Share

Kabanata XI: Galit

Nang makauwi ako ng bahay ay mayroong kakaibang emosyon akong naramdaman. Gusto kong magsisigaw hanggang sa kumawala na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Gusto ko ring magwala --- magwala nang magwala.

Lumabas ako ng bahay nang walang pasabi kay Nanay. Nagpunta ako sa likod at kinuha ang dos por dos na nakapatong sa may sirang upuan.

Naglakad ako hanggang sa makalayo ng bahay.

Ramdam ko ang pag-init ng aking ulo at ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga ngiti ni Hanna para sa kanyang nobyo. Nararamdaman ko ngayon ang bigat ng aking nararamdaman.

Sa may lilim ng puno ako pumwesto. Inihanda ko ang hawak kong dos por dos at sinimulang paghahatawin ang puno dahil sa galit.

"Bakit, Hanna? Bakit mo ako ginaganito?!" sigaw ko habang pinapalo ko ng malakas ang puno gamit ang dos por dos na hawak ko.

Nagsisigaw ako. Sinigaw ko nang paulit-ulit ang pangalan ni Hanna. Sinigaw ko kung gaano akong nasasaktan sa nasaksihan kanina. Patuloy pa rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status