Share

Chapter 14

"What's up, Architect Scott! Mukhang may hang-over ka pa ah?" bati agad sa akin ni Marcus nang dumating ako sa site.

Nakangisi ito sa akin at agad akong inabutan ng safety hat. Napairap naman ako sa kaniya dahil hindi ako nakakatakas sa kaniya. Sa tatlong taon na pagkakaibigan namin ay sanay na sanay na rin ako sa pang-aasar niya sa akin.

"Ngayon ka lang na-late at muntikan pang hindi makapunta," dagdag na sabi pa niya pagkatapos ay umiling-iling.

"Whatever, Engineer Martinez. The important thing is that I'm here and I can still do my work kahit late," sabi ko naman sa kaniya pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.

Natawa lang naman siya kaya isuot ko na ang safety hat ko. Nagsimula akong maglakad para tignan ang mga dapat pang gawin sa site. Bahay ang ginagawa roon at sinisimulan na ring itayo pero may kailangan pa rin akong i-check doon. Malaki kasi ang bahay at malaki ang tiwala sa akin ng client ko kaya naman hindi ko pwedeng pabayaan 'yon.

Sa bakanteng lote ay may itatayo pa roon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status