Share

Chapter 250

Author: Cathy
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-30 17:13:16

JACQUELINE POV

“LAPASTANGAN KA!”

Kasabay ng nakabibinging sigaw ni Daddy ay ang malakas na pagdapo ng kanyang palad sa aking pisngi.

Pak!

Napapikit ako sa lakas ng sampal. Parang huminto ang mundo sa loob ng ilang segundo. Umalingawngaw ang tunog sa buong sala habang ang kaliwang bahagi ng mukha ko ay agad na nag-init at kumirot.

Natigilan ako. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya, tila nagdilim ang paningin ko. Para akong nawalan ng balanse. Kinailangan kong kumapit sa gilid ng sof
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melany Ricardo
ang Hina ng role mo Jackie para Kang batang paslit na walang alam sa mundo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 259

    JACQUELYN POV NAGISING ako na pakiramdam ko ay galing ako sa isang napakahabang panaginip. Mabigat ang mga talukap ng aking mata habang dahan-dahan kong iminulat ang mga ito. Unang sumalubong sa paningin ko ang malamlam na puting liwanag mula sa kisame ng silid na kinaroroonan ko. Sandaling lumabo ang aking paningin bago unti-unting luminaw. Tahimik ang paligid. Tanging ang mahinang ugong ng air conditioner at ang paminsan-minsang tunog ng mga kagamitang medikal ang naririnig ko. Akmang babangon sana ako nang bigla akong napangiwi. Matalim na kirot ang dumaloy sa aking ulo dahilan upang mapahawak ako rito. Kasabay niyon ay ang matinding pagkauhaw na tila ilang araw akong hindi nakainom ng tubig. "Jackie... wifey?" Napakunot-noo ako nang marinig ang pamilyar ngunit nag-aalalang boses na iyon. Agad kong ibinaling ang aking paningin sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang nakatayo sa gilid ng kama. Magulo ang kanyang buhok. Halatang hindi siya nakatulog nang maay

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 258

    RUSSELL POV "HINDI MO kami pwedeng ikulong. Labag ito sa batas. Wala kaming kasalanan. Siya----siya ang dapat niyong ikulong. Siya ang nakabundol sa malditing iyun!" sa labas pa lang ng presento, narinig ko na ang sigaw ni Norma habang itinuturo ang driver na nakasagasa kay Jackie. Kanina pa siya nagwawala. Ayun sa aking legal team, may dumating na abogado kanina pero kaagad ding umatras nang malaman kung sino ang makakalaban. At ngayun, walang abogado na magtatangol sa kanila at kanina pa siya nagwawala si Norma sa loob. Gusto na daw kasing umuwi. Si Mr. Torres naman, tahimik lang. Halatang wala pa rin sa hwesyo at sa kauna-unahang pagkakataon, kasalukuyan siyang binabagabag ng matinding konsensya dahil sa nangyari kay Jackie. Sila Aimee at Martin naman, tahimik lang sa isang tabi. Ngayun lang nila naramdaman ang bigat ng kasalanan na nagawa nila. Kanina pa gumagawa ng paraan ang mga magulang ni Martin na mailabas ang anak pero, walang epekto. Hindi pumapayag ang mg abogado

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 257

    RUSSELL POV “Magiging maayos din ang lahat. Lalaban siya.” sabat naman ng pinsan kong si Kurt. "Mahal na mahal ko si Jacquelyn. Mahal na mahal ko siya!" nag-uumapaw ang matinding emosyon sa tono ng boses ko na bigkas ko. Dahil, iyun ang totoo at hindi ako mahihiya na ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal. Dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko, natatakot akong mawalan ng isang tao. "Alam namin iyon. Nakikita namin kung gaano mo siya kamahal." Sagot din naman ni Moira Kristina sa akin. “Yes, ako din, nakita naming iyan. Hindi ka na nga nakakasama sa amin sa mga night out dahil kay Jackie eh. At dahil diyan, hindi bibitaw si Jackie. Alam niya kasing malulungkot ka kaya kahit na ano ang mangyari, lalaban siya.” sabat naman ni Penelope. "At sisiguraduhin namin na lahat ng sangkot sa aksidenteng ito ay mananagot." muling wika ni Moira Kristina. Unti-unting lumamig ang ekspresyon ko nang maalala ko kung bakit nandito kami sa sitwayong ito ngayun. Tama si Mo

