Share

Chapter Two

MALAKAS na ipinukpok ni Novice ang palad na mariin ang pagkakakuyom.

Masamang-masama ang loob niya sa katatapos na kaganapan ngayon-ngayon lang sa kaniyang opisina.

Pinaikot nito ang kinauupuan na swivel chair, nanatili siyang nakamasid sa madilim na tanawin mula sa labas.

Muli niyang narinig ang pagbukas ng nakasaradong pinto. Ang gagawin niyang pagmumura ay napigil nang makita niya sa replesiyon nagmumula sa salamin na kaharap.

Agaran niyang pinaikot ang kinauupuan paharap. Isang ngiti ang isinukli niya sa bagong dating.

"K-Kumusta Lawrence, mabuti at nagkaroon ka ng oras para dalawin ako rito sa opisina?"Galak niyang salubong sa matalik niyang kaibigan.

Bukod kay Rudny ay  isa ito sa pinagtitiwalaan niyang tao. Mula pa noong nag-aral sila ng highschool.

"Oo naman, busy lang lagi sa opisina. Saka alam mo na, kailangan kong magdoble kayod, dahil wala akong katuwang sa buhay. . ." nakangiti nitong sabi, nag-umpisa na itong maupo sa upuan na nasa harap ng lamesa ng binata.

Bagama't may ngiti sa labi si Lawrence ay mababanaag sa guwapong mukha nito ang kalungkutan.

Namatay na ang asawa nitong si Esteffany. Matagal din itong nakipaglaban sa

karamdaman nito sa puso.

"Cheer up bro, huwag ka ng malungkot. . . Esteffany are in good hands now. Saka nariyan naman sina Shin at Estellar eh, may dahilan ka na para magpatuloy sa buhay. O kaya punta tayo sa bagong bukas na night club nina Rudny, para naman ma-relax ka naman. Ang tagal mo ng dyeta owh!" Panghihimok ng binata rito. Tuluyan itong napangiti, habang naiiling.

"Loko ka talaga nagbago na ako uy! Hindi na tayo mga kabataan. Kaya kayo ni Rudny, magbago na kayo. Ang tatanda na natin!"

"Nah! kalabaw lang ang tumatanda Lawrence!" patuloy ni Novice. Napadako ang pansin ng dalawa sa may pinto. Bumukas iyon at pumasok ang  kambal ni Lawrence na nagtatakbo.

" Daddy! si Shin oh, hinihila na naman niya buhok ko!"sumbong ni Estellar sa ama.

"Tama na iyan Shin, alam mo naman na ayaw ng kambal mo na pinakikialaman ang buhok niya." panunuway ni Lawrence rito.

Nagtatawa lang naman si Shin, tuluyang binuhat ni Rudny ito at kiniliti. Habang si Estellar naman ay inayusan naman ni Beatrice.

Nang tuluyan masaway ang dalawa sa kulitan ng mga ito ay muling umimik si Lawrence.

"Bagay na bagay ang kapatid mo at si Rudny, nakakapagtakang ayaw itong ligawan ng huli."

"Korek ka riyan Kuya, ewan ko ba rito sa barkada niyo. . . hirap ligawan!"nakalabing sambot ng dalaga.

" Talaga! Hindi kita papatulan, kahit ikaw na ang nag-iisang babaeng matira rito sa mundo!" naiiling na balik-sagot ni Rudny.

Naiiling na lamang sina Lawrence at Novice sa asal ng dalawa. Tila teenager kung magkantiyawan.

"Ikaw Novice, kailan mo balak magsettle down?"si Lawrence.

"Ano ba iyan, kanina si Papa ang nangungulit sa akin na mag-asawa ako. Tapos ngayon ikaw naman, please! give me a break bro!"iiling-iling na sagot ni Novice.

Muli nitong sinalinan and baso na nasa lamesa. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"Hindi ko ba alam kung saan niya nakuha ang impormasyon  ng tungkol k-kay Shaina. . ."naiusal  ng binata.

Pare-parehas na nagtinginan sina Lawrence at Rudny. Sa halos 16 years na nakalipas ay ngayon lang muling naungkat ang isa sa mga babaeng may malaking kaugnayan sa binata.

" What about Shaina, b-bakit ano bang balak ng tatay niyo sa kanya?" tanong ni Rudny na agad na lumapit sa kanila. Sinenyasan din muna ni Novice si Bea na ilabas muna sina Shin at Estellar.

Mabilis naman nagtatakbo ang dalawang paslit, habang humahabol si Beatrice.

Nang makalabas ang mga ito ay muling tumuon ang pansin ni Novice sa dalawang kaibigan. Ayaw man niyang i-share sa dalawa ang naging usapan nila ng  ama niya rito kanina pero tila iyon ang kakailanganin niyang gawin. Matapos niyang lumagok sa iniinuman na baso ay sinalaysay niya ang naging pakay ng ama.

". . . Kaya nga galit na galit ako. Mula pagkabata ay wala ng ginawa ang matandang iyon kung 'di ang pakialaman ako! he's too much!" pakli ni Novice. Naggalawan ang panga nito sa pagtatagis ng ngipin. Kulang na lang ay mabasag niya ang hawak na babasaging baso.

