Mag-log inPagkalabas ni Kaizan mula sa kuwarto ni Inara, sinalubong siya ng butler ng kaniyang ama sa pasilyo.
“Butler Renan,” maikling bati niya rito. “Young Master, pinapatawag ka ng iyong ama sa opisina niya.” Tahimik siyang tumango at sumunod. Pagbukas ng mabigat na pinto, bumungad ang amoy ng mamahaling alak at nagkikintabang mga wooden furniture sa loob. Nakaupo si Don Adalvino sa likod ng mesa—kalmado, ngunit matalim ang presensiya. Pinunuan nito ng alak ang dalawang baso bago iniabot ang isa sa anak. “Na-meet mo na ba siya?” tanong ng matanda habang tinititigan siya. “Mabait ‘yong bata. Magalang at marunong rumespeto. Huwag mo siyang sasaktan.” Tinanggihan ni Kaizan ang baso, malamig ang tinig. “Sinabi ko na sa inyo, hindi ko siya pakakasalan.” Nanigas ang mukha ng ama. “Kailangan mong pakasalan siya, Kaizan. Wala kang pagpipilian.” Napangiti ito nang mapait. “Walang pagpipilian?” mahina niyang tawa. “Mukhang madidismaya ka sa bagay na ‘yan, Don Adalvino.” Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng silid, habang naririnig niya ang galit na boses ng ama sa likod. Hindi na siya lumingon. Paglabas ng bahay, kinuha niya ang panyo at pinunasan ang labi, para bang marumi pa rin iyon. Naalala niya ang halik na napilitan siyang ibigay kay Inara, at muling sumiklab ang pandidiri. Inis niyang ibinato ang panyo sa basurahan. Sa labas ay naghihintay si Keenan, ang assistant niya. Pagkakita sa kaniya ay dali-daling binuksan nito ang pinto ng sasakyan. “Sir, saan po tayo pupunta?” “Sa kumpanya. Ngayon na,” malamig niyang sagot bago pumasok sa sasakyan. Sa pagsara ng pinto, kasabay ring nag-shut off ang lahat ng emosyon sa mukha niya. Nang gabing iyon, nagulat si Inara na mahimbing siyang nakatulog. Matagal na niyang hindi naranasan iyon, lalo na mula nang mawala ang kaniyang mga magulang sa aksidente. Simula noon, puro pagtitiis at pag-aadjust ang buhay niya. Kaya nang mahiga siya sa malambot na kama ng pamilya El Davion, pakiramdam niya’y muli siyang nakahinga. Kinabukasan, bumaba siya ng hagdan nang may gaan ng pakiramdam. Napatingin sa kaniya si Don Adalvino mula sa binabasa niyang diyaryo at agad siyang nginitian. “Inara, hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin kaya sinabi ko sa chef na maghanda ng kaunti. Sabihin mo kay Butler Renan kung anong paborito mo para sa susunod, ‘yon ang ipaluluto natin.” “Salamat po, D-Dad,” magalang niyang tugon, bahagyang nahihiya. Hindi pa siya sanay, pero sinikap niyang maging natural dahil alam niyang matutuwa ito. Ilang sandali pa, sunod-sunod nang inilabas ang almusal. Sobra-sobra ito—malinaw na magkaiba ang depinisyon nila ng salitang kaunti. “Kain na. Huwag ka nang mahiya,” masayang wika ng matanda. Napatingin si Inara sa bakanteng upuan sa tapat niya. Wala si Kaizan. Pinilit niyang magtanong nang mahinahon. “Dad… hindi po ba sasabay si Young Master Kaizan?” Bahagyang sumimangot si Don Adalvino, naalala ang nangyari kagabi, pero pinilit niyang ngumiti. “Nasa kumpanya siya at abala. Pero sa susunod ay ipapatawag ko siya para magkasama kayong dalawa at magkakilala. If you want, I can take you to his condo para roon ka manatili kasama niya.” Nanlaki ang mga mata ni Inara at agad na napailing. “Naku, hindi na po! Mas mabuti pong mag-focus siya sa trabaho.” Napabilis ang salita niya, baka naging prangka siya. Natatawa siyang tinignan ng matanda. “Sabi ko na nga ba at napakabait mong bata.” Pagkatapos ng almusal, nagtungo si Inara sa trabaho. Isa siyang intern reporter sa isang online media magazine—simple, pero mahal niya. Pagdating pa lang niya, agad siyang sinigawan ng boss niyang si Tatiana Graceva. “Inara, mag-ready ka. Sasama ka sa akin sa interview. Bilisan mo!” “Opo, Ma’am!” mabilis niyang