Home / Romance / Bilyonaryong Kapitan (SPG) / Bilyonaryong Kapitan

Share

Bilyonaryong Kapitan (SPG)
Bilyonaryong Kapitan (SPG)
Author: Ensi

Bilyonaryong Kapitan

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-04-02 23:08:27

LYLIA'S POV

Habang nagse-serve ng mga tao mula sa sabungan, napansin kong nagsisikuhan sina Lira at Love na para bang may minamataan sa labas ng karinderya.

Maya-maya pa ay nagbulungan sila at bumungisngis animo'y kinikilig. Anong pinagbubulungan ng dalawang 'to?

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila at bahagyang napaatras nang makita ko si Kapitan. Anong ginagawa niya rito?

“Miss ganda, ayos ka lang? Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?” tanong ni Keano, isa sa mga regular customer namin.

“Ah wala,” sagot ko at mabilis inilipat ang tingin sa ibang bagay nang magtama ang mata namin ni Kapitan. “Wala na kayong i-o-order?”

“Wala na, busog na nga kami sa ganda mo,” biro pa nito na tinawanan ng mga kasama niya.

“Bolero. Kumain ka na nga dyan.” Sikmat ko at inamba sa kanya ang dala kong tray.

“Ito naman, ang sungit—oy kapitan! Dito na! May magandang dalaga rito!” kaway niya sa direksyon ni kapitan.

“Baliw!” dali-dali akong umalis doon nang mapansin kong papunta na sa direksyon namin si Kapitan.

Kahit kailan talaga, pahamak ang Keano na ‘yon.

“Miss ganda! Bumalik ka rito! Ipapakilala ka namin kay kapitan!”

Napapikit ako nang mariin at marahas na umiling. “Busy ako! Mga trip niyo ha! Wag ako!” sigaw ko pabalik.

Pagakalapit ko ng counter, kumunot ng noo ko nang biglang lumapit sa akin ang kapatid at kaibigan ko na nakangisi.

“Oh, napaano kayo? Ngisi-ngisi niyo dyan?”

Nagkatinginan sila at humagikgik na parang mga bata. “Bagay kayo ni Kapitan,” sabay nilang sagot.

“Akala ko namamalikmata lang ako no'ng isang araw na nandito siya pero hindi pala. He's staying for good,” Love said, still grinning.

“Ewan ko sa inyo, magtrabaho na nga lang kayo—”

“Miss ganda! Dalawang serve ng lumpiang shanghai at sisig please!” sigaw ni Keano kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik doon.

Hindi ko alam bakit kinakabahan ako habang patungo sa table nila. Si Keano kasi, nang-asar pa.

Matagal na simula no'ng makita ko si kapitan sa personal at ngayon, ang matured na niyang tingnan.

Last time na nakita ko siya ay payat pa pero ngayon, ang bulky na ng katawan. Halatang nag-gym. He looked sexy and hot with his braided hair.

“Miss ganda?” Keano snapped.

Napakurap ako at napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakarating na pala ako sa table nila at titig na titig kay kapitan. Nakakahiya!

“Ah, ito!” Nataranta ako sa paglapag ng mga pagkain nang mapansin kong nakasunod ng tingin sa akin si Kapitan.

“Careful!” Mabilis na kinuha ni Kapitan ang kamay ko nang muntik nang matapon ang mainit na sabaw sa kamay ko. “Are you hurt? Hindi ba natapunan?”

“H-Hindi naman,” I replied, a bit shy.

Nakita kong umangat ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil na ngumiti.

Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya agad akong nag-iwas. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at tumalikod.

“Enjoy,” tanging nasabi ko.

Bago ako maglakad pabalik, narinig ko pa silang tumawa nang mahina kaya mas lalo akong nahiya.

“Her name is Lylia, right?” rinig ko pang tanong ni kapitan. “I like the softness of her hand.”

Natigilan ako. Ako? Malambot ang kamay? Sa dami ng ginagawa ko rito sa karinderya? Imposible!

Ala sais ng gabi no'ng matapos ang sabungan kaya nagsimula na rin kaming magligpit.

“Ate, hindi pa ba uuwi sina kapitan?” tanong ni Lira na nagpupunas ng table habang ako naman ay nagliligpit ng pinagkainan.

“Malay ko. Napasarap yata usapan nila.”

Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa mapunta ako sa table nila kapitan.

“Excuse me, kunin ko lang,” tukoy ko sa mga plato na nakaayos sa lamesa.

Hindi ko pinansin ang paninitig ni kapitan at akmang kukunin ang mga plato nang maunahan niya ako.

“Let me,” he said, coldly.

Hinayaan ko siya at no'ng mailagay na niya lahat sa tray, tinalikuran ko sila.

“Hindi man lang nagpasalamat?” rinig kong sabi ng isa nilang kasama.

“Hayaan mo na. Ganyan talaga si miss ganda,” Keano added. “Masungit pero mabait naman.”

