Share

Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo
Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo
Author: Mrsdane06

Chapter 1: Desperada

     Nagmamadaling bumangon si Trixxie mula sa carpetted na sahig. May naiwang bakas pa ng pulang mantsa sa carpet, patunay na wala na ang kanyang iniingatan na virginity.

     Wala man lang bakas ng pagsisisi ang bumakas sa kanyang magandang mukha. Kailangan niya isuko ang isang bagay na mahalaga para makuha ang kagustuhan niyang maghiwalay si Kuya Harvey niya at ang asawa nitong si Erica.

     Saglit niyang hinila si Gavin pasampa sa kama ng kapatid. Tagaktak ang pawis niya matapos niyang ipwesto si Gavin na hubot hubad sa tabi ni Erica. Sumilay ang kanyang ngiti sa labi at kinuha pa ang cellphone sa lapag para kunan ng picture ang dalawa na walang kamalay-malay sa ginawa niya.

    Bumalik na siya sa kanyang silid at muling natulog. Hinintay niya ang pagdating ng kapatid. Tulad ng inaasahan, nagkagulo ang lahat pero nanindigan siya na wala siyang alam. Isinumpa pa siya ni Gavin na walang iibig sa kanya.

    Ang pagbukas ng pinto ang nagbalik kay Trixxie sa kasalukuyan, iniluwa buhat doon ang doktor. Kaagad lumapit si Trixxie dito at nagtanong. “Dok, kumusta ang kalagayan ng anak ko?”

        Bumuntong-hininga ang Doktor bago sumagot. “I’m sorry po, Misis. Ayon sa ultrasound report, may nakitang pamamaga sa bandang atay at apdo ng anak ninyo. Wala ba siyang sakit na diagnose noong baby pa siya?” tanong ng doktor.

       Parang may kung anong bumundol na kaba sa dibdib ni Trixxie. “Wala naman Dok. Kaya lang nitong nakaraang buwan ay pabalik-balik ang lagnat niya.” Iyon lang ang natatandaan ni Trixxie o masyado ba siyang naging abala sa paghahanapbuhay na ultimo ang nararamdaman ng anak ay di na niya masyadong natututukan?

       “By any chance hindi siya nag-complain ng stomach pains and vomiting? Or panlalamig at pangangati accompanied by rashes?” Naninigurado na tanong ng Doktor.

        “Last week po ay nagrereklamo siyang masakit ang tiyan pero matapos painumin ng para sa sakit sa tiyan ay nawala namn kaagad,” sagot ni Trixxie.

      “We will run more tests on your son. I want to confirm my theory with regards to your son's illness.” Iyon ang huling sinabi ng Doktor bago lumabas ng kwarto.

        Nahulog sa malalim na pag-iisip at biglang inalala ang mga nakaraan buwan kung ano nga ba ang karaniwang reklamo ng anak.

        Dumaan na lang ang isang oras pero halos wala siyang mapiga sa kanyang utak. Napailing na lang siya dahil masyadong okupado ang isip sa mga tatapusing trabaho. Karamihan ay mga murals na pinapa-commission sa kanya ng mga may kayang mga pamilya.

    Nagulantang na lang siya kanina habang tinatapos ang isang mural painting sa isang kliyente nang nakatanggap siya ng tawag mula sa mga teacher ng anak. Namilipit sa sakit ng tiyan si Trevin kaya tinakbo na kaagad ito ng hospital ng mawalan ng malay.

        Matapos niyang maglayas mahigit apat na taon na ang nakalipas sa kanila ay napadpad siya sa bandang Laguna. Nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing kapusukan niya ng dahil na rin sa kagustuhan niyang masira ang pagsasama ng kapatid at hipag ay nagpasya siyang itago ang kalagayan sa mga magulang.

 

Hindi niya maatim na sumbatan ng kapatid na si Harvey na siya pala ang puno’t dulo ng paghihirap nito at nagawa pang abandonahin nito ang asawang buntis.

       Kumusta na kaya sila? Naging maayos na ba ang kalagayan nila? Sinuyo ba ng kapatid ang asawa na si Erica? Pinagsisihan na niya ang lahat ng kabuktutan ng ugali niya. Kung dati ay sadyang napakasama niya ngayon ay kabaliktaran siya sa kung anuman siya sa nakaraan. Siguro nga ay malaki ang naitulong sa kanya bilang tao ang pagiging isang ina. Lahat ay kaya mong isakripisyo para lang sa anak. Hindi kaaya noon na pulos arili lang niya ang iniisip at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.

       Isang biyaya ang pagdating ni Trevin sa buhay niya. Kahit ang sirkumstansya ng pagkabuo niya sa kanyang sinapupunan at kung sino man ang ama nito ay balewala. Si Trevin ang nagturo sa kanya ng pagsasakripisyo at ang pagmamahl na walang hinihintay na kapalit. Mas naiintindihan na niya ang nararamdaman ng mga magulang noon sa tuwing nagiging pasaway siya noon. Pero masaya siya dahil sadyang napakalambing ng kanyang anak. Tila biro ng tadhana na kamukha ito ng kanyang kapatid na si Harvey at magka ugali ng asawa nitong si Erica.

       “Mama!” 

      Dali-daling lumapit si Trixxie sa anak. Sinalat niya ang noo nito at ramdam niyang may lagnat ang anak. “May masakit ba sayo anak?”

       Umiling lamang ito at ginagap ang kamay ng ina. Halata ang hirap sa mukha ni Trevin kahit anong kaila nito sa ina. Nanlalalim ang mga mata nito at halatang medyo pagod ang itsura nito.

      Dalawang araw ang nakalipas at nakompirma ang sakit ni Trevin. Ang biliary atresia ni Trevin ay hindi kaagad na diagnose sapagkