Share

Kabanata 1

Penulis: Ensi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-02 23:10:38

Pinanliitan ko siya ng mata bago lumayo. “Nahihibang ka na ba?”

Seryoso siyang timitig sa akin at maya-maya pa ay umangat ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil na ngumiti.

“Kapag ba sinabi kong oo, maniniwala ka?”

“Baliw na nga,” bulong ko.

“I heard that, miss.” Tumawa ito ng mahina.

Nahuli ko siyang nakatitig sa namamawis kong dibdib kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tumikhim.

Maski ako ay nakaramdam ng hiya kasi ngayon ko lang napansin na nakikita pala ang cleavàge ko.

“Look, I'm offering you a deal. Dapat kanina pa nasimulan ang demolition pero dahil mabait ako—”

Natawa ako. “Wow! Mabait? Mabait ka na niyan, Kapitan?” puno ng sarkasmo kong tanong.

Nagsalubong ang kilay niya at humalukipkip na nakipagsukatan ng tingin sa akin.

“Hindi ba? So dapat pala hindi na ako nagpaalam sa 'yo?” naglaro ang ngisi niya sa labi na mas nagpainis sa akin. “Very well…”

Dinukot niya ang selpon sa bulsa ng slacks nito ngunit mabilis kong naagaw ‘yon nang akmang may tatawagan ito.

Sinamaan ko siya ng tingin nang tumawa siya ng malakas.

“Anong nakakatawa?”

Landakan kong ipinakita sa kanya ang pagtago ng selpon niya sa bulsa ng jeans ko.

“Ikaw.” Turo niya sa akin habang natatawa kaya naniningkit ang mga mata niya. Eh ‘di siya na ang gwapo.

Hindi dahil maganda siyang lalaki ay mababaliktad na niya ang sitwasyon. Hindi agad ako bibigay. I'm still annoyed by the fact na ide-demolish niya ang bahay namin pati itong karinderya.

“Direstuhin mo nga ako Kapitan, ano ba talaga ang gusto mo? Wala ako sa mood para sabayan ang trip mo,” sabi ko habang mariing nakatitig sa kanya. “Stop fooling around.”

“I'm not fooling around,” nabura ang ngisi niya sa labi at napilitan ‘yon ng pakagat labi. “I'll ask you then, may maibabayad ka ba sa akin ngayon? That's two million.”

Natahimik ako. Kung magbabayad ako sa kanya ngayon, hindi rin sapat at wala ring matitira sa amin. Kailangan kong bumili ng gamot para sa kapatid ko. Hindi rin namin pwedeng itigil ang pagbebenta rito sa karinderya dahil hindi pa ako bayad kay tiya na siyang nagpautang sa akin ng puhunan.

Ano na lang ang sasabihin niya? Na kinain ko ang hiniram niya sa akin? Iba pa naman ‘yon mag-isip.

“I'm here to do you a favor, Lyl,” masuyong wika niya na marahas kong inilingan.

“Favor ba kamo? Alam mo ba kung anong dating sa akin? Na parang pinambabayad ko ang sarili ko sa ‘yo once na nagpakasal—”

“Lylia! Si Lira inaatake ng hika niya!” sigaw ni Love.

Agad kong tinalikuran si Raze at hindi magkandaugagang tumakbo sa kinaroroonan ng kapatid ko.

Lumuhod ako sa tabi niya habang marahang hinahaplos ang mukha nito.

“Lira! Lira!” nagpapanic kong sambit, hindi alam ang gagawin. “Nasaan ang inhaler mo?” tarantang tanong ko. “Nasaan na ‘yon?!”

Mas lalo akong nataranta no'ng hindi ko mahanap ang inhaler sa loob ng bag na dala namin. Nandito lang ‘yon eh! Ako ‘yong nagimpake kanina!

“A-Ate…” habol hiningang tawag sa akin ng kapatid ko.

Bumuhos ang luha ko nang maramdaman kong nanlalamig na ang kamay niya.

“Lira! Huwag kang pumikit!” humahagulgol na sigaw ko. “Lira! Lira!”

“S-Sorry ate…”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahan-dahan itong pumikit.

“Tulong—”

“Let me!”

Umangat ang tingin ko sa lalaking bumuhat sa kapatid ko.

“K-Kapitan…”

“Ashel, ang kotse!” sigaw niya sa lalaki at muling tumingin sa akin. “Sumama kayo sa akin. Ang mga tauhan ko na ang bahala rito.”

Inakay ako ni Love patayo at sumunod kay Raze patungo sa nakaparadang kotse nito sa labas.

“Stable na ang lagay ng kapatid mo but make sure na kapag may pupuntahan kayo wag kalimutan magdala ng paper bag o ‘di kaya inhaler kasi hindi natin alam kung kailan siya aatakihin ng hika niya. Also, nagdagdag ako ng gamot for her vitamins and maintenance. Huwag mong bakantihan ng oxygen ang kapatid mo ha? We all know na moderate ang hika niya.” Pagbibigay alam ni Doctor Carlos. “I know it's hard kaya nandito lang ako para tumulong.”

