Lumawak ang ngiti ni Jolo nang marinig niya ang balita ni Jimboy. Parang nakalimutan niyang nagtatampo siya sa amin dahil hindi namin sinasabi sa kanya ang pinag-uusapan namin kani-kanina lang.
"Oh, talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Jolo kay Jimboy.Umupo sa may ugat ng puno si Jimboy at pilit na pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. "Oo nga! Kitang-kita ng dalawa kong mata. Sakay pa nga sila ng tricycle ni Mang Domeng, eh."Sumingit naman si Mary Anne sa usapan ng dalawang lalaki. "Sus, umiiral na naman ang pagka-chickboy niyo.""Bakit? Nagseselos ka?" pagbibiro ni Jolo. "Wala naman kasing masyadong maganda rito sa probinsya natin, eh.""Hala, makapagsalita akala mo naman gwapo." Pambabara naman ni Rhea.Lumapit naman sa akin si Jolo at kaagad akong inakbayan. "Kahit tanungin niyo pa si Iris. 'Di ba Iris, tama ako?"Sinimangutan ko naman siya. "Aba, ewan ko sa'yo. Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo.""Ang dami niyong satsat, kung puntahan na lang kaya natin ang bahay nina Aling Carmen." Suhestiyon ni Jimboy.Pumalakpak naman si Jolo na tuwang-tuwa. "Ayun! Tama ka nga, Jimboy. Puntahan natin.""Ayoko nga," ani Rhea."Ang KJ mo naman." Wika ni Jimboy na sinang-ayunan naman ni Jolo.Umirap naman si Rhea at tumngin sa akin."Sasama ka?" tanong nito.Pinagtinginan ako nina Jolo at Jimboy."S-Sige na nga..."Nag-apir ang dalawang ugok."Majority wins!" sigaw ni Jolo na animo'y nanalo ng pustahan."Sasama na nga kami." Napilitang wika ni Rhea kaya nagsimula na kaming maglakad na lima.xxxPanay ang usapan nina Jolo at Jimboy sa anak ni Ninang Carmen. Talagang makikita mo talaga sa mukha ni Jimboy na para siyang nakakita ng magandang dalaga kani-kanina lang. Habang ang isang kaibigan naman naming si Rhea ay panay na ang maktol. Hindi raw siya komportable maglakad ngayon. Naiintindihan ko naman siya kung bakit. Napag-usapan na namin 'yon kanina."Bakit ba kasi kating-kati iyan si Jolo na makita ang anak ni Aling Carmen?" tanong sa akin ni Mary Anne."Si Jimboy kasi ang may kasalanan. Kung ilarawan niya ang anak ni Aling Carmen parang dyosa." Himutok ni Rhea.Napatikhim na lamang ako. "Siguro, eh, tumigil na lamang kayo sa pagbabangayan. Pagbigyan na lang muna natin ang dalawa. Sabi pa nga ni Jolo, tropa naman tayo, 'di ba?"Tumango-tango naman si Rhea. Mukhang nakukuha niya ang punto ko.Hindi nagtagal ay narating din namin ang lumang bahay nina Ninang Carmen. Panay pa ang tago namin sa may malaking punong kahoy upang hindi kami makita. Nasa kanan ko si Jolo habang si Mary Anne ay nasa kaliwa ko. Sina Jimboy at Rhea naman ay nasa katabing puno.Una muna naming nakita ay si Ninang Carmen. Abala ito sa paghahakot ng mga naglalakihang kahon mula sa labas papasok sa kanilang bahay.Medyo may edad na rin si Ninang Carmen kagaya ni Nanay. Ngunit, parang hindi pa rin kumukupas ang ganda niya."Siguro kaya maganda ang anak ni Aling Carmen dahil mana sa kanya," bulong ni Jolo sa aking tabi."Parang Miss Universe ang tindig ni Aling Carmen at saka mestiza rin," wika naman ni Mary Anne.Hindi nagtagal ay may lumabas pang isang babae. Naka-pulang t-shirt at naka-itim na shorts. Kamukhang-kamukha rin ni Ninang Carmen ngunit mas batang bersyon.Narinig namin ang pagsitsit ni Jimboy kaya napatingin kami sa pinagtataguan niya. Sumenyas naman siya sa amin na siya ang anak ni Ninang Carmen kaya kaagad kong ibinalik ang tingin sa dalagang nakita.Totoo nga ang sinabi ni Jimboy kanina. Ang ganda niya. Ang ganda