binabantayan din ni Triana si Lara dahil baka samantalahin nito ang pagkakataon at tumabi kay Nehan mamaya pagtulog. Makukurot niya talaga ito sa singit. Hindi naman siya ganoon ka-conservative. But she is really against women who are sleeping with a married man.

“Mabuti pa, matulog na tayo,” bulong ni Triana sa kaibigan. Tumingin siya sa suot na itim na sports watch, it was almost eleven.

Tumango naman si Lara. Agad silang nagpaalam sa mga kasama.

“Sleep well, beautiful,” ani Nehan na mapungay na ang mata habang nakatingin kay Lara.

Triana glared at the man. Bigla naman itong natigilan at nagbaba ng tingin.

“Subha ratri! It means good night,” magiliw na sabi ni Nim.

“Good night, everyone!” Tipid na ngumiti ang dalawang dalaga at tinungo ang kuwartong nakatalaga sa kanilang dalawa.

The temperature was chilly. Mabuti na lang sa loob ay maroon namang matinong heater. Agad na naglatag ng sleeping bag ang dalawa. Pero bandang alas dos ng madaling araw, nagulat si Triana nang hindi makita si Lara sa tabi niya.

Mariin siyang napapikit at kinusot ang mata. Mukhang naisahan siya ni Lara. Inis na bumangon siya para hanapin ito. She knew she was being unreasonable, lalo pa at malaki na si Lara at alam na nito ang ginagawa. Pero ayaw niya itong mapahamak. What if she got pregnant?

Ipinilig niya ang ulo dahil kung anu-ano na ang naiisip niya. Lumabas siya ng kuwarto at laking gulat niya nang madatnan si Devance na papasok mula sa veranda ng inn. He wore a red thermal jacket, and he held a cigarette in his hand. Saglit itong tumalikod para itapon ang sigarilyo sa labas.

“Looking for your friend? I guess you wouldn’t like to disturb them,” salubong na wika nito sa kanya nang bumalik sa loob. Pilyo ang ngiting nakaguhit sa labi nito.

Triana rolled her eyes.

“I’m not asking for your advice,” mataray na wika ng dalaga.

Nagkibit ng balikat ang lalaki. “Anyone who does a ‘sexy time’ with someone doesn’t want to be disturbed. Unless you’re fine with that.”

Sandaling hindi nakahuma si Triana sa narinig. Uminit ang kanyang mukha dahil na-imagine niya bigla ang sinabi nitong ‘sexy time’.

“Wala kang pake. Antipatiko!” sinadya niyang sabihin iyon sa tagalog para hindi maintindihan ng kausap. Sadyang mainit ang dugo niya sa lalaking ito mula pa noong unang mag-krus ang landas nila sa airport.

Sandaling rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng lalaki pero agad namang nakabawi. At lalong lumawak ang nakakabuwisit nitong ngiti. Lumabas kasi ang magkabilang biloy nito sa pisngi, at ang pantay-pantay nitong ngipin na parang model ng toothpaste.

Tiningnan na lang ito nang masama ng dalaga at dumeretso siya sa may pinto ng kuwarto ni Nehan.

Akmang kakatok si Triana nang pigilan siya ni Devance. Humawak ito sa kanyang kamay at mabilis siyang pinaikot paharap dahilan para mapalapit ang katawan nila sa isa’t-isa.

Hindi agad nakagalaw si Triana dahil sa pagkagulat. Lalo pa at halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. Damang-dama niya ang pagtama ng hininga nito sa kanyang pisngi.

“H-Hey, let go of me…” Napalunok si Triana.

Nakakalokong ngumiti si Devance. At tila nananadya na lalong inilapit ang mukha sa kanya. Umangat ang isang kamay nito at hinawi ang magulong buhok niya at isinabit sa kanyang tainga. Slowly, he moved his lips closer to her earlobes, giving her a tickling sensation.

“Ikaw din, huwag kang pakialamera sa buhay ng iba. Itulog mo na ‘yan,” derestong sabi ng lalaki bago siya binitawan.

Ilang beses na napakurap si Triana dahil sa narinig. Derestong mag-tagalog ang lalaki! What the hell just happened? Pilipino ba ito?

Awang pa rin ang bibig niya habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Saka lang siya nahimasmasan nang biglang sumulpot si Lara sa tabi niya. Nagmula ito sa kabilang hallway. Mukhang galing ito sa common toilet ng inn.

“Lars! Where have you been?”

“I had an upset stomach, tumambay muna sa bathroom. Teka, nakita ko si pogi galing dito ah.”

“A-anong nakita mo?” Hindi siya nakatingin nang deretso sa kaibigan.

Nagtaka naman si Lara. “Nag-usap ba kayo? Himala. Mabuti pa matulog na tayo ulit. It’s freezing!” Biglang napahalukipkip si Lara sa kabila nang layered clothing na suot nito.

Tumango na lang si Triana. “Akala ko tumabi ka kay Nehan matulog. Kukurutin kita sa singit.”

“I want that honestly, but no. Hindi ko gagawin ‘yan. Trust me. May natitira pa naman akong respeto sa sarili ko.”

“All right. Sabi mo ‘yan.”

Wala sa loob na napahawak siya pisngi at sa tainga. Ang walang hiyang lalaking iyon, talagang antipatiko at sinungaling! Mukhang sinasadya nitong pikunin siya at hindi rin niya mapigilan ang sariling kumulo ang dugo rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status