Share

CHAPTER 6

KINABUKASAN ay bumalik sila sa trail ilang oras matapos mag-agahan sa inn. Iwas na iwas si Triana kay Devance dahil sa insidenteng nangyari kaninang madaling araw. Tiyak na papatulan niya ang pagiging presko nito kapag nagpang-abot uli sila. Lalong umiinit ang ulo siya sa lalaki. His presence alone made her feel uneasy. Kung makaasta ito ay kakambal na yata ang lakas ng hangin sa katawan at kayabangan.

And speaking of the devil, parang nananadya ito. Naglakad ito patungo sa kanya at nagsalubong ang kanilang mata

“Hey, Austin! Pakitingnan nga kung may butas itong hydration pack ko,” tila nang-aasar na sabi nito sa kasama pero sa kanya nakatingin.

Mabilis naman si Austin na lumapit dito.

“Bakit, may leak ba? Na-check ko naman ‘yan nang maigi. Sinigurado kong walang butas,” wika ni Austin.

Hindi maiwasan ni Triana ang magulat. Bumuka ang bibig niya na hindi makapaniwala sa mga naririnig. Deretso talagang managalog ang dalawa!

Tumingin si Austin sa gawi niya. Halatang pinagti-tripan siya ng mga ito. “Gulat ka, magandang binibini? Pilipino kami. You could’ve just asked.”

Inanggilan niya ang dalawa. Dinig na dinig niya ang nakakalokong tawa ng antipatikong si Devance.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at binilisan niya ang paghakbang. Mabilis naman na nakasunod si Devance sa kanyang likuran.

“If I were you, I’d take a slow pace. Altitude sickness is not a joke,” seryosong paalala ng lalaki.

Triana exhaled sharply. Inis na nilingon niya ang binata. Heto na naman siya at hindi magawang makapagtimpi sa lalaking ito.

“Wala ka bang magawa sa buhay? Leave me alone. I came here to discern. Kung ako sa’yo, intindihin mo na lang ‘yang jowa mo.”

Devance’s eyes narrowed. Naguguluhan na tumingin ito kay Austin na natatawa sa tabi nito.

“Excuse me? What did you say?” Halos mag-isang guhit na lang ang makapal na kilay nito, “Jowa? You mean, us?” Itinuro nito ang sarili at si Austin.

“Bakit, hindi ba?” mataray na anas ng dalaga.

Natawa nang malakas si Devance. Matapos ay parang nanggigil itong akmang kukurutin siya sa pisngi.

“Anyway, that’s hilarious.” Napailing na lang ang binata.

Sumali sa pag-uusap nila si Austin. “I’m actually his bodyguard. Ah, there’s this famous expression in the Philippines these days—jojowain o totropahin?”

Lalong naguluhan si Devance. Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mukha nito at hinarap si Triana.

“Hey, I get it. Would you rather date or befriend me? Jojowain o totropahin?”

Namilog ang mata ni Triana. “Gross. That’s cheap. Dream on! And please, find somewhere else to exist,” anang dalaga sabay talikod.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Natawa nang malakas si Austin. Natigil lang ito nang tingnan nang masama ni Devance.

“I can’t believe she didn’t fall to your lethal charm.” Napapailing na wika ni Austin. Alam na alam kasi nito na hindi basta-basta ang mga babae na naghahabol dito.

“I’m starting to get entertained. I guess I'm gonna enjoy this trek.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Devance habang hatid ng tanaw si Triana na sumunod kay Nim.

NATIGIL silang lahat sa kalagitnaan ng trek ilang oras pagkagaling nila sa Tengboche nang biglang makaramdam ng cramps si Lara. Alalang-alala naman si Nehan at maagap na dumalo si Nim sa kanila.

Pero bago pa man sila makapag-isip ng gagawin. Mabilis ang naging galaw ni Austin, lumuhod ito sa may paanan ni Lara at maingat na minasahe ang binti nito.

“I’m feeling better now, thank you.” Nakangiting wika ni Lara kay Austin matapos ang ilang sandali.

Marahan itong tumango at tipid na ngumiti. “You’re welcome. I guess you should do a little stretching.”

“It must be the cold,” sabi ni Nehan. Tinapik nito ang braso ni Austin, “Thanks, brother.”

“Let’s have a few minutes rest,” suhestiyon ni Nim.

Nagkasundo naman ang lahat na sandaling magpahinga. The oxygen was getting thinner, ramdam iyon ni Triana dahil medyo hirap siyang huminga. The trail was tolerable, but she was having trouble adjusting to the extreme weather. Mataas kasi ang sikat ng araw pero sobrang lamig ng paligid. Mabuti na lang at dala niya ang paboritong sunblock. Habang tumataas ang elevation ng kanilang trek ay dumaan sila sa mabundok na bahagi.

“This looks like a high alpine desert,” anas ni Austin habang nililinga ang paligid.

Napapansin si Triana ang pagdugo ng kanyang ilong. She thought it was only normal, tutal uminom naman siya ng gamot kanina. Hindi niya lang masyadong binigyang pansin. Agad naman silang nagpapahinga matapos ang halos anim na oras na trek.