niya talaga.Parang natulala ako ng ilang saglit habang nakatanaw pa rin sa kagandahang iyon. Parang nahihipnotismo ako sa kanyang ganda.Kinapa ko ang dibdib ko. Papalakas nang papalakas ang tibok ng puso ko."Gusto ko na yata siya," wala sa sariling wika ko.Bigla akong hinampas ni Mary Anne sa balikat. "Gusto raw," wika nito.Inabot naman ni Jolo ang balikat ni Mary Anne saka nito niyugyog. "Hindi mo ba nakikita ang gandang 'yon? Pati nga si Iris natulala na."Nagtaray naman si Mary Anne. "Aba ewan ko sa inyo. Umalis na nga tayo!"xxxPagkabalik namin ng tambayan ay kanya-kanya na kami ng kwento. Malamang hindi papatalo do'n si Jolo. Panay ang kwento niya sa amin kung gaano kaganda ang anak ni Ninang Carmen. Interesado naman kami pareho ni Jimboy ngunit sina Rhea at Mary Anne ay hindi.Hindi ko naman kasi maipagkakaila 'yon. Sobra akong nagandahan sa anak ni Ninang Carmen. Gugustuhin mo talaga siyang makita araw-araw."Bakit ba interesado kayo sa babaeng 'yon? Eh, halatang hindi natin 'yon kasing edad. Siguro, mga twenty na 'yon. Ilang taon din ang agwat sa atin." Wika ni Rhea."Kahit na, maganda pa rin." Depensa ni Jolo."Hindi lang 'yon, mestiza at sexy pa!" Dagdag pa ni Jimboy.Tinabihan naman ako ni Mary Anne. "Ano Iris, hindi mo ba kami kakampihan? Babae ka naman, 'di ba?"Hindi ako umimik."Ano ka, pati 'yang si Iris gandang-ganda sa anak ni Aling Carmen." Pang-aasar pa ni Jolo."Eh, nagagandahan lang naman kayo 'don dahil malaki ang hinaharap niya. Mga mukha kayong dibdib!" inis na sambit ni Mary Anne.Tumawa naman si Jolo. "Naku, Mary Anne. Kung gusto mong lumaki 'yang dibdib mo manalangin ka na sana ay reglahin ka na.""Kakaasar ka, Jolo! Ang bastos ng bunganga mo." Himutok ni Mary Anne."Sus, crush ka lang niyang si Jolo, Mary Anne." Pang-aalaska pa ni Rhea.Tuluyan nang sumimangot si Mary Anne dahil sa pang-aalaska ng tropa."Ano ba, Mary Anne. Katuwaan lang. Hindi ka naman mabiro." Si Jimboy na."Asar-talo kasi," dagdag pa ni Jolo."Nakakainis ka kamo." Bulong ni Mary Anne.Pumagitna na ako sa kanila. "Oh, tama na. Nagkakapikunan na kayo."Humalukipkip si Jolo saka pumwesto sa swing na gawa sa gulong. "Basta nagagandahan talaga ako sa kanya.""Ako rin," wika ni Jimboy. Napabuntong hininga si Rhea at inamin na pati rin siya ay nagagandahan. Ngunit itong si Mary Anne ay walang imik pa rin.Pero kung ako ang tatanungin, nagagandahan talaga ako. Para akong nakatingin sa mga bituin.Maaga akong gumising katulad nang ipinangako ko kay Nanay kahapon. Dahil maaga pa ay walang sawa sa pag-uutos ng kung ano-ano si Nanay sa akin. Pagflo-floorwax ng sahig, mag-igib ng tubig mula do'n kina Aling Thelma, at ang mamalengke para sa tanghalian namin mamaya.Hindi nakabisita si Nanay kina Ninang Carmen kahapon dahil abala sila nina Aling Thelma sa kapilya. Aktibo si Nanay sa mga gawain sa simbahan kaya paminsan-minsan ay wala ito sa bahay. Matagal ng deboto si Nanay ni Senior Sto. Niño. Nang magkasakit noon si Tatay ay doon si Nanay nananalangin kay Sto. Niño na sana'y mas humaba pa ang buhay ni Tatay. Ngunit, kahit anong panalangin pa ang gawin ni Nanay ay kinuha pa rin ito ng Maykapal. Hindi naman siya nagkaroon ng sama ng loob sa Diyos. Sabi pa nga niya eh, wala na kaming magagawa kung oras na talaga kaya mas mainam na tanggapin na lang namin ang kapalaran ni Tatay."Bibisita tayo mamaya kina Ninang Carmen mo, ha?" paalala sa akin ni Nanay habang nagluluto ng i-uulam namin
