Share

Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED
Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED
Author: Babz07aziole

Prologue

MARAHAN hinahawakan ni Novice ang ilang hibla ng buhok ni Shaina na humahaplos sa pisngi niya.

Habang tumatagal ay lalo gumaganda ito sa kanyang paningin.

" Masaya ka ba honey?" tanong  ng binata rito. Nanatili naman itong nakatingin sa kaniya, tila kumislap pa nga ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya ng mga sandaling iyon.

Kasalukuyan siyang nakaunan sa kandungan nito.

" Oo naman honey, mahal na mahal kita. . . " malambing na anas ni Shaina na nagpalukso ng tibok ng puso ni Novice.

Maluwang siyang napangiti, agad na siyang tumayo. Nakatingin lang naman ang dalaga rito, wari'y nagtataka sa kakaibang ikinikilos niya.

Pinanuod lamang ni Shaina ang pagsamsam ni Novice sa mga kasuotan nitong nagkalat sa lapag.

Katatapos lamang nila sa isang mainit na pagniniig. Pakiramdam niya may mali, magkagayunman ay hindi niya pinagsisisihan na ibinigay niya ang pagkabirhen kay Novice.

Hanggang sa tuluyan siyang tapunan ng tingin ng binata. Wala na ang dating nanunuot na titig nito na laging nagpapanginig ng mga tuhod niya sa tuwina, ngayon ay kababakasan na ng kalamigan.

" Ganoon ba, Hindi ba't sabi ko naman sa iyo mag-eenjoy ka sa company ko. Pero, ngayon pa lang pinuputol ko na ang lahat ng meron sa atin. . . "

Buhat sa sinabi nito ay tuluyang namasa ang magkabila niyang mata sa napipintong pag-luha Nakagat niya ang ibabang labi, sa mga oras na iyon at hindi niya mapaniwalaan ang mga katagang nanulas sa bibig ng lalaking pinakamamahal niya.

" Ano bang nagawa ko? Novice, mahal naman kita at nararamdaman kong mahal mo rin ako!" Matatag na hayag ng dalaga. Panigurado siya sa mga katagang binigkas. Dahil taliwas sa ikinikilos ni Novice ang mga pinagsasabi nito patungkol sa kanya ngayon.

Patuloy pa rin kasi itong binubulag ng sariling galit dahil sa nangyari rito noon.

"Alam ko, nararamdaman ko Novice na mahal mo ako!" Patuloy ni Shaina.

Bigla siyang napapikit matapos niyang mapasigaw ng makita niyang padaskol na ibinalibag ng binata ang lamesa na nasa may gilid.

Kitang-kita ni Shaina ang poot sa mukha nito, ang pagkuyom ng mga kamao nito. Na tila anumang oras ay sasalakayin siya nito sa kinaroroonan niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang makapal na tela na tanging tumatakip sa kahubdan niya.

" Manahimik ka na lamang Shaina! Ayusin mong sarili mo. Sana sa pagbalik ko ay hindi na kita maratnan sa pamamahay ko. Isama mo na rin ng lahat ng basurang dinala mo!" Bulyaw nito.

" A-Ano bang pinagsasabi m-mo Novice, Hindi ba't n-nangako tayo sa isa't isa. Diba?" Hindi natitigatig na habol ni Shaina, mabilis siyang yumakap dito ng tuluyan itong tumalikod sa kanya.

"Leave Shaina. . . Bago pa man kita kaladkarin palayas sa bahay ko." Malamig nitong sabi.

Wala ng nagawa si Shaina, matapos na alisin ng binata ang mga braso niyang nakakapit sa matipunong katawan nito.

Hindi aakalain ni Shaina na ganoon kadali siya nitong sasaktan, katulad ng kung gaano niya minahal ang lalaking may  kaugnayan sa paghihirap ng kanilang pamilya.

Ngayon ginagantihan na siya nito sa paraan na alam nito, upang makabawi sa pananakit ng kakambal niyang si Shaira rito . . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status