Share

Chapter 79

Author: Cathy
last update Last Updated: 2025-03-06 18:38:53

JENNIFER POV

Pagkalabas ko ng elevator, imbes na sa kotse ako dumirecho, naglakad ako palabas ng building.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako patutungo. HIndi ko alam kung saan ako pupunta pero isa lang naman ang gusto kong mangyari sa ngayun. Wala akong planong umuwi ng bahay dahil ayaw ko munang makita si Elijah.

Masakit kasi talaga! Feeling ko nakaukit na sa isipan ko ang mga nakita ko kanina at sa pagkakataon na ito, hindi ko alam kung saan ako patutungo.

Akala ko talaga puro saya na lang ang mararamdaman ko sa piling niya pero mukhang nagkakamali ako. Darating at darating pala talaga ang problema sa buhay at hindi ko talaga alam kung paano harapin iyun.

Sa kakalakad ko, hindi ko na napansin pa nakarating na pala ako sa may kalsada. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako patutungo pero nang may humintong taxi sa harapan ko, tahimik akong sumakay at nang tanungin ni Manong driver kung saan ako pupunta, sinabi ko na lang na dalhin niya ako sa pinakamalapit na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (24)
goodnovel comment avatar
Marcelina Reyes
nanginginig ak9 sa galit dto sa bwwisit na babaeng halipàrot at itong lalaking ewan tas ito pa nwla na ang kasunod ano yn
goodnovel comment avatar
Sima
author pa update na please
goodnovel comment avatar
Everlasting Agustin
more more update pa po please .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 366

    KATRINA POV "Ano ang ginagawa mo diyan?" abala si Jacob sa kakadakot sa mga winalis ko nang sabay kaming napalingon nang marinig namin ang seryosong boses na iyun. HIndi ko maiwasan na magulat nang sumalubong sa paningin ko si Kuya Christopher. Mukhang hindi maganda ang gising dahil salubong ang kilay nito na nagmamdaling naglakad palapit sa amin. "Ku-kuya! Good Morning po!" wika ko. Kailangan pa rin batiin kahit na alam kong mainit ang ulo nito para maipapaalala ko dito na masyado pang maaga para magalit ito. Tsaka, ano kaya ang problema nitong si Kuya? Bakit parang wala sa mood? HIndi magada ang gising or baka naman masama ang tulog dahil nanaginip ito ng hindi kanais-nais? "What is the good in themorning, Katrina? Ano ang ginagawa mo dito at sino ang may sabi sa iyo na lumabas ka nang hindi nagpapaalam sa akin?'" seryosong tanong ni Kuya Christopher sa akin. Hindi ko na tuloy maiwasan na makaramdam ng matinding kaba. Ano ba ang nangyayari? Ano ba ang mali? "Hi, Mr. Villar

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 365

    KATRINA POV Masaya akong pumasok ng kwarto pagkagaling namin sa labas ni Kuya Christopher. Kahit papaano, nakaramdam ako ng gaan ng kalooban sa isipin na umaayon sa akin ang tadhana. Na magagawa ko na palang mabuhay na hindi na kailangan pang umasa kay Ate Amery. Kanina, ayos na. Pumayag na si Kuya Christopher na dito ako titira kaya naman simula bukas, magiging masipag na ako. Kailangan ko nang kumilos at tumulong sa mga gawain dito sa bahay. Tama, hindi man direktang sumang-ayon si Kuya Christopher kanina na magiging totally kasambahay ako pero kailangan kong kumilos. Nakakahiya naman kung wala akong gagawin. Libre na nga na ang pagtira ko sa bahay na ito, mag-aasal senyorita pa ako? Pagkatapos kong gawin ang aking evening routine, tuluyan na din akong nahiga ng kama. Ilang saglit lang, nakatulog na din naman ako. Eksakto alas sinko ng umaga ako nagising kinaumagahan. Dali-dali akong bumangon at pumasok ng banyo. Naghilamos, toothbrush pagkatapos nagpalit ng kumportableng da