Para akong kinuryente nang sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan ko ang malambot na kamay ni Hanna. Pati na yata ang puso ko ay sumabay na sa pagsabog dahil sa kaba.Nakangiti pa rin si Hanna sa akin. Patuloy pa rin kaming nagkakamay. Hindi ko na kasi nabitiwan pa ang kamay nito dahil sa pagkatulala sa kanyang maamong mukha."Ahh, Iris?" untag sa akin ni Hanna kaya't nabalik ako sa realidad na hindi pala anghel ang nakikita ko kundi si Hanna.Agad kong binitiwan ang kamay niya. Bakit ba kasi gano'n? Pakiramdam ko hawak-hawak ko pa rin ngayon ang malambot na kamay ni Hanna."Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay kaya't idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa aking noo. "Bakit parang natulala ka? May sakit ka ba?"Nahiya ako sa sinabi ni Nanay. Hindi naman siguro halata na natulala ako kanina. Ngunit, bakit nasabi 'yon ni Nanay? Kung gano'n nga ay mukhang klaro talaga na natulala ako kanina. Nakakahiya naman."W-Wala, Nay." Kabadong sagot ko.Kung magtataga
Maaga pa akong lumabas ng bahay at hindi rin ako nagpaalam kay Nanay kaya sigurado mamayang pag-uwi ko ay sermon ang aabutin ko. May usapan kasi kami nina Jolo kahapon na pupunta kami sa bahay nina Ninang Carmen at magmamatyag kami. Naisipan din naming puntahan si Jimboy sa bahay nila baka sakaling sumama ito at wala na rin itong tampo sa akin dahil sa nangyari kahapon."Ano ba kayo, puro na lang si Hanna. Ni hindi na nga tayo nakakapaglaro. Sayang ang bakasyon." Himutok ni Mary Anne na nakahalukipkip."Ang KJ mo na naman," inis na sambit ni Jolo. "Eh, titingin lang naman kami do'n. Kung ayaw mong sumama eh, maiwan ka na lang dito.""Kita mo na, ipinagpapalit ang pagiging magkaibigan dahil sa itinitibok ng puso," mataray na saad ni Mary Anne.Kumunot naman ang noo ni Jolo. "Palibhasa'y wala kang crush kaya hindi mo alam."Naningkit ang mga mata ni Mary Anne kasabay ng pamumula ng mukha. "Tse! May crush ako, 'no!""Wala kaming pakialam." Malamig na tugon ni Jolo at bigla itong humalakha
Medyo mabigat ang atmospera sa loob ng bahay dahil sa kabadong puso ko. Pakiramdam ko ay masyado akong nasasakal sa nararamdaman ko ngayon. Makita ko lamang si Hanna nang malapitan ay parang malalagutan na ako ng hininga. Eh, sino ba naman ang hindi mapra-praning at magkakanda-loko-loko ang nararamdaman kung kaharap mo ang taong hinahangaan mo?Maganda talaga si Hanna. Parang mga bituin sa kalangitan. Ngunit, hapon pa lamang ngayon at hindi pa madilim sa labas kaya maihahanlintulad ko lamang siya ngayon sa isang magandang musika. Palihim ko siyang sinisipat nang tingin sa tuwing sumusubo siya ng spaghetti. Panay ang sukbit niya sa likod ng kanyang tenga ng mga kumakalas na hibla ng buhok. Natatanaw ko nang maayos ang maamo niyang mukha at ang nangungusap niyang mga mata."Anong year mo na ngayong susunod na pasukan?" tanong nito sa akin at tuluyan nang natapos ang lumang kanta sa radyo."Magfi-first year na ako," ilang na sagot ko. Parang hindi pa ako komportable sa kanya ngayon. Hirap
Magkasama kami ni Hanna sa pamamalengke. Hindi ako makapaniwala na nangyayari talaga ito ngayon at tila ba na parang nananaginip pa rin ako. Nakahawak sa kaliwang balikat ko si Hanna habang sinusuri niya nang maigi ang mga isda kung presko pa ba ito o hindi. Sabi niya kasi kanina ay balak niya sanang magluto ng escabeche. Bahagyang nagningning ang mga mata ko kanina nang banggitin niya iyon kaya't tinanong niya ako kung paborito ko ba ito at tumango naman ako."Sigurado po ba kayong sariwa 'yan?" tanong ni Hanna sa tindera."Aba't oo naman, hija. Hindi kami nagtitinda ng hindi sariwa." Sabi ng tindera."Sigurado po kayo, ah?" bungisngis na tanong ni Hanna at tumango naman ang tindera.Binayaran na ni Hanna ang nabiling isda. Akmang kukunin niya na sana ito sa tindera ngunit inunahan ko na ito."Ako na," pagboboluntaryo ko at mahigpit na hinawakan ang plastic bag na may laman na isda."Sigurado ka, Iris? Dadalawa na ang dala mo." Alalang tanong nito sa akin ngunit umiling lamang ako."A
