“I-I ran away,” hagulgol ko na tuluyan na ngang bumigay nang makalayo na sa Twin Towers ng Atkinson. “You what?!” gulat akong tinignan ni Franz mula sa salamin sa harap. Hindi ko na nga lang siya nakausap ng maayos dahil tanging luha ko na lamang ang naghahari sa akin ngayon. Parang pinipiga ang puso ko. Gustong-gusto ko pang ipaglaban si Alaric at maikasal sa kanya pero ayaw kong madamay siya sa gulo ng buhay ko. Kung ikapapahamak niya lang din, ay huwag na lang. Yes, I am the billionaire’s runaway bride... --•❦•-- Si Myrthala Zachra Armani Laurenco ay namulat sa isang marangyang pamilya. Puno ng pagmamahal ng mga tao sa kanyang paligid kaya gano'n na lamang siya nalugmok nang sa isang iglap ay natuon ang atensyon ng lahat sa kanyang bruhang pinsan. Nawala ang lahat sa kanya: pagiging heiress, atensiyon ng ama at ang mismong fiance. She became a murder suspect and she's been hated by everyone around her. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan at inabandona na siya ng mundo. Not until she met Alaric Atkinson. Ang tusong bilyonaryo at tagapagmana ng mga Atkinsons. Kaya ng malamang half-brother siya ng dating fiance, kinuha niya ang oportunidad na ito upang alukin siya ng kasal. 'Yon nga lang, ang kasal para kay Alaric ay sakal. Ngunit paano kung sa gitna ng kanilang laro ay may mabuo? Malilinis pa kaya ni Thala ang kanyang pangalan o mauuwi lamang siya sa kapahamakan? Where will Thala be taken by her impulsiveness and her blossoming seduction towards her brother-in-law? Is Alaric Atkinson a predator or a prey? An ally or an enemy?
Lihat lebih banyakIntroduction
(Thala's Point of View) Palinga-linga ako sa paligid sapagkat ni isa, wala akong makausap. Nasa isang exclusive bar kami ng fiancé ko para maipakilala niya ako sa circle of friends niya. It turned out na, magiging out of place lang ako sa kanila. Nekolauv is busy talking ang enjoying with his friends while here I am, animo'y guard na tagapanood lamang sa mga ginagawa nila. Bigating mga anak ng businessman ang mga kaibigan niya and I can sense na hindi nila ako gusto para kay Nekolauv. “Sylvia, you like Nekolauv right?” sambit n'ong Abby na nakuha pang itulak kay Nekolauv ang katabing babae. Pulang-pula ang pisngi nito at nahihiyang napapatingin kay Nekolauv. “Do you?” natatawang tanong ni Nekolauv. Para bang hindi ako nag-e-exist. Mas lalo nilang tinukso ang dalawa. Ni hindi man lang iniiisip kung ano ang mararamdaman ko. “Dapat kayo na lang, eh. Well, mas tuso 'yong isa kaya.” Binalingan ako ni Abby sa maarteng paraan at nagkibit-balikat. The fvck? Ni hindi ko nga hiningi kay daddy na itali ako sa isang arranged marriage. “Uh, Lauv? Restroom muna ako,” paalam ko. Baka kasi kapag hindi ako umalis mahila ko ng tuluyan ang buhok n'ong Abby. Bumuntong hininga ako sabay inayos na lamang ang sarili. “Makisama ka, Thala,” I whispered. Pagkabalik ko sa upuan ay namataan ko silang magkakaibigan na masayang nagsasayawan sa gitna. Habang si Sylvia ay namumulang isinasayaw ni Nekolauv. We are here to introduce me as his fiancee pero heto siya at umaaktong biro lang lahat. Naiinis akong umupo at tinungga ang alak sa shot glass na aking hawak at nagdagdag pa. Hindi ako nakuntento kaya nagtawag ako ng waiter at nagpadala ng isang bote ng scotch. I just want this freakin' misery gone. Aaminin kong kahit papaano nagkagusto rin ako kay Nekolauv no'ng highschool at college days namin. He's an ideal pero kaakibat noon ang pagpalibot ng mga nagkakagusto sa kanya. Now they call me pathetic for asking my father for an arranged marriage. Bumaling ako sa 'di kalayuang lamesa, nadatnan ko ang isang lalaking titig na titig sa akin. Nakaka-intimidate ang bawat madidiing titig na ipinupukol niya kaya hindi ko ito natatagalan. Uminom ulit ako at muling sinulyapan ang lalaki. Napasinghap ako sapagkat nagkasalubong ang aming mga mata. Sa isang iglap, hindi ko namalayang dalawang bote ng scotch na pala ang naubos ko. Tinatamaan na ako ng alak kaya may gana na ako ngayong sumayaw. Lumapit ako sa kinaroroonan nila Nekolauv at marahas na itinulak si Sylvia upang ako naman ang makasayaw ni Lauv. “Ano ba, Thala? You're being mean!” sigaw ni Abby sabay dalo kay Sylvia na iritado na rin sa ginawa kong pagtulak. “This is my fiancé so may karapatan akong isayaw din siya!” I answered out of frustration. “Thala, don't be rude! Kaibigan ko sila!” pagtatanggol ni Lauv sa mga kaibigan. Tinapik siya ni Aaron sa balikat upang pakalmahin ngunit nag-aalab na ngayon ang tingin ni Lauv sa akin. Nakainom na rin siya kaya medyo naging agresibo sa akin. “How about me? Fiancee mo ako, 'di ba?” pagpapaalala ko sa kanya na nagsisimula ng mag-init ang gilid ng