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 256

    RUSSELL POV PAGDATING sa ospital, kung sinu-sinong miyembro ng pamilya namin ang aking nadatnan. Nandito ang ilan sa mga tiyuhin at tiyahin, maging ang mga pinsan. Lahat sila ay may parehong ekspresyon sa mukha, pag-aalala, takot, at paghihintay. Pero wala sa kanila ang attention ko. Direcho ako sa emergency room. Pinapasok naman nila ako at halos manginig ang aking laman nang makita ko si Jackie. Kaawa-awa ang hitsura niya. Maputla ang hitsura niya, nakapikit habang nakakunot noo. Halatang may iniindang sakit. Hindi ko na mapigilan ang maluha kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko sa bawat segundong lumilipas. Wala nang sinayang na sandali ang Doctor. Kaagad niya akong kinausap at sinabi niya sa akin ang isang nakakagimbal ng balita. "Sir, we need urgent surgery. She's in critical condition. Ang gamot na ituturok namin sa kanya ay posibleng makaapekto sa baby na nasa kanyang sinapupunan." Para akong binuhusan ng malamig na

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 255

    RUSSELL POV VILLARAMA MEDICAL CENTER ---Ang ospital na pag-aari ng angkan namin. Doon dinala si Jackie dahil iyon ang pinakamalapit na pagamutan mula sa pinangyarihan ng insidente. Pero imbes na nandoon ako ngayon, naghihintay sa labas ng emergency room at kumakapit sa bawat salitang sasabihin ng mga doktor, nandito pa rin ako sa gilid ng kalsada. Nakaupo sa bangketa. Tulalang nakatitig sa kawalan. At higit sa lahat, walang lakas ng loob na harapin ang katotohanan. Sa tabi ko ay tahimik na nakaupo si Mang Toni. Hindi niya ako iniwan kahit isang minuto. Para bang alam niyang sa oras na maiwan akong mag-isa ay tuluyan akong babagsak. Sa di kalayuan ay naroon pa rin ang mga pulis. Patuloy silang kumukuha ng mga pahayag mula sa mga saksi. Kasama roon si Mr. Torres na mukhang ilang taon ang itinanda sa loob lamang ng ilang oras. "Sir..." tawag ni Mang Toni sa akin. Hindi ako umimik. Ni hindi ko man lang siya nilingon. "Sir, gusto n'yo po bang puntahan na natin si Ma'am sa osp

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 254

    RUSSELL POV"ANO ANG NANGYARI SA KANYA? PAANO SIYA NASAGASAAN?"Nagliliyab ang mga mata ko habang galit na galit na sinunggaban sa kuwelyo si Mr. Torres. Halos manginig ang buong katawan ko sa tindi ng galit at takot na sabay-sabay na kumakain sa aking sistema."Hindi namin sinasadya, iho..." umiiyak na sagot ni Mr. Torres. "Aksidente ang lahat. Walang may gustong mangyari iyon.""Aksidente? Tingin mo maniniwala ako diyan?" mariin kong bigkas. Kung hindi ko lang naisip na ama pa rin siya ni Jackie, gusto ko na syang sapakin. Ngunit, imbes na sagutin ako ni Mr. Torees, napayuko lamang siya habang patuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha.Unti-unti kong binitiwan ang kuwelyo niya. Mabigat ang paghinga ko habang pilit na kinakalma ang sarili. Kailangan kong malaman kung nasaan si Jackie. Kailangan kong makita ang asawa ko.Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo. Sa di kalayuan ay may ilang pulis na abala sa pagkuha ng impormasyon mula sa mga saksi. Balak kong lapitan ang mga ito up

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 354

    KATRINA POV Noong una, nag-eenjoy pa ako sa pagsusukat pero habang tumatagal, nakakapagod din pala. Hindi ko na mabilang pa kung ilang damit na ang naisukat ko hangang sa ako na mismo ang sumuko. Minsan, naiisip ko na baka pinaparusahan lang ako nitong si Kuya Christopher eh. Na wala itong maga

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 376

    Nakakapit si Katrina sa braso in Christopher habang naglalakad sila palabas ng bahay. Todo ngiti si Katrina samantalang si Christopher ay makikita ang pagiging seryoso nito sa mukha. Na para bang may malalim itong iniisip. Sa mismong bakuran lang din naman ng bahay gaganapin ang party. Nag hire

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 382

    KATRINA POV Kinaumgahan..... Tanghali nang nagising si Katrina. Paano ba naman kasi, hindi siya nakatulog kaagad kagabi dahil masama ang loob niya. Gusto niya pa sanang lumabas para makipagboding sa mga bisita niya kaya lang dahil sa takot na baka magalit sa kanya si Kuya Christopher, pinili

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 380

    "Go back to you room and get rest!" utos ni Christopher kay Katrina kaya wala nang nagawa pa ng dalaga kundi ang tumayo na lang at naglakad patungo sa may hagdan. Bago tuluyang umakyat si Katrina, nilingon niya muna si Christopher at nang mapansin niya na seryoso pa rin ang mukha nito hindi niya

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status