Napasindi naman si Rudny ng sigarilyo, agad naman binigyan nito si Novice pagkatapos.

Mabilis na napabuga ng usok mula sa hinithit na yosi si Novice. Sa sandaling iyon ay natahimik silang tatlo, nag-iisip sa maari nilang itugon sa pino-problema ng binata.

"Ano bang plano mo?"mayamaya'y nasabi ni Lawrence.

Napatutok ang pansin ng binata rito.

"Eh ano pa ba, sasakiyan ko lang naman ang trip ng magaling kong ama! pero, titiyakin kong siya ang mismong gigisahin ko sa sarili niyang laro!"Gigil na sawata ni Novice.

"Kung kailan mo ng tulong you can count on me, for old time sake! Yahoo! heto na naman tayo."napapapitik ang daliri na patianod ni Rudny.

"Hoy! magtigil nga kayo, baka dahil sa binabalak niyo may masaktan na naman huh!" nagpapaalala na saad ni Lawrence. Napailing ito matapos siyang alukin ni Rudny ng brandy. Naalala ang mga panahon na pinahihirapan ng dalawa ang pinakamamahal niyang Esteffany. Ngunit, nagsisi naman ang dalawa pagkatapos at nagsorry din ang mga ito sa mahal niya.

"Don't worry, this time mas malinis ang plinaplano namin. . ."patuloy ni Novice.

Ngunit taliwas sa nasabi ay iba ang naiisip niyang plano.

Tuluyan siyang napangiti ng matagumpay, matapos niyang pagtagni-tagniin ang mga planong  sisira sa ninanais ng ama para sa buhay niya. . .

ISANG magandang sikat ng araw ang tumama sa magandang mukha ni Shaina ng mga sandaling iyon.

Hinayaan niyang lumugay ang mahaba niyang buhok.

Halos iisang pares ng mga mata ang humayon sa kanyang direksyon, habang patuloy siyang naglalakad papunta sa may pool ng pag-aari niyang resort.

Sino ba naman ang hindi mapapalingon  rito, bukod sa successful siya sa ipinatayong business ay halos perpekto siya sa lahat ng aspeto sa buhay.

May maamo siyang mukha, may chinitang mga mata na binagayan ng malalantik na pilik-mata. May matangos na ilong, natural ang labi na mamula-mula.

Binagayan din ang dalaga ng mataas na height at balingkinitan na katawan na inaasam ng mga kalalakihan na nakakakita rito. Halos may makinis at tila gatas ang kutis nito.

Magkagayunman ay walang ibang nakahuli sa mailap na puso ni Shaina. Ang totoo'y pinanitili talaga nitong malayo ang sarili sa mga adan.

Hindi para sa kanya, kung 'di para sa nag-iisang lalaki sa buhay niya. . . si Norvin. Ito ang naging dahilan niya upang magpatuloy sa buhay, matapos ang labing-anim na taon. Matapos siyang paglaruan  at babuyin ng nag-iisang lalaking minahal niya, si Novice.

Mabilis niyang  pinalis ang nasa isipan, dahil sa muling pagkudlit ng mga nakaraang alaala sa gunita niya.

Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad, tuluyan nang inalis ni Shaina ang suot na roba, kasalukuyan siyang nakasuot ng white na one piece swim suit, maski ang black shade na suot-suot niya'y tuluyan niyang inalis at inilagay sa bakal na lamesa.

Marahan siyang naglakad at tuluyan lumusong sa may pool. Walang kapaki-paki sa mga pares ng mga mata na humayon sa direksiyon niya.

Namiss niya ang paglangoy-langoy roon, naging hectic kasi ang schedule niya noong nakaraan. Dahil sa isang client, actually ngayon ang araw ng pagkikita nila rito sa sarili niyang resort.

Diumano'y pinaka-mabigatin na kliyenti niya magmula nang mag-umpisa ang negosyo niya. Isang magarbong kasalan ang magaganap bago matapos ang taon.

Naeexcite na rin siya, dahil magkakaroon ng big break ang negosyo niya. Mas may time na siya kay Norvin.

nakailang laps  na siya ng mapagdesisyunan na niyang umahon. Ngunit, napatanga si Shaina nang maramdaman niyang pinupulikat siya. Agad nitong ikinampay ang dalawang kamay, matapos siyang lumubog. Nakainom  na siya ng tubig sa may pool ng maramdaman niyang may yumakap sa kaniya.

Halos habol pa niya ang hininga at nagkada-ubo siya matapos siyang maiahon at paupuin sa may gilid ng pool ng estrangherong nagligtas  sa kaniya mula sa pagkalunod.

"Are you alright S-Shaina?"tanong ng lalaking may baritonong tinig na nasa may harapan ng dalaga.

Unti-unting itinaas ni Shaina ang mukha, ngunit nasisilaw siya sa araw. Puno ng pagtataka ito kung bakit nito alam ang kaniyang ngalan. Pamilyar din ang tinig ng lalaki sa kaniya.

Agad naman siyang inalalayan ng binata matapos nitong abutin ang palad niya, maski ang pagkakahugpong ng kanilang palad ay pamilyar dito.

