Share

Chapter 3

Author: Zerorizz
last update Last Updated: 2025-10-21 21:53:28

FLASHBACK - Ang pag tataksil nina Adrian, Vanessa, at ng kanyang boss

“I’m proud of you, Elena.” biglang yakap ni Vanessa. Mainit. Malambing. Peke.

Hindi niya alam na iyon pala ang huling yakap na hindi niya malilimutan.

Sumunod ay si Adrian. “Ito ang gabi mo, baby.” sabi niya. “You deserve everything.”

Nag-init ang puso niya. Kahit pagkatapos ng lahat ng pagod at puyat, naroon ang mga taong mahal niya. Ang boss niya ay ngumiti rin at nagsabing, “Prepare yourself, Elena. After tonight, the world will know your name.”

Nagsimula ang palabas. Isa-isang lumabas ang mga modelo. Kumikinang ang tela, tumatama ang spotlight. Hiyawan. Palakpakan. Kamera. Lahat ay perpekto.

Pero sa kalagitnaan ng ikalawang set, biglang pumasok ang isang matinis na tunog, parang mikroponong sumabog sa tahimik na sandali.

Huminto ang musika at tumigil ang mga modelo. Lahat ng ilaw ay tumutok sa malaking LED screen sa gitna ng entablado.

“Anong nangyayari?” tanong niya kay Vanessa, ngunit ngumiti lang ito. Hindi ngiti ng kaibigan, ngiti ng taong alam ang mangyayari. Hindi ko alam.

Sa screen, lumitaw ang mga sketch niya. Mga orihinal. Mga disenyo niyang siya mismo ang gumuhit sa loob ng maraming taon. Pero sa sulok ng screen… may logo ng ibang kumpanya. Hindi Majesty Designs.

Sunod ay lumabas ang mga dokumento, mga kontratang may pirma niya. Mga email. Mga pekeng transaksyon. Para bang may kwento silang binuo na si Elena Madrigal mismo ang nagbenta ng kanyang mga disenyo sa mga ilegal na kliyente.

“A-ano ito?” bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses.

Kasunod nito, isang boses mula sa PA system, malinaw, malamig, walang emosyon.

“Ladies and gentlemen, we would like to clarify a matter regarding intellectual property and company integrity. Tonight, we will address the betrayal within Majesty Designs.”

Tumigil ang mundo niya. Betrayal?

Si Vanessa ang unang lumabas sa gitna ng entablado. Ang mukha nito ay parang biktima. May kunwaring luha sa gilid ng mata. Humawak ito sa mikropono, at sa harap ng lahat ng bisita at press, binigkas ang mga salitang pumunit sa kanya.

“Elena Madrigal has been selling Majesty Designs’ sketches and collections for her personal gain. We have evidence. She’s no longer the creative director of this house.”

Umalingawngaw ang hiyawan, hindi ng palakpak kundi ng gulat, ng bulungan, ng pagtataka. Parang libo-libong kutsilyo ang sabay-sabay na tumusok sa kanya.

“Vanessa… anong ginagawa? hindi pwede.” pabulong niyang sabi, pero naririnig ito ng mga nasa paligid.

Pero hindi pa tapos. Sa tabi ng stage, si Adrian ang lumitaw. Hindi siya lumapit sa kanya. Sa halip, nasa gilid ito ng stage. Malamig ang mga mata. Walang kahit anong bakas ng pagmamahal.

“Adrian?” halos hindi lumabas ang boses niya. “Please… tell me this isn’t real.”

Pero isang tingin lang ang ibinigay nito, at sa gitna ng lahat, sinabi nito

“It’s better this way, Elena.”

Parang tinanggalan siya ng boses. Hindi niya marinig ang musika. Hindi niya maramdaman ang lupa. Ang boss niya ay lumabas na rin at humarap sa press, kaswal at kontrolado.

“We take integrity seriously. Effective immediately, Ms. Madrigal will no longer represent this company.”

Mabilis at malinis ang lahat na parang pinagplanuhan. At pinagplanuhan nga.

Lahat ng hawak niyang katibayan ng kanyang pangalan, kontrata, sketches, proyekto ay kinuha ng kumpanyang sila mismo ang nagpatayo. Siya ang utak, pero sila ang may kontrol sa lahat ng papeles. Sa isang iglap, siya ang kontrabida.

