JENNIFER MADLANG AWA POV Nasunod ang nais ko na kumain ng pizza ngayung madaling araw pero may mga asungot naman na biglang dumating! Si Madelyn at ang ex kong si Robin! Shit..ano ang ginagawa ng dalawang ito sa Metro Manila? Don't tell me na sinundan nila ako? Pero imposible naman yata iyun! "Who are you ba? Sugar Daddy ka ba nitong half sister kong si Jennifer kaya ang tapang-tapang niya na ngayun?" narinig kong sambit ni Madelyn pagkatapos sabihin ni Elijah sa mga ito na umalis na sila sa harapan namin! Sabagay, nasa mood akong kumain ng pizza at ayaw ko sana ng isturbo! Imagine, talagang ginising ko pa talaga itong si Elijah para pabilihin ng pizza tapos sisirain lang ni Madelyn at Robin ang moment ko? Ano ba talaga ang kailangang ng mga taong ito? Bakit ang lakas ng loob nilang lapitan ako gayung hindi naman na kami bati! "Sugar Daddy? God! Sweetie, sino ba ang mga ito?" kunot noong tanong sa akin ni Elijah! Mukhang naisulto sa sugar na daddy na binangit nitong si Madel
JENNIFER MADLANG-AWA POV "Si Mr. Elijah Villarama Valdez ba iyan?" narinig kong bulungan nang ibang mga costumers dito sa loob ng restaurant! Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaisip! Gaano ba kasikat si Elijah at bakit parang kilala siya ng lahat ng mga tao dito sa loob ng restaurant? Artista ba siya...model or sadyang kilala lang siya ng lahat dahil mayaman ang angkan nila! Wala sa sarilnig napatitig tuloy ako dito na parang wala lang naman sa kanya ang attention na pinupukol sa kanya. Na para bang sanay naman siya na kilala na siya ng halos lahat! "Ang gwapo niya kaya lang may fiancee na pala tapos buntis!" narinig kong sambit ng isa pang babae na nakaupo sa isang table na malapit lang sa table naming dalawa ni Elijah! Halatang crush nito si Elijah dahil kung makatitig para bang gusto niyang lamunin ng buo ito! Hindi ko tuloy mapigilan ang mapataas ng kilay at napairap! Ngayun ko lang lubos na napatunayan na marami palang nagkakagusto kay Elijah! SAbagay, gwapo din naman k
JENNIFER MADLANG-AWA POV Mainit ang ulo sa akin nitong si Madelyn noon pa man at duda na tuloy ako ngayun kung magkapatid ba talaga kami! Matanda lang ako ng isang taon sa babaeng ito at ang pakilala ni Papa sa akin noon ay magkapatid daw kami dahil habang nagsasama sila ni Mama noon, may iba na siyang babaeng kinakalantari at ang nanay nga iyun ni Madelyn na saksakan ng sama ng ugali! Parang gusto ko na tuloy na magpa DNA para magkaalaman na dahil kung hindi naman talaga siya anak ni Papa wala siyang karapatan sa lupain na minana pa ng sarili kong Ina sa kanyang mga magulang! Hindi ako papayag na mapunta sa kamay ng ibang tao ang lupain na iyun! "Hmmm, mangarap ka dahil hindi mangyayari iyun! Tsaka, hindi porket ikaw ang nakakalamang ngayun makakaligtas ka na sa galit ni Papa!" nakaingos niyang sagot sa akin! Hindi ko naman mapigilan na maikuyom ang kamao ko! Tingnan mo ang babaeng ito...ang sama talaga ng ugali! Ako pa talaga ang tinakot niya! ''Hayaan mo na! Huwag mo nang
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV HINDI ko na mabilang kung ilang beses na akong humikab! antok na antok na talaga ako at gusto ko nang ipikit ang aking mga mata! Alas nwebe pa ang meeting ko kay Mr. Sey pero feeling ko gusto ko nang i-cancel muna iyun para matulog! Kakaibang antok talaga ang nararamdaman ko ngayun eh! Sanay naman sana ako sa puyatan pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayun! Nakadalawang baso na din akong kape pero hindi talaga kaya! Gusto ko munang ipikit ang aking mga mata kahit saglit lang. Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang dumating Personal Secretary ko na si Robert Lagdameo! "Good Morning Sir. Tumawag nga po pala si ang secretary ni Mr. Sey at on the way na daw po sila! Regarding naman po sa mga reports na hinihingi niyo, ddalhin daw po ni Ms. Sanchez maya-maya lang!" bigkas nito sa akin! Wala sa sariling napasandal ako sa aking swivel chair at mariin kong naipikit ang aking mga mata! "Okay...and MR. Lagdemeo...pakidalhan nga ulit ako ng isa pang ta
JENNIFER MADLANG AWA POV Hindi na pala kailangan pang mag-inarte para mapansin ni Elijah kung gaano kahirap magbuntis dahil nararamdaman ko na ito ngayun! Nagising ako kanina na sobrang sama ng pakiramdam ko! Of course...halos takbuhin ko ang banyo at nagduduwal pero hindi talaga kaya! Habang nakasalampak ako sa harap ng toilet bowl, nakaramdam ako ng pagkahilo at hindi ko na nalaman pa ang sunod na nangyari! Nagkamalay ulit ako na nandito na ako sa kama at may ipinapahid na sila Manang sa ilong ko na amoy mint. "Mam..naku, mabuti naman po at nagising na kayo! Masyado niyo naman po kaming tinakot Mam eh!" bigkas ni Manang Salve sa akin na noon ay kitang kita ang pag-aalala sa mukha! Kahit naman papaano, kaagad akong nakaramdam ng tuwa! Imagine...kahit na hindi nila ako kaano-ano kitang kita ko pa rin sa kanila na nag-aalala sila sa akin! "Manang, ano po ang nangyari?" nagtatakang tanong ko. "Naabutan ka namin ni Precy sa loob ng banyo na wala nang malay tao." sagot nito!
