LOGINUmaga na nang makauwi si Georgina dahil tumuloy siya sa kalapit na hotel upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Ang buong akala niya ay payapa na siya pag-uwi pero hindi pala dahil ang kanyang madrasta ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa gate ng mansyon nila.
“Napaka-ingrata! Pinahiya mo na naman ako sa kaibigan ko at hindi ka nakipag-date sa kanya?” Malakas na sampal ang kasunod niyon na nagpabiling sa mukha ni Georgina. “Ingrata? Date? Bakit kaya hindi ikaw ang makipag-date sa matandang ulupong na ‘yon?” Nakaangat ang isang kilay na sagot niya. Mapang-asar ang tono ng boses niya pero ang mata niya ay matalim na nakatingin dito. Hinaplos niya ang pisngi na nasampal nito upang tanggalin ang sakit habang pinipigilan ang sarili na huwag itong patulan. Baka hindi niya mapigilan at mabugbog niya ito nang husto na matagal na niyang gustong gawin. “Pasalamat ka at may lalaki pang gustong makipagkita sa ‘yo. Ano pa bang gusto mo at lahat na lang ng nirereto ko ay inaayawan mo?” Inirolyo ni Georgina ang mata. Hindi niya ito sinagot at umiwas saka ito tinalikuran pero agad siya nitong nahawakan sa braso upang pigilan. Dahil mabilis ang reflexes niya ay awtomatikong ipiniksi niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at nawalan ito ng balanse bago napaupo sa driveway. “Georgina!” malakas na sigaw ng kanyang ama na ngayon niya napansin na nasa harapan na pala niya. “Humingi ka ng tawad sa iyong ina, ngayon din!” “Ina?” she scoffs. “Hindi ko siya ina. At hindi ako hihingi ng tawad.” Nilampasan niya ang ama na nagpupuyos sa galit dahil sa sinabi niya. “Georgina, bumalik ka rito. Pasalamat ka at tinutulungan ka ng iyong ina na makakahanap ng makakatuwang sa buhay pero itong ugali mo pa ang ipapakita mo?” Huminto sa paglalakad si Georgina at hindi makapaniwalang nilingon ang ama. “Pa, baka hindi mo alam kung anong klaseng lalaki ang nirereto niyang asawa mo?” Lumapit siya pabalik sa ama at pinakita rito ang larawa ng mga lalaking nireto sa kanya ng kanyang madrasta. “Kung mga ganitong klaseng lalaki ang mapapangasawa ko, pa. Papayag ka ba? I have no descrimination against them, pero karamihan sa kanila ay matatandang manyakis at halos kasing-edad niyo na.” Hindi na hinintay ni Georgina a makasagot ang ama at pumasok na sa loob. Sa kanyang matalas na pandinig ay narinig niya kung paano pinagsabihan ng kanyang ama ang kanyang madrasta, pero wala na siyang pakialam at dire-diretso siya sa kanyang kuwarto. Gusto niyang matulog pero nang dumungaw siya sa bintana ay nakuha ang atensyon niya ng komosyon na nanggagaling sa baba. Lumabas siya ng kuwarto at tumayo sa balkonahe saka tiningnan ang nangyayari sa baba. May ilang kalalakihan ang pumasok na may dala-dalang malalaking boxes na hindi niya alam kung ano ang laman at sa labas ng gate nila ay ilang kotse ang nakaparada. Dahil nasa tapat ng driveway ang balkonahe ay rinig na rinig niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga bagong dating. “Mr. and Mrs. Lucindo, nandito po kami upang hingiin ang kamay ng inyong anak na si Ms. Lucindo. Nandito ba siya?” Kaagad na ngumisi si Georgina. Mukhang maimpluwensyang tao talaga ang nakasalamuha niya dahil mabilis siya nitong nahanap. Pero ang hindi niya akalain ay nang marinig ang sagot ng kanyang madrasta. “Si Pia? Magpapakasal? Kanino? Bakit hindi ko alam ‘to?” “Sumang-ayon na po ang anak niyo kaya kailangan lang ng boss namin ang approval niyo kapag pumunta sila sa munisipyo para magparehistro.” “Sino’ng boss niyo? Sino ang papakasalan ng anak ko?” ang tanong naman ng kanyang ama. Gustong humalakhak ni Georgina sa narinig. Bakit inisip kaagad ng kanyang madrasta na ang anak nito ang magpapakasal? Dahil ba maganda ito at isa itong modelo? Nakaisip siya ng ideya kung paano takasan ang pagpapakasal sa Rhett na ‘yon kaya hinayaan niya ang kanyang madrasta na isipin na ang anak nitong si Pia ang magpapakasal. Abot hanggang tainga ang ngiti niya habang nakikinig. Bumalik siya sa loob at hindi na nakinig. Patuloy na nakipag-usap ang bagong dating sa kanyang ama at madrasta. “Si Mr. Rhett Nillulf Castaneda. Nag-usap na sila kagabi sa engagement party.” “Si Rhett Nillulf Castañeda na may-ari ng Nillulf Scents?” Hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Lucindo. “Sandali