LOGIN
Nang magmulat ng mga mata si Kiera sa ospital, ay hindi siya makapaniwalang nakakakita na siya. Nagtataka man, ngunit masayang-masaya siya dahil ito na ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. 'Isa ba itong himala? Paanong nakakakita na ako? Hindi ba't ang sabi ni Doktor Rodriguez ay wala nang pag-asa ang mga mata ko?'
Hinanap niya ang asawa niyang si Randolf, ngunit wala ito doon. "Nasaan kaya si Randolf? Naku, dapat malaman niya ito. Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang bumalik na ang paningin ko! Hindi naman ako nahihilo, wala din naman akong masyadong nararamdaman, kaya baka puwede na akong magpa-discharge?" Matapos makapagsabi ni Kiera sa doktor, ay pinayagan na siyang umuwi dahil wala namang nakitang malalang pinsala sa kanya. Tinawagan niya ang asawa niya, ngunit hindi ito sumasagot. 'Bakit hindi niya sinasagot? Nagmi-meeting pa rin kaya sila? Hindi pa rin kaya sila tapos?' Napanguso siya. 'Bigla na lang niya akong iniwanan sa loob ng kotse kanina dahil bigla daw nagkaproblema ang kumpanya, sabi ng assistant niya. Mas importante pa ba ang kumpanya kaysa sa akin? Ni hindi man lang niya chineck muna kung nakapatay ba ang makina bago siya umalis. Tuloy, bigla na lang tumakbo yung kotse. Mabuti't ito lang ang nangyari sa akin.' Bigla siyang ngumiti. 'Pero ayos na rin, dahil kung hindi ako nadisgrasya, baka habangbuhay na lang akong magiging bulag. Ito lang pala ang kailangan para makakita uli ako.' Three years ago, nang maaksidente si Kiera sa isang car crash. Napadaan si Randolf noon sakay ng motor bilang isang food delivery rider. Inilabas siya nito sa nag-aapoy na kotse at dinala sa ospital. Isang beses lang niya itong nakita dahil nabulag na siya paggising niya. Niligawan siya ni Randolf, at dahil sa pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya ay sinagot na niya ito. Hindi nagtagal ay nagpakasal na rin sila. Alam na alam ni Randolf ang trauma niya na maiwang mag-isa sa loob ng sasakyan, kaya medyo masama ang loob niya dito. 'Hayy... Randolf, kailangan mo talagang mag-sorry at bumawi sa akin.' Sa kabila ng kasalanan ng asawa, ay excited pa rin si Kiera na makita ito para ibahagi ang magandang balita. "Ano? Nasa bar siya, kasama ang ilang board of directors at ang sekretarya niya?" "Yes po, ma'am..." sagot ng assistant ni Randolf. "Um, ma'am, ano..." "Ano yun, Troy? May sasabihin ka pa ba?" "Kasi, ma'am... alam kong hindi ako dapat makialam sa inyo. Binalaan na rin ako ni Sir Randolf tungkol dito. Pero hindi ko talaga kayang magsawalang-kibo na lang, lalo pa't alam kong patuloy kayong niloloko, porke hindi kayo nakakakita." "Anong ibig mong sabihin, Troy? Puwede bang diretsuhin mo na ako? Pinapakaba mo naman ako, eh." "Pasensya na po, ma'am, kung hindi ko masasabi nang diretso... Nasa Eastwood Bar po ang asawa ninyo. Ang maipapayo ko lang po ay gamitin ninyo sana ang talas ng pakiramdam ninyo." Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Kiera nang puntahan niya ang bar kung saan naroon ang kanyang asawa. Sa kabila ng sorpresa niya para kay Randolf, ay hindi pa rin niya maalis sa isipan niya ang sinabi ng assistant nito. 'Bakit ba kasi iniisip ko pa ang sinabi ni Troy kanina? Nasisira tuloy ang momentum ko.' Bago pa makapasok ng bar, ay nakita ni Kiera ang paglabas ng ilang miyembro ng board ng kumpanya. Susuray-suray ang mga ito, at malamang, dala ng kalasingan, ay hindi s'ya napansin o nakilala ng mga ito. 'Aalis na sila? Eh, nasaan ang asawa ko at si Nerissa?' Nagtanong siya sa isang waiter at itinuro naman nito kung saang kuwarto naroon si Randolf. Paghawak pa lang ng doorknob, ay natigilan si Kiera nang marinig ang pagsigaw ng babae sa loob. Nang buksan niya ang p***o, ay tumambad sa kanyang paningin ang mahalay na ginagawa ng kanyang asawa at ng dati niyang sekretarya. Napatakip siya sa kanyang bibig at agad kumubli, ngunit naiwanan niyang nakauwang ang p***o. 'H-hindi... Dinadaya ba ako ng mga mata ko dahil... ngayon lang ulit ako nakakita after three years?' Gustong itanggi ni Kiera ang kanyang nakita, ngunit ang mga pag-ungol at ang mga pagd*ing ng mga nasa silid ang sumisira sa kanyang pag-asa. Nanginginig siyang sumilip at sunod-sunod nang pumatak ang mga luha niya nang makumpirma niya. Walang duda, nagtataksil nga ang asawa niya kay Nerissa. 'Mga hayop kayo... Ang bababoy ninyo!' Hindi siya makapaniwala na nagawa ito ni Randolf sa kanya, gayong ang alam niya ay mahal na mahal siya nito. 'Paano mo nagawa sa akin ito, Randolf? Ako ang nagbihis at nagpakain sa iyo. Kung hindi dahil sa akin, delivery boy ka pa rin sana hanggang ngayon, tapos ganito pa ang igaganti mo sa akin?' Walang lakas ng loob si Kiera para sugurin ang dalawa, tila nanghihina din kasi siya sa masakit na katotohanang ito. 