"Uy, may tsismis ako!" anunsyo ni Mary Anne nang makarating ito sa tambayan namin. Umarko naman ang kilay ni Jolo at umupo sa may ugat ng puno."Ang aga-aga may tsismis ka na naman," inis na sabat nito."Eh, huwag kang makinig." Pagtataray ni Mary Anne.Nagkamot ng ulo si Jolo. Wala siya sa mood. Nakabusangot ang mukha."Kung nando'n lang si Ate Hanna sa bahay nila eh, 'di sana nando'n tayo ngayon." Nanghihinayang na wika nito.Tinabihan ko naman siya sa pag-upo. "Uy, huwag naman nating araw-arawin. Nakakahiya," sabi ko."Sus, baka gusto mo lang siya masolo." Singit ni Jimboy.Napapalatak si Rhea. "Ang mahirap kasi sa inyo, magkakagusto na nga lang kayo sa iisang babae pa.""Gaya-gaya kasi," bulong ni Jimboy."Gaya-gaya mo ang mukha mo," si Jolo na ang nagsabi.Nakakabagot nga. Wala sina Hanna at Ninang Carmen nang magpunta kami sa bahay nila. Ang sabi sa amin ay mukhang nagpunta raw sila sa lungsod. Hindi nga lang nasabi kung anong oras sila uuwi."Siya nga pala, kasama ka ba sa saga
Halos mahimatay na ako sa nerbiyos kahapon nang malaman kong dinatnan na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkaroon ka na ng dalaw sa unang pagkakataon... nakakatakot. Akala ko may malubhang sakit na ako at mamamatay na.Pinaalam ko kaagad 'yon kay Nanay pagkarating ko sa bahay. Tuwang-tuwa naman ito at sinabihan na ako raw ay isang dalaga na. Napakamot ako ng ulo no'n at medyo nakaramdam ng inis. Hindi pa naman kasi ako dalaga, bata pa ako.Ngayong dalaga na raw ako ay kailangan ko na raw mag-ingat at higit sa lahat ay alagaan ko na raw ang sarili ko. Hindi lang 'yon ang naging paalala ni Nanay. Bawas-bawasan ko na raw ang katigasan ng ulo ko dahil hindi na raw ako bata.Sa unang beses na paggamit ko ng napkin ay naiilang ako sa paglalakad. Kasi naman eh, pakiramdam ko may suot akong diaper. Hindi ako makapaglakad ng maayos. Hindi ako komportable.Isa pa 'tong prino-problema ko ang pagsasagala ko mamaya. Napilitan na nga akong magsagala, maglalakad na naman akong naiilang dahil
Isang malaking palaisipan sa akin kagabi kung bakit umiyak ng gano'n si Hanna. Kagabi ko lang siya nakitang umiyak nang gano'n dahil madalas ko siyang makitang nakangiti at nag-uumapaw sa kasiyahan. Parang piniga ang puso ko nang masaksihan ko ang pag-iyak niya mismo. Pakiramdam ko ayaw kong nasasaktan ng gano'n si Hanna dahil nasasaktan din ako.Lihim kong pinagmamasdan si Hanna na malungkot at matamlay na nakatambay sa kanilang may balkonahe ng bahay. Nakaupo lamang ito at hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nakatingin sa kawalan na para bang may hinihintay na kung ano at makikita mo sa kanyang mga mata ang kakulangan ng tulog.Napapabuntong hininga na lamang ako sa mga oras na ito. Naisin ko mang lapitan siya ngunit hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin na huwag ko siyang lalapitan.Gusto ko sanang yakapin siya nang mahigpit at pasiyahan kagaya ng dati. Gusto kong mapakinggan ulit ang mga tawa niya at masaksihan ang matatamis niyang ngiti.Ngunit hindi pwede. Malalim ang kany