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 364

    KAHIT anong gawin ni Christopher, hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya na mapapangiti habang kausap niya ngayun si Katrina. Hindi niya kasi talaga inaasahan na malalaman niya mula dito na next month na pala ang ikalabin-walong kaarawan nito. Kung ganoon malapit na. Malapit na sa itinakda niyang araw na maangkin ito. Mabuti na lang talaga at naisipan niyang dumaan kanina sa mall para bilihan ito ng regalo. Isa iyung diamond solitaire bracelet. Binili niya talaga iyun para dito kay Katrina dahil alam niyang nagtatampo ito dahil hindi nga nito naabutan ang tutor nito kaninang umaga. Actually, nagsinungaling siya dito kanina. Wala naman talagang tutor na dumating dahil wala naman talaga itong schedule dahil kahapon pa lang kinancel niya na. Siya kaya ang nagbabayad ng tutor ni Katrina at ngayung naikasal na si Amery sa pinsan niyang si Elias, alam niyang makakaporma na siya ng maayos dito kay Katrina ngayun. Kapag nasa paligid kasi si Amery, ramdam niya ang pagiging disgusto

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 363

    KATRINA POV KANINA pa ako hindi mapalagay. Kanina pa ako hindi mapakali at parang gusto ko nang pagsisisihan pa kung bakit pa ako sumama dito kay Kuya Christopher na kumain dito sa labas. Feeling ko kasi may mali eh. Feeling ko din ako ang pinag-uusapan ng mga kumakain dito sa resto? Paano na naman kasi, nahuhuli ko ang iba sa kanila na kakaiba kung makatitig. Na para bang may krimen akong nagawa. Sabagay, nakapangtulog kasi ako eh. Tsaka hindi ko din alam kung kumusta naman ang buhok ko. Hindi din kasi ako nakapagsuklay at basta na lang ako bumangon ng kama kanina noong narinig ko ang pagkatok nitong si Kuya Christopher kanina. Wala sa sariling napayuko ko. Gusto kong deadmahin ang mga mapanghusgang pagtitig sa akin. Para kasing natutunaw ako eh. "Hey, ano ang nangyari? Bakit parang kulang na lang isubsob mo ang ulo mo diyan sa mesa?" seryosong tanong ni Kuya Christopher sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nahihiya akong tinitigan siya. "Ha? Ahmmm, wala! Wal

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 362

    KATRINA POV "Anong sabi mo? Mag-aapply ka nang ano iyun?" seryosong tanong ni Kuya Christopher sa akin. "Kasambahay po? Hindi niyo po ba narinig? Masyado po bang malabo ang boses ko?" nakalabi kong sagot sa kanya. Tsaka, ano ba...bakit bigla-bigla na lang siyang humihinto? Mabuti na lang talaga at hindi ako nangudngod eh. Kung hindi tanggal siguro ang ngipin ko. "At bakit mo naman naisip na mag-aaply bilang kasambahay ko?" muli nitong tanong. Parang tanga lang. Paulit-ulit. Trenta pa lang pero feeling ko malapit na siyang mag-ulyanin. "Kasi po hindi na ako sasama kay Ate Amery. Hihiwalay na ako ng tirahan sa kanila dahil may asawa na siya. Nahihiya na kasi ako kaya nagpaplano ako ngayun na maghanap na lang ng trabaho." seryosong sagot ko. Sana lang talaga matangap ako kung hindi lagot na. Wala akong pinag-aralan at alam ko sa sarili ko na mahihirapan akong makahanap ng trabaho. "Paano kung hindi kita iha-hire? Ano ang gagawin mo?" seryosong tanong niya sa akin "Eh di, mag

  • Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!   Chapter 361

    KATRINA POV '"Te-teka lang naman Kuya! Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Kuya Chritopher habang mahipit pa rin ang pagkakahawak nito sa braso ko. Hindi ko alam kung anong meron at bakit ganito na lang siya kung makahatak sa akin ngayun. Na para bang nagmamadali siya. Mabuti sana kung nagpaliwanag muna siya bago niya ako bastang hilain para naman maintindihan ko kung ano ba talaga ang nais niya eh. Kaya lang, wala eh. Wala na yatang balak na magsalita ang lalaking ito! "Kuya, ano ba? Bitaw sabi eh. Kung hindi mo ako bibitawan, sisigaw na ako!" inis kong bigkas. Tumigil naman ito sa paghakbang at seryoso akong hinarap "Sige, sumigaw ka! Iyun kung may makakarinig sa iyo. Alam mo ba kung anong oras na? Maliban sa dalawang gwardiya na nasa gate, wala na tayong ibang kasama dito sa bahay na ito." seryosong sagot nito sa akin. HIndi naman ako nakaimik Oo nga pala. Kaming dalawa na lang ang nandirito. Stay out pala ang dalawng kasambahay. Haysst, bakit kaya palagi kong nakakalim

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status