sagot. Tahimik silang bumiyahe. Halatang masama ang loob ni Tatiana, kaya hindi na siya nangahas magtanong. Sa restaurant, wala pa ang kailangan nilang i-interview. Naghihintay sila hanggang tumunog ang cellphone ni Tatiana. Nadumihan ng juice ang Chanel bag nito kaya napairap siya. “Argh! Inara, dalhin mo ‘to sa comfort room. Punasan mo at patuyuin.” “Opo, Ma’am,” sagot niya at agad tumungo sa CR. Pagkaalis ni Inara, biglang nagbago ang tono ni Tatiana nang sagutin ang tawag. “Kiara? Si Yana ‘to. Nandito na ako sa restaurant. Nasaan na kayo ni Mr. El Davion?” “You can come now,” sagot ni Kiara. “Tapos na siyang kumain. May limang minuto ka para maabutan mo siya.” Napangiti si Tatiana. Kaya pala siya pinadala rito—si Kaizan El Davion ang iinterbyuhin. Mabilis siyang tumayo, ni hindi na hinintay si Inara. Samantala, walang kamalay-malay si Inara. Paglabas niya mula sa CR matapos ayusin ang bag, mabilis ang kilos niya at sa isang iglap, nabangga niya ang isang lalaki sa pasilyo. “Ay! Pasensiya na!” Mabilis siyang umatras, pero nahila siya ng lalaki para hindi mabuwal. Pagtingala niya—natigilan siya. Si Kaizan El Davion. Mabilis na nagdilim ang mukha nito. Sanay siya sa mga babaeng nagpapakitang-awa o nagpapanggap na aksidenteng napapadpad sa braso niya. Nakairap na sana siya— Nang mapatingin siya nang diretso sa mukha ng babae. At doon siya napatigil. This girl… could it be her?Kumikislap ang mata ni Zandri, basang-basa. Ibinaon niya ang tingin, pilit na ngumiti ng malungkot. “Sige. Okay lang. Naiintindihan ko naman, Kaizan.”May kaunting tinik sa kanyang tono—parang sinusubok siya. Nakita niya ang reaksyon ni Kaizan at bahagyang nadismaya, pero ramdam ang kirot. Sigurado akong ang Inara na ‘yon ang dahilan kung bakit ganito kakumplikado ang lahat ngayon para sa’min ni Kaizan!Napansin ni Kaizan ang kanyang iniisip at mabilis na binago ang usapan. “Zandri, sabi ng doctor, malapit ka nang gumaling. Ano ang gusto mong gawin paglabas mo?”Pilit niyang tinago ang lamig sa mata, sinubukang magmukhang kalmado habang nilalaro ang labi. “Tatlong taon akong nasa coma. Parang marami na akong nakalimutan. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto kong gawin.”Ngumiti si Kaizan nang banayad, pinisil ang ilong niya sa pabiro na paraan. “Okay lang. “Puwede kang maging assistant ko muna, at kapag handa ka na, puwede kang gumawa ng iba. Sound okay?”Tumango si Zandri nang pa
Nang marinig iyon, mahigpit na hinawakan ni Zandri ang manggas ni Kaizan, ang kanyang mga matang mamasa-masa ay puno ng kawalang-malay at awa habang nakatingin sa kanya. Kinagat-kagat ni Zandri ang ibabang labi dahil sa kaba habang dahan-dahang umiiling, tanda na ayaw niyang umalis ang lalakiNakaramdam si Kaizan ng kirot sa dibdib. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mapulang labi ni Zandri, “Huwag mo ng kagatin, baka masaktan ka,” malambing na saad sa kaniya ni Kaizan.Dahan-dahang bumuka ang mga labi ni Zandri, may luha sa mga mata. “No… please don’t go,” bulong at garalgal na agad na saad nito.Pumikit si Inara, pinipilit pigilan ang mga luha, at sa bahagyang humahapong tinig ay nagsalita, “Kaizan, I came to talk to you about our engagement.”Biglang kumislap ang mga mata ni Kaizan. Tiningnan niya si Zandri, ang kanyang mahina at walang kalaban-laban na anyo, at dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo para aliwin, “Zandri, I’ll just say a few words to her. I’ll be back soon.”Mas mahig
