Share

Chapter 2

Author: Zerorizz
last update Last Updated: 2025-10-21 21:52:57

“Be mine and marry me, Elena… I’ll give you back the world they stole from you.”

Paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang boses ni Nathan. Malamig. Mabagal. At tila hindi tinatablan ng pagtanggi.

Umaga. Pero para kay Elena, tila hindi sumisikat ang araw. Ang bawat sinag na pumapasok sa bintana ng kanyang condo ay parang mga dilang nag-aapoy na nagpapaalala ng kagabi.

Paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang boses ni Nathan. Malamig. Mabagal. At tila hindi tinatablan ng pagtanggi.

Nakatitig siya ngayon sa itim na sobreng iniabot nito. Malinaw. Legal. Marriage Contract.

“Walang taong basta-basta lang nagbibigay ng ganitong kapangyarihan,” bulong niya sa sarili. “Lalo na kung si Nathan Arguelles.”

Gusto niyang iwaksi ang ideya ng kasal. Gusto niyang tumakbo, lumayo, huwag nang madamay pa sa mas malaking gulo. Pero paano? Wala na siyang natira.

Wala siyang trabaho. Wala siyang pangalan. Ang mga dating tumatawag sa kanya bilang “Elena Madrigal the Designer” ay ngayon ay mga bulung-bulungan na lang sa likod ng industriya. Ang mga mata ng mga taong minsang humahanga sa kanya ay ngayo’y puno ng pagdududa.

At higit sa lahat… wala siyang proteksyon.

Kinuha niya ang kape sa mesa, nanginginig pa rin ang kanyang kamay. Isang linggo pa lang mula nang mabasag ang lahat. Isang linggo mula nang wasakin ng pagtataksil ni Adrian, Vanessa, at ng kanyang boss ang mundo niya. At ngayon ay may isang lalaking kayang ibalik ang lahat sa kanya, kapalit ng isang bagay na hindi niya kailanman inakalang muling papasukin. Kasal.

Isang matinis na ding mula sa cellphone ang pumutol sa katahimikan. Unknown number. Binuksan niya ito.

“Wear something beautiful. You have an hour.”

— N.A.

Isip isip niya, walang iba kundi si Nathan ito. Tanging isang tao na layang kontrolin ang lahat dahil sa kapangyarihan. Pumunta siya ngayon sa lobby ng isang kilalang hotel, ang Arclight Tower, pag-aari ni Nathan. Kumikinang ang marmol na sahig, malamig ang hangin sa paligid. Ang mga empleyado ay halos nakayuko habang binabanggit ang pangalan niya, para bang inaasahan na pparating.

“Elena Madrigal,” bati ng receptionist. “Mr. Arguelles is expecting you.”

Hindi na siya nagtaka. Dinala siya ng elevator sa penthouse floor. At pagdilat ng pinto, isang malawak at madilim na silid ang bumungad sa kanya. Hindi ito simpleng opisina, mas kahawig ito ng kaharian. Tahimik. Mapanganib. Kontrolado.

Sa dulo ng kwarto, nakaupo si Nathan. Naka-itim. Elegante. Tahimik.

“Dumating ka rin pala, Elena. Hindi ko inakalang babalik ka pa sa’kin.”

bati nitong may halo ng ngiti at pang aasar.

“Huwag kang masyadong magtiwala sa mga babae,” tugon niya ng malamig, kahit may bahagyang panginginig sa loob niya. “Lalo na sa babaeng wala nang natitira.”

Ngumiti si Nathan, hindi ng ngiting mabait, kundi ng isang lalaking sanay manalo. “So… what’s your answer? are you ready to be Elena Arguelles?” sabay ngisi.

Mabagal siyang lumapit, ang takong ng kanyang sapatos ay tumutunog sa marmol na sahig na para bang countdown. Sa pagitan nilang dalawa ay ang mesa kung saan nakalatag pa rin ang kontrata. Walang binago. Walang ginagalaw.

“Hindi kita mahal.” diretso niyang sabi. “At ayaw kong mag kunwari.”

Lalong lumalim ang ngiti ni Nathan, na para bang iyon mismo ang gusto niyang marinig. “Good. Love complicates things. I prefer honesty.”

Kinuha ni Elena ang pluma mula sa mesa. Ilang segundo siyang nakatitig sa kontrata, parang nakatingin sa impyerno pero kusa siyang lumalakad papasok. This is it.

Isang lagda. Isang desisyon. Isang bitag na siya mismo ang pinasok.