Tila biglang tumigil ang lahat ng nasa kapaligiran ni Shaina ng mapagsino ang lalaking nagligtas sa kanya.

Ang lalaking ni sa hinagap niya'y makakatagpo pa niyang muli. Kailangan pa niyang itaas ang mukha para matitigan ito. Mas mataas ito ng ilang pulgada sa kanya.

Sa taas niyang 5'5 ft. ay nasa may balikat lamang siya nito.

"I-Ikaw!"napalakas na bigkas ni Shaina.

Isang nakakalukong ngiti ang pumunit sa perpektong labi ng kaharap. Ngunit hindi katulad ng dati ay panginginigan ng tuhod si Shaina.

Bagama't matagal din panahon ng huli silang magkagtagpo nito ay hinding-hindi nito makakalimutan ni Shaina.

Ang natural na wavy na buhok nito, tanging ito lamang ang nakilala niyang may ganoong buhok bagay naman rito sa totoo lang. Ang mga mata nitong chinito na sa tuwing titig sa kung sino man ay naroon ang panunuri na tila sa paglalakbay lamang ng tingin nito sa kaharap ay nababasa na nito ang totoong ikaw. She always tremble every time he saw the cold eyes of Novice, paano ba naman kasi, parang nanunuot sa bawat himaymay niya ang kilabot. Ang matangos nitong ilong na dati rati ay pinipisil niya sa tuwing lolokohin siya nito.  Hanggang sa tuluyan napadako ang pansin ni Shaina sa labi nitong tila laging nakangiti, gayong hindi ito basta ngumingiti. Labing hinahanap-hanap niya sa tuwina noong sila pa. . .

Biglang napabalik ang huwisyo ni Shaina sa kaharap ng tumikhim ito.

Lalo siyang nainis sa sarili ng  mapagtanto nitong nahuli siya sa aktong tinitignan ang mga physical attribute ng binata.

"Yes, ako nga Shaina. . . long time no see honey."kababakasan ng pag-aalab ang titig ni Novice  sa mga sandaling iyon. Mabilis na pinaraan ng malaswang titig ng binata ang kaharap na babae.

Napalunok naman ng laway at pinamulahan ng mukha si Shaina sa ginawang pagsipat ni Novice sa katawan niya.

Ngali-ngaling sampalin ito ng dalaga katulad pa din ito ng dati, hambog at adelintehado. Pinigilan niya ang sarili, dahil kung susumain ay malaki ang utang na loob niya sa lalaki. Kung hindi sa pagliligtas sa kaniya nito'y baka nalunod na siya.

Agad niyang binitiwan ang kamay ng lalaki ng maalala kanina pa nito hawak ang palad niya. Nahuli pa ni Shaina ang pagtaas ng kilay nito.

"C'mon Shaina, wala man lang thank you?"naaliw na sabi ni Novice.

"T-Thank you. . . "utal na saad ni Shaina.

Agad na nitong pinagsasamsam ang mga gamit, tatalikuran na sana niya ito ng lumapit sa kanya ang secretary niya.

"Goodmorning Ma'am, sorry for interrupting. . . pero dumating na po ang client natin from Manila."pagbibigay ng imporma sa kaniya nito.

Napatango-tango naman si Shaina, muli ay binalingan niya si Novice.

"Ahmmm. . . for a while maiiwan na kita N-Novice, may mahalaga  pa akong gagawin."pamamaalam ni Shaina rito.

Tuluyan na itong tumalikod, ngunit bago pa maihakbang ng dalaga ang paa ay mabilis na siyang nahawakan ni Novice sa may braso.

"Don't be rush honey, hindi pa nga tayo nakakapag-usap ng maayos tatalikuran mo na ako. Mas mahalaga pa ba iyan kaysa sa akin?"nakataas ang sulok sa labi na saad ni Novice.

"Obvious ba! kaya please, bitiwan mo na ako dahil naghihintay na sa akin si Mr. De Guzman!"bulyaw niya rito, inumpisahan na niyang ipagpag ang kamay ng binata na nanatiling nakakapikit sa balat niya.

At the same time ay naiinis sa sarili si Shaina dahil naapektuhan siya ng labis sa simpleng  paghawak lamang nito sa kanya.

Biglang napaamang si Shaina ng nagtatawa si Novice sa harapan niya.

"No worries Shaina, I'll prefer na iyan na lamang ang isuot mo. Saka hindi ako magseselos honey. . . "pukol nito sa dalaga na nakakunoot-noo na.

"What are you t-talking about . . ."bigla siyang natigilan at nanlalaki ang mga matang tumitig siya kay Novice.

"Exactly! Shaina, tama ang tumatakbo sa isipan mo. . ."

Napakurap-kurap ang dalaga, baka nanaginip lamang siya at kasalukuyan siyang binabangungot.

"No!" mariin niyang anas. napakuyom ng kamao ang dalaga at napakagat-labi.

Dahil hindi niya inaasam na magkaroon pa ng ugnayan sa lalaking sumira ng buhay ng pamilya niya at lalo ng kaniyang sariling pagkatao!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status