Lumapit si Wyatt ng ilang hakbang kay Inara, may magalang na ngiti sa labi. “Miss Inara, what a coincidence. Nandito ka rin ba para dalawin si Don Adalvino?”Tumango si Inara, may kakaibang kaba sa dibdib na hindi niya maipaliwanag. Pinilit niyang ngumiti nang mahinahon. “Yes. Nagluto ako ng soup para makatulong sa pag-recover ni Dad.”Narinig iyon ni Wyatt at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. “I’m also here to visit Don Adalvino. Why don’t we go together?”Hindi tumanggi si Inara; wala naman siyang dahilan para gawin iyon. Tumango siya nang marahan. “Okay…”Maingat siyang naglakad, halos nakatingkayad na. Mabagal at kontrolado bawat hakbang pagpasok nila sa ospital. Kasabay niyang naglakad si Wyatt, pinagmamasdan ang medyo clumsy niyang galaw. May bahagyang ngisi na dumaan sa mga labi nito bago nawala at napalitan ng totoong pag-aalala.“Miss Inara, kumusta ang paa mo? Do you want me to carry the insulated food container?” malumanay niyang tanong.Umiling si Inara, may munting ngit
Bagaman pinangako na ni Kaizan na siya lang ang pakakasalan, hindi pa rin mapawi ni Zandri ang kaba sa puso niya. Kung hindi siya nagising ngayon, malamang, si Kaizan ay ikakasal na sa iba. Ang iniisip na iyon ang nagiging dahilan ng kanyang pag-aalala—natatakot siyang kapag umalis ang lalaki, baka hindi na bumalik ito.Kaya naman, lihim niyang sinundan si Kaizan, para makita mismo kung talagang pupunta siya kay Don Adalvino, at kung nandoon din ang babaeng iyon.Tahimik ang silid hanggang sa biglang nagsalita si Kaizan. “Dad… Zandri has woken up,” naroon ang diin sa bawat salita niya maging sa tono ng pananalita.Namutla ang mukha ni Don Adalvino, at kitang-kita ang pagkasuklam niya.May kutob na si Don Adalvino nang sa kalagitnaan mismo ng kasal ay bigla na lamang nanakbo paalis si Kaizan. Isang bagay lang naman ang maaaring maging dahilan ng kaniyang anak para iwan nito ang lahat. Si Inara Zandriea Gustavo.Ang babaeng iyon. Hindi naman sa ayaw ko na siyang magising pero bakit ka
Hanggang sa tuluyang napahilig si Zandri sa dibdib ni Wyatt, hindi na lumaban pa. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang muli niyang subukan na magsalita. Halos bulong na lamang iyon.“Wyatt… alam mo namang simula pa noon ay k-kuya lang ang tingin ko sa’yo… isang nakatatandang kapatid,” bulong niya, halatang nanginginig ang bawat salita. “Hindi ko inakala… na puwede mo rin akong mahalin na sosobra sa.., bilang kaibigan…”Sumikip ang dibdib ni Wyatt. Ang mga salitang iyon ay parang tinusok siya ng matalim na kutsilyo. Matagal na niyang pinangarap ang sandaling ito, ngunit nang malaman niyang ganito ang magiging reaksyon ni Zandri, naramdaman niya ang matinding sakit sa puso.“Zandri…” mahinahon ngunit may kasamang pakiusap ang boses niya. “I’m telling you the truth—I like you. I like you so much. Can you… even consider me?”Dahan-dahang itinulak siya ni Zandri, at hindi naman na lumaban pa si Wyatt. Bagaman hindi niya kayang tumingin sa lalaki. “Wyatt… I’m sorry. Alam mo naman… na mata
Pagkakita ni Don Adalvino sa reaksyon ni Inara, hindi na siya nagsalita pa. Sa halip, marahan niyang sinabi, “Sige, mag-ingat ka pauwi. Kung may kailangan ka, tawagan mo si Butler Renan, okay?”“Yes,” mahinang sagot ni Inara. She straightened her back, dahan-dahang iniangat ang paa niyang sugatan, at lumabas ng ward na parang hinihila ang bawat hakbang.Pagkasara niya ng pinto, she immediately bent down, mahigpit na kumapit sa laylayan ng damit niya, at pilit iniibsan ang kirot sa talampakan.“Miss Inara?”Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses. She lifted her head slowly, and there’s this man standing in front of her—Wyatt.A forced smile appeared on her pale lips. “Mr. Wyatt, bakit ka nandito?”Napakunot ang noo ni Wyatt nang makita ang wedding dress niyang puno ng dugo. “Your foot is bleeding badly. Bakit hindi mo pinatingnan?”Hindi na nakasagot si Inara. Tumingin lang siya sa paa niya, saka mapait na ngumiti.A sudden shadow flickered in Wyatt’s gentle eyes. Bigla niy