Nang sumapit ang ika-pitong araw nagsimula na namang atakehin si Triana ng altitude sickness. Sinikap niyang huwag mataranta dahil ubos na ang gamot na dala niya. Pinakiramdaman niya ang sarili, sa tingin niya ay kaya pa naman ng katawan niya. At gaya ng dati, she only shrugged it off. Hanggang sa mas maraming dugo ang lumabas sa kanyang ilong at si Devance ang unang nakakita.

“Hey, are you alright?” Mabilis itong lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at tiningnan ang mukha niya.

“I-I’m okay. I’m just a bit dizzy.” Nagbaba ng tingin ang dalaga. Masyado siyang nanghihina para makipag-argumento sa binata kung bakit ito feeling close sa kanya. She could only feel the howling of the arctic wind.

Dinama ni Devance ang kanyang pulso sa leeg. “Damn!”

Tumingin ang binata sa suot nitong relo at tiningnan ang lagay ng kanilang altitude. They were past five thousand meters above sea level. Ito na sana ang huling station nila at bukas mararating na nila ang Everest Base Camp.

Nagkagulo ang lahat na naroon. Alalang-alala si Lara nang makita ang kalagayan niya. Kadadaan lang nila sa pamosong memorial site ng mga sherpa at climbers na namatay sa Everest. Puno iyon ng malalaking bato at napapalibutan ng maraming prayer flags.

“Why didn’t you tell us about this a while ago? We’re in the middle of nowhere now. May hospital bang malapit dito?” Tiningnan ni Lara ang namumutlang mukha ng kaibigan.

“Take it easy.” Nehan comforted her.

“Call Vijay, now!” Utos ni Devance sa bodyguard. There was urgency in his voice.

Tumango naman si Austin at kinuha ang satellite radio na nakasukbit sa tagiliran nito. May kinausap ito sa kabilang linya at saka lumapit sa gawi ni Devance.

“Dev, Vijay just left for Kathmandu because of a family emergency. He can’t fly the chopper right now.”

“Fuck! Call any other available pilot in the area.” Tiim-bagang na anas ni Devance.

Samantalang unti-unting nanlalabo ang paningin si Triana. Pakiramdam niya pagod na pagod siya at sobrang sakit ng ulo niya. She thought she could handle her altitude sickness after a few days, thinking her body had adapted already. Pero bakit ngayon nagkakaganito siya? Mabuti na lang at nakaalalay sa kanya si Devance kung hindi ay kanina pa siya nawalan ng balanse.

“Let me handle this,” kalmadong wika ni Nim. He gave her medicine. Matapos ay kinuha nito ang sariling satellite radio at may tinawagan. Tila nakahinga nang maluwag si Devance nang sabihin ni Nim na nakakuha ito ng available na piloto na maaring magdala ng kanyang private chopper sa kanilang location.

Dalawang five-seater helicopter ang dumating. Ang isa ay ang pulang private chopper ni Devance.

“I’ll bring her to the nearest hospital. Don’t worry,” ani Devance na puno ng assurance.

“Sasama ako,” wika ni Lara.

May kinuha si Devance sa wallet nito. Isang kulay itim na calling card. “This is my number, we’ll be back once she is better.” Iniabot nito ang card kay Lara.

“I guess it’s best if you guys finish the trek,” suhestiyon ni Austin.

“I can’t do that!” Tumingin si Lara kay Nehan, “I’m sorry, I need to give her company.”

Ngumiti naman si Nehan. “It’s all right. I understand.”

Ipinasa ni Lara ang card kay Nim at kinuha niya rin ang sariling business card. “We’ll pay extra for this, Nim. Just call me.”

“We need to hurry! She might get a HACE if we didn’t treat her.” Binuhat ni Devance si Triana na tuluyan nang nawalan ng malay. Ang tinutukoy nito ay ang kundisyon ng biglang pamamaga ng utak dahil sa kawalan ng oxygen.

Mabilis naman ang kilos ni Austin at inalalayan na maipasok sa loob ng pulang chopper si Triana. Bitbit nito ang mga gamit ng walang malay na dalaga.

Nagpasalamat si Devance sa lalaking nagdala ng chopper. Binigyan niya ito ng kanyang card, “Call me, I’ll pay for your time.”

Tumango naman ang may katandaang piloto at binigyang daan si Devance na maupo sa cockpit ng sasakyang panghimpapawid.

Nagdesisyon silang lima na huwag nang ituloy ang trek dahil sa nangyari. Sumakay na lang silang lahat sa chopper para samahan si Triana.

“Austin, inform Doctor Adhikari we’re coming home anytime now,” muling utos ni Devance nang nasa himpapawid na sila.

“Copy that,” tumago si Austin at agad na tumalima sa utos.

Panay ang dasal ni Lara sa chopper. Nasa likurang bahagi ng upuan sila ni Nehan, samantalang nakaalalay si Austin kay Triana habang binibigyan ito ng first aid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status