“Kinda bastôs, bro. Hindi na nga pinansin si kapitan kanina tapos ngayon hindi man lang nagpasalamat? Babae nga naman.”

Pumintig ang tenga ko sa sinabi ng lalaki.

Huminga ako nang malalim at nilingon ang kinaroonan nila.

Padarag kong inilapag ang tray sa lamesa at tiningnan ang lalaki na salubong ang kilay.

“Ikaw ‘yong nagsalita, ‘di ba? Ba't ikaw ang nagrereklamo? Ikaw ba si kapitan?” kalmado kong tanong pero deep inside gusto ko na siyang suntûkin.

“Oo, ako nga,” pag-amin niya na tila nanghahamon. “He helped you at wala man lang pasalamat?”

Natawa ako. “Patawa ka rin ‘no? Ikaw ba si kapitan? And actually, magsasara na kami. Ano pa bang ginagawa niyo rito? Pag-usapan ako behind my back?” bumaling ako ng tingin kay kapitan na matamang nakatitig sa akin. “Maraming salamat sa pagtulong kapitan pero sana hindi niyo na lang ginawa kasi kaya ko naman. Tingnan mo tuloy, pumuputôk butsi ng kasama mo,” sarkastikong dadag ko.

Napatayo ang lalaki at tingin ko nainis na sa akin. “Why don't you tell her, Raze? That you're here for her debt!” bulalas ng lalaki na nagpatigil ng mundo ko.

Kung gano'n, s-si kapitan pala ang pinagkakautangan ng mga magulang ko?

“Hey, hey, Ashel, calm down—”

“Not now, Keano. Naiinis ako sa babaeng ‘yan.”

“Mas lalo ako!” sigaw ko. “You're here for my debt, right? Fine, magbabayad ako!” Pero ang totoo wala akong maipapambabayad sa kanila.

Akmang tatalikuran ko sila nang may humawak sa kamay ko at no'ng lingunin ko ay panandaliang tumigil ang pagtibôk ng puso ko nang makita kong si kapitan.

“A-Ano pa ba ang gusto mo?”

“I am here to demolish your house,” deritso at walang kaemo-emosyon niyang sabi. “As of this moment.”

“W-Wala kang karapatan para gawin ‘yon.” Utal kong sabi.

Ngumisi siya. “Sad to say, I can since this is my property,” kaswal niyang sabi at namulsa. “But I would like to make an offer.”

Bahagya akong napaatras nang ilapit niya ang mukha sa akin.

“A-Ano n-naman?”

“Be my wife.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Tin Tin Radoc
ganda ng story
goodnovel comment avatar
Rosalia B. Nebria
yes, hehehehhe
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
🩷🩵🩷🩵🩷🩵
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 309

    Nicole’s POVWhile we were all laughing and having fun, I just let Van keep holding my hand. Wala namang kaso sa akin na magkahawak kamay kami. Nasanay na rin ako since lagi niyang ginagawa these past few days simula no’ng magkaayos kami. I was busy chit-chatting with Jessa and Ara, while Van and Kaido were talking with some of Kael’s cousins. Azan wasn’t around anymore, he seemed to have found his own circle of friends. Hindi na kasi siya sumasama sa amin. Maybe because napansin niya na may something na sa amin ni Van kaya dumistansya na siya. I totally understand naman, but we’re still friends.Kael and Lira, on the other hand, were inside the house and hadn’t come out since Lira wasn’t feeling well. Sa kabilang banda ng table, nakikipag-usap naman si Lylia at Raze sa mga royals and for sure, tungkol na naman sa arrange marriage. I just hope na hindi tungkol sa mga anak nila. Ang babata pa kasi para sa i-arrange agad. Pero narinig ko kanina, since hindi royal blood ang napangasawa

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 308

    Ara’s POVWeeks had already gone by, but we barely noticed the time, everything just felt like pure enjoyment. Araw-araw ba naman iba’t-ibang activities. Si Lira lang ‘yon hindi hindi nakakasama minsan kasi buntis lalo na no’ng hiking namin sa bundok. The rest, especially ‘yong mga pinsan ni Kael, g na g.Ngayon, tamang tambay na naman kami sa naglalakihang bato habang pinapanood ang papalubog na araw. Rinig na rinig pa nga dito ang boses ni Nics kasi inaaway na naman si Van.Hindi pa talaga namin masabi kung sila na ba o nasa ligawan stage pa. Parang tropa na magjowa ang atake nila, eh. Ang sweet nila no’ng nakaraang linggo tapos ngayon, parang aso’t-pusa na naman. Ano ba ‘yan.“Parang tayo dati ‘no? No’ng lalaki ka pa,” rinig kong sabi ni Kaido sabay akbay sa akin. Siniko ko nga. “Kahit naman lalaki ka, magugustuhan pa rin kita.”Natigilan ako at tumingin sa kanya, hindi makapaniwala. “Seryoso ka?”Sinamaan ko siya ng tingin nang ngumisi lang ito. Sinapôk ko nga. “Masakit ha,” daing

