LOGINCASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV Saktong nakabalik kami sa high way nang bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Narinig ko pa nga ang malutong na mura ni Neilson dahil hindi rin nito inaasahan na uulan ng malakas habang ako naman ay tahimik lang na nakatitig sa labas ng bintana HIndi ko mapigilan ang mapabuntong hininga. Hindi kagaya kanina na mablis ang takbo namin ngayun naman, mabagal na ang takbo ng sasakyan. Paano ba naman kasi kahit na gabi na, traffic pa rin pala. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng ulan or sadyang may aksidente lang siguro na naganap sa may unahan namin. Ano man ang dahilan, isa lang ang gusto kong mangyari ngayun. Iyun ay ang makabalik na ng mansion at makapagpahinga na. "Tsk, what the fuck! Ano ba? Kung saan naman nagmamadali." narinig kong wika ni Neilson. HIndi ko iyun pinansin at nanatili na akong tahimik. Wala na kasi akong balak na makipagtalo. Ubos na ang energy at mas maigi ng ganito. Para naman ligtas sa away "I think, we need to rest.
CASSANSRA CASSY VILLARAMA POV"NASAAN na tayo? Tama ba iyang address na sinabi mo, Cassandra? Kanina pa tayo dito sa daan pero bakit feeling ko pabalik-balik na lang tayo?" yamot na tanong ni Neilson sa akinTotoo ang sinabi nito sa akin, kanina pa tumatakbo itong sasakyan at hindi pa rin kami nakakarating sa aming paroroonan.HIndi ko alam kung ano ang mali. Sinusundan ko lang naman ang mapa na nakikita ko sa internet pero hindi talaga namin matumbok-tumbok ang daan."Hindi ko din alam eh. Teka lang, tatawagan ko ang pinsan ko. Sana lang talaga sumagot siya." sagot ko din naman kaagad dito at mabilis nag-dial. Ilang saglit lang, mabuti na lang din talaga at sumagot din kaagad si Moira Kristina."Cous, nasaan ka na? Aba't nag-uumpisa nang dumilim ah? Ini-expect ka pa naman nila Daddy at Mommy pati na din nila Tito at Tita." sagot din naman nito sa akin.Hindi ko naman mapigilan ang mapakagat labi. Muli kong kononfirm ang address at sinabi nitong tama naman daw kaya naman hindi ko ta
CASSANDRA VILLARAMA "DONE and signed." nakangiting wika ko kay Neilson pagkatapos kong pirmahan ang mga dokumento na nasa harapan ko. Alam kong mainit ang ulo nito dahil late na nga akong dumating ng opisina pero ano ang magagawa ko. Pagkatapos ko kasing naligo kanina, tumawag si MOmmy sa akin at medyo matagal-tagal na pag-uusap ang naganap sa pagitan naming mag-ina. Paano ba naman kasi, katakot-takot na sermon ang narinig ko mula kay Mommy. Pinagalitan ako nito mula ulo hangang paa kaya naman todo din ang sorry ko Alam ko din naman kasi talaga ang mga pagkakamali ko at tangap ko iyun. "Good! By the way....hintayin mo akong matapos dahil may pupuntahan tayo." seryosong sagot nito sa akin. Wala sa sariling napatingin ako sa aking orasang pambisig at mabilis akong umiling lalo na at halos alas tres na pala ng hapon. "Bakit, saan tayo pupunta? Teka lang, hindi ako pwede. May sarili akong lakad, Neilson." seryosong sagot ko dito sabay tayo. "Cassandra..at saan ka na naman
NEILSON BRACKEN POV "HI, I'm Teddy--- "Cassandra Villarama, nice to meet you, ako nga pala ito, si Earl--- "Ako naman si Clement--- "Blade here! Ikinagagalak namin na makilala ang soon to be wife ng bestfriend namin." Ayun na nga, kanya-kanya nang pakilala ang mga mababait kong mga kaibigan kay Cassandra. Hindi man lang ako ni- respito bilang kaibigan ng mga ito. Akala mo nakakita ng diyosa na hindi makapag-hintay na ipakilala ko ng formal eh "Hi, guys! I"m Cassandra Villarama. Nice to meet you too. Hindi ko alam na marami palang friends si Neilson" nakangiting sagot naman ni Cassandra sa mga ito. Kumaway pa ito na para bang celebrity kaya naman kaagad na din akong napatikhim. "Bakit ngayun ka lang? Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?" seryosong tanong ko dito. Napansin kong pasimple itong napairap tapos walang pagdadalawang isip na inukupa nito ang couch na nasa harapan ng table ko. Samantalang ang mga kaibigan ko, ayun wala yatang balak umalis at gustong maki- u
NEILSON BRACKEN POV MABILIS na lumipas ang buong maghapon. Hindi ko alam kung ano ang problema pero shit....walang Cassandra ang dumating dito sa opisina ko. Naka-ready na ang mga papeles nito na kailangan nitong pirmahan. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na akong nagtanong sa aking secretary pati na din sa receptionist kung may dumating bang bisita at kung may naghahanap ba sa akin pero negative talaga. Wala as in wala! Wala sa sariling napakapa ako sa aking sugat sa aking noo. May nararamdaman pa rin akong kirot pero sinabi ng doctor kanina sa akin na wala naman daw problema. Oo, bago ako dumirecho dito kanina sa opisina, dumaan muna ako ng hospital para muling patingnan sa doctor ang kalagayan ng aking injury. Hindi naman sa wala akong tiwala sa ginagawang pagamot ni Cassandra sa akin pero parang ganoon na nga. Nasa ganoon ako kalalim na pag-iisip nang may bigla na lang kumatok sa pintuan ng aking opisina. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko n
NEILSON BRACKEN POV "Maliit na bagay. Malayo sa bituka at malayo sa kamatayan pero kung makapag-inarte akala mo may taning na ang buhay eh." narinig kong wika ni Cassandra habang patuloy nitong ginagamot ang sugat ko. Hindi na ulit ako nagreklamo at pigil ko na din ang sarili ko na mapapasigaw sa paulit-ulit na pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat ko. Baka kung anong nakaka-insulto na namang salita ang lumabas sa bibig nito kapag makarinig ito ng reklamo sa akin na mahapdi nga sa sugat itong ginagawa nito sa akin. Kailangan ko talaga siguro ng maraming pasensya at baka kung ano pa ang magawa ko sa babaeng ito. Mabilis na lumipas ang ilang minuto. Nagtapos ang panggagamot ni Cassandra Villarama sa akin sa paglalagay ng benda sa aking sugat. Pagkatapos noon, mabilis itong lumayo sa akin kaya naman kaagad na din akong nakahinga ng maluwag Sa wakas, natapos din ang walang tiwala kong panggagamot nito sa akin. After nito, balak ko pa ring dumirecho ng hospital para patingna







