Masuk“Tulong! Tulong! Sino ka?!”
Naghahabol ng hininga si Inara habang pilit niyang tinutulak ang lalaking nasa dilim at nakadagan pa rin sa kanya. “Tumahimik ka…” Mababa at malamig ang tinig ng lalaki. Kumikirot ang ulo niya sa ingay ng babae, dahilan para agad siyang mapasimangot. Inis na inis si Kaizan. Napahinto naman si Inara. Lalaki?! Paanong nakapasok ang lalaking ito sa kuwarto ko?! Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung sino ang lalaki at ano ang pakay nito sa kanya. Kinuyom niya ang mga kamao, pilit pinapakalma ang sarili kahit nangangatog ang kalooban. “Sinasabi ko sa’yo,” matapang niyang sambit kahit nanginginig ang tinig, “ako ang mapapangasawa ng anak ni Don Adalvino Khalif El Davion. If you dare hurt me, you’re dead…” Ang pamilyang El Davion ay isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa Dumaguete City. Wala nang matinong pag-iisip ang mangangahas kalabanin sila. Alam niyang ginagamit niya ang pangalan ng mga El Davion para matakot ang lalaki pero wala na siyang ibang maisip na paraan. “Ipinagmamalaki mo pa talaga na maikakasal ka sa isa sa mga miyembro ng pamilya El Davion?” mariing sabi ni Kaizan, nagngingitngit ang galit sa kanyang tinig. “Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Paano ka nakapasok sa kuwarto ko? Anong plano mong gawin, ha?!” Nanginginig man, nagawa niyang tanungin iyon nang sunod-sunod habang pilit pa ring kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki. Hindi naman siya ganoon kapalad sa kasal na iyon. Ikakasal siya sa isang estranghero, ngunit iyon lang ang paraan para maipagamot ang lola niya. Gagawin niya ang lahat para sa matanda. Kung mayroon lang akong ibang pagpipilian… kahit ang pumasok sa isip ko na tanggapin ang alok ni Don Adalvino ay hindi sana mangyayari. “Bakit?” malamig na sabi ni Kaizan. “Ginawa mo ang lahat para lang mapili kang ikasal sa ’kin, ’di ba? Ayan, ibibigay ko sa ’yo ang gusto mo.” “You’re Young Master El Davion? The son of Don Adalvino?” Namutla si Inara. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang lalaking nasa kuwarto niya at nasa ibabaw niya—ay ang lalaking pakakasalan niya. Diyos ko po. Akala ko ba ay hindi uuwi ang lalaking ito ngayong gabi? Paanong ngayon ay nasa loob na siya ng kuwarto ko… at nasa ibabaw ko pa?! “Young Master, nakikiusap ako. Bitawan mo na ako…” Halos magmakaawa siyang bumangon, ngunit madiin siyang itinulak ni Kaizan pabalik. Wala siyang kalaban-laban sa lakas nito. “Bitawan ka? Sigurado ka ba na iyan ang gusto mo? Imposible.” Bago pa man makasagot si Inara, biglang ibinaba ni Kaizan ang ulo niya. Huli na nang mapagtanto ni Inara na para iyon mahalikan siya. Nanigas siya, hindi makagalaw. Hindi iyon halik—parusa iyon. Ramdam na ramdam niya ang diin ng pagkakadampi ng labi ng lalaki sa labi niya. “B-Bitawan mo ako! Ano ba?!” sigaw niya habang nagpupumiglas. “’Wag mo akong hawakan! Pakawalan mo ’ko! Bitaw, sabi!” Ngumisi nang may panlalait si Kaizan. “’Yan naman talaga ang gusto mo, ’di ba? Gusto mong mapangasawa ako—then you’ll take everything that comes with it. O kung ayaw mo…” Tumalim ang tingin nito kay Inara. “Umalis ka na.” Napakagat si Inara sa pang-ibaba niyang labi. Alam niyang sinasadya nitong saktan siya para mapalayas. Pero hindi siya aalis. Hindi pa puwede. Kailangan pa niyang ipagamot ang lola niya. “Hindi ako aalis…” pabulong niyang sabi, nakapikit at handang tanggapin ang bawat galit na ibabato nito sa kanya. Para sa lola niya, titiisin niya ang lahat. Saka na lang siya iiyak. “Ha!” mariing tawa ni Kaizan. “So you really don’t have any pride left. Fine then. Remember—you asked for this.” Tuluyang kinain ng galit si Kaizan. Sa isang iglap, sinipa niya si Inara pababa ng kama. Napahiyaw ito nang tumama ang binti sa paanan ng mesa. Matalim ang sakit na dumaloy sa buto niya. “Pinandidirihan