mga mata. “I’m asking you to be nice. Nauna ko silang nakasama kaysa sa'yo. You should know your place!” sita ni Lauv sa'kin. “Eh? Know my place?” natatawa kong tanong. “So dapat hayaan ko kayo ng ka-ibigan mong si Sylvia na maglampungan sa harap ko? That whore wants you, Lauv!” sagot ko na natahimik dahil sa natanggap na sampal mula kay Sylvia. “Sumusobra ka na!” sigaw ni Abby sabay hinila ang aking buhok. “Hindi porke't fiancee ka ni Nekolauv ay palalagpasin ko na ang mga sinabi mo sa kaibigan ko!” Hinila niya lalo ang buhok ko na animo'y matatanggal na ang anit. Nagkagulo na rito ngunit wala man lang ginawa si Nekolauv upang pigilan kami. Hinila ko pabalik ang buhok ni Abby kaya kinalmot niya ako sa braso pabalik. Nakisali na rin si Sylvia kaya inaawat na kami nina Aaron at Darwin. “Thala! Stop it!” malakas na sigaw ni Nekolauv na tila naubusan ng pasensiya at marahas akong hinila palayo sa mga kaibigan. “Go home before I decline the marriage!” babala niya na ikinatigil ko. Hindi pwede! Magagalit si daddy sa akin! Umiling-iling ako sa biglaang naisip at walang pagdadalawang-isip na tinalikuran sila. Para akong binato ng bomba at kaagad na sumuko. He knows my weakness. Pagkarating sa lamesa namin ay tinungga ko ang natitira pang mga alak. Sumulyap ako ng isang beses sa magkakaibigan at kapansin-pansin ang pag-aalala ni Nekolauv sa mga ito. Dala ng galit at inis, pagewang-gewang akong naglakad paalis. Hindi pa nga lang ako nakakalayo ay may nakabunggo akong lalaki. “I’m sorry,” paumanhin ko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Umaalon na ang aking paningin at nagsisimula na ring sumakit ang aking ulo. Sa lakas ba naman ng pagkakahila ni Abby sa buhok ko at sa rami ng nainom ko, any minute ay hahandusay na ako rito. Hinawakan ako ng lalaki sa braso kaya tumingala ako upang tignan siya. Ito 'yong lalaking titig na titig sa akin kanina. Hindi ko alam kung anong sadya niya kaya nagtaas ako ng kilay sa kanya. “You’re hurt,” baling niya sa mga kalmot na natamo ko galing sa mga bruha. “What’s that to you?” I rudely said. Inagaw ko ang aking braso at nagsimula ng humakbang. Ngunit nahilo lamang ako. Kamuntikan na akong nadapa ngunit may biglaang humuli ng aking baywang. Umikot ako upang harapin siya. Only to find that same man from earlier. Ito 'yong lalaking kanina pa titig na titig sa akin. “What? Makikigulo ka rin?” Lahat ng iritasyon ko sa pangyayari kanina ay naibuntong ko sa kanya. Biglaan niyang niluwagan ang pagkakahawak sa aking baywang. Sa gulat at takot na rin na malaglag sa sahig, ipinulupot ko sa kanyang leeg ang aking mga kamay. Kung kanina ay nahihilo ako, ngayon ay naduduling ako dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Ang hininga niya ay kumikiliti sa aking leeg. “Leave him,” he whispered huskily. “Leave that bastard,” dugtong niya pa sa aking tainga. Nakaka-goosebumps ang bawat salitang pinapakawalan niya. My system was never affected and miserable like this before. Itutulak ko na sana siya palayo ngunit naagaw na ni Nekolauv ang atensiyon ko dahil sa biglaan niyang pagsigaw. “Myrthala! Tara na!” Hinila ni Nekolauv ang palapulsuan ko upang mailayo sa nakangisi na ngayong lalaki. He's enjoying what's he's seeing. Sino ba siya? Bakit galit na galit si Nekolauv sa kanya? Hinila rin ng lalaki ang kabilang kamay ko at mapanuyang nagbitaw ng mga salitang, “She’s not your wife yet, foolish.” “Hanggang dito ba naman, kuya? Mang-aagaw ka talaga kahit kailan!” naiiritang sabi ni Lauv sa lalaki. Kuya? May kuya ba siya? Mas lalo akong nahihilo sa ginagawa nilang paghila sa akin. Pinanlakihan ako ng mata dahil buong lakas akong hinila ng lalaki. Dahilan kung bakit ako napahawak sa kanyang dibdib at naglapat ang labi naming dalawa. Hindi ako nakagalaw kaagad kahit na inilayo na ng lalaki ang mukha sa akin. Mapanuya ulit siyang madilim na ngumisi at sinalubong ang aking titig. “You like it, do you? Then leave him,” mapang-asar niyang bulong at nakuha pa akong halikan sa pisngi. “Ano ba, kuya?! Leave her alone! The fvck!” galit na sigaw ni Lauv. Para akong nasemento sa kinatatayuan ko at hindi naalis ang tingin ko sa lalaki. My first kiss was with this asshole and I don't even know him. “What a sweet introduction, my gorgeous sister-in-law,” mapaglarong bulong niya at nagpakawala ng ngiti na bumuhay sa mga paru-parong matagal ng nanahimik sa aking tiyan. Hindi ko na namalayan na nahila na pala ako ni Lauv palayo sa kanya. Huli kong naaalala ay ang malambot niyang labi at ang ginawa niyang pagkindat sa akin. My first kiss was stolen by my brother-in-law and the worst part of it is... I liked it. Damn!Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen