Share

Chapter 7

Tatlong araw ang lumipas ay hindi na nakadalaw si Gavin sa hospital. May emergency na nangyari sa site sa Bulacan kaya ang leave na na-file ay na-cancel. Tumawag na lang siya kay Trixxie para ipaalam dito na hindi siya makakadalaw, Wala naman naging problema dahil hindi naman daw siya ni minsan na hinanap ng anak.

Napapahid si Gavin sa pawis niya ng pumasok sa container van kung saan siya nag-oopisina bilang project engineer sa ginagawa nilang isang tulay. May aircon naman pero ramdam pa rin niya ang init ng katawan na parang may hinahanap -hanap ang katawan niya. Sa tatlong araw ay sunod-sunod na nagsisiping sila ng kanyang nobya na si Dianne pero parang may kulang pa rin. Napakagat siya ng labi ng maalala ang mga pagniniig nila ni Trixxie. Na-eexcite siya pero nais niyang batukan ang sarili dahil alam niyang pagtataksil iyon sa kanyang nobya.

Kinuha ni Gavin ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan. “Hello, same time tonight. I hope you keep part of our bargain.” Binaba kaagad niya ang cellphone at naghanda na para umuwi sa apartment.

*******

Hindi mapakali si Trixxie kung ano ang magiging rason niya sa mga magulang para pansamantalang ihabilin ang anak sa mga magulang. Paroon at parito siya kaya napansin siya ng ina.

“What's troubling you anak?” nag-aalala na tanong ni Senyora Anatalia kay Trixxie.

“Mom, pwede bang kayo na muna magbantay kay Trevin. Tumawag kasi ang kliyente ko at binigyan ako ng dalawang araw para matapos ang mural na pina-commision nila. Fully paid na kasi iyon at isang araw lang ay matatapos ko na iyon.” Ginalingan niya talaga ang pagtatagpi ng kasinungalingan para hindi siya mabisto ng ina.

“Okay go ahead at pabalik naman na si Bebang. We will manage here. Just talk to your son.”

Nilapitan ni Trixxie si Trevin at hinaplos ang buhok nito. “Anak, may tatapusin lang na trabaho ang Mama ha? Okay lang ba sayo na sina Lolo at Lola ang magbantay sa iyo?” Dinadalangin niya na sana ay pumayag ang anak.

“Ay, bakit need mo pa mag-work Mama?” malungkot na saad ni Trevin.

“Kasi anak bayad na si Mama sa serbisyo ko pero hindi ko natapos ang pinapagawa kaya kailangan ko tapusin,” ani Trixxie. Na-gu-guilty siya na kailangan niya magsinungaling sa anak para lang pagbigyan si Gavin.

“Okay, Mama.” Hinalikan ni Trevin ang pisngi ng ina at nagpatuloy sa pagbasa nito ng mga libro na nasa bedside table nito. Nakaugalian na ni Trevin na magbasa ng mga story book kahit noong maliit pa ito. Two years old pa lang ay alam na nitong magbasa.

Nagbilin si Trixxie sa ina na tumawag o mag-text kung may emergency. Umuwi muna siya ng bahay at naligo atsaka nag-empake ng bihisan na good for two days. Pagkatapos ay lumabas na siya sa bahay at naglakad palabas at pumara ng taxi at nagpahatid sa Tagaytay.

Isang isang sadyain na Hotel siya nagpahatid at doon naghihintay ang may sadya sa kanya. Binayaran niya ang taxi at bumaba na. Nagtanong siya sa receptionist kung saan nakabook ang kwarto ng guest. Nag-iwan na pala ng mensahe ito na tumuloy na siya sa room 606. Nasa huling palapag iyon at parang penthouse pa talaga ang kinuha.

Bitbit ang access card ay sumakay siya ng elevator at ilang sandali pa ay tumunog ang bell hudyat na andun na siya. Ilang metro lang ang layo ng elevator at ng marating ang pinto ay nag-doorbell siya.

“So you came.” Isang matamis at nakakaakit na ngiti ang sumilay sa labi ni Gavin. Napakadali talagang utuin ng isang Trixxie Angeles.

Walang imik si Trixxie na lumapit. Hinablot siya ni Gavin at walang pag-iingat na hinubaran. Napamura pa ito ng nahirapan nitong hubarin ang kanyang skinny jeans.

“F**k don't wear this kind of jeans next time,” aburidong saad ni Gavin habang abalang hinuhubad ang pantalon ni Trixxie.