kita,” mariing sabi ni Kaizan, nakatayo sa harap niya. “Do you really think I’d ever touch you? You make me sick. You think you’re fit to be my wife? Maybe in the next life.” Tumawa siya nang mapait, malamig, bago tuluyang tumalikod at lumabas ng kuwarto. Nanatiling nakatulala si Inara, tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nang makasigurong wala na ito, mabilis niyang hinila ang kumot at ibinalot sa katawan, nanginginig habang bumabaluktot ng upo sa sahig. Gusto na niyang umiyak. Hindi niya ginusto ang matali sa isang kasunduan ng pagpapakasal lalo pa sa isang estranghero. Pero wala siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin iyon para sa operasyon ng lola niya. Kahit ang dignidad niya ay kaya niyang lunukin para lamang masigurado ang kaligtasan ng kanyang lola. Masyadong madilim kanina kaya hindi niya gaanong nakita ang mukha ni Kaizan, ngunit ramdam niya ang galit at pandidiri sa mga mata nito—parang isa siyang bagay na marumi. Fine. Bahala siya. This is pure business between me and his father. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mula sa ibang tao—lalo na kung manggagaling sa kanya. Ang lola ko lang ang kailangan ko at mahalaga sa akin. Hindi niya kailangan ng pagmamahal ni Kaizan. Hindi iyon ang dahilan niya nang pumayag siya sa kasal na ito. Ang kailangan lang niya ay pera—para mabuhay ang lola niya. At kung ayaw sa kanya ni Kaizan, mas mabuti. Sa pananaw niya, mas ligtas siyang hindi mahal. Now that he was gone, maybe she could finally close her eyes and pretend to sleep.Kumikislap ang mata ni Zandri, basang-basa. Ibinaon niya ang tingin, pilit na ngumiti ng malungkot. “Sige. Okay lang. Naiintindihan ko naman, Kaizan.”May kaunting tinik sa kanyang tono—parang sinusubok siya. Nakita niya ang reaksyon ni Kaizan at bahagyang nadismaya, pero ramdam ang kirot. Sigurado akong ang Inara na ‘yon ang dahilan kung bakit ganito kakumplikado ang lahat ngayon para sa’min ni Kaizan!Napansin ni Kaizan ang kanyang iniisip at mabilis na binago ang usapan. “Zandri, sabi ng doctor, malapit ka nang gumaling. Ano ang gusto mong gawin paglabas mo?”Pilit niyang tinago ang lamig sa mata, sinubukang magmukhang kalmado habang nilalaro ang labi. “Tatlong taon akong nasa coma. Parang marami na akong nakalimutan. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto kong gawin.”Ngumiti si Kaizan nang banayad, pinisil ang ilong niya sa pabiro na paraan. “Okay lang. “Puwede kang maging assistant ko muna, at kapag handa ka na, puwede kang gumawa ng iba. Sound okay?”Tumango si Zandri nang pa
Nang marinig iyon, mahigpit na hinawakan ni Zandri ang manggas ni Kaizan, ang kanyang mga matang mamasa-masa ay puno ng kawalang-malay at awa habang nakatingin sa kanya. Kinagat-kagat ni Zandri ang ibabang labi dahil sa kaba habang dahan-dahang umiiling, tanda na ayaw niyang umalis ang lalakiNakaramdam si Kaizan ng kirot sa dibdib. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mapulang labi ni Zandri, “Huwag mo ng kagatin, baka masaktan ka,” malambing na saad sa kaniya ni Kaizan.Dahan-dahang bumuka ang mga labi ni Zandri, may luha sa mga mata. “No… please don’t go,” bulong at garalgal na agad na saad nito.Pumikit si Inara, pinipilit pigilan ang mga luha, at sa bahagyang humahapong tinig ay nagsalita, “Kaizan, I came to talk to you about our engagement.”Biglang kumislap ang mga mata ni Kaizan. Tiningnan niya si Zandri, ang kanyang mahina at walang kalaban-laban na anyo, at dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo para aliwin, “Zandri, I’ll just say a few words to her. I’ll be back soon.”Mas mahig