JENNIFER POV "Akala ko ba may meeting ka ngayun? Ano ang ginagawa mo dito sa bahay?" kaagad kong tanong kay Elijah nang kami na lang dalawa ang naiwan dito sa loob ng kwarto! Nakasandal ako sa headboard ng kama habang nakahiga naman siya sa tabi ko na nakayapos sa akin. "Kinansel ko na muna noong nalaman ko na nahimatay ka." sagot nito sa akin! "Kinansel mo? Naku, paano ngayun iyan? Baka magalit sa iyo niyan ang mga ka-meeting mo?" nag-aalalang sagot ko! Feeling ko din masyado na akong nakakaabala sa kanya. Gosh, kaunting kibot nandito na kaagad siya sa tabi ko? Gaano ba ako ka- importante sa kanya? Mahalaga ba ako sa kanya or kaya siya nagkakaganito dahil sa baby namin? Well, kung ano man ang reason niya, ayaw ko na munang isipin! Hindi ako dapat magpaka-praning sa isang bagay lalo na sa sitwasyon ko ngayun! Ayaw ko din kasi na maapektuhan ang pagbubuntis ko dahil lang sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. "Don't worry! Hindi sila magagalit sa akin at kahit na ilang
JENNIFER POV "GOOD morning po!" mahina kong bati dito kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko nang tuluyan nang makalapit sa akin ang Mommy ni Elijah! Napansin ko pa nga ang pagsipat niya ng tingin sa akin mula ulo hangang paa na lalong nagpadagdag sa malakas na kabog ng dibdib ko. "Ano ang ginagawa mo dito sa labas? Nasaan si Elijah?" seryosong tanong niya sa akin. "Na-nasa kwarto po! Natutulog." kinakabahan kong sagot. Napansin kong naptikwas ang kaliwa nitong kilay na para bang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko. "How about you? Bakit nandito ka sa labas gayung ang dinig ko kay Elias kay nahimatay ka daw kanina?” muling tanong niya. "Ahmm, maayos naman na po ang kalagayan ko at gusto ko din po kasing makalanghap ng sariwang hangin. Tsaka, kakatapos ko lang din pong kumain." nahihiyang sagot ko naman sa kanya sabay yuko Hindi ko kasi kayang makipagtitigan sa kanya kaya iniiwasan ko na din talaga na mapatitig sa mga mata niya! Para kasing binabasa niya ang b
JENNIFER POV "Sa-salamat po Mam! Hayaan niyo po...aalagaan ko ang baby na nasa sinapupunan ko sa abot ng aking makakaya para maging healthy siya sa kanyang paglabas." nakangiti kong sagot sa Mommy ni Elijah! Hindi ko din maintindihan ang sarili ko! Habang nagtatagal kaming nag-uusap, lalong gumagaan ang kalooban ko sa kanya na para bang may something sa kanya na hindi ko maintindihan! Siguro dahil mabait siya at sa simula noong nagkaisip ako never akong nakaranas ng pagmamahal ng isang Ina at nararamdaman ko iyun ngayun kay Mam Miracle! Mabait siya...alam kong mabait siya at makakasundo ko siya. "Mam? Jennifer...magiging asawa ka na ng anak ko soon at hindi pwedeng tawagin mo akong Mam! You can call me Mommy." nangingislap ang mga mata niya sa tuwa habang sinasabi ang katagang iyun! Hindi naman ako nakaimik! Mommy? God, sobrang sarap pakingan at sobrang sarap sambitin. "Ha...na-naku! Nakakahiya po! Hindi pa naman ako asawa ng anak niyo po para tawagin ko kayong Mommy." nah
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay