hi, pwede kayong magvote kung gusto niyo, salamat po 🥰
"S-Sinong Lylia?" Muli na namang napapikit si Lia nang may sumagi na namang alaala sa isip niya ngunit hindi klaro. Lagi na lang malabo. Puro boses at halos hindi niya maintindihan sa dami. Napahawak siya sa ulo nang tumindi lalo ang sakit ng ulo niya. Pakiramdam niya parang pinipiga 'yon sa sakit. "A-Ang sakit!" hindi mapigilang daing niya at napahiwalay sa anak. "Raze! Ang sakit ng ulo ko!" "Mommy, what's wrong po?" puno ng pag-aalalang tanong ng anak niya. Lylia! Lylia! Lylia! That name! Iyon 'yong binabanggit sa alaala niya kasabay ng nakakabing putôk ng baril. "Raze!" sigaw niya at wala sa sariling niyakap ang lalaki. "Please! Huwag!" nagsimulang magtuluan ang mga luha niya habang pahigpit nang paghigpit ang pagkakayakap niya kay Raze. The memories — they were still blurry! But the pain was excruciating. "I'm here. It's okay." Doon pa lamang siya kumalma nang marinig niya ang boses ni Raze, kasabay ng marahan nitong paghaplos sa kanyang buhok at paghagod sa kany
"Hindi na, kaya ko naman. Sa kusina lang ako." Tumingin si Lia sa anak na ngayon ay nakangiti pa rin sa kanya ng malapad. "Anak, come to mommy na. Hindi ba gusto mo help si mommy?" Marahan niyang pinaglandas ang kamay sa pisngi ni Dalgona. "But mommy I want to talk to Tito Raze pa po," nakangusong wika ng anak at humigpit lalo ang pagkakayakap sa leeg ni Raze. "Please? Baka po kasi hindi na bumalik dito si tito kaya susulitin ko na po." "Pero Dalgona—" "We'll help mommy to prepare carbonara, let's go," ani Raze na nagpagulat sa kanya. "Tara na sa kusina?" Napatitig siya sandali rito, hindi makapaniwala. Talaga bang tutulungan siya nito maghanda ng carbonara? O baka dahil gusto lang nito bumawi sa kanya pagkatapos ng nangyari no'ng nagdaang araw? "Yey! Tito Raze will help us to prepare and cook carbonara!" masayang-masayang saad ng anak niya kaya napangiti na lamang siya habang napapakamot ng batok. "Are you sure?" mahinang boses na tanong niya nang sumunod siya sa kanila papunta
Mabilis napaupo si Lia upang magtago nang biglang mag-angat ng tingin si Raze sa kinaroroonan niya. Tulala siyang napatakip ng bibig dahil akala niya si Titus lang ang nandoon ngunit nang makita niya ang chairman ng kumpanyang pinagtatrabauhan niya, nagsimulang pumîntig ng malakas ang puso niya sa 'di malamang dahilan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone nang mapatingin siya sa anak—si Dalgona, na mukhang kagigising lang mula sa mahabang tulog. "Dalgona, anak..." Napangiti siya nang makitang pumupungas ito habang nakakapit sa frame ng pintuan, sabog ang buhok pero maganda pa rin. Habang nakatitig siya rito, may isang bagay siyang napansin—patagal nang patagal, nagiging hawig na ito ni Raze o baka dahil ilang araw na niyang iniisip ang lalaki? Marahas siyang napailing. Baka 'yon nga ang dahilan. Dahil siguro sa pagkamuhi niya sa lalaki at tumatak na sa isip niya ang mukha nito. "Mommy, ba't po kayo nakaupo dyan?" Napakurap siya nang matauhan. "Ha? Ah wala. M-May t
Palinga-linga si Lia kung saan pwede pumwesto sa event pero masyadong abala ang mga tao sa loob ng silid at nahihiyang magtanong-tanong sa mga dumadaan. Nilakasan niya ang loob at kakawayan na sana ang isang lalaki nang pagtaasan siya nito ng kilay. "And you are?" striktong tanong nito. "Ngayon ko lang nakita ang mukha mo rito. Guest?" Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Imposible. Sa suot mong 'yan? Imposibleng guest ka. Anong kailangan mo? Napag-utusan ka ba?" "H-Hindi po. Ah, titingnan ko lang po kung okay na po 'yong mga pagkain na inakyat dito." Sagot niya at pinagdaop ang mga palad na yumuko. "So, napag-utusan ka? Ni Sir Titus? Oh, you must be the girl. Iyong binubûlly? The ganda lang ang ambag?" Hindi niya alam kung nag-iinsulto ba ito o nasa nature nito ang gano'ng pananalita. "From cafeteria? All is good naman. You don't have to check. I can manage. Besides, I'm one of the organizers of the event—" "Pinatawag ko siya rito," sabay silang napat
Walang kurap na napasunod ng tingin si Lia sa lalaki at napaigik sa sakit nang lumagapak siya sa sahig nang magtulakan ang mga tao para habulin si Raze. Dumagsa ang mga tao mula sa labas kasunod ang ilang media. Muli na naman siyang napangiwi nang maapakan ang daliri niya kaya mabilis niya 'yon itinago. Hindi ba siya nakikita ng mga tao? Gano'n ba talaga ka-powerful ang chairman para habulin? Gano'n ba nila katagal hinintay ito para pagkaguluhan? Ano siya royalty? Napaisip siya—mukhang gano’n na nga. Mula ulo hanggang paa, mukha talagang royalty si Raze. Ayos na ayos ang porma niya at agaw-pansin ang gintong detalye sa kanyang suot. Para siyang prinsipe. Napayuko siya at nakagat ang ibabang labi nang mapansin niyang namumula ang mga daliri niya. Masakit. Pero bakit parang mas masakit pa ang dibdib niya ngayon? Basta na lang bumigat no’ng lagpasan siya ni Raze at dinaanan siyang parang wala lang. Ang daming gumugulo sa isip niya—lahat tungkol kay Raze. There was this constant
A month later, habang abala ang lahat sa paghahanda para sa welcome party sa pagdating ng chairman, busy rin ang mga tao sa cafeteria since sila ang magke-cater ng pagkain para sa mga dadalo. At hindi lang ito para sa mga pangkaraniwang tao, may ilang dugong maharlika, kumbaga mga royalty, mula sa ibang bansa. Dahil sa ilang buwang recovery ng chairman, kinailangan i-extend ang lahat—mga proyekto, malalaking events, royal gatherings, at iba pa. At ngayong nagbabalik na siya, hindi mapigilan ng lahat na ma-excite na makilala siya. They are anticipating the homecoming of such royalty—the most awaited chairman and CEO of Empire Galaxy. “Lia, pakikuha no’ng mushroom,” utos ng kanilang chef na si Titus. “At ‘yong toppings for dessert.” Kanina pa pabalik-balik si Lia para kunin ang mga inuutos ni Titus, ang nagde-design ng mga pagkain sa bawat plato. At dahil siya ang assistant nito, iyon lang ang ginagawa niya mula pa kaninang umaga. Matapos niyang ilapag ang mushroom at toppings, tumu