Marahan niya akong tinapik sa balikat. “Salamat doc.” Kagat-labing sabi ko dahil nagsisimula na namang manlabo ang mata ko dahil sa luha.

“Always welcome, Lylia. Here, you can go to the pharmacy para sa gamot niya.” Binigay niya sa akin ang maliit na papel na agad kong tinanggap. “Iyong kasama niyo pala kanina, si Raze ba ‘yon? Barangay chairman?” nahihiwagaang tanong niya.

“Ah, opo,” sagot ko.

“Good to know. Siya kasi ang nagbayad ng bills pati na rin gamot ng kapatid mo at oxygen. O siya sige, maiwan mo na kita ha? May mga pasyente pa ako.” Paalam niya.

“S-Sige po doc, salamat.” Tulalang tugon ko rito.

Si Kapitan ang nagbayad ng lahat? B-Bakit hindi niya pinaalam sa akin?

“Are you okay?”

Mabilis kong nilingon ang nagsalita.

“K-Kapitan…” halos pabulong kong sambit sa pangalan niya kasabay ng pagbuhos ng luha ko.

Nag-aalala ang itsura niya nang humagulgol ako kaya mabilis itong lumapit sa akin.

“What happened? May nangyari ba? Tell me…” sinapo niya ang pisngi ko habang umiiling ako. “Inatake na naman ba siya ng—”

Napasinghap siya nang kabigin ko siya ng mahigpit na yakap.

“Salamat, Kapitan.”

Nanigas ang katawan niya pero kalaunan ay lumambot din at niyakap ako pabalik.

Katahimikan ang namayani hanggang sa nakaramdam ako ng hiya kasi nag-aaway kami kanina lang eh, tapos ngayon ako pa nag-initiate ng yakap.

“Iyong tungkol nga pala sa deal—”

“Don't pressure yourself. I'll give you time to think—”

Kumalas ako ng yakap at nag-angat ng tingin sa kanya. “Hindi na kailangan. May sagot na ako para ro'n.”

His eyes twinkle, amused. “And?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 253

    Hindi niya ako sinagot bagkus inupo niya ako sa malaking bato sabay luhod sa harap ko. “Hoy, anong ginagawa mo? Bakit kailangan lumuhod?” gulat na bulalas ko, napahawak sa batok at nag-iwas ng tingin. “Para naman ‘tong magp-propose.” Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Bakit? Magye-yes ka ba kapag nagpropose ako ngayon sa’yo?” “Ha?! Sinasabi mo dyan?” nahihiyang sabi ko, mahinang-mahina at hindi makatingin sa kanya ng deritso. “Hilutin mo na. Kung anu-ano pa kasi sinasabi,” bumubulong kong sabi pero alam kong narinig niya. “I can hear you, Lira.” Natatawang saad niya at sinimulan ang paghilot sa bukung-bukong ko. “Tiisin mo ang sakit ha? Kulit mo kasi.” “Ano bang ginawa ko? Inako mo ‘di ba?” Palihim akong napangiti sa sinabi ko at napailing. Tumingin siya sa akin pero mabilis kong nailihis ang tingin ko. “Oh, bakit na naman?” “Inaako ko naman Talaga,” aniya. “Masakit ba?” “Alin?” Tumawa siya at hindi ko malaman kung bakit. “Bakit ba? Pinagtatawanan mo ‘ko?” Pinagtaasan ko

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 252

    Kinakabahan akong nakatayo sa harap ng office library niya. Magpapaalam sana ako kung pwede maglibot-libot sa lugar at baka may bawal na puntahan kaya maigi na 'yong magpaalam. Pag-angat ng kamay ko para sana kumatok nang biglang bumukas ang pintuan. Napaatras ako at agad na ibinaba ang kamay. "Uh..." hindi matuloy-tuloy na sabi ko, nakalimutan ang dapat sabihin. "P-Pwede bang maglibot sa lugar?" Hindi siya umimik. Sumandal lang siya sa frame ng pinto at humalukipkip na tumingin sa akin. "Sinong kasama mong maglilibot? Ikaw lang?" tanong niya. Tumango ako. "Oo sana. Balak ko maghanap ng ilog para maligo." "Maligo? Ba't hindi ka sumabay sa mga kasama mo? Sa pool? May shower naman sa kwarto niyo," dere-deritso niyang sabi na nagpayuko sa akin. "Don't tell me... bawal din?" Dahan-dahan akong tumango. "Nangangati katawan ko," nahihiyang pag-amin ko. "Hindi naman sa maarte pero—" "Samahan na kita." Mabilis akong napatingin sa kanya. "H-Hindi na. Kaya ko naman. Saka maliligo ako."

