로그인Next:Pagod na umuwi si YLena sa apartment na tinutuluyan. Napakalaki ng apartment na tinutuluyan niya at dahil mag-isa lang siya ay mas malawak iyong tingnan dahil sa lungkot. Hindi niya binuksan ang ilaw at gamit ang liwanag na mula sa sinag ng buwan at ang LED lights sa likod ng TV ay naglakad siya patungong kusina para kumuha ng tubig. Hindi niya maiwasang maalala ang kanyang namayapang ina habang nakasandal sa kitchen counter at umiinom ng tubig. “Ma, alam mo ba kung ano ang nangyari ngayong gabi?” napaismid siya. “My father wronged me again. Pinagbintangan na naman niya akong gumawa ng mali dahil lang sa haliparot na mag-inang iyon na hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para ipahiya ako sa harap ng mga bisita, lalo na sa mga kaibigan mo. Ang lungkot-lungkot ko ngayon, ma. I missed you so much. Would you mind visiting me in my dreams? I want to see you, ma.”Hindi pa rin nawala ang kanyang lumbay hanggang pumasok siya sa kanyang kuwarto at maligo. Kahit habang nakah
Next:“Hindi ba at hindi ka makasagot dahil totoo ang sinasabi ko, Ylena?” muling nang-uuyam na tanong ni Amanda kay Ylena. Napangisi ang dalaga. Ang totoo ay hindi na siya nagulat kung pararatangan man siya ng dalawa. Ang ipinagtaka niya lang ay ang video na sinasabi nito. Bagama’t alam niyang sa panahon ngayon madali nang mapeke ang mga videos, hindi pa rin siya makapaniwala sa kalakasan at kakapalan ng mukha ng mag-ina na sirain ang pagtitipon na ang kanyang ama mismo ang nag-organisa. Kaya naman, ang natitirang tao na naroon ay agad na nagpokus ang tingin sa kanya at alam ni YLena na hindi magiging maganda iyon sa reputasyon niya. “Palma, hindi ko akalain na hindi pala mapagkakatiwalaan ang anak ng asawa mo. Akala ko ba, isa na siyang propesyonal na reporter? Bakit kailangan pa rin niyang manguha ng gamit ng iba? Hindi ba niya afford?” Nagkatawanan ang iba pang naroon, lalo na ang mga taong naging kaibigan ni Palma mula nang maging asawa nito ang kanyang ama. Ngunit hindi ito
Next:May munting ngiti na kumalas sa labi ni YLena at ang tila pagod na ekspresyon ng mukha nito ay hindi nito kayang itago na siyang nagpalambot sa puso ni Griffin. Umiwas siya ng tingin dahil tila nangangati ang kanyang puso sa malamlam na ekspresyon na iyon ng kaharap. Ngunit aaminin niya. Lalong lumilitaw ang kagandahan ng babae kapag ngumingiti ito. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay nasa kanya na ang pinakamahal na diamond sa buong mundo. It was Ylena. Kaya hindi niya rin maikakaila na sino man ang makakita sa ngiti nito ay mabibighani at hindi agad ito basta-basta makakalimutan. “Are you offended?” mahinang tanong niya. Tama lang para marinig siya ng dalaga. Nakaramdam siya ng kaunting guilt dahil sa sinabi niya kay YLena kaya hindi siya makatingin dito nang diretso kahit pa sinasabi niya lang kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Mahinang tawa ang isinagot sa kanya ni YLena. “Nah…bago ako pumunta rito ay sinabihan din ako ng ganyang eksaktong salita ng kaibiga
Next:Nasorpresa si YLena sa sinabi ni Griffin. Hindi niya akalain na kahit hindi maganda ang naging engkwentro nilang dalawa ay nagawa pa rin nitong bigyan siya ng advice. Tumikhim siya bago sumagot. Ang totoo ay hindi niya alam kung paano makipag-usap dito. “Ahem…s-salamat. Hindi ko akalain na willing kang makipag-usap sa akin at magbigay ng advice kahit pa alam mong hindi maganda ang unang pagkikita natin.” Iniwas niya ang tingin saka tumingin sa malayo. “Nakita mo kung ano ang nangyari kanina. Ibang-iba ito sa pamilyang nakagisnan ko noong bata pa ako. Sa maraming pagkakataon ay nararamdaman ko na wala akong lakas para lumaban sa ganitong sitwasyon ngunit wala akong mapagsabihan o mapagkuhaan ng lakas ng loob. Siguro ay tama ka nga. Ang apelyidong dala ko ay maraming maidudulot na negatibo o positibo. I could even use that to make more money?” pabirong turan niya sa huling sinabi. Kumurba ang kilay ni Griffin at mahinang napatawa. “Well, you seem to be in a good mood now? You ca
Next:“Nasa ibaba ang banquet, bakit hindi na lang tayo doon mag-usap?” biglang saad ni Griffin at nagpatiunang maglakad. He looked away from YLena and walked towards the stairs. Ayaw nang magtagal dito ni Griffin at hindi naman siya comfortable sa pakikipaghalubilo rito lalo na at iilan lang ang kakilala niya. At ang kooperasyon na sinasabi sa kanya ni Mr. Carnegel, kahit gaano man ito kagaling at kayaman na negosyante, ay ikokonsidira niya. He doesn’t like the way he treats his daughter. Ang hindi alam ni Mr. Carnegel ay na-offend na niya si Griffin dahil sa pagtitipong ito. Basta ipinagmalaki nito sa kaibigan na naimbitahan nito ang isang katulad niya. Bago ito sumunod kay Griffin pababa ng hagdan ay kinausap nito nang masinsinan si YLena na nasa isang sulok. “Huwag ka nang gumawa ng bagay na ikakagalit ko. Sumama ka sa akin mamaya dahil marami pa akong ipapakilala sa ‘yo.”YLena could only grit her teeth. Maraming ipapakilala? Napaismid siya sa sarili. Bakit sa tingin niya ay ib
Next:Pagod na si YLena sa paulit-ulit na pang-iinsulto ng hilaw niyang kapatid at ina nito. Simula nang tumira ang mga ito sa bahay nila at ipinakita ang masamang ugali ng mga ito ay paulit-ulit na niyang narinig ang masasakit na salita at talagang naririndi na siya. Noong una ay hinayaan at tiniis niya ang mga ito dahil alam naman niyang walang katotohanan ang pinagsasabi ng dalawa pero habang lumalaki siya ay natuto na siyang lumaban.“Yeah, alam ko na ang trabaho ko ay magbilat sa araw hanggang maging alikabok. Pero bakit naman mapapahiya ang—iyong ama? Kailan mo pa naging daddy ang tatay ko? Amanda, palitan mo man ng apelyido ko ang apelyido mo, kahit kailan ay hindi ka magiging Carnegel.” Naglakad siya at pinaikutan ito. “Well, kungsabagay, maraming tao nga naman ang makakapal ang mukha sa mundo. Katulad na lang ninyong mag-ina na kinalimutan ang tunay na ama at asawa para lang mang-angkin ng tatay ng iba dahil sa pera. Talagang binuksan mo ang mata ko sa mga bagay na ito, Amand







