CHRISTOPHER "Umalis ka na muna, cous! Hayaan mo na muna si Katrina na mapag-isa." sabat naman kaagad ni Elias na noon ay tahimik lang na nakatayo sa may pintuan ng silid. Samantalang hindi naman maialis ni Christopher ang mga mata niyang nakatitig sa luhaang mukha ni Katrina. Kanina niya pa sana ito gustong lapitan at yakapin para iparamdam niya dito na ayos lang. Na kahit na ano ang mangyari, wala siyang balak na bumitaw at wala siyang balak na iwan ito. Kaya lang, sa nakikita niya sa mga mata ni Katrina ngayun, mukhang matindi talaga ang galit nito sa kanya at hindi niya naman ito masisisi. Nagkamali siya at siguro, kailangan niyang mag-isip ng mga bagay na pwede niyang gawin para mapatawad siya nito "Umalis ka na, ayaw na kitang makita. Tapos na tayo kaya pipilitin ko na lang din ang sarili ko na kalimutan ka...Kuya! Iisipin ko na lang na bahagi ka ng isang masamang panaginip ko!" mahinang wika ni Katrina na lalong nagpadagdag ng bigat sa kalooban ni Christopher. Tinawag
KATRINA MULING nagising si Katrina na nasa loob na siya ng private room ng isang hospital. Una niyang nasilayan ang nag-aalalang mukha ng Ate Amery niya. Hindi niya na naman tuloy mapigilan ang maiyak nang muli niyang naalala ang mga nangyari. "Ate!" lumuluha niyang wika. Napansin niya ang paguhit ng ngiti sa labi ng Ate niya bago nito hinawakan ang kanyang kamay. "It's okay, Kat! Imporante ayos ka na." seryoso nitong wika. Hindi na siya nakapagpigil pa at mahigpit na siyang napayakap dito "Ate, I am sorry! I"m sorry po kung hindi ako nakinig sa inyo noon. Dapat pala, hindi ko sinunod ang gusto ko na hindi sumama sa inyo noong umalis kayo sa bahay ni Christopher eh." umiiyak niyang wika dito. Naramdaman niya naman ang pagtapik nito sa likuran niya na para bang pinapakalma siya. "It's okay, Kat! Normal lang sa buhay natin ang makaramdam ng ups and down. Kung ano man ang nararanasan mo ngayun, dapat kang maging matatag." seryosong sagot nito sa kanya. Lalo naman siyang napahag
"Give me your phone!" pagalit na wika ni Christopher kay Lorena sabay lahad ng kanyang kamay dito. Dahil hindi pa naka get over si Lorena sa galit kanina sa kanya ni Christopher, walang pag-aatubili na ibinigay niya ang phone niya dito "Password?" seryosong muling tanong ni Christopher kay Lorena. ""Why?" alanganing tanong ni Lorena sa binata. "Why? Paano ko mabubuksan ang lintik na phone na ito kung hindi mo ibibigay sa akin ang password?" galit niyang tanong dito. Napaiktad pa si Lorena sa gulat nang bigla na lang sipain ni Christopher ang luggage niya kaya wala na siyang nagawa pa kundi ibigay ang password na hinihingi nito sa kanya. "Talagang demonyita kang babae ka! Ang dami mo na palang sinabi kay Katrina kagabi pa!" galit na sambit ni Christopher. Kanina pa siya nanggigil kay Lorena at kanina pa din siya nagpipigil na saktan ito physically. Hindi nya akalain na nagawa siya nitong paikutin simula kagabi. Pati si Katrina, dinamay pa nito at simula kagabi, kung anu--anon
"Kagabi pa lang, alam na ni Katrina na ako ang kasama mo." natatawang muling wika ni Lorena kay Christopher. Lalo naman nagngitngit sa galit ang binata. Parang bigla siyang nagising sa katotohanan na plinano lahat ni Lorena ang lahat para mahulog siya sa bitag nito "Hindi na ako magtataka pa kung mamatay-matay na ang babaeng iyun sa kakaiyak lalo na at kagabi pa lang, nabigyan ko na siya ng kopya ng mga pictures natin sa kama, Chris. Hahaha!" natatawang muling sambit ni Lorena. Sa hindi malamang dahilan, pakiiramdam ni Christopher biglang umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo "Ano ang ibig sabihin nito, Lorena? Ano ang ibig mong sabihin?" galit niyang tanong dito. Hindi niya na namalayan pa ang sarili niya at napahigpit na pala ang pagkakahawa niya sa magkabilaan nitong balikat. Kaagad namang napaigik si Lorena sa sakit. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi din maiwasan na makaramdam ng takot ang dalaga kay Christopher. Lalo na at nakikita niya na sa mga mata nito ang matinding ga
"Ahh, kinikilig ako!" hindi na mabilang pa ni Christopher kung ilang beses niya nang narinig pa mula sa bibig ni Lorena ang katagang iyun. Natuloy din ang kanilang civil wedding kanina at patungo na sila ngayun sa isa sa mga bahay niya. Pinilit talaga ng Lorena na ito na sumama sa kanya pagakatapos ng seremonya ng civil wedding dahil ipinag-giitan ng babaeng ito na kasal na daw sila at dapat nilang sundin ang sinabi kanina ng judge na nagkasal sa kanila na magsasama sila sa hirap at ginhawa. Sa totoo lang, sobrang naguguluhan din si Christopher sa mga nangyari. Parang kailan lang at feeling niya nagising na lang siya isang umaga na may asawa na siya. Kanina pa siya nag-aalala. Si Katrina? Kumusta na kaya? Nag-aalala kaya ito sa kanya? Wala siyang natangap na kahit na anong tawag or message mula dito. Gusto niya din sanang tawagan ito para kumustahin pero natatakot naman siya. "Saan tayo ngayun? By the way, mamayang hapon, isesend nila Mommy at Daddy ang ticket natin patungo sa
MARQUEZ RESIDENCE "Ano ito? Ano ang nangyari? Don't tell me na napikot ka sa edad mong iyan? tanong ni Mrs. Carmela Villarama sa anak niyang si Christopher habang kausap niya ito mismo sa garden ng mga Marquez. Hindi pa sumisikat ang araw sa silangan, tinawagan na siya ng dati niyang classmate noong college na may ginawa daw na anomalya ang anak niyang si Christopher at ang anak din ng mga ito na si Lorena kaya mabilis silang napasugod sa bahay ng mga Marquez "Mom, I don't know! Kung pikot man ang masasabi nito, maaari!" tulerong sagot ni Christopher sa ina niya. Wala sa sariling napasulyap siya sa ama niyang si Christian Villarama na noon ay kausap din ang ama ni Lorena. Para kay Christopher, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya din alam kung paano malulusutan ito dahil umpisa pa lang, nagdemand na kaagad ng kasal ang mga magulang ni Lorena. "Sa edad mong iyan? Talagang napikot ka pa? Come on, Christopher..nandito ka sa bahay ng mga Marquez at maaring ginust