at tatawagan ko. Nasa trabaho pa siya.” “Hindi na po kailangan. Gusto lang iparating ng Boss ko na babalik siya sa mismong araw ng kasal, limang araw mula ngayon, upang kunin si Ms. Lucindo at sabay silang pupunta sa munisipyo. Nang makaalis ang mga kalalakihan ay hindi pa rin makapaniwala si Mrs. Mitz Lucindo, ang asawa ni Mr. Castaneda na madrasta ni Georgina. Kinagabihan, nang makauwi si Pia ay kaagad na kinastigo ni Mitz ang anak. “Bakit hindi mo sinabi na magpapakasal ka na, at sa isa pang Rhett Nillulf Castaneda?” “Anong magpapakasal, ma? Abala ako sa trabaho at marami akong photoshoot. Saan ako makakuha ng oras para makipag-date?” Pero bigla itong natigilan nang ma-realize ang pangalan ng lalaking binanggit ng kanyang ina. “Rhett Castañeda?” “Oo, siya nga. Ang isa sa pinakamayaman at pinakaguwapong lalaki sa Pilipinas!” Malawak na ngumiti si Pia. Isang beses pa lang niyang nakita ang lalaki nang pumirma siya ng kontrata sa kompanya nito bilang isang modelo ng perfume nito pero hindi niya nakadaupang palad. Mula noon ay nangarap na siya na makita itong muli dahil nagustuhan niya ito sa unang tingin. Hindi niya akalain na isang biyaya ang darating sa kanya at pakakasalan pa siya nito. “Hindi ako makapaniwala, ma. Matutupad na ang isa sa pinapangarap ko. Ang magiging asawa si Rhett!” Hindi niya mapigilang tumili saka niyakap ang ina, na tulad niya ay tuwang-tuwa rin sa swerteng natanggap niya. Ito ang tagpong naabutan ni Georgina nang bumaba siya ng hagdan. Buong araw siyang nagkulong sa kuwarto at lumabas lamang nang makaramdam ng gutom. “Hoy, babae. Hindi mo man lang ba iko-congratulate ang kapatid mo?” Hindi sana niya papansinin ang dalawa pero bigla siyang tinanong Pia. Nakataas ang kilay na tiningnan ito ni Georgina mula ulo hanggang paa. “Bakit? Nakahanap ka na naman ng bagong lalaking isisiping mo para magkaroon ng proyekto?” Namula ang mukha ni Pia sa galit pero kaagad din iyong nawala. “Yes. Dahil simula ngayon, magiging isa na akong Castañeda kapag naging asawa ko na si Rhett. Hindi mo siya kilala pero isa iyon sa mayaman at maimpluwensyang tao sa Pilipinas!” Mahinang napatawa si Georgina nang marinig ang sinabi nito. “Congratulations, then. Sana lang ay hindi madiskubre ng mapapangasawa mo ang sandamakmak mong eskandalo.” Hindi naapektuhan si Pia sa sinabi niya. “Huwag kang mag-alala dahil mahal na mahal ako ni Rhett kaya pakakasalan niya ako.” Hindi sumagot si Georgina at nilampasan ang mag-ina. Tingnan natin ang mangyayari sa araw ng pagpunta ng Rhett na ‘yon dito.Next:May munting ngiti na kumalas sa labi ni YLena at ang tila pagod na ekspresyon ng mukha nito ay hindi nito kayang itago na siyang nagpalambot sa puso ni Griffin. Umiwas siya ng tingin dahil tila nangangati ang kanyang puso sa malamlam na ekspresyon na iyon ng kaharap. Ngunit aaminin niya. Lalong lumilitaw ang kagandahan ng babae kapag ngumingiti ito. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay nasa kanya na ang pinakamahal na diamond sa buong mundo. It was Ylena. Kaya hindi niya rin maikakaila na sino man ang makakita sa ngiti nito ay mabibighani at hindi agad ito basta-basta makakalimutan. “Are you offended?” mahinang tanong niya. Tama lang para marinig siya ng dalaga. Nakaramdam siya ng kaunting guilt dahil sa sinabi niya kay YLena kaya hindi siya makatingin dito nang diretso kahit pa sinasabi niya lang kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Mahinang tawa ang isinagot sa kanya ni YLena. “Nah…bago ako pumunta rito ay sinabihan din ako ng ganyang eksaktong salita ng kaibiga
Next:Nasorpresa si YLena sa sinabi ni Griffin. Hindi niya akalain na kahit hindi maganda ang naging engkwentro nilang dalawa ay nagawa pa rin nitong bigyan siya ng advice. Tumikhim siya bago sumagot. Ang totoo ay hindi niya alam kung paano makipag-usap dito. “Ahem…s-salamat. Hindi ko akalain na willing kang makipag-usap sa akin at magbigay ng advice kahit pa alam mong hindi maganda ang unang pagkikita natin.” Iniwas niya ang tingin saka tumingin sa malayo. “Nakita mo kung ano ang nangyari kanina. Ibang-iba ito sa pamilyang nakagisnan ko noong bata pa ako. Sa maraming pagkakataon ay nararamdaman ko na wala akong lakas para lumaban sa ganitong sitwasyon ngunit wala akong mapagsabihan o mapagkuhaan ng lakas ng loob. Siguro ay tama ka nga. Ang apelyidong dala ko ay maraming maidudulot na negatibo o positibo. I could even use that to make more money?” pabirong turan niya sa huling sinabi. Kumurba ang kilay ni Griffin at mahinang napatawa. “Well, you seem to be in a good mood now? You ca
