Crush. Salitang hindi na bago sa aking pandinig. Ilang beses ko na itong narinig simula pa noong elementarya ako. Kaso, ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ito.
Sabi ni Rhea, isang paghanga raw sa isang tao ang ibig sabihin ng crush. Medyo naiintindihan ko naman iyon ngunit hindi lang gaanong kalawak ang pagkaintindi ko no'n. Ibig ba nitong sabihin ay 'yong katulad sa paghanga ko kay Nanay dahil naitataguyod niya akong mag-isa? O, katulad sa pinag-uusapan nilang crush ni Mary Anne na hindi nito masabi-sabi dahil sa kahihiyan?Ngunit, kung tungkol sa paghanga ko kay Nanay ang sinasabi nilang crush eh, bakit ako makakaramdam ng hiya katulad ng kay Mary Anne?Dahil sa inuusig ako ng kuryusidad ay bigla na lamang ako napatanong kay Nanay tungkol sa bagay na 'yon. Kahit naman na minsan ay pinapagalitan ako ni Nanay dahil sa pagiging pasaway ko ay nagagawa ko pa ring makapagsabi sa kanya ng mga bagay-bagay na hindi ko pa maunawaan."Nay, mayroon ka bang crush?" inosenteng tanong ko sa kanya habang nakasandal ang likod ko sa may pintuan.Natigil naman si Nanay sa pagpla-plantsa ng damit saka napatingin sa akin na nakaarko ang kaliwang kilay."Ano bang pinagsasasabi mo, Iris?" takang tanong nito sa akin kaya napakamot ako ng ulo."Eh, Nay, hindi ko lang talaga maintindihan ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko tungkol sa crush." Paliwanag ko sa kanya.Napailing-iling naman si Nanay at nagpatuloy sa pagpla-plantsa ng damit. "Naku, kayong mga kabataan talaga. Ang bata-bata niyo pa panay tungkol sa crush ang pinag-uusapan niyo.""Nay, ano ba kasi ang crush? Ipaliwanag mo sa akin." Pangungulit ko pa sa kanya.Narinig ko ang mumunting pagtawa ni Nanay saka niya ako tinignang muli. "Alam mo, Iris. Masyado ka pang bata para sa mga bagay na 'yan ngunit alam kong matutuklasan mo rin 'yan sa paglipas ng mga panahon." Simpleng sagot nito sa akin na nagpabagsak ng balikat ko.Hanggang kailan pa ako maghihintay upang matuklasan ang bagay na 'yon?xxxHalos magtatanghaling-tapat na ako nang magising kaya't bumungad ulit sa akin ang walang humpay na sermon ni Nanay. Ang dami-dami na raw ng kanyang nagawa rito sa bahay samantalang ako ay nasa higaan pa lamang at natutulog."Ikaw, Iris. Namimihasa ka nang gumigising ng magtatanghaling-tapat." Sabi ni Nanay sa akin habang kumakain kami ng tanghalian. "Baguhin mo 'yang ugali mo, ha? Imbes na tutulungan mo sana ako sa mga gawaing bahay dito eh, hindi mo na ako natutulungan."Tumango-tango naman ako. "Sorry po, Nay."Ngumiti sa akin si Nanay. "Sa susunod huwag ka nang tatanghaliin ng gising."Nagkwento sa akin si Nanay tungkol sa matalik niyang kaibigan na si Ninang Carmen, uuwi raw ito ng probinsya ngayong araw kasama ang dalagita na niyang anak. Gusto niya raw sana na bumisita kami do'n sa may lumang bahay nila mamaya dahil matagal-tagal na raw niyang hindi nakikita si Ninang Carmen.Sa pagkakaalala ko ay anim na taong gulang ako nang huli ko siyang makita. Bata pa ako noon kaya't hindi ko masyadong maalala ang hitsura niya. Siguro ngayon ay pagkakataon ko na ito upang makilala siya."Paano ba kayo nagkakilala ni Ninang Carmen, Nay?" tanong ko sa kanya."Nagkakilala kami noong nasa ika-apat na baitang na ako ng elementarya. Tampuhan ako ng tukso no'n ng mga kaklase ko... si Ninang Carmen mo ang tagapag-tanggol ko ng mga araw na 'yon." Kwento niya sa akin. "Kaya simula noon, naging matalik na magkaibigan kami. Hanggang sa una siyang mag-asawa at ako naman ay nahuli. Hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan namin.""Ang drama naman, Nay. Para kayong nasa telenobela sa TV." Natatawa kong komento."Ahh, ewan ko sa'yong bata ka. Ikaw na nga itong kwine-kwentuhan. Ginagawa mo pang katatawanan." Inis na sambit nito.Pilit akong ngumiti at napakamot ng ulo. "Pasensya na, Nay."Akmang tatayo na sana ako nang dali-dali niya akong pinigilan."At saan ka naman pupunta, Iris?" tanong nito sa akin.Ngumuso naman ako. "Do'n sa mga kaibigan ko.""Tatakasan mo na naman ang paghuhugas ng pinggan. Sige, maghugas ka muna bago ka umalis." Utos nito sa akin."Nay, naman...""Maghuhugas ka o hindi ka lalabas?" tanong