Pagkatapos niyang pirmahan, hindi agad kumilos si Nathan. Para bang pinagmamasdan niya ang bawat paghinga nito, bawat kilos ng kanyang daliri. At nang tuluyang dumampi ang tinta sa papel, lumapit ito sa kanya, mabagal, parang mabangis na hayop na papalapit sa biktima.

“Welcome to my world, Mrs. Arguelles.”

Marahan nitong hinawakan ang kanyang baba, itinaas ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga mata. Malapit. Masyadong malapit.

Hindi niya alam kung bakit hindi siya umatras. Marahil dahil alam niyang simula pa lang ito ng isang mapanganib na laro na hindi matatakasan.

“I told you…” bulong ni Nathan sa kanyang tainga, mabagal at malamig. “…I don’t want your love. I want your surrender.”

At bago pa siya makapagsalita, dumikit ang kanyang labi sa kanyang tainga, hindi halik, kundi isang mapanganib na pag-angkin.

Ngayon lang niya tunay na naramdaman kung gaano kalalim ang pinasok niya. Wala nang atrasan.

Pag-uwi niya, basang-basa pa rin ng ulan ang mga kalsada. Sa kanyang dibdib, mabigat ang kontrata, ngunit mas mabigat ang desisyong ginawa niya.

Ngunit habang nakatingin siya sa repleksyon niya sa salamin, hindi siya makakita ng isang talunan. Ang nakikita niya ay isang babaeng handang sunugin ang mundo para makuha muli ang kanyang pangalan.

“This is not love,” bulong niya. “This is war.”.

“Mrs. Arguelles…” bulong niya sa sarili, parang hindi pa rin makapaniwala. Pumikit si Elena, at parang pelikulang paulit-ulit niyang napapanood, bumalik ang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 11

    Mainit ang sikat ng araw nang maisipan ni Elena na lumabas. Wala siyang ibang intensyon kundi ang gumala, magpahinga, at pansamantalang kalimutan ang mga gumugulo sa isip niya — si Nathan, ang mga salita ni Adrian, at ang mga hinalang hindi mawala sa isipan niya. Pero sa likod ng lahat ng ito, may isa siyang malinaw na direksyon: ang hustisya at paghihiganti. Suot niya ang simpleng blouse at high-waist jeans, at isang pares ng dark glasses na halos magtago sa kalahati ng mukha niya. Nasa loob siya ngayon ng isang kilalang mall sa siyudad, naglalakad sa kahabaan ng corridor habang tumitingin sa mga display. Pero bago pa man siya makalayo, biglang napatigil si Elena. Sa di-kalayuan, sa isang tindahan ng mga mamahaling pabango, nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Si Vanessa. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Para bang bigla siyang binalikan ng lahat ng sakit at pang-aapi na naranasan niya noon sa kumpanya. Ang mga ngiting mapanghamak, ang mga lihim na bulungan, ang araw n

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 10

    Mula pa kagabi, hindi mapakali si Elena. Halos hindi siya nakatulog, puro tanong ang bumabalot sa isip niya. Ang bawat kilos ni Nathan, bawat ngiti, bawat salita—lahat ay tila may kahulugan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, wala pa rin siyang konkretong patunay. Puro hinala. Puro tanong na walang kasagutan.Kaya nang dumating ang umaga, nagpasya siyang kumilos. Tahimik niyang sinuyod ang mansyon, tila isang multo na naglalakad sa pagitan ng mga lihim.Bawat hakbang ay may tunog ng kaba.Bawat pintong binubuksan ay parang bitag.Hanggang sa makarating siya sa opisina ni Nathan—isang silid na bihira niyang pasukin. Laging naka-lock, at tanging si Nathan lang ang may susi. Ngunit kagabi, bago sila matulog, napansin niyang naiwan nitong bukas nang bahagya ang pinto.“Perfect,” bulong niya sa sarili, at marahang binuksan iyon.Sa loob ay malamig, masyadong tahimik. Amoy mamahaling pabango, halong leather at usok ng tabako. Sa gitna ng mesa ay may mga dokumento, folders, at isang laptop n

