로그인Malakas ang pagbuhos ng ulan nang gabing iyon, tila nakikisimpatiya sa magulong isipan at mabigat na dibdib ni Queenie. Basang-basa ang laylayan ng kanyang itim na trench coat pagpasok niya sa tagong pinto ng L'Éden, ngunit wala siyang pakialam sa lamig. Ang tanging gusto lang niya ay makatakas mula sa nakakasakal na katotohanan ng kanyang buhay, makatakas mula sa nanlilibak at walang pusong mga mata ni Richard Mondragon na maghapong naglaro sa kanyang isipan pagkatapos ng nakakasulasok nilang pagkikita sa bridal boutique.Sinalubong siya ni Madame Sylvia na may nakahandang ngiti at inabot ang kanyang pamilyar na itim na lace maskara. Wala nang sinayang na oras si Queenie. Sinuot niya iyon at dire-diretsong naglakad sa mahabang pasilyo na nababalutan ng mapanuksong pulang ilaw. Bawat hakbang niya palapit sa VIP suite ay nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Ito lang ang nag-iisang lugar kung saan pakiramdam niya ay buhay siya.Pagbukas niya ng pinto, agad na bumungad sa kanya ang pig
Mabigat man ang buong katawan at nananakit ang mga kalamnan, kakaibang gaan naman ang nararamdaman sa dibdib ni Queenie nang magising siya kinaumagahan. Ang sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng makapal na kurtina ng VIP suite ay nagsisilbing paalala na tapos na ang oras ng kanyang pantasya. Dahan-dahan siyang bumangon, maingat na inalis ang mabigat at nakapulupot na braso ng lalaki mula sa kanyang baywang.Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang dibdib ng estranghero na tahimik na umaangat-baba sa malalim nitong pagtulog. Kahit tulog ito, hindi pa rin natatanggal ang silver na maskara sa mukha nito. Inabot ni Queenie ang kanyang mga damit sa sahig. Pagkatapos magbihis, kumuha siya ng isang makapal na bundle ng pera mula sa kanyang bag at tahimik na ipinatong iyon sa ibabaw ng bedside table. Isa itong malamig na transaksyon, ngunit sa tuwing ginagawa niya ito, may kakaibang kurot sa kanyang puso."Until next time," pabulong niyang paalam sa hangin bago tuluyang lumabas ng pinto,
"Welcome back, Miss," malumanay na bati ni Madame Sylvia. "I didn't expect to see you again so soon. Most of our guests take a few days to... recover."Padarag na ipinatong ni Queenie ang kanyang black card sa counter. "I want him again," diretsong utos niya, ang boses ay puno ng determinasyon. "Yong lalaki kagabi. Ayoko ng iba. At kung may nag-book sa kanya ngayong gabi, I’ll double their price. Triple it, kung kailangan. I want him right now."Bahagyang natawa si Madame Sylvia, isang pino at tila may itinatagong sikretong tawa. "You are very lucky, Miss. Wala siyang tinatanggap na ibang bisita ngayong gabi. He is entirely available for you. Ihahatid ko na kayo sa inyong VIP suite."Habang naglalakad sa mahaba at nakakahilong pasilyo ng bar, pilit na pinapakalma ni Queenie ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Nang pumasok siya sa VIP suite, sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng musky vanilla at dim red lights. Hinubad niya ang kanyang trench coat at inihagis iyon sa silya, inilal
Malamig ang hangin na sumalubong kay Queenie pagbaba niya ng kanyang sasakyan, ngunit mas malamig ang pakiramdam ng reyalidad na unti-unting bumabalot sa kanyang buong sistema. Nakatayo siya ngayon sa harap ng nagtataasang glass doors ng Rodriguez Aviation headquarters. Suot ang isang pormal at fit na white blazer at matching pencil skirt, mukha siyang perpektong tagapagmana ng kumpanya. Ngunit sa bawat paghakbang niya gamit ang kanyang four-inch stilettos, isang mahinang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita ang nagpapaalala sa kanya ng kalokohan at nagliliyab na kasalanang ginawa niya kagabi.Isang lihim na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Kung alam lang ng mga taong nakapaligid sa kanya na ang anak ng bilyonaryong si Alejandro Rodriguez ay nagbayad ng isang estranghero para angkinin siya nang buong magdamag, siguro ay gumuho na ang mundo ng mga ito. Pero iyon ang kanyang sikreto. Iyon ang kanyang nag-iisang alas laban sa mundong pilit siyang kinokontrol.Pagpasok niya sa execu
Bumibigat ang bawat paghinga sa loob ng malawak na VIP suite. Wala nang ibang maririnig kundi ang mabilis na pagtibok ng dalawang pusong tila nagkakarera, at ang halik ng malamig na hangin mula sa aircon na agad natutunaw sa sobrang init ng mga katawan nilang magkadikit. Nakapatong ang matipunong katawan ng estranghero kay Queenie, ngunit sa halip na maramdaman niyang nakakulong siya, ito pa ang nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng lubos na paglaya at kapangyarihan.Ang bawat halik ng lalaki ay nag-iiwan ng nagliliyab na marka sa kanyang balat. Mula sa kanyang mga labi, gumapang ang maiinit at basang halik nito pababa sa kanyang panga, sa kanyang leeg, hanggang sa sensitibong balat ng kanyang collarbone. Napasabunot si Queenie sa makapal at malambot na buhok nito sa batok nang maramdaman niya ang bahagyang pagkagat nito sa kanyang balat."Ah..." Isang maharot at paos na daing ang nakawala sa mga labi ni Queenie. Umikot ang kanyang paningin, halos malasing sa pinaghalong amoy ng mamahali
Ang lakas ng ulan sa labas ng bintana ng sasakyan, ngunit mas maingay ang gulo sa isipan ni Queenie Rodriguez. Magkahalong galit, pandidiri, at pagkasakal ang nararamdaman niya habang nakatitig sa itim na gusali sa kanyang harapan. Ilang oras pa lang ang nakakalipas mula nang basagin ng sarili niyang ama ang nag-iisang bagay na pinapahalagahan niya, ang kanyang kalayaan."Queenie, it's either you marry Richard Mondragon, or we watch our entire legacy burn to the ground," umaalingawngaw pa rin ang malamig na boses ng kanyang ama sa kanyang tainga.Rodriguez Aviation. Ang kumpanyang itinayo ng kanyang lolo, na ngayon ay nalulunod sa bilyun-bilyong utang dahil sa maling pamamalakad ng kanyang ama. At ang solusyon nila? Ibenta siya na parang isang mumurahing produkto sa kalaban nila sa negosyo. Kay Richard Mondragon. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi pabagsakin ang kumpanya nila, ang lalaking balita sa buong bansa bilang isang walang pusong bilyonaryo na yelo ang dumadaloy sa mga uga