nito sa akin."Maghuhugas na po." Napipilitan kong tugon. Wala na akong nagawa. Pinagpipili na ako ni Nanay.xxxSa may tambayan mga ilang metro ang layo sa bahay nila Jolo ako nagpunta matapos kong maghugas ng pinagkainan namin ni Nanay. Dito kami madalas maglagi ng mga kaibigan ko lalong-lalo na kapag oras na ng laro. Kaya nandito ako, naghihintay sa kanila. Siguro may inutos pa sa kanila kaya sila matagal.Limang minuto ang lumipas ay unang dumating si Mary Anne. Hinihingal pa ito dahil sa pagtakbo. Ang sumunod naman ay si Rhea na naka-payong pa dahil sa tindi nang sikat ng araw. Ang mga matagal na dumating ay sina Jolo at Jimboy. Ewan ko kung ano pa ang ginagawa nila sa kanilang mga bahay."Uy, Iris. Dinatnan ka na ba?" mahinang tanong ni Rhea sa akin.Naki-usyoso naman si Mary Anne sa amin. "Bakit ikaw, Rhea. Dinatnan ka na?"Pasimpleng tumango naman si Rhea. "Kailan lang?" tanong ko sa kanya."Kahapon lang," sagot naman nito.Napahagikhik naman si Mary Anne. "Kaya pala parang hindi ka komportable sa lakad mo ngayon.""Naiilang kasi ako sa alam mo na," wika ni Rhea.Natawa na si Mary Anne. "Oo, alam ko na 'yan. 'Yan din kasi ang sabi sa akin ni Nanay noong magdalaga na siya." Sabi nito at binalingan ako nang tingin. "Ikaw, Iris. Dinatnan ka na?""Hindi pa, 'no." Sagot ko naman sa kanya."Uy, anong pinag-uusapan niyo diyan?" singit ni Jolo na kararating pa lamang."Hindi pwede. Girls talk." Wika ni Rhea."Ay, hala. Ang damot. Akala ko ba tropa tayo?" sabi ni Jolo."Bawal kasi sa lalaki." Si Mary Anne na."Siguro pinag-uusapan niyo ang crush ni Mary Anne, 'no?" tanong ulit ni Jolo.Napahagalpak ako ng tawa."Huwag na kasing makulit, Jolo. Ni tanong mo hindi tumama sa pinag-uusapan namin." Sabi ko sa kanya."Asus, ang damot kamo." Nagtatampong usal nito.Hindi nagtagal ay dumating na rin sa wakas si Jimboy. Pawisan at hinihingal din ito galing sa katatakbo."Mga pare, dumating na si Aling Carmen..." imporma nito sa amin habang habol pa rin ang hininga nito. "Ang ganda ng anak niya. Parang artista sa TV! Crush ko na siya."Bigla tuloy akong tinamaan ng kuryusidad sa sinabi ni Jimboy. Oo nga pala, bakit hindi man lang sumagi sa isipan ko kanina ang anak ni Ninang Carmen?Balik eskwela na naman ulit kami ng mga kaibigan ko, sila mukhang excited samantala ako naman ay kinakabahan. Maninibago kasi ako sa bago kong paaralan at mga kaklase, parang gusto ko tuloy bumalik ulit ng elementary.Kagabi ko pa kasi iniisip kung ano ang magiging araw ko ngayon, natatakot ako na maging palpak ang unang araw ng klase ko. Minsan kasi ay parang tatanga-tanga ako, iyong tipong lumilipad talaga ang utak ko sa tuwing inaatake ako ng kaba.Maaga pang gumising si Nanay kanina upang ipaghanda ako ng agahan, plinantsa pa niya ang bago kong uniporme at nilagyan pa ng kiwi ang black shoes ko. Parang nakaka-excite rin naman dahil lahat ng mayroon ako ngayon ay bago pero parang nakakailang din dahil nakapalda ako pagkatapos ay pang-lalaki pa ang gupit ko.Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko baka siguro hindi ko na tinuloy ang pagpapagupit kay Mang Domeng.Hindi ko naging kaklase ang mga kaibigan ko: sina Jolo at Rhea ay nasa section two, si Mary Anne naman ay nasa sect
Yakap-yakap pa rin ako ni Nanay habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Panay pa rin ang pag-aalo niya sa akin ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa nasasaktan ako ngayon o 'di kaya'y umiiyak ako dahil nagsisisi ako sapagkat wala man lang akong nasabing matino bago umalis si Hanna.Pagkarating namin ng bahay ay pinaupo ako ni Nanay sa may kawayang upuan, kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom niya sa akin. "Tahan na, Iris. Babalik naman ang Ate Hanna mo." Pagpapatahan nito sa akin saka umupo sa aking tabi.Humihikbi pa rin ako sa harapan ni Nanay, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa harapan niya --- na parang ang drama ko na sa buhay. Malungkot ang mga mata ni Nanay na nakatingin sa akin, parang nasasaktan din ito sa tuwing nakikita niya ako."N-Nay, noon ba n-nasaktan din kayo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Simpleng ngumiti si Nanay at saka marahang tumango."Lahat naman tayo nasasaktan, anak. Araw-araw, p