Next:“Nasa ibaba ang banquet, bakit hindi na lang tayo doon mag-usap?” biglang saad ni Griffin at nagpatiunang maglakad. He looked away from YLena and walked towards the stairs. Ayaw nang magtagal dito ni Griffin at hindi naman siya comfortable sa pakikipaghalubilo rito lalo na at iilan lang ang kakilala niya. At ang kooperasyon na sinasabi sa kanya ni Mr. Carnegel, kahit gaano man ito kagaling at kayaman na negosyante, ay ikokonsidira niya. He doesn’t like the way he treats his daughter. Ang hindi alam ni Mr. Carnegel ay na-offend na niya si Griffin dahil sa pagtitipong ito. Basta ipinagmalaki nito sa kaibigan na naimbitahan nito ang isang katulad niya. Bago ito sumunod kay Griffin pababa ng hagdan ay kinausap nito nang masinsinan si YLena na nasa isang sulok. “Huwag ka nang gumawa ng bagay na ikakagalit ko. Sumama ka sa akin mamaya dahil marami pa akong ipapakilala sa ‘yo.”YLena could only grit her teeth. Maraming ipapakilala? Napaismid siya sa sarili. Bakit sa tingin niya ay ib
Next:Pagod na si YLena sa paulit-ulit na pang-iinsulto ng hilaw niyang kapatid at ina nito. Simula nang tumira ang mga ito sa bahay nila at ipinakita ang masamang ugali ng mga ito ay paulit-ulit na niyang narinig ang masasakit na salita at talagang naririndi na siya. Noong una ay hinayaan at tiniis niya ang mga ito dahil alam naman niyang walang katotohanan ang pinagsasabi ng dalawa pero habang lumalaki siya ay natuto na siyang lumaban.“Yeah, alam ko na ang trabaho ko ay magbilat sa araw hanggang maging alikabok. Pero bakit naman mapapahiya ang—iyong ama? Kailan mo pa naging daddy ang tatay ko? Amanda, palitan mo man ng apelyido ko ang apelyido mo, kahit kailan ay hindi ka magiging Carnegel.” Naglakad siya at pinaikutan ito. “Well, kungsabagay, maraming tao nga naman ang makakapal ang mukha sa mundo. Katulad na lang ninyong mag-ina na kinalimutan ang tunay na ama at asawa para lang mang-angkin ng tatay ng iba dahil sa pera. Talagang binuksan mo ang mata ko sa mga bagay na ito, Amand
Next:Umangat ang isang kilay ni Griffin nang makita ang babae. Aaminin niya, hindi lang maganda ang babae. She was the beauty that men would drool over. Lutang na lutang ang kagandahan nito sa suot na simpleng makeup dagdagan pa ng suot na dress na bumagay rito. Was it a coincidence that they met here tonight?Hindi akalain ni Griffin na ang magandang babaeng ito ay mas pinili pang maging journalist sa isang magazine. Mas maraming mararating ang kagandahan nito na magbibigay ng magandang buhay dito…pero, sino siya para gumawa ng desisyon para sa buhay nito?“Bakit ka nandito?” mataray na tanong ng babae habang nakakrus ang braso sa harap ng dibdib. Biglang bumalik ang diwa ni Griffin sa tanong na iyon ng dalaga pero hindi pa siya nakakasagot ay naunahan na siya ulit nitong magsalita.“Did you trick someone into giving you their invitation again? Sinasabi ko sa ‘yo, mister. Wala rito ang babaeng tinatangi mo kaya’t walang sino man ang basta na lang magbibigay ng imbitasyon sa ‘yo.”
Next:“Naku, mabuti naman at dumating ka na!” Mahinang napatawa si YLena nang makita ang halos hindi maipintang mukha ng make-up artist na si Kierra. Kaibigan niya ito at ito rin ang madalas na nag-aayos sa kanya sa tuwing may okasyon siyang pupuntahan. Dahil nga wala siyang gana na um-attend ng party ng kanyang ama ay late na siya pumunta sa studio nito at napagalitan na naman siya. Kaninang umaga pa niya ito sinabihan na magpapaayos siya kaya ito narito ngayon. Ang totoo ay ekslusibong kliyente lamang ang tinatanggap nito at kung tatamarin ito ay tatanggi pa ito. Siya lang yata ang hindi nito kayang tanggihan. “May trabaho ako, okay?” nakangiwing aniya nang mahigpit siya nitong niyakap. “Hindi naman ako katulad ng iba na nagpapalaki lang ng katawan sa bahay.” Sinadya niyang lakasan ang boses dahil sa sulok ng kanyang mata ay nakita niya ang mag-inang Palma at Amanda. Ang kanyang madrasta at kapatid na hilaw. Umangat lang ang isa niyang kilay nang makita ang dalawa pero hindi niy