Hindi niya na maalala kung paano siya nakalabas ng venue. Ang mga camera ay nakatutok sa kanya, mga tanong ng press ay sumisigaw sa paligid

“Is it true?” “Bakit mo ginawa ‘yon?” “mygoshhh, i’m so disappointed”

Tumakbo siya palabas. Wala nang Vanessa. Wala nang Adrian. Wala na ang pangalan. Lahat sila ay naiwan sa loob, nakangiti, parang sila ang mga bayani sa kwento na sila mismo ang gumawa.

Ngayon, nakaupo siya sa sahig ng kanyang condo, basa ng luha ang mga pisngi. Hindi siya umuungol. Hindi siya sumisigaw. Tahimik lang siyang umiiyak.

Tahimik ang galit, ang apoy.

Hindi lang ito tungkol sa pagkakahiwalay kay Adrian. Hindi lang ito tungkol sa pagkakaibigan kay Vanessa. Ito ay tungkol sa buong pagkatao niya na sinira ng mga taong pinaniwalaan niyang pamilya.

“Bakit… bakit nila ako ginawang ganito?” mahina niyang tanong sa sarili.

Pero ang sagot ay hindi salita. Ang sagot ay galit. Mabigat. Madilim. Mabagsik.

Tumunog ang cellphone niya.

Habang nakatitig pa rin at wala sa sarili, muling nag-vibrate ang phone. Pero ngayon, unknown number ang lumabas sa screen.

Napakunot ang noo niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mensahe.

“Poor little queen… betrayed by those she trusted.”

Napalunok si Elena. Hindi niya kilala ang numero. Walang profile. Walang pangalan. Pero ang bawat letra ay parang malamig na boses na dumiretso sa puso niya.

At sa sandaling iyon, isang matinding pangako ang bumuo sa kanyang isipan, sa susunod na pagharap niya sa kanila, hindi na siya ang babaeng nasaktan, kundi ang babaeng babawi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 11

    Mainit ang sikat ng araw nang maisipan ni Elena na lumabas. Wala siyang ibang intensyon kundi ang gumala, magpahinga, at pansamantalang kalimutan ang mga gumugulo sa isip niya — si Nathan, ang mga salita ni Adrian, at ang mga hinalang hindi mawala sa isipan niya. Pero sa likod ng lahat ng ito, may isa siyang malinaw na direksyon: ang hustisya at paghihiganti. Suot niya ang simpleng blouse at high-waist jeans, at isang pares ng dark glasses na halos magtago sa kalahati ng mukha niya. Nasa loob siya ngayon ng isang kilalang mall sa siyudad, naglalakad sa kahabaan ng corridor habang tumitingin sa mga display. Pero bago pa man siya makalayo, biglang napatigil si Elena. Sa di-kalayuan, sa isang tindahan ng mga mamahaling pabango, nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Si Vanessa. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Para bang bigla siyang binalikan ng lahat ng sakit at pang-aapi na naranasan niya noon sa kumpanya. Ang mga ngiting mapanghamak, ang mga lihim na bulungan, ang araw n

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 10

    Mula pa kagabi, hindi mapakali si Elena. Halos hindi siya nakatulog, puro tanong ang bumabalot sa isip niya. Ang bawat kilos ni Nathan, bawat ngiti, bawat salita—lahat ay tila may kahulugan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, wala pa rin siyang konkretong patunay. Puro hinala. Puro tanong na walang kasagutan.Kaya nang dumating ang umaga, nagpasya siyang kumilos. Tahimik niyang sinuyod ang mansyon, tila isang multo na naglalakad sa pagitan ng mga lihim.Bawat hakbang ay may tunog ng kaba.Bawat pintong binubuksan ay parang bitag.Hanggang sa makarating siya sa opisina ni Nathan—isang silid na bihira niyang pasukin. Laging naka-lock, at tanging si Nathan lang ang may susi. Ngunit kagabi, bago sila matulog, napansin niyang naiwan nitong bukas nang bahagya ang pinto.“Perfect,” bulong niya sa sarili, at marahang binuksan iyon.Sa loob ay malamig, masyadong tahimik. Amoy mamahaling pabango, halong leather at usok ng tabako. Sa gitna ng mesa ay may mga dokumento, folders, at isang laptop n

