Share

Chapter 4

Halos hindi magkamayaw ang mga estudyanteng nagsisigawan sa loob ng covered court dahil sa halos magkadikit na laban ng Engineering team at Business Ad. Naroroong lumalamang ng tatlo ang BSBA na babawiin naman ng Engineering at ang mga ito naman ang pupuntos. 

Kasalukuyang lamang ng apat na puntos ang BSBA at may tatlong minuto nalang bago matapos ang laro kaya naman panay na ang ngisi ko. Panalo na ang team ko, sigurado 'yon. Pero mukhang hindi yata nag conspire ang universe para tuparin ang hiling ko dahil last one minute nang biglang makapuntos ang engineering at sa huling sampong segundo ay nakuha ni T.A ang bola at naibuslo sa tatlong puntos.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang maliwanag pa sa sikat ng araw na scores. Lamang ng isang puntos ang Engineering at sila ang idineklarang kampiyon.

"Stay away from Brent but don't worry, I'll take good care of him." Nakangising untag ni Mae sa akin na nakatigalgal pa rin.

Bilog nga talaga ang bola, bakit ganoon?

Napasimangot ako at tumayo na para sana lapitan si Brent nang biglang may pumigil sa kamay ko.

"And where do think you're going?" Tanong nito na ikinasimangot ko.

"Hindi ba pwedeng magpaalam ako doon sa tao?" Nakasimangot na balik tanong ko dito.

Nangunot ang noo nito at nagpakawala na lamang ng buntong-hininga bago marahang tumango at bumaling sa tatlo kong kaibigan na pawang nakangisi.

Kaagad kong nilapitan si Brent na nakangiti pa rin kahit talo ang team nito that's why I admired him, I admired him as a friend, nothing less nothing more.

"Hey, " Untag ko dito sabay angat ng nakakuyom na kamao para sa isang fist bump.

"Thank you sa support." Nakangiting turan nito sabay akbay sa akin.

"Ang bigat ng kamay mo, alisin mo nga 'yan." Nakasimagot na turan ko dito.

"Siya nga pala, susunduin kita sa dorm mo mamaya, sabay na tayong pumunta sa Quadrangle para manood ng live band." Yaya nito sa akin na ikinangiwi ko.

Brent and I were friends since high school. Fourt-year ito samantalang second-year ako nang magkakilala kami sa isang dancing lesson where we both attended. Simula noon ay naging malapit na kami sa isa't-isa at well, he's like a brother to me since I'm an only child.

"I can't." Tugon ko dito sabay iwas ng tingin nang makita ko ang pag lungkot ng mukha nito.

Yes, minsan nadudulas ito sa pagsasabing he likes me but never in my dreams na seseryosohin ko ang mga sinabi nito. He's just a brother to me at wala akong planong muling pumasok sa isang relasyon cause I already had enough.

"But why? Akala ko ba manonood din kayo nina Karla?" Tanong nito.

"Oo, pero kasama namin si T.A". Tugon ko rito.

"T.A?" Tila naguguluhang untag nito.

"Oo, sorry ha." Turan ko dito bago dahan dahan bumitaw sa pagkakahawak nito. "We gotta go, Brent. I'm sorry again". Dagdag na turan ko bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo dito at hindi na muling lumingon pa.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit isang araw ko pa lang na nakikilala at nakasama si T.A pero hindi ko ito matanggihan. 

Isang malalim na buntong-hininga ang muli kong pinakawalan bago tuluyang lumapit sa mga ito.

"Tara na." Yaya ko sa mga ito at nauna nang humakbang.

Sumunod naman sila nang walang kumikibo kahit isa. Well, my friends know me pag tahimik ako. Ayoko ng kausap at ayokong kinukulit ako dahil siguradong mapagbabalingan ko ng inis ang kung sinumang magtangkang kausapin ako.

DALAWANG linggo ang matuling lumipas at balik na uli sa dating gawi ang mga estudyante ng St. Benedict Academy maliban lamang sa malimit na pagsama-sama ni T.A sa grupo namin at walang Chanda na nakabuntot dito na lubos naming ipinagtaka.