'Ito siguro ang tinutukoy ni Troy na hindi niya masabi-sabi sa akin, hindi ba?' Walang imik siyang umalis sa lugar na iyon. "Saan po tayo, ma'am?" tanong ng taxi driver nang basta na lang naupo si Kiera. Tulala lang ito. "Kahit saan." Napakamot ng ulo ang driver. "Eh, ma'am, hindi po puwede ang ganun. Saan ko po ba talaga kayo ihahatid?" Naikuyom ni Kiera ang mga kamay niya sa kanyang bag. 'Sa tatlong taon ng pagsasama namin, naging tapat ako sa kanya, pero nagawa pa rin niyang lokohin. Bakit hindi ko rin iyon gawin sa kanya para maging amanos kami?' Dahil doon ay nagpahatid si Kiera sa isang elite na bar. Bagaman hindi siya masyadong nakakapunta dito, ay meron naman siyang VIP passes na bigay ng isang business partner niya dati. Ang bar na ito ay tambayan ng mga anak-mayaman at mga personalidad na mahihilig sa hook-up. Pagpasok ay pinagtitinginan si Kiera dahil sa kanyang suot. Sa suot niyang knee-length at sleeve dress, ay conservative ang naging dating niya. Walang pakialam na nagtungo siya sa bar counter at naupo. "I want whiskey, double shot, line 'em up," agad niyang utos sa bartender. 'Wala akong pakialam kung malasing ako ngayong gabi. Ipapamukha ko kay Randolf na hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Kung nagagawa niya akong pagtaksilan sa panahon ng kahinaan ko, magagawa ko rin yun sa kanya ngayong nagbalik na ang paningin ko!' Sa kasagsagan ng pag-inom ni Kiera, ay may bigla na lang pumigil sa kamay niya. Nang lingunin niya kung sino iyon, ay isang guwapong lalaki ang tumambad sa paningin niya. Ngumiti ito nang may kapilyuhan. "Hi, little beauty. Alone?"Sa pool party ay hindi ang misteryosong birthday celebrant ang pinagkainteresan ni Kiera, kung hindi, ang pagpunta roon ni Leon.Dahil pool party ang kanyang pinuntahan ay naka-swimwear din si Kiera. Hindi naman masyadong revealing ang kanyang suot ngunit sapat na iyon para umani siya ng atensyon sa mga kalalakihan doon.Sa kanyang paglalakad ay may mga lalaking nakahubad at naka-swimming trunks lang ang sadyang nagpapakita sa kanya ng motibo, ngunit ni isa man sa mga ito ay hindi niya binigyan ng pansin. Ang buong atensyon kasi niya ay nasa paghahanap sa isang lalaking ilang buwan na niyang hindi nakikita.Dahil sa atensyong natatanggap ni Kiera ay kina-insecure-an tuloy ito ng ilang kababaihang naghanda para sa pool party na iyon. Magaganda naman ang katawan ng mga ito ngunit wala silang naging panama sa alindog ni Kiera."Kilala n'yo 'yan?" tanong ng isang babae na kanina pa hindi maganda ang tingin kay Kiera."Hindi. Itatanong ko nga rin sana sa inyo kung alam niyo kung sinong
Walang ginawa sina Leon at Kiera sa probinsyang kinaroroonan nila kung hindi ang magsaya, kumain, gumala. Kahit mainit at tirik ang araw sa tanghaling tapat ay wala silang pakialam, magkahawak-kamay pa sila habang naglalakad sa mga kalsada. Sinasamahan lang sila ng isang local na tagaroon na nagsilbing guide nila.Kinahapunan ay tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy sa ilog."Sige, relax ka lang. Huminga ka lang nang normal at huwag mong ikuyom ang mga kamay mo. Hayaan mong kumalma ang katawan mo sa tubig.""Ganito ba?""Um. That's right."Dahil wala naman silang malay gawin ay nagtagal sila sa ilog, maghapong tinuruan ni Leon si Kiera na lumangoy. Hindi nga lang sila makagawa ng milagro doon dahil meron na silang guide na palaging nakasubaybay sa kanila, at hindi nila masabi kung hindi ba sila sinusundan nito nang palihim.Dahil iba ang buhay sa probinsya ay maagang pumipirmi sa mga bahay-bahay ang mga tao, kaya maaga ring nakakatulog sina Leon at Kiera. Sa mga sandaling yun ay d
"Umph! Umph!"Nagpapalag si Kiera sa taong humihila sa kanya. Walang duda, lalaki ito dahil malakas ito. Nang makita n'yang palayo na siya nang palayo sa lugar na iyon ay lalong lumaki ang takot na nararamdaman n'ya. Paano kung dalhin siya ng taong ito sa isang liblib na lugar, sino ang tutulong sa kanya?Ginawa n'ya ang lahat ng makakaya niya para man lang maabot niya ang bag na dala niya, hawak kasi nito ang mga kamay n'ya. Nang mabawi niya ang isa niyang kamay, handa na sana siyang kunin ang kanyang stun gun sa bag nang bigla itong magsalita."Huwag kang gumawa ng ingay, baka mabisto tayo!"Pabulong man ang pagsasalita ng lalaki ngunit agad nyang nakilala ito. 'L-Leon!'Hindi na siya nagpapalag pa, nang matutunan niya kung sino ang lalaki ay nagpatangay na s'ya dito.Sa isang tahimik at tagong lugar dinala si Kiera. Pagkabitaw na pagkabitaw sa kanya ay agad niya itong dinamba ng yakap. "Leon!"Natigilan ang lalaki at bahagya pang nagulat ngunit agad din nitong niyakap si Kiera.
