Share

Chapter One

PATULOY lamang ang paglagok ni Novice sa tangan na baso. Naglalaman iyon ng isang mamahaling alak na galing Paris, pasado alas-siyete  na ng gabi.

Nanatili lamang siyang nakadungaw sa madilim na labas ng D.G Empire building. Tanaw niya ang mga mumunting ilaw na galing sa mga nagliliitang sasakiyan na paroo't parito, mula sa ibaba ng building. Pagmamay-ari nila ang naturang establishment, isa ito sa successful business na hinahawakan niya sa kasalukuyan.

Nag-e-export sila sa iba't ibang panig ng Bansa ng mga mamahaling kalidad ng alahas, katulad ng emerald, gold, silver and diamond sa bangsang: France, Switzerland, London at Germany.

High class jewerly store ang mga pinapatayo nila. kung saan, mga kilalang mayayaman na personalidad sa buong mundo ang tumatangkilik sa kanilang negosyo.

Sa ngayon ay kagagaling lamang niya sa isang close meeting sa Paris. Halos wala pa siyang pahinga, magmula ng umuwi siya.

Tuluyan niyang ibinaba ang hawak na baso nang makarinig  ng sunod-sunod na pagkatakok sa nakasaradong pinto. Agad niyang inalis ang pansin mula sa bintana.

Marahan siyang naglakad palapit, ngayon dama niya ang pagtama ng iniinom niyang alak.

Agad naningkit ang mga mata ng binata ng mapagsino ang bisita.

"Hello Kuya Novice, mabuti na lamang at nakauwi ka na galing Paris. Nasaan ang pasalubong ko!"magiliw nasalubong sa kaniya ni Beatrice ang nakababatang kapatid niya.

Benti-sengko anyos na ito, ngunit kung mag-isip at umakto ito'y parang disa-sais pa rin.

Magsasalita na sana si Novice ng muli ay naunahan na naman siya ni Bea. Ngali-ngali na niyang batukan ito.

"Hay naku Kuya! masiyado lang workaholic, paano mo aasikasuhin  ang pag-aasawa kong hindi ka pipirmi sa isang lugar!" malakas nitong sabi.

"Pwedi ba Bea, kahit saglit. . . please, manahimik ka naman. Mind on your own life. Ikaw nga nasa tamang edad ka na para magsettle down, pero heto ka loveless."tuya niya sa kapatid na napaeye-roll saka nagpout.

Isip bata talaga!

"Hee! atleast wala pa sa katapusan ng kalendaryo ang edad ko. Eh ikaw? wake up big brother trenta anyos ka na. Kaya better na mauuna ka talagang mag-asawa. Saka hinihintay ko lang naman itong si Rudny na pikutin ako. . ." patungkol ng dalaga sa lalaking kasabay niyang dumating.

kasalukuyan itong tumutungga ng alak na nasa table ng pribadong opisina ni Novice.

" Hoy! Bek-Bek kahit kailan hindi kita papatulan! si Elisse nga hindi ko pinatos pakasalan. Ikaw pa kaya!" tukoy ni Rudny sa babaeng ipinagkasundo rito, one of the best buddy ni Novice ito . Galing din sa isang mayamang angkan.

Pares nilang magkapatid ay nagmula rin sa isang kilala at may masasabing angkan si Rudny Aragon.

Isang high class syndicate o mafia lord ang Daddy niya. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng night club, hostel and casino. kung saan laging tumatambay ang dalawa.

Nag-umpisang lumapit si Beatrice at pinagsusuntok si Rudny.

" Your so rude, Rudny!!!"tili nito. Kaya upang lalong manakit ang ulo ni Novice. Wala sa sariling napaupo sa swivel ito, marahan na minamasahe nito ang sentido.

"Halika dito!"Habol ni Beatrice.

"Ayuko nga! nek! nek! mo!"pambubuska naman ni Rudny.

Patuloy lamang sa paghahabulan ang dalawa sa loob ng opisina ng binata.

