Share

30 (Unedited)

Namewang ako sa harap niya. Napansin kong medyo tinatawanan na kami nung mga staff dun, pero wala akong pakelam.

"Magpapa-clean cut ka, o ako mismo kakalbo sayo?" mataray na tanong ko.

Wala siyang nagawa kundi umupo dun sa barber's station. Sinimulan na siyang lagyan nung mantle nung barbero bago natatawang kina-usap siya nito.

"Boss, sundin mo nalang yung girlfriend mo. Parang hindi ka mananalo dyan." sabi nito sa kanya.

Bigla kaming nagka-tinginan ni Mathieu dahil dun. He's looking at me through the mirror kaya naman naka-ramdam agad ako ng init sa pisngi ko.

"Uhh... kinakapatid ko po yan..." Math corrected him.

Napa-sulyap sakin yung barbero, tapos ay nakakalokong bumaling ulit kay Math. "Ganun ba? Akala ko girlfriend mo e! Ang ganda pa naman. Sayang!"

"Can you just please do your thing and shut up?" iritang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status