LOGIN
PROLOGO
Ang buong silid ay amoy mamahaling alak at bagong imprenta ng papel- Isang amoy na karaniwang naaamoy ni Rica Skye Ordiza tuwing may pagpupulong ang kanyang ama.
Ngunit ngayong gabi, Hindi lang negosyo ang pinag-usapan, kundi ang kapalaran niya.
Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang dalawang pamilya, ang Ordiza at ang Del Rio family. Sa gitna nila ay ang abogado, nakasalamin at seryosong nagbubuklat ng makapal na dokumento.
"Ngayon ay pormal nating pipirmahan ang kasunduang ito," wika ng abogado.
"Ang pagsasanib ng Ordiza Holdings at Del Rio Enterprises ay maisasakatuparan sa pamamagitan kasunduang engagement Nina Señorita Rica at Señor Clavio."
Napataas ng kilay si Rica, sabay pikit. "You've got to be kidding me," bulong niya na halos hindi marinig ng iba.
Ngunit si Don Emilio, ang kanyang ama ay agad siyang sinenyasan saka pinandidilatan siya ng mga mata.
"Enough, Rica," malamig nitong sabi. "Wala kang karapatang tumutol. Ito ang aming desisyon sayo bilang magulang mo,"
"Desisyon ng magulang?" Tumawa siya ng mapakla. "O desisyon mo lang Dad?"
Tahimik ang buong silid. Napatingin sa kanya ang binata, tahimik lang ito at walang paki sa kanyang mga pinagsasabi. Kung ibang lalaki iyon, baka natakot na sa kanyang ka malditahan at kakaripas ng takbo. Pero ang binatang kaharap niya ay hindi manlang kumurap.
"Iha, Anak." Muling wika ng ama, "ito ang paraan para hindi tuluyang malugi ang kumpanya natin. Alam mong bumabagsak na Ang market sales ng negosyo. At tanging ito nalang ang paraang natira."
"So kailangan Kong ma engage kay Mr. Clavio? Para lang iligtas ang negosyo mo? Great plan, dad."
Bago pa siya makapagsalita ulit, mariing tinapik ng ama ang mesa. "Tama na. Pirmahan mo nayan."
Ang mga mata ng dalaga'y nag-aalab sa inis, pero alam niyang wala siyang magagawa. Kahit anong pagtutol, alam niyang sa huli siya parin ang matatalo.
Huminga siya ng malalim, kinuha ang ballpen at nilagdaan ang dokumento. Kasabay nito ang binata naman ay tahimik lang, at walang bakas ng pag-alinlangan. Para bang isa lang Itong pirma sa isang business company at hindi isang kasumnduan sa pagkakatali habang buhay.
"Magaling," wika ng abogado. "From now on, pormal nang nakatali sa kasunduan ang dalawang kumpanya- at ang sino mang lalabag sa kasunduang ito ay maaring hahantong sa pagkawalang bisa at kahit na kusing ng shares na manggaling sa magkabilaang panig ay mapawalang bisa. Pwera nalang kung opisyal silang magpapakasal ay iyon ang patunay na ang pag-aari ng isa ay pag-aari nadin ng Isang panig." Nagpaalam ang abogado sa kanila at nakipagkamay Pagkatapos saka umalis.
Habang nagsasaya ang kanilang mga magulang, si Rica naman ay natahimik at napa-isip ng malalim. Parang nakaramdam siya ng kabang Hindi niya maipaliwanag.
Ilang araw ang nakalipas, ginanap ang secret engagement ng dalawa sa Villa ng mga Del Rio. Natapos ang kasunduan, walang romantic music, walang mga bisita at walang damdaming nagmamahalan. Tanging sila at ang dokumento lang na nagpapatunay na confidiantial ang mga inpormasyong kanilang pinanghawakan.
Samantala, si Rica ay gusto niyang manapak at sabihin ang katagang 'no' a thousand times, pero sa gilid ng kanyang paningin nakita niya ang malamig na titig ng kanyang ama. Kaya pinilit niyang ngumiti at maging kalmado sa paningin ng kanyang Ina na busy rin sa pakikipag usap.