Lumapit si Wyatt ng ilang hakbang kay Inara, may magalang na ngiti sa labi. “Miss Inara, what a coincidence. Nandito ka rin ba para dalawin si Don Adalvino?”Tumango si Inara, may kakaibang kaba sa dibdib na hindi niya maipaliwanag. Pinilit niyang ngumiti nang mahinahon. “Yes. Nagluto ako ng soup para makatulong sa pag-recover ni Dad.”Narinig iyon ni Wyatt at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. “I’m also here to visit Don Adalvino. Why don’t we go together?”Hindi tumanggi si Inara; wala naman siyang dahilan para gawin iyon. Tumango siya nang marahan. “Okay…”Maingat siyang naglakad, halos nakatingkayad na. Mabagal at kontrolado bawat hakbang pagpasok nila sa ospital. Kasabay niyang naglakad si Wyatt, pinagmamasdan ang medyo clumsy niyang galaw. May bahagyang ngisi na dumaan sa mga labi nito bago nawala at napalitan ng totoong pag-aalala.“Miss Inara, kumusta ang paa mo? Do you want me to carry the insulated food container?” malumanay niyang tanong.Umiling si Inara, may munting ngit
Bagaman pinangako na ni Kaizan na siya lang ang pakakasalan, hindi pa rin mapawi ni Zandri ang kaba sa puso niya. Kung hindi siya nagising ngayon, malamang, si Kaizan ay ikakasal na sa iba. Ang iniisip na iyon ang nagiging dahilan ng kanyang pag-aalala—natatakot siyang kapag umalis ang lalaki, baka hindi na bumalik ito.Kaya naman, lihim niyang sinundan si Kaizan, para makita mismo kung talagang pupunta siya kay Don Adalvino, at kung nandoon din ang babaeng iyon.Tahimik ang silid hanggang sa biglang nagsalita si Kaizan. “Dad… Zandri has woken up,” naroon ang diin sa bawat salita niya maging sa tono ng pananalita.Namutla ang mukha ni Don Adalvino, at kitang-kita ang pagkasuklam niya.May kutob na si Don Adalvino nang sa kalagitnaan mismo ng kasal ay bigla na lamang nanakbo paalis si Kaizan. Isang bagay lang naman ang maaaring maging dahilan ng kaniyang anak para iwan nito ang lahat. Si Inara Zandriea Gustavo.Ang babaeng iyon. Hindi naman sa ayaw ko na siyang magising pero bakit ka
Hanggang sa tuluyang napahilig si Zandri sa dibdib ni Wyatt, hindi na lumaban pa. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang muli niyang subukan na magsalita. Halos bulong na lamang iyon.“Wyatt… alam mo namang simula pa noon ay k-kuya lang ang tingin ko sa’yo… isang nakatatandang kapatid,” bulong niya, halatang nanginginig ang bawat salita. “Hindi ko inakala… na puwede mo rin akong mahalin na sosobra sa.., bilang kaibigan…”Sumikip ang dibdib ni Wyatt. Ang mga salitang iyon ay parang tinusok siya ng matalim na kutsilyo. Matagal na niyang pinangarap ang sandaling ito, ngunit nang malaman niyang ganito ang magiging reaksyon ni Zandri, naramdaman niya ang matinding sakit sa puso.“Zandri…” mahinahon ngunit may kasamang pakiusap ang boses niya. “I’m telling you the truth—I like you. I like you so much. Can you… even consider me?”Dahan-dahang itinulak siya ni Zandri, at hindi naman na lumaban pa si Wyatt. Bagaman hindi niya kayang tumingin sa lalaki. “Wyatt… I’m sorry. Alam mo naman… na mata
Pagkakita ni Don Adalvino sa reaksyon ni Inara, hindi na siya nagsalita pa. Sa halip, marahan niyang sinabi, “Sige, mag-ingat ka pauwi. Kung may kailangan ka, tawagan mo si Butler Renan, okay?”“Yes,” mahinang sagot ni Inara. She straightened her back, dahan-dahang iniangat ang paa niyang sugatan, at lumabas ng ward na parang hinihila ang bawat hakbang.Pagkasara niya ng pinto, she immediately bent down, mahigpit na kumapit sa laylayan ng damit niya, at pilit iniibsan ang kirot sa talampakan.“Miss Inara?”Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses. She lifted her head slowly, and there’s this man standing in front of her—Wyatt.A forced smile appeared on her pale lips. “Mr. Wyatt, bakit ka nandito?”Napakunot ang noo ni Wyatt nang makita ang wedding dress niyang puno ng dugo. “Your foot is bleeding badly. Bakit hindi mo pinatingnan?”Hindi na nakasagot si Inara. Tumingin lang siya sa paa niya, saka mapait na ngumiti.A sudden shadow flickered in Wyatt’s gentle eyes. Bigla niy







