Share

Chapter 292

Author: Cathy
last update Last Updated: 2025-05-27 17:59:39

AMERY HEART POV

Inayos ko lang ang mga gamit na nasa ibabaw ng aking mesa bago ko dinampot ang aking bag at naglakad palabas. Ini-expect ko na si Oliver ang nasa labas pero hindi ko maiwasan na magulat nang bumungad sa paningin ko si Elias.

Yes, si Elias nga. Siya ang tinutukoy ng secretary ko na sundo ko? Shocks! Ibang klase din ang lalaking ito eh.

"Ano ang ginagawa mo dito?" kaagad kong tanong sa kanya pagkalapit ko. Hindi ko pa nga maiwasan na mapatingin sa secretary ko na noon ay pasimpleng nakiusyuso sa aming dalawa ni Elias.

"Sinusundo ka. Tapos na ang duty mo? Let's go." nakangiti nitong sagot at hindi na ako nakapalag pa nang bigla niya na lang agawin ang aking handbag. Shocks ibang klase din ang taong ito.

"Bakit kailangan mo pa akong sunduin? Kaya kong umuwi nang mag-isa kaya tigilan mo ako, Elias." seryosong sagot ko sa kanya!

"I insist! Ayaw ko namang may masamang mangyari sa Ina ng anak ko kaya ako nandito. Tsaka, sinigurado kong nakatulog na si Baby Elizabet
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 298

    ELIAS POV "Do you have a death wish?" seryosong tanong ko kay Rebecca. Nakahandusay pa rin ito sa sahig habang patuloy sa pag-iyak. Kahit na katiting na awa, wala akong nararamdaman para sa kanya. Kulang pa ang sakit na nararamdaman nito ngayun sa pahirap na ginawa niya kina Rebecca at Elizabeth. Tatlong taon...tatlong taon na nagtiis ang mag-ina ko dahil sa kagagawan ng babaeng ito. Nag take advantage din siya sa pagkakaroon ko ng amnesia noon. Pinaniwala niya din ako sa isang kasinungalingan kaya walang puwang sa puso ko ang awa. Wala! "Patayin mo na lang ako, Elias! Patayin mo na lang ako." umiiyak na sambit ni Rebecca sa akin. Mapakla akong tumawa sabay iling "Sa palagay mo ba, ganoon lang sa akin kabilis na pakawalan ka? No...hindi sagot ang kamatayan para maagbayaran mo ang lahat ng kasalanan mo sa akin. Habang may galit akong nararamdaman sa puso ko para sa iyo, hindi ka makakaalis sa poder ko. Araw-araw kitang pahihirapan hangang sa magkaroon ako ng fulfilment at pap

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 297

    ELIAS POV "NASAAN si Rebecca?" pakihanap kong nandito pa ba sa loob ng hospital ang babaeng iyun at mag-utos ka ng mga security na huwag siyang palabasin. Dalhin niyo siya sa harap ko, ngayun din." seryoso kong sambit. "Yes, Boss! Check ko po kaagad." sagot naman kaagad sa akin ng CCTV operator bago nagmamadaling lumabas ng aking opisina. Naiwan naman akong nagpupuyos pa rin sa galit. Ngayung may ebidensya na ako at alam ko na ang katotohanan, hinding hindi ko ito mapapalagpas. Ako mismo ang magbibigay ng hustisya sa nangyari kina Amery at Elizabeth. HInding hindi ko mapapatawad si Rebecca sa ginawa niya sa mag-ina ko Aware ako sa sarili ko na kasalanan ko din naman ang lahat ng ito pero hindi ko matangap na napaikot ako ng isang babae. Hindi ko kayang isipin na ang taong nakasama ko sa loob ng tatlong taon ay ang tao palang muntik nang kumitil sa buhay ng babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko matatangap ito. Hinding ko kayang tangapin ang masakit na katotohanan na ito. Hindi

