Framed
(Thala's Point of View) Dumating ang araw ng engagement party namin ng fiancé kong si Nekolauv Aurel Ravello, ang tagapagmana ng mga Ravello. Kahit hindi ko siya gaanong nakakasama, alam kong mabait naman si Nekolauv. He's an ideal man and that's for sure. Kilala ko siya noon pa man sapagkat iisang school lang ang pinapasukan namin dati. Hindi nga lang iyon sapat upang gustuhin ko ng maitali sa kanya. Yes, I like him but I'm not ready to commit yet. I am only bound to marry Nekolauv Aurel Ravello for business. Which is so ridiculous. Uso pa pala 'to? "Honey, how are you feeling?" usisa ni mommy na kababakasan ng pagiging matamlay. Dinaluhan niya ako at tinitigan na rin ang aking repleksyon mula sa salamin sa aking harapan. Tipid ko siyang nginitian at yumuko na lamang upang hindi niya makita ang malungkot kong mga mata. Just like me, parang hangin lang din si mommy pagdating sa opinyon. Kapwa wala kaming karapatang pangunahan ang mga gusto ni daddy. Para kaming may mga tali na kinokontrol lang ng gan'on kadali. Mga puppet kumbaga. "Atleast I'm a help for dad this time. May kwenta na rin ako sa wakas." Mapait akong ngumiti kaya hinawakan ni mommy ang aking kamay. "Don't worry, Nekolauv will take care of you. Mabait ang batang iyon kaya malaki ang tiwala ko sa kanya." Pilit na pinapagaan ni mommy ang aking kalooban na gumagana naman dahil sa kanyang ngiti. Nagtungo na kami sa venue ng engagement. Sa dami ng tao, ni hindi ko na mahanap si Nekolauv. Gusto ko sana siyang makausap bago magsimula ang announcement ngunit hindi na natuloy dahil nagsimula na ang party. Namataan ko siyang nakikipag-usap kay daddy at sa naging reaksyon ngayon ni daddy, masama ang aking kutob. Nakahanda na akong lapitan sila subalit si daddy na mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko. Tumayo lamang siya sa aking tabi at ni hindi man lang kumikibo. Animo'y hindi kami magkakilala sa paraan ng pakikitungo niya sa akin ngayon. Namataan kong umakyat na si Lauv sa stage kaya huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili. "Ladies and gentlemen, meet my fiancée..." Natuon sa akin ang atensyon ni Lauv at inilahad niya pa ang kanyang kamay sa aking gawi. Matamis siyang ngumiti sa akin kaya ngumiti na rin ako pabalik. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao kaya mas lalo akong kinabahan. Maglalakad na dapat ako kung hindi lamang hinawakan ni daddy ang aking braso. Magtatanong sana ako kay daddy ngunit nasagot na ito ni Nekolauv. "The beautiful and competent heiress of the Laurencos... Blaise Penelope Laurenco," anunsiyo ni Lauv na nasa akin pa rin ang atensyon. Mali, nasa likuran ko pala. Laglag ang aking panga sa ginawang pagkaway ni Penelope sa harap ng lahat. Marahan siyang naglakad paakyat ng stage na inalalayan naman ni Lauv. Hindi ako nakagalaw kaagad sapagkat puno ng katanungan ang aking isipan ngayon. Papaanong si Penelope na ang kinikilalang heiress? How about me na legitimate daughter ni daddy? Nabuo ang usap-usapan kaya hinila ako ni daddy papalabas ng venue. Galit niya akong dinapuan ng tingin at kulang na lamang ay pagmumurahin. "I'm done with you, Myrthala. Ano na naman itong kinasangkutan mo?" Napainda ako sa sakit ng pagkakahawak ni daddy sa aking braso ngunit hindi niya pa rin ito nilulubayan. "I haven't done anything. Dad, masakit." Tsaka niya lang ako marahas na binitawan. "You know that guy, Larry Gonzales? The one you brought at home? He's dead at ikaw ang huling nakitang kausap siya bago tuluyang nawala. Natagpuan siya kahapon na wala ng buhay sa isang abandonadong lugar. Now tell me, Myrthala. May alam ka ba sa nangyari?" tanong ni daddy na punong-puno ng pang-aakusa. I can't believe him. How can he ask me like that, with those cold piercing eyes? "Do you think I'm that bad, dad? Oo, nakipag-usap ako sa kanya pero tinanong ko lamang siya. I didn't even know him personally. Dad, someone is trying to frame me!" paliwanag ko. I tried my best to explain my side but daddy just gave me a death glare. Napailing ako sapagkat kita ko ang pinaghalong disappointment at galit sa kanyang ekspresyon ngayon. "Prove it," iritadong hamon ni daddy na ikinatigil ko. "Isang buwan, Myrthala. Huwag kang bumalik sa mansiyon hanggat wala kang maipakitang ebidensiya. Live wherever you want but don't you ever comeback empty handed. I'll clean your name for our family's sake." Tinalikuran ako ni daddy na parang wala lang. "Patunayan mong nararapat ka sa pamilyang Laurenco," pahabol niya bago tuluyang umalis. How will I do that when I didn't do it in the first place? "I am being framed, dad. Will you listen to me?" naibulong ko sa pagitan ng sunod-sunod na paghikbi. Is he really my father? I can no longer see the man who's willing to give up his important meetings just to play with me. He is no longer the man I look up to. Our happy moments were framed... but kept in the past.Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in