Tumingin siya sa kanyang daliri habang minamasdan ang suot na sing-sing, Isang diamond silver na bawat gilid at sulok nitoy puno ng mamahaling bato.
'Sayang ka kung hindi kita mabenta sa malaking halaga' hilim siyang napangiti sa kanyang masamang binabalak.
Pinilig niya ang kanyang ulo sa kalokuhang naisip, at nagawi ang kanyang paningin sa binatang deritso lang ang mga matang nakatingin sa kanya, parang ang hirap niyang pasayahin at wala manlang kahit na katiting na ngiting ipinakita niya.
'Well, that makes two of us' she shrugged her shoulder, dahil para sa kanya mas mabuti na siguro yung Hindi sila magkibuan sa isat-isa. Mas panatag ang kanyang loob ron.
Nagsiupan sila sa mahabang lamesa at walang nagtangkang maunang bumasag sa katahimikan na namayani sa mga Oras na dumaan. Buntong hinga ang pinakawalan ng Don ng mapagtantong wala talagang may balak magsalita.
"Ok, lets start to talk our personal matter here, its not about business. Its all about this two how they will handle their marriage after this? Una ng nagsalita si Dona Celeste.
Tumikhim naman si Don Emilio saka dinugtungan ang mga katagang binigkas ng kanyang asawa.
"Ngayong opisyal na ang engagement, maari na silang manirahan sa bahay na ibibigay namin sa kanila. Ang mag-asawa ay kailangang bumuo ng sariling pamilya, at pagkakaisa."
"Unity, huh?" Sarkastikong bigkas ng dalaga.
"Huwag mong ubusin pasensya ko Rica, talagang sumusobra kana sa ugali mong yan."
"No need for that Don Emilio, I can provide my own home and also- my wife." Sa unang pagkakataon ay sumabat si clavio, natigilan silang lahat.
Nahinto si Don Emilio sa kanyang pagsasalita, saka nabato sa kanyang kinaupuan na parang nilagyan ng stick glue para Hindi siya maka kibo sa sobrang kaba. Malalim at malamig ang tinig ng binata, yung salita niya'y parang may ibang pahiwatig para sa dalagang namamawis sa kaba. Sa buong buhay niya ngayon pa sya minalas ng sobra at kung sinuswerti ba naman ay sa bilyonaryo pang sobrang lamig ng pakikitungo sa kanya. At bakas sa namamawis niyang noo ang labis na pagkailang.
Tahimik ang buong silid na Tila pati ang hangin ay natigilan sa bigat ng sinabi ng binata. Alam ng lahat na bihira Itong magsalita, ngunit kapag nagsalita naman ito ay walang pag-alinlangan ang pagtanggi nito kung hindi niya gusto.
"Kung 'yan ang inyong kagustuhan Iho." Mahinang usul ng Don at pilit pinapakalma ang sitwasyon. At alam ng lahat na kung ano ang kanyang desisyon ay hindi nayun babawiin ni clavio.
Si Clavio Javier Del Rio ay hindi ordinaryong lalaki, binte-dos anyos pa lamang siya ay naturingan na siyang pinaka batang naging bilyonaryo sa buong ka maynilaan, dumagdag pang lumaki siya sa pamilya ng kapangyarihan.
At sa ganyang edad niya ay kung gusto mong lagpasan siya ay para Kang nangangarap ng gising na imposible mo din namang marating.
Hindi kailanman umasa sa kanilang pangalan at yaman upang magtagumpay. Matalim siya mag-isip, at matigas ang kanyang loob. Higit sa lahat ayaw niyang may nagdidikta sa kanya kahit pa ang sarili niyang magulang.