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 251

    "A-Anong nangyari?" bungad ko nang imulat ko ang mga mata, napahawak sa sentido dahil sa sakit ng ulo. "N-Nasaan ako?" "Finally! Gising na rin!" Si Ara na agad tumabi sa akin. "Oh, inom ka muna nito nang mawala 'yang hangover mo. Grabe ka naman kasi 'te." Tinanggap ko ang binigay niya, uminom pero napangiwi nang malasahan ko. "Lemon with honey?" takang tanong ko pagkatapos kong inumin lahat. Tumango siya at inagaw 'yon sa akin. "Yes, mahal na prinsesa." Inilibot ko ang tingin sa lugar. Wala kami sa amin. Ibang lugar 'to. Hindi ako pamilyar. Mabundok—teka, nasa kalagitnaan kami ng kakahuyan? Mansyon? Nahilot ko ang noo at napapikit ng mariin. "N-Nasaan ba tayo? Ang mga kasama natin?" "Sa mansyon ni Arkin. Teh, ang yaman pala no'ng tanod na 'yon. Akalain mo may resort tapos mansyon. No wonder lakas manglibre. Tinalo pa si Van," binulong niya ang huling sinabi. "Nalula ako teh. Pero mas nagulat ako sa ginawa mo kagabi. Matapos mo kasing halikan si Arkin, sumuka ka. Like what the he

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 250

    Ilang oras na silang nagk-kwentuhan, nagkantahan na rin pero ito ako, kain pa rin nang kain. Iyon lang yata ang ambag ko dito, ang kumain. Nawala na yata sa isip nila ang rides. Bahala sila. Hindi naman nila ako kinakausap, maski si Van dahil siya ngayon ang nag-gigitara, alangan naman na abalahin ko pa. Kanina kasi, inasar nila na sample daw since alam ni Jessa at Ara na marunong siyang tumugtog. Ayaw na sana niya dahil wala raw akong kausap pero ako na ang pumilit at baka masabihan pa akong masyadong pa-baby, eh ayoko no'n. Habang patuloy ang kantahan, lumiban ako dahil pakiramdam ko masusuka ako. Ang dami ko yatang nakain. Halo-halo na. Dali-dali akong pumunta sa madilim na parte sa may puno at doon na nilabas ang sama ng loob. Masakit din ang tyan ko kaya hindi ko mapigilan mapangiwi. Ayan, kain pa ng kung anu-ano. Napakapit ako ng mahigpit sa puno at muling sumuka. Nang wala nang maisuka, pupunasan ko na sana ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko nang may maglahad ng tis

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 249

    Lira's POV "Uy, ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik." Kalabit sa akin ni Ara. "Kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Di mo bet? Sabihan mo si Van oh." Umiling ako. "Huwag na. Paubos na 'to," tanggi ko at napatingin kay Van nang sumilip siya sa amin. "Gusto mo ba? I mean, I can order again if you want. Pansin ko rin na kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo. Ubusin ko na lang?" Marahas akong umiling. "Hindi na. Kaya kong ubusin. May iniisip lang." "Oh, iyong tanod ba?" biglang tanong niya. Tumungo si Ara at sumulyap sa akin. "Hm, parang 'yon nga," dagdag nito. "May nakaraan kayo?" Hilaw akong ngumiti. "Wala. May kamukha lang siya na kilala ko noon," sagot ko at pinagtuunan ng pansin ang kinakain. "Kumain na kayo. Huwag niyo 'kong pansinin." "Akala ko sasabihin mo huwag niyo kong tadtadin ng tanong." Tumawa si Ara at napapailing na kumuha ng barbecue. Pagkatapos kong ubusin ang pagkain, inisang lagok ko ang kape na medyo malamig na. Sandali akong napatingin

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 248

    Third Person POV Hindi nagpatinag si Lira at nakipagsukatan ng tingin kay Arkin. Kahit maingay, kahit ang daming tao, sa kinaroroonan nila nakulong ang tensyon. The smell of grilled food, the laughter of kids, and the colorful rides all blurred out in the background. She couldn’t take her eyes off him. Blonde hair catching the neon light, sharp eyes locked on her. Everything about him screamed Kael, but at the same time… hindi na siya ang Kael na kilala niya noon. “Arkin?” halos pabulong na tawag ni Lira, nagbabakasakaling sagutin siya nito. He didn’t answer right away. Instead, he toyed with the crown-shaped keychain, letting it dangle between his fingers before suddenly clenching it tight. Then his voice came, low and cold. “You. You are the problem.” Bahagyang nagulat si Lira. “B-Bakit? A-Ano bang ginawa ko?” Bago pa ito makasagot, dumating na sina Van, Jessa, Ara, at pati na rin ang grupo ni Lexi. May dala silang trays of food, tumatawa pa habang naglalakad, walang a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status