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 296

    ELIAS POV DUMIRECHO ako ng opisina habang hinihintay ko ang kuha ng CCTV na hiningi ko. HIndi lang mga actions ni Rebecca ang gusto kong makita kundi pati na din ang kanilang mga pinag-usapan ni Amery kanina. Baka may makuha akong impormasyon tungkol sa kidnapping na naganap three years ago. Kung talagang sangkot si Rebecca kagaya ng nabangit sa akin ng pinsan kong si Christopher, ako mismo ang gagawa ng hakbang para mapanagot ito. Kay laking perwisyo ang ginawa nitong si Rebecca sa buhay ko. Nang dahil sa kanya, kinamumuhian ako ngayun ni Amery. Kaagad kong dinukot ang aking phone para tawagan sana si Amery. Sana lang talaga sumagot ito dahil wala na siya kanina pagkalabas ko ng ICU. "Nasa bahay na ako, Elias! Huwag mo na akong isipin pa. Itoon mo na lang muna ang attention mo sa anak mo." sagot din naman kaagad nito sa akin. Mabuti na lang sumagot siya sa tawag ko kung hindi kailangan ko na namang mag-utos ng tao para icheck ang kalagayan nito "Bakit ka umalis? Bakit mo a

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 295

    AMERY HEART POV ELIAS POV Masakit na makita na nasa hindi maayos na kalagayan ang sarili kong anak pero ano nga ba ang laban ng maliit nitong katawan sa malubhang sakit na dumapo dito. Ilang buwan pa lang siyang nakikipaglaban sa sakit niya pero kitang kita ko ang mukha ni Liam ang paghihirap. Ang pagod at sakit dulot ng traidor na sakit na tumama sa maliit nitong katawan Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng mga batang pwedeng tamaan ng ganitong uring sakit at bakit siya pa. Lahat ginawa ko. MInahal ko ng sobra si Liam pero hindi pa rin pala enough iyun para maging maayos siya. Para lumaki siyang malusog at makasama ko hangang sa pagtanda. Tinapat na ako ng Doctor niya. Na anytime pwede nang kunin sa akin si Liam. Ayaw ko pa sanang bumitaw pero habang nakatitig ako sa payat at pagod na katawan ng anak ko, hindi ko na kaya pang sabihin sa kanya na lumaban siya. HIndi niya deserved na maghirap ng sobra! Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang aking kamao. Napatingin ako sa l

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 294

    AMERY HEART POV "AKALA mo hindi ko alam ang ginawa mo sa amin noon? Nagkakamali ka Rebecca. Malas mo lang dahil nabuhay kami. Malas mo dahil nakabalik akong buhay." galit kong wika sa kanya. Kung kanina galit ang nakikita ko sa mga mata niya, napalitan na iyun ngayun ng takot. "Huwag kang mambintang, Amery. Wala kang ebidensya!" seryosong sambit niya. Peke naman akong tumawa. Pinakatitigan ko siya at ngayun ko lang napagtanto ang malaking pagbabago sa hitsura niya. Wala na ang dating sopistikada, sexy at magandang si Rebecca. Ang laki ng ipinagbago ng physical na kaanyuan niya at kahit na ayaw niyang sabihin sa akin, alam kong may something din sa kalusugan niya ngayun. Nanlalalim ang mga mata niya at tuyot din ang kanyang balat. Ibang iba siya sa dating Rebecca na nakilala ko. Siguro kung hindi niya ako sinampal kanina at nakasalubong ko lang siya sa isang lugar, baka hindi ko siya makilala eh. "Walang ibedensya? Well, hindi ko na kailangan pa ng ibedensya kung ano ang gi

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 293

    AMERY HEART POV "ANO ang problema?" seryosong tanong ko kay Elias pagkatapos niyang makipag-usap sa kung sino kanina. Kapansin-pansin ang biglang pagbabago ng mood nito at biglang naging seryoso ang expression ng mukha nito. "Si Liam. Itinransfer siya sa ICU dahil bigla siyang nag 50/50 kanina." seryosong wika niya habang halata ang lungkot sa kanyang boses. HIndi naman ako nakaimik. Sobrang nagulat ako sa narinig ko mula sa kanya. "So, ano pa ang hinihintay mo? Kailangan ka niya." seryosong sagot ko. "Ihahatid muna kita sa bahay tapos pupuntahan ko siya." seryosong sagot nito pero halata sa boses niya ang lungkot. Alam kong sobrang nag-aalala ito sa kalagayan ng sariling anak kaya naman hindi ko maiwasan makaramdam ng pag-alala. Hindi ako bato para hindi maramdaman ang kung ano man ang nararamdaman nitong si Elias ngayun. "Elias, ano ka ba? Kailangan ka ng anak mo. Makakapaghintay ang pag-uwi ng bahay. Pwede naman na dumirecho na muna tayo doon eh." seryosong sagot ko sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status