Buong lakas na itinulak ni Rica si Clavio pero hindi man lang ito napaatras. Para bang pader ang kanyang sinubukang itulak na hindi naman natibag. At ang tanging naging epekto lang ng ginawa niya'y imbes na lubayan siya ng binata mas lalo lamang syang ininis jnito, sumilay ang konting ngiti sa mga labi ng lalaki. Ngiting mapang insulto at parang sinasabi niyang alam niya kung gaano kahina ang dalaga na kaharap niya ngayon."Don't be playing hard to get Ms. Ordiza. I know you very well."Sabi ng binata sa kanya pero sa mababa lamang na boses para walang ibang makarinig sa kanilang pag-aaway, bawat salita ng lalaki ay parang karayum na milyon milyong tumutusok sa kanyang dibdib. Bumalik lahat sa kanyang isipan simula nung mag tagpo ang kanilang mga landas sa kanilang mansyon, hanggang doon sa mirrage club na kung saan ay nakita niya ang binatang may ibang kasama na babae. pinagmukha siyang tanga, at alam na alam niya ang pakikitungo sa kanya ng lalaki. At yun ang hindi niya matanggap.
Hindi na muling lumingon si Rica. Sa isip niya, sapat na ang ilang minuto para makahanap ng kusina. ilang hakbang lang siguro ang layo nito sa grand hall. Ngunit habang patuloy siyang naglalakad sa malawak na pasilyo ng Villa, unti-unti niyang napagtantong mali pala ang kanyang naging akala. Mas malaki pala ang lugar kaysa sa kanyang inaasahan kanina. Ang bawat hallway ay halos magkapareho ng disenyo at parehong may mga mamahaling pulang carpet na nakalatag sa bawat sahig, may ilang paintings rin siyang nakita na nakasabit sa bawat gilid ng dingding, katabi sa matatayog na mga bintanang natatakpan ng makakapal na kurtinang kulay ginto. Pinagmasdan din niya ang bawat pintong nakikita niya sa kanyang mga mata. hindi siya makapaniwalang ganito ang sasapitin niya sa simpleng paghahanap ng isang basong tubig. Nagpapadyak siya sa kaniyang dawalang mga paa. 'Lintek talaga! kasalanan talaga to ni Diane kung ba't naligaw ako.' Inis na bulong ng dalaga sa kanyang sarili habang hinihi
Mas lalo namang naging abala ang mga bawat panauhin sa loob ng Villa na pagmamay ari ng binata, ang mga nakaraang mga bulungan at mga pagdududa ng mga tao ay parang bulang napalitan agad ng kasiyahan. Mga pagbati na parang hindi na matapos tapos at may mga kasamang ngiti na ipinapakita sa kanilang labi kahit ang iba ay halata namang napipilitan lang ang mga ito, ayaw naman nilang sila ang mawalan ng Importanteng panauhin sa kanilang negosyo kaya kahit pilit lang at mapagkunwari ang kanilang mga ipinapakita ay okay nalang din kisa mawala lahat ang kanilang pinaghirapan na parang bula. Tahimik lamang si Rica na nakatayo katabi si Daine, pinagmamasdan nila pareho ang mga taong napapadaan sa kanilang harapan. Pilit niyang sinasabayan ang pormal na usapan sa kanilang paligid. Ngumingiti siya kapag kinakailangan, may mga iilan parin kasing bumabati sa kanya kaya wala siyang magawa kahit pakiramdam niya'y nangangalay na ang kanyang mga panga saka kakangiti ng bawat taong napapadaan sa k
Bahagyang ibinaba ni Clavio ang mikropono habang dahan dahan niyang pinagpamasdan ang bawat panauhing naroon. Nanatiling tahimik ang buong bulwagan, walang sinuman ang nagtangkang magsalita. Ang mga tunog ng kubyertos at baso ay tila sabay-sabay na nawala, maging ang mga waiter ay kusang napahinto sa kanilang paglalakad. Pakiramdam ng dalaga'y biglang bumigat ang sa hangin sa buong silid, Hindi siya nilulubayan ng matinding kaba na lumokob sa kanyang kalamnan. tahimik na ibinalik ni Clavio ang mikropono sa kanyang labi. "Some of you have already heard the rumors." Huminto siya saglit. "Some believed them." "Some Questioned them." Hindi niya kailangang banggitin kung anong tsismis ang kanyang tinutukoy. Dahil alam ng binata na alam nilang lahat, ang mga pekeng larawang lumabas sa Charity Gala. Ang eskandalong muntik nang makawasak sa repustasyon ng dalawang pamilya. Muling nilibot ng binata ang kanyang mga tingin sa buong bulwagan, may iba na hindi maka tingin ng deritso sa kan