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 307

    Ara’s POV“Ano ba ‘yan!” I heard Jessa hissed. Frustrated niyang inilapag ang wine glass nang makitang umalis si Nics. “Akala ko pa naman magkakaayos na sila. Ang arte ng Van natin ha. Kapag talaga hindi niya sinundan si Nics, i-u-untog ko ‘yan.”Napabuntong-hininga na lamang ako. “Tumindi ang selos. We have to do something—”“Something? Eh mukhang pareho silang wala sa mood,” Jessa added. “Hayaan na muna natin sila. Baka mag-away na naman eh.”“Hindi naman na yata kailangan,” sabat ni Lira na kanina pa tahimik. “Look…” Napasunod kami ng tingin doon sa itinuro niya. “Susundan yata.”Jessa and I both sighed in relief. “Buti naman. Akala ko kailangan pa natin sabihan. Let’s wait for the result na lang pagbalik nila.”Bumalik na kami sa pagkain, nagtampisaw sa dalampasigan at pagkatapos ay nagkwentuhan, nakaupo sa naglalakihang bato. Hindi na lang namin pinapansin ang paghampas ng alon since basa naman kami. We just enjoy and laugh at it.No’ng papalubog na ang araw, napagpasiyahan namin

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 306

    “Hindi pa ba kayo tapos dyan?” tanong ni Ara na abala sa pakikipag-usap kay Kaido. “Grabe naman kasi sa titig, Van, baka matunaw ‘yan.”Exactly! Kanina pa ako naiilang sa paraan ng paninitig niya sa akin. Since umalis na iyong babae kanina na napag-alaman naming nurse—I forgot her name, ako na ngayon ang gumagamot sa mga pasa ni Van sa mukha. But the problem is, titig na titig siya sa akin. Feeling ko tuloy nakikita niya ang mga imperfection ko sa mukha na sana’y hindi niya mapansin.I tried to focus, pero bwisit, napapakagat-labi siya sa tuwing napupunta ang tingin niya sa labi ko. Sariwang-sariwa pa naman sa utak ko iyong nangyaring kiss kagabi. Oh God! I could feel the heat rushing up to my face. Buti na lang at mainit kaya pwedeng idahilan na mainit ang panahon kung sakaling asarin niya ako na nagb-blush.“Umayos ka,” mahinang sabi ko. Kapag talaga ‘di ako nakatiis, didiinan ko itong pasa niya sa gilid ng labi. “Makakatikim ka talaga sa akin.”“Tikim na ano?” he teased, smirking li

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 305

    Napatingin ako kay Van na nakapamulsang nakasandal sa lamp post. “Forgot what? Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Bakit hindi n’yo na lang sabihin sa akin? I'm puzzled right now. Can someone tell me what happened last night—Van! Saan ka pupunta?!” Hahabulin ko na sana siya nang may humawak sa pulsuhan ko. “A-Azan?”“Where are you going? Chasing after him? Mukhang wala sa mood. Hayaan mo muna,” aniya. “Kagigising mo lang?” tanong niya. Napansin kong pinasadahan niya ako ng tingin. “You look…”“Ugly?” Napataas ang kilay ko. “Imposible. Kahit naman kagigising ko lang—”“Naturally beautiful,” putol niya sa akin. Wow. I didn't expect that. Akala ko talaga i-p-prangka niya sa akin na pangit ako dahil kagigising ko lang. “So… shall we eat?”“Iyong date ba?” paninigurado ko. Hindi ko pa naman ‘yon nakakalimutan. “Pwedeng mamaya na lang?”“Ah… the date? Kahit hindi na. Gusto ko lang kumain tayo ng sabay. Hindi ba pwede?” Namulsa siya at tumungo, sinisipa ang buhangin. “Okay lang—”“Ano ba

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 304

    My head was throbbing when I woke up. Pero hindi ‘yon ang concern ko ngayon, kundi ang mapanuring tingin ng mga kaibigan ko na parang bang nakagawa ako ng napakalaking pagkakamali.Sumandal ako sa headboard ng kama at pinukol sila ng masamang tingin.“Aga-aga ha! Ba’t ganayn kayo makatingin sa akin? May nagawa ba akong kasalanan? Tell me. I’ll face the consequence, pero mamaya na. Masakit ang ulo ko. Bungad na bungad pa kayo.” Hinilot ko ang sentido at kinuha ang tumbler sa bedside table saka uminom. “Hindi kayo lalabas?” tanong ko nang mapansin kong walang gumalaw sa kanila. “Seriously?”Nakahalukipkip na humakbang si Ara, salubong ang kilay. “Don’t tell me wala kang maalala sa nangyari kagabi?” pataray niyang tanong. “Hindi ka ganun ka-lasing, sinasabi ko sa’yo.”“Hoy Ara, baka nakakalimutan mong nilagok niya ‘yong isang mug beer na may alak,” sabat ni Jessa. “Pero wala ka talagang maalaala kagabi?”Umismid ako. “Kulit. Wala nga eh. Ano bang nangyari—” I was cut off when Van entered

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status