Share

184 (Unedited)

Seven years ago

Sigurado akong kung totoo ang kasabihan na may dumadaang mga anghel kapag natatahimik ang paligid, baka isang mahabang linya ang dumaan sa amin ngayon kaya't napakatagal ng katahimikan.

Umihip ang tahimik na hangin sa hallway dahilan para mapabuntong-hininga na lang ako't mapatingin sa malinis na paligid. May mga klase pa rin kasi ang mga estudyanteng nasa floor na ito kaya't walang nagkalat na mga tao bukod sa aming dalawa. Nakadagdag tuloy iyon sa awkwardness na nararamdaman ko dahil sa realization na kaming dalawa na lang ang magkasama ngayon.

Umiwas na lang ako ng tingin at nagsimulang maglakad sa daan na patungo sa gymnasium. Baka kasi kung ano na lang ang ginagawa ng dalawang kumag doon sa halip na maglinis. Naramdaman ko naman na sumunod na rin sa likod ko si Larren kaya hindi pa rin mawala sa pagkatao ko ang tensyon at hiya lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi ni Ma'am Velasquez kanina. Magpapasalamat na lang kasi sya samin, bakit kailangang mag-iwan pa ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status