Hanggang isang katok mula sa pinto ang umagaw ng kanilang pansin. Dahil sa ingay ng dalawa ay hindi na nila namalayan ang pagbukas niyon.

Nagtagis ang mga ngipin ni Novice sa tinitimping ngitngit. Hindi niya aakalain na ganoon siya kaagang pupuntahan ng ama.

"Can you go out first Bea and Rudny. . ."utos ng matandang lalaki na halos pinapalibutan ng mga body guard.

Agad naman tumango ang dalawa, kasunod niyon ang pagpapalabas sa mga alopores nito. Matapos makalabas ang mga ito ay tuluyang isinarado ni Don Vicenti ang pinto.

Marahan itong naglakad sa maluwang at magarang opisina ng binata. lumalagatok sa marmol na sahig ang tunog sa bawat paglalakad ng matandang lalaki sa gamit nitong baston.

Kahit nasa katandaan na ang edad ay kakikitaan pa rin ng tikas ang tindig nito. Malakas ang dating nitong taglay na tanging sa mayayamang tao lamang nakikita.

"I'm glad your home son,"wika  ng matandang lalaki.

Ngunit mapakla lamang nangiti si Novice, wala siyang pakialam sa anuman sasabihin ng kaharap.

Para sa kaniya ang lalaking kaharap ay isang diyablo na nagbabalat tao!

"Pwedi ba, sabihin mo na ang ipinunta mo rito. . ." walang ganang sambit ng binata. Bigla niyang naikuyom ang kamao.

Kilalang-kilala niya ang ama, magmula pagkabata ay  wala na itong ginawa kung 'di kontrolin ang buhay niya. Sa  mukha pa lang nito ay tila may binabalak na naman ito para sa pansariling kapakanan at kayamanan nito. Isinusuka niyang may isa siyang klase ng ama na tanging sinasamba ay ang karanghiyaan mayroon ito!

"Ganiyan mo na ba kausapin ang ama mong nagpalaki sa 'yo?" gagad ng matandang lalaki.

"Please, stop this none sense topic! kung ang ipinunta mo rito para pangaralan ako. Umuwi ka na lang!" Marahas niyang ipinukpok ang kamao sa may lamesa. Halos mayanig at magsitumba ang mga baso ng alak at bote na naroon.

Tuluyan naman natahimik si Vicenti, nanatili itong nakatitig sa madilim na mukha ng binata.

Napabuntong-hininga muna ito bago muling magsalita pagkatapos.

"Novice, matanda na ako. . . kaya kinakailanganin mo na ng bagong hahalili sa 'yo  rito sa kumpinya  natin. Kaya kung maari'y magpakasal ka na at mag-asawa. . . bigiyan mo ako ng apo sa madaling panahon." Walang preno ang bibig na utos ng matandang lalaki.

Biglang nanlaki at halos hindi mapaniwalaan ni Novice ang sinabi ng kaharap.

Gusto niyang magtawa, ngunit nanaig  ang kinikimkim niyang galit sa sariling ama! Masiyadong bilib sa sarili na akala mo'y napakadaling bagay ang pinapagawa nito.

"Sino ka para diktahan ako! wala kang karapatan!"bulyaw ng binata.

Hindi man lang nakakitaan ng kung ano man si Don Vicenti, tila lalo pa itong naaliw sa itsura niya.

"Wala kang magagawa kung hindi ang sumunod Novice, kung ayaw mong mawalan ng mana.  .  ."pagbabanta ng sariling ama sa binata na lalong nagpasuklam sa nararamdaman ngitngit ni Novice.

Agad ng tumalikod si Don Vicenti, nasa anyo nito ang pagwawagi ng tuluyang nawalan ng masasabi ang anak. hahawakan na sana nito ang seradura ng pinto ng muli itong humarap sa binatang napupuot sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, dahil nakakita na ako ng tamang babae para sa 'yo. . . maybe you'll remember her with the name, Shaina Monuz."deklara ng matandang lalaki na nagpatigalgal kay Novice sa mga sandaling lumipas. . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status