“There will be no next time.” Mahinahon na saad ni Trixxie sa binata. Hindi pa rin siya natitinag at parang manikang de susi na hinayaan si Gavin sa gusto nito.

“It's not for you to decide. Hanggang kakailanganin kita ay dapat available ka.” Napangisi si Gavin lalo at nasa kanyang harapan ang nakakatakam na putahe.

“Hindi ka ba nakokonsensya na kahit may nobya kang tao ay palihim kang nakipagkita sa akin? Hindi mo alam ang magiging balik sa iyo ng karma. Tingnan mo ang nangyari sa akin sa pakikialam ko sa relasyon ni Harvey at Erica? Nadamay pa ang anak ko sa mga kawalang hiyaan ko.” Umupo si Trixxie sa sofa at napahagod sa buhok niya.

“Don't give me that reason. Alam ko naman na na-enjoy mo ang ating mga ginagawa.” Muling inumpisahan ni Gavin na tanggalin ang pantalon ni Trixxie Hinayaan niyang nakaupo lang at walang response sa kanya ito at nang ibaba na niya ang pantalon at nasilayan ang nakakasilaw nitong mga hita ay kaagad na tumigas ang kanyang kahandaan. Inakay niya si Trixxie papunta sa kwarto. Sabik na hinubad ni Gavin ang lahat ng saplot at wala siyang itinira sa katawan.

Ewan ba niya hindi naman siya tigang dahil tatlong araw na sunod-sunod na may nangyayari sa kanila ni Dianne ngunit hinahanap niya pa rin ang katawan ni Trixxie. Sabihin pa ay mas satisfied siya dito kahit para itong patay na walang ganti man lang sa pang-aakit niya.

Hinubaran niya si Trixxie at pinahiga sa kama. Nasa gilid lamang ito at ang mga binti nito ay itinaas niya. Kitang-kita ni Gavin ang pagka****e nito na in full display sa harap niya. Walang babala siyang lumuhod at nilamutak iyon. Isinubsob ang mukha sa pagitan ng mga hita ni Trixxie.

Pinigilan ni Trixxie na may lumabas na kahit anong tunog sa kanyang bibig.

“Moan my name!” utos ni Gavin kay Trixxie.

Umiling si Trixxie at dahil doon ay tumayo si Gavin at walang babala na pinasok ang kahandaan sa kaselanan ni Trixxie. Napaigik si Trixxie sa sakit dahil hindi pa siya well lubricated pero walang pakialam si Gavin dahil ang gusto niya ay pagbigyan ang tawag ng laman. Ilang pagbayo pa ay kaagad na naabot ang r***k ng kaluwalhatian.

Magdamag niyang pinagsawaan ang katawan ni Trixxie. Hindi siya nakadama ng kahit anong guilt kundi para siyang nasa alapaap. Hindi niya inisip na may nobya siyang masasaktan kapag nalaman nitong nagtaksil siya. Anong magagawa niya? Para siyang mababaliw sa alindog ni Trixxie na kahit nakakababa ng pagkalalaki ay kaya niyang lunukin yun, makapiling at makaulayaw lang ito.

Kahit madaling araw na niya tinantanan si Trixxie ay gising ang diwa ni Gavin. Mataman niyang pinagmasdan ang tulog na si Trixxie. Napakaganda naman talaga nito. Sayang at may nobya na siya. Tinanggal niya ng kumot na nakabalot sa katawan nito at sinuri ang tiyan nito. May ilang guhit ng stretch mark doon pero kahit ganun ay makinis pa rin ang tiyan nito. Binalik niya ang kumot dito at gumalaw ito at tumalikod sa kanya. Tiningnan niya ang pang-upo ni Trixxie. Maumbok ang mga iyon pero may bakas ng pamumula dahil sa pagpalo niya kanina.

Parang anghel kung tititigan si Trixxie. Kabaliktaran sa ugali nito. Pero napansin ni Gavin na hindi katulad ng dati na paasik kung magsalita ito. Ngayon ay napakamahinahon na nitong magsalita. Ano kaya ang pinagdaanan nito at ganun na lang ang pinagbago nito?

Kinuha ni Gavin ang cellphone at tinawagan ang kakilalang private investigator. Tumayo siya buhat sa kama at nagtapis ng towel. Lumabas siya sa silid at pumunta sa veranda na nakaharap sa view ng Taal Lake.

“Hello, Jude pare. I want you to check on someone. I want a full background check. I'll send you the details and I want it to be confidential, ASAP. Sige salamat.” Ibinaba niya ang cellphone. “Trixxie Angeles, wait ‘till I dig something against you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status