Marahan siyang naglakad paakyat sa malapad na hagdanan ng Villa. Naririnig niya ang mahinang p-agtunog ng kanyang takong sa marmol na sahig habang ang malamig na simoy ng hangin ay bahagyang nagpapagalaw sa laylayan ng kanyang suot na gown.Sa magkabilang gilid naman ng entrance ay nakahilera ang ilang tauhan ng Del Rio. Pormal ang kanilang kasuotan at halos hindi gumagalaw ang mga ito, na para bang sinanay na huwag magpakita ng kahit na among emosyon sa kanilang mga mukha.hindi maiwasang mapatingin si Rica sa kanyang paligid.Mas lalo niyang napagtanto kung gaano kalaki ang agwat ng kapangyarihan ng dalawang pamilya. Ang mismong Villa ay tila isang pribadong bulwagan. napakataas ng kisame ng pangunahing palapag. habang nakasabit sa gitna nito ang isang napakalaking crystal chandelier na kumikislap sa bawat tama ng mga ilaw. sa magkabilang dingding namay merong naka displey na mga lumang paintings ng mga pamilya ng Del Rio, kasama ang mga larawan ng kanilang mga ninuno na tila tahimi
Nung gabing yun walang maisip na ibang paraan si Rica kundi ang sumunod nalang muna kung ano ang maging takbo sa kanilang Engagement. Sa kabilang panig naman, sa kompanya ng binata na isang pagmamay-ari niya ang 50 storey building glass skyscraper na nakatayo sa business district. Ang pinaka tuktok nito naroon ang executive floor, kung saan matatagpuan ang opisina ni Clavio, ang buong silid ay may floor to ceiling glass walls. Halatang advance materials ang pinang gamit nito para mas matibay at moderno, masyado itong overlooking sa labas ng entire City. Tahimik naman ang buong opisina maliban sa malakas na tunog ng isang basong tumama sa sahig. ‘Crash!’ Bumagsak ang crystal na baso na whisky, sabay talsik ng inumin sa mamahaling carpet. Ang mga empleyado sa labas ay napatingin sa kanyang opisina, pero ni isa ay walang naglakas loob na kumatok upang usisain kung anong nangyari sa kanilang amo. Alam na alam nila kung anong klaseng halimaw ang binata kapag ito’y wala sa sarili, Nana
Dalawang araw ng nakalipas simula nang sumabog ang scandal sa social media, na hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang issue tungkol don. Ang pangalang Clavio Del Rio ay parang apoy na sinusunog sa bawat tweet, binabato ito ng mga 'truth thread' at memes. Pero sa loob ng kanyang penthouse sa t
Pumanhik ang dalaga tungo sa kanyang kwarto, tahimik lamang ang buong mansyon, sa bawat sulok ng kwarto ay naroon ang malamig na simoy ng hangin, tila ba ipinapaalala kay Rica kung gaano siya kabilanggong nakakulong sa sarili nilang tahanan. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatiingala sa kisame, ng
[Few Day's ago]"Rica! Huwag Kang bastos sa harap namin ha!" Sigaw ng ama niyang si Don Emilio Ordiza, habang mariing pinapalo ng baston ang marmol na sahig ng kanilang mansyon.Ngunit nanatiling tuwid ang dalaga sa kanyang kinatatayuan, pilit pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay."What
Sa gabing Yun, malinaw sa lahat na hindi bastang binata si Clavio, mahirap tumbahin ang lalaking may paninindigan at prinsipyo.Ang dalaga namay ang dati niyang tapang ay biglang napalitan ng kaba at pangamba para sa sarili niya.Na para bang unti-unting lumulubog ang kanyang dibdib sa sobrang pang

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