Patakbo akong umuwi ng bahay pagkatapos kong gumawa ng kahihiyan sa harapan ni Hanna. Kahit anong gawing pag-aalo sa akin ay hindi niya ako magawang patahanin. Maiintindihan naman niya siguro kung bakit, hindi naman sigurong madaling magpatahan ng isang batang na-basted ng taong gusto niya."Oh, anak, anong nangyari sa'yo?" bungad kaagad ni Nanay sa akin pagkarating ko ng bahay at saka sinapo niya ang magkabila kong pisngi. "Ba't ka umiiyak?"Mas lalo akong umiyak ng tanungin ako ni Nanay. Naalala ko ang nangyari kanina sa burol, ang reaksyon ni Hanna sa pag-amin ko at ang mga sinabi niya patungkol sa nararamdaman ko. Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Ang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman gano'n kadali 'yon. Gusto ko si Hanna. Gustong-gusto ko siya."Iris?" untag ulit ni Nanay habang pinapahiran ang mga luha ko."M-Masakit po, N-Nay..." humihikbi kong sagot sa kanya. Rumehistro sa mukha niya ang kaba nang marinig niya ang sagot ko."Sa'n ang masakit? May sakit ka ba
Habang nagtatawanan sina Hanna at ng mga kaibigan ko ay siya namang paglipad sa kawalan ng isip ko. Parang hindi pa tinatanggap ng utak ko na aalis si Hanna rito sa probinsya. Pakiramdam ko, parang hindi na siya babalik. O, baka naman, mali lang talaga ang iniisip ko. Pero, hindi, nauunawaan ko naman ang sinabi niya, pupunta siya roon upang mag-aral... mag-review para sa licensure exam na sinasabi niya. Pangarap niya talaga ang makapasa, mukhang hindi naman niya bibiguin si Ninang Carmen ngunit paano naman ako? Mukhang matatagalan ang aming muling pagkikita 'pag nagkataon."Uy," sundot ni Mary Anne sa tagiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya na abala pa sa pagkain ng sandwhich. "Malalim yata ang iniisip mo, Iris."Umiling-iling ako at tumingin kay Hanna na nakikipag-kwentuhan kina Jolo at Jimboy. Tuwang-tuwa naman ang dalawa sapagkat nasa kanila ang atensyon ni Hanna."Selos ka?" asar ni Mary Anne sa akin sabay hagikhik."Hindi, 'no. Ba't naman ako magseselos?" pabulong kong tanong
Ilang linggo na lang ay magpapasukan na kaya't sinusulit na namin ng mga kaibigan ko ang mga nalalabing araw ng bakasyon. Kahit na tirik na tirik pa ang araw ay hindi pa rin kami tumitigil sa paglalaro. Sayang din kasi dahil mami-miss namin ito kapag magsimula na ang klase. At saka, kwento nila sa akin kanina ay marami na raw ang magbabago kapag tumungtong na kami ng sekondarya kaya't nangako kaming lahat na magiging solid pa rin ang aming samahan kahit anong mangyari."Teka!" sigaw ni Jimboy sa akin ng huhulihin ko na siya para siya naman ang maging taya. "Break muna tayo. Pagod na ako."Tinapik ko siya sa may balikat. "Ang daya mo naman! Porke't ikaw na ang taya magpa-pass ka na." Hinihingal kong sambit. Napansin ko ang pagtulo ng aking pawis kaya't pinahiran ko ito gamit ang likod ng kamay ko."H-Hindi naman sa gano'n," hinihingal din na tugon ni Jimboy at kaagad itong nagpunta sa may lilim ng puno upang sumilong. "Pagod na ako tapos ang init-init pa!"Sumunod naman kami nina Rhea,
Miyerkules ng tanghali ay isinama ako ni Nanay sa bahay nina Aling Mylene dahil kukunin niya raw ang in-order niyang sapatos ko para sa darating na pasukan.Naiisip ko pa nga lang ang first day of class ko sa isang mataas na paaralan dito sa aming probinsya ay hindi ko na mapigilang ma-excite. Bagong paaralan, guro, ka-eskwela, at mga kaibigan --- lahat nakaka-excite, pwera na nga lang ang mga bagong lessons kasi sabi sa akin nina Rhea at Jimboy mahirap na raw ang mga lessons sa high school.Sabi raw kasi ng mga nakakatandang kapatid nila, parang nakamamatay na raw sa hirap ang mga lessons nila... parang pang-college! Pero, sabi ni Nanay, huwag daw ako maniniwala, palusot lang daw 'yon ng mga estudyanteng tamad mag-aral. Wala raw lessons na mahirap kapag nagpupursigi ka talagang matuto. Gusto ko nga sabihin 'yon kina Rhea at Jimboy pero napag-isip-isipan kong huwag na lang baka kasi magalit pa sila sa Nanay ko."Mareng Gina, nandito na pala 'yong in-order mo. Ipasukat mo nga kay Iris