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 9

    Tahimik ang umaga, pero hindi mapakali ang isip ni Elena. Ang mga sinabi ni Adrian kagabi ay paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang ulo—ang boses nitong puno ng pagsisisi, ang mga salitang “hindi lahat ng laban ay nakikita mo sa harap mo, minsan nasa tabi mo na.”Pinikit niya ang mga mata. Hindi niya gustong paniwalaan. Hindi niya kayang paniwalaan.“Hindi… hindi siya totoo,” mahina niyang bulong sa sarili habang nakatitig sa tasa ng kape sa mesa. “Matagal na akong niloko ni Adrian. Ano pa bang bago?”Sinubukan niyang itapon ang mga alaala. Kung totoo mang may utos, kung totoo mang may mas malaking tao sa likod ng lahat, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga lang ngayon ay makuha niya ang hustisya. Ang paghihiganti.Tumayo siya mula sa upuan at humarap sa salamin. Ang babaeng nakikita niya roon ay malayo na sa Elena Madrigal na dating umiiyak dahil sa pag-ibig. Ang babaeng ito ay matapang, malamig, at mapanganib.“Hindi ako biktima,” bulong niya. “Ako ang magiging dulo nila.”Kinuha niya

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 8

    Ang umaga ay dumating na may kakaibang katahimikan. Hindi na ito ‘yung uri ng tahimik na may banta, kundi tahimik na may kasamang paghinga ng bagong simula. Sa loob ng bahay, ang mga kurtina ay bahagyang sumasayaw sa ihip ng hangin, at sa unang pagkakataon, may amoy na ng tinapay at kape — hindi ng dugo o usok. Nasa kusina si Aurora, nakasuot ng simpleng daster, habang pinagmamasdan ang nag-aalab na apoy sa kalan. Tahimik ang lahat maliban sa huni ng ibon sa labas. Pagkatapos ng lahat, ganoon lang pala kasimple ang hinahanap niya — kapayapaan. Lumapit si Samuel, bagong gising at bahagyang magulo pa ang buhok. Wala na sa mukha nito ang dating lamig. Sa halip, may bakas na ng pagod na gustong magpahinga. “Ang bango,” sabi niya habang naupo sa mesa. “Hindi ko akalaing mararanasan ko ulit ‘to — amoy ng kape, amoy ng bahay.” Ngumiti si Aurora. “Mararanasan mo pa rin ‘yan, kung titigilan mo na ang pag-iisip ng nakaraan.” “Hindi ko kayang kalimutan,” sagot niya habang pinagmamasdan ang

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 7

    Tahimik ang umaga, pero hindi ang isip ni Elena.Nakaupo siya sa veranda, may hawak na tasa ng kape na hindi man lang nabawasan. Kanina pa siya nakatingin sa kawalan, pero ang totoo, paulit-ulit niyang binabalikan ang mga detalye.Ang mga tanong na hindi niya masagot.Paano alam ni Nathan ang mga bagay tungkol sa kanya — mga bagay na hindi niya kailanman binanggit kahit kanino?“You don’t have to pretend, Elena. You can trust me.”Ang linyang iyon, binalikan niya ng paulit-ulit. Paano niya nasabi iyon? Paano niya alam na nagkukunwari siya?Sinubukan niyang kalmahin ang sarili, pero habang tumatagal, mas lalo lang niyang nararamdaman ang takot na may mas malalim pa sa likod ng lahat.Hindi lang ito basta lalaking may kapangyarihan. Si Nathan ay parang nilalang na planado ang bawat galaw, bawat salita, bawat kilos — parang lahat ay may dahilan.Lumabas siya sa veranda, dumungaw sa malawak na hardin. May ilang tauhan na naglilinis, tahimik, halos hindi nag-uusap.Sa kanan, nakita niya si

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 6

    Nagising si Elena sa malamig na dampi ng hangin mula sa kurtinang unti-unting gumagalaw. Maaga pa. Tahimik ang buong mansyon, pero ramdam niya ang presensiya nito.Si Nathan.Paglingon niya, nandoon ito sa gilid ng kama, nakaupo, may hawak na tasa ng kape. Ang suot nito ay simpleng polo, bahagyang bukas ang unang butones, at sa likod ng malamig nitong titig ay may kung anong lambing na ngayon lang niya nakikita.“Good morning,” malumanay nitong bati.“Morning,” mahina niyang sagot.“Natulog ka ba nang maayos?”“Yeah,” sagot niyang pilit, bagaman alam niyang hindi totoo. Ang buong gabi, paulit-ulit sa isip niya ang boses ni Nathan sa telepono. The plan worked. She’s mine now.Lumapit ito, inilapag ang kape sa mesa, at walang sabi-sabing hinaplos ang pisngi niya. Mainit ang palad nito. Mahigpit, pero maingat.“Mukhang sobra ang kaba mo kagabi,” bulong ni Nathan. “You shouldn’t be. Everything’s under control.”Under control. Iyon ang mga salitang bumasag sa kalma niya.Ngumiti siya, pili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status