LOGINPasado alas-otso na ng gabi nang makauwi kami ni Theo sa aming tinutuluyan. Agad naman akong nagtuloy sa aming silid nang bigla naman akong tawagin nito upang lumapit sa kanya sa may sala kung saan siya kasalukuyang nakaupo.Marahan naman akong lumapit dito habang tikom pa rin ang aking bibig. Magmula kasi kanina sa opisina nang makita ko ang galit sa kanyang mga mata, dahilan ng pagbili nito sa kumpanya nila Rachel dahil lang sa ginawa sa akin ng babae, ay muling nabuhay ang takot ko sa kanya, takot na nabuo kagabi dahil sa kanyang ginawa sa akin."Why you're so quiet ha," malumanay na tanong pa ni Theo sa akin habang inaalalayan akong maupo sa kanyang kandungan.Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya sa takot na makita niya ang takot sa aking mga mata."Wala naman, ahmm, baka pagod lang," pagdadahilan ko naman ngunit hindi ito pinaniwalaan ng lalaki."Tell me Eliana, are you scared of me?" seryoso pang wika nito habang hinahaplos ang aking tiyan at ang kanyang baba ay nakapatong sa a
Tahimik lang akong nakasunod kay Theo papasok sa kanyang opisina matapos ang eksenang nangyari sa labas kanina lang. Sobra ang awa na naramdaman ko para kay Rachel dahil sa ginawa ni Theo sa kanya, kahit sobra rin ang panliliit ko sa aking sarili dahil sa ginawa ng babae sa akin kanina.Hinubad naman ni Theo ang suot nitong coat at walang imik na iniabot sa akin nang makapasok na kami sa kanyang opisina. Maingat ko naman itong isinuot habang tahimik pa ring nakasunod sa kanya."You can remove your clothes and wash your body in the wash room. Use my coat first while I'm asking someone to buy you new one," seryosong sabi pa nito bago nagtuloy sa kanyang lamesa.Dahil sa panlalagkit na rin ng aking katawan ay walang salita naman akong nagtungo sa kanyang banyo upang linisin ang aking sarili. Mabuti na nga lang at hindi nabasa ang suot kong pambabae kaya naman tanging pantaas na damit lang ang aking hinubad. Basang basa rin kasi ito at dahil sa may katagalan na rin bago ako nakapaglinis a
Mula sa pantry ng opisina, nakayuko akong lumapit sa babaeng bisita ni Theo. Maingat kong inilapag ang platito na naglalaman ng chocolate cake at isang baso ng orange juice na aking itinimpla."Anything else that you need, Ma'am?" Mahinang tanong ko pa sa babae pero sapat na para kanyang marinig.Nanatili ako sa kanyang harapan at nag-aantay lang ng kanyang sasabihin. Marahan namang dinampot ng bisita ang baso ng juice at pasimple itong ininuman. Sa paglapat pa lang ng baso sa kanyang labi ay agad na bumalatay sa kanyang mukha ang hindi magandang ekspresyon kasabay ng may kalakasan nitong paglapag muli ng inumin, dahilan upang makagawa ito ng ingay at bahagyang matapon."Balak mo ba akong bigyan ng sakit, ha? Sobrang tamis ng timpla mo. Simpleng bagay na nga lang, hindi pa magawa nang tama," galit na reklamo pa nito.Nagmamadali ko namang kinuha ang baso ng inumin habang humihingi ng dispensa sa kanya. "Sorry po, Ma'am, gagawan ko na lang po uli kayo ng bago," maluha-luha ko pang wika
Masakit. Isang salita pero sapat na para ilarawan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. I feel pain physically and emotionally. I feel pain and dirty because of what Theo do to me. Pero wala naman akong karapatang magreklamo, ginusto ko ang bagay na ito kaya wala akong pedeng idahilan.Hindi ko alam kung bakit na lang biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Theo ng ganun na lang. Hindi ko rin naman siya magawang makausap dahil alam ko, kahit anong sabihin ko ay hindi rin naman siya makikinig sa akin.Sa kabila ng pananakit ng aking katawan ay nagawa ko pa ring bumangon ng maaga. Nananatiling tulog pa rin si Theo marahil dahil sa kanyang ginawa kagabi sa akin kaya naman marahan akong umalis sa kama.Bawat kilos at hakbang ko ay dama ko ang hapdi at sakit sa pagitan ng aking hita. Mabuti na lang din at may heater sa unit ni Theo kaya naman saglit kong pinadaanan ng maligamgam na tubig ang aking hinaharap bago ako tuluyang nag-ayos sa aking sarili.Paglabas ko sa banyo ay nananatili
Eliana Grace HerreraHindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa dilim ng mukhang ipinapakita ni Theo ngayon. Magmula kasi kanina sa ospital nang bigla na lang niya akong hilahin palabas ay hindi na maipinta ang kanyang itsura at nanatiling walang imik.Nakababa na kami at lahat mula sa kanyang sasakyan at ngayon nga ay kasalukuyan nang nasa elevator ngunit si Theo ay nananatili pa ring tahimik.Marahan ko namang hinawakan ang kanyang braso nang sumara ang elevator at bahagya pa siyang hinarap."Theo, okay ka lang ba? May problema ba?" kinakabahang tanong ko pa sa lalaki. Ngunit kung noon ay ang maamo niyang mga mata ang sumasalubong sa akin, ngayon ay ang kanyang madilim na mga mata ang agad na tumuon sa akin. Sakto naman na bumukas na rin ang elevator na aming sinasakyan kaya naman imbis na sagutin ang aking tanong ay mapwersa niya akong hinila hanggang sa marating namin ang unit na aking tinutuluyan."Theo… Ano bang problema? Nasasaktan ako," may takot na daing ko pa sa lalaki dahil sa
"Bilib na talaga ako sa'yo Ja, pambihira isang buwan pa lang mula nang makunan si Eliana, nalagyan mo na naman siya ng laman sa tiyan. Sigurado ka bang wala ka pang ibang anak sa ibang babaeng ginalaw mo noon?" tatawa-tawang sabi ni Anton matapos akong makaupo sa harap ng kanyang mesa. Si Eliana naman ay kasalukuyan ngayong tinutulungan ng isang nurse para sa gagawing ultra sound sa kanya.Gaya kagabi ay pinagamit uli siya ni Anton ng PT upang masigurado kung tunay nga siyang nagdadalang-tao at gaya rin kahapon ay dalawang pulang linya ang lumabas doon, dahilan upang sumailalim muli si Eliana sa ultrasound para mas higit pa kaming makasigurado."What can I do eh sa healthy talaga ang mga sperm ko," proud na wika ko pa sa aking kaibigan."Baka naman kasi inaraw-araw mo si Eliana kaya ganoon," tukso pa niya na hindi ko naman tinanggihan."Hindi lang araw-araw, three times a day pa kamo minsan sobra pa," ganting biro ko naman."G*go ka talaga, ginawa mo pang gamot ang sex, three time a d

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