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 9

    Tahimik ang umaga, pero hindi mapakali ang isip ni Elena. Ang mga sinabi ni Adrian kagabi ay paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang ulo—ang boses nitong puno ng pagsisisi, ang mga salitang “hindi lahat ng laban ay nakikita mo sa harap mo, minsan nasa tabi mo na.”Pinikit niya ang mga mata. Hindi niya gustong paniwalaan. Hindi niya kayang paniwalaan.“Hindi… hindi siya totoo,” mahina niyang bulong sa sarili habang nakatitig sa tasa ng kape sa mesa. “Matagal na akong niloko ni Adrian. Ano pa bang bago?”Sinubukan niyang itapon ang mga alaala. Kung totoo mang may utos, kung totoo mang may mas malaking tao sa likod ng lahat, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga lang ngayon ay makuha niya ang hustisya. Ang paghihiganti.Tumayo siya mula sa upuan at humarap sa salamin. Ang babaeng nakikita niya roon ay malayo na sa Elena Madrigal na dating umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang babaeng ito ay matapang, malamig, at mapanganib.“Hindi ako biktima,” bulong niya. “Ako ang magiging dulo nila.”Kinuha niya

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 8

    Ang umaga ay dumating na may kakaibang katahimikan. Hindi na ito ‘yung uri ng tahimik na may banta, kundi tahimik na may kasamang paghinga ng bagong simula. Sa loob ng bahay, ang mga kurtina ay bahagyang sumasayaw sa ihip ng hangin, at sa unang pagkakataon, may amoy na ng tinapay at kape — hindi ng dugo o usok. Nasa kusina si Aurora, nakasuot ng simpleng daster, habang pinagmamasdan ang nag-aalab na apoy sa kalan. Tahimik ang lahat maliban sa huni ng ibon sa labas. Pagkatapos ng lahat, ganoon lang pala kasimple ang hinahanap niya — kapayapaan. Lumapit si Samuel, bagong gising at bahagyang magulo pa ang buhok. Wala na sa mukha nito ang dating lamig. Sa halip, may bakas na ng pagod na gustong magpahinga. “Ang bango,” sabi niya habang naupo sa mesa. “Hindi ko akalaing mararanasan ko ulit ‘to — amoy ng kape, amoy ng bahay.” Ngumiti si Aurora. “Mararanasan mo pa rin ‘yan, kung titigilan mo na ang pag-iisip ng nakaraan.” “Hindi ko kayang kalimutan,” sagot niya habang pinagmamasdan ang

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 7

    Tahimik ang umaga, pero hindi ang isip ni Elena.Nakaupo siya sa veranda, may hawak na tasa ng kape na hindi man lang nabawasan. Kanina pa siya nakatingin sa kawalan, pero ang totoo, paulit-ulit niyang binabalikan ang mga detalye.Ang mga tanong na hindi niya masagot.Paano alam ni Nathan ang mga bagay tungkol sa kanya — mga bagay na hindi niya kailanman binanggit kahit kanino?“You don’t have to pretend, Elena. You can trust me.”Ang linyang iyon, binalikan niya ng paulit-ulit. Paano niya nasabi iyon? Paano niya alam na nagkukunwari siya?Sinubukan niyang kalmahin ang sarili, pero habang tumatagal, mas lalo lang niyang nararamdaman ang takot na may mas malalim pa sa likod ng lahat.Hindi lang ito basta lalaking may kapangyarihan. Si Nathan ay parang nilalang na planado ang bawat galaw, bawat salita, bawat kilos — parang lahat ay may dahilan.Lumabas siya sa veranda, dumungaw sa malawak na hardin. May ilang tauhan na naglilinis, tahimik, halos hindi nag-uusap.Sa kanan, nakita niya si

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 6

    Nagising si Elena sa malamig na dampi ng hangin mula sa kurtinang unti-unting gumagalaw. Maaga pa. Tahimik ang buong mansyon, pero ramdam niya ang presensiya nito.Si Nathan.Paglingon niya, nandoon ito sa gilid ng kama, nakaupo, may hawak na tasa ng kape. Ang suot nito ay simpleng polo, bahagyang bukas ang unang butones, at sa likod ng malamig nitong titig ay may kung anong lambing na ngayon lang niya nakikita.“Good morning,” malumanay nitong bati.“Morning,” mahina niyang sagot.“Natulog ka ba nang maayos?”“Yeah,” sagot niyang pilit, bagaman alam niyang hindi totoo. Ang buong gabi, paulit-ulit sa isip niya ang boses ni Nathan sa telepono. The plan worked. She’s mine now.Lumapit ito, inilapag ang kape sa mesa, at walang sabi-sabing hinaplos ang pisngi niya. Mainit ang palad nito. Mahigpit, pero maingat.“Mukhang sobra ang kaba mo kagabi,” bulong ni Nathan. “You shouldn’t be. Everything’s under control.”Under control. Iyon ang mga salitang bumasag sa kalma niya.Ngumiti siya, pili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status