Bumuntong-hininga si Kiera. Naisip niyang kailangan na niyang kumilos nang maaga para masolusyunan na agad ang kanyang problema. Umalis siya roon at bumalik na sa kumpanya."Ma'am, about the bank..." bungad ni Troy. Sinenyasan ito ni Kiera na tumigil muna. "About that, may solusyon na ako. Hindi ko nga lang alam kung gagana, pero susubukan ko muna." Naupo siya sa kanyang swivel chair at tinawagan ang numero sa calling card. "Hello, good morning. My name is Kiera Claire Castillo. Ms. Montecillo gave me her business card and told me to contact her if I ever needed assistance. May I speak with her representative, please?"Agad inasikaso ang request niya nung araw na iyon mismo. Sa pamamagitan ng paghingi niya ng tulong sa kumpanya ni Catherine ay nasolusyunan ang problema nila sa bangko. Napabuntong-hininga siya, tila nabunot din ang tinik na nakatarak sa kanyang dibdib. 'Catherine, I owe you this one.'Sa paglipas ng mga araw ay patuloy niyang tinatawagan si Leon, ngunit hindi ito
Kumuha ng ballpen si Kiera at hinawakan nang mahigpit. Hindi niya magawang pumirma at nag-aalangan siya. Ayaw niya ng gulo, ngunit malaking parte ng kanyang puso ang ayaw namang pakawalan si Leon. Biglang pumasok si Troy. "Ma'am Kiera, about the shipment..." Nahimas ni Kiera ang kanyang sentido. Ito ang magiging kapalit ng pagmamatigas niya—ang pagkakaroon ng aberya at ang pananabotahe sa negosyo niya. Alam niyang malaking responsibilidad ito dahil umaasa sa kanya ang kanyang mga empleyado, kaya alam niyang kailangan niyang isalba ang kumpanya. Hindi siya puwedeng magbalewala dahil kung hindi ay pare-pareho silang mawawalan ng kabuhayan. 'Leon...' Ayaw niyang sumuko kaya idinalangin na lang niya na sana ay makagawa na ng paraan si Leon. Matapos ang huling pagkikita nila ni Leon sa engagement banquet nito ay hindi na ito muling nakita pa ni Kiera. Sa mga panahong iyon ay naging target ng mga paninikil at pag-uusig ang negosyo niya. "Ma'am Kiera, hindi po puwedeng magpatuloy it
Kumunot ang noo ni Leon. "Anong ginagawa mo dito?" Itinago niya si Kiera sa kanyang likuran at sinikap na matakpan ito."Ikaw ang dapat kong tanungin nang ganyan, anong ginagawa mo dito? Hindi pa tapos ang banquet, ah?" Sinipat-sipat ng babae ang likuran ni Leon. "Bakit itinatago mo pa 'yang kasama mo, e nakita ko naman na siya?""Leave her alone, and don't you dare try to provoke her!"Bumakas ang pagkagulat sa magandang mukha ng babae. "Hala siya. At bakit mo naman nasabi 'yan? Do you think I'm some kind of b*tch? Masyado ka naman atang judgmental, Leon.""Bakit, ganoon naman talaga ang gagawin mo, hindi ba? I warn you, leave her alone!"Hinimas ng babae ang kanyang noo. "You really don't know me, Leon. Kung kikilalanin mo lang sana a—""I'm not interested in anything you say," putol ni Leon. "Get lost!... Tandaan mo, wala kang nakita. Naintindihan mo?""Ano?!" Pumamewang ang babae at sumimangot. "Hindi pwedeng basta mo na lang akong uutusan at paaalisin, ano?" Muli siyang sumip