Madali ko itong nakapalagayang loob gayundin ng mga kaibigan ko dahil hindi naman ito mahirap pakisamahan.

Hindi ko alam kung bakit pero komportable ako pag ito ang kausap ko at nasasabi ko dito ang mga bagay na hindi ko sinasabi sa iba kahit pa sa mga kaibigan ko.

Hanggang sa isang umaga ay nagising na lamang akong hinahanap-hanap ang presensiya nito pag wala ito. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko at natatakot kaya ayokong bigyang pansin o ng pangalan hanggang sa dumating ang sandaling hindi ko na naitago ang nararamdaman ko sa kanya.

Dalawang buwan na kaming magkaibigan and we used to hang out together, minsan kasama ang mga kaibigan ko pero kadalasan ay kaming dalawa lang.

Tulirong dinampot ko ang cellphone kong nakapatong sa tabi ng kama ko at hinanap ang numero nito at tinawagan ito.

"Oy brad, napatawag ka?" Kaagad na bungad nito sa akin.

Yes, he used to call me brad and vice versa.

"Samahan mo nga akong magwalwal at wala kang karapatang tumanggi ,naiintindihan mo?" Sagot ko dito na nakasimangot pa na tila ba magkaharap lang kami.

"Ano pa nga ba'ng magagawa ko." Tila walang choice na tugon nito.

"Huwag nalang, napipilitan ka lang yata eh." Tugon ko.

"Kita mo 'tong babaing ito, pumayag na nga ako ang dami pang sinabi, sige huwag nalang." Sagot naman nito.

"Sabi nang wala kang karapatang tumanggi eh. Bilisan mo, nakabihis na ako." Tugon ko at bago pa man ito muling makapagsalita at pinatayan ko na ito ng cellphone.

Ilang minuto din akong nag hintay bago ito dumating sakay ng itim na honda civic. Kaagad akong lumabas ng dorm nang mula sa bintana ay natanaw ko itong pababa na ng sasakyan nito.

Yes, nag dodorm ako dahil sa probinsiya pa ako nanggaling samantalang ito ay uwian at may sariling sasakyan dahil taga Manila ito.

"Let's go." Kaagad kong yakag dito sabay hila sa kamay nito.

Lately ay napapansin ko ang pag iwas nito kay Chanda at nang tanungin ko ito ay kailangan daw dahil muling nagkaayos si Chanda at ang boyfriend nito noon.

Kaya pala walang gwardiya-sibil na tila lazer ang mga mata kung makatingin na bubuntot-buntot dito dahil may lovelife na ang bruha.

Humantong kami sa isang bar at doon ay ibinuhos ko ang inis ko sa aking sarili sa sobrang panggilalas nito. Paanong hindi ito magugulat kung nakita nitong halos duling na ako sa sobrang kalasingan.

"Tama na 'yan. Umuwi na tayo." Turan nitong pilit na inaagaw ang hawak kong baso na pilit ko namang inilalayo dito.

"H-hoy, hik-aw." Turan ko ditong dinuro pa ito na ikinagulat nito at napaturo rin sa sarili.

"Ako?" Gulat na tanong nito.

"Oh oh, hik-aw nga, alangan na-mhang shilah". Tugon ko sabay hawak sa kwelyo ng suot nitong polo shirt na mas ikinagulat nito.

"What did I do to you? Sinamahan na nga kita dito tapos aawayin mo pa ako, sa susunod talaga hindi na kita sasamahan dito at hindi na kit-

Hindi nito naituloy ang sasabihin nang takpan ko ang bibig nito.

"Ang ih-ngay moh." Turan ko at sa nanlalabong paningin ay pinilit ko pa ring idilat ang mga mata ko subalit hindi ko na kinaya. 

At bago ako tuluyang nilamon ng dilim dahil sa sobrang kalasingan ay nasabi ko dito ang ilang araw ko nang gusto sabihin dito.

"Ma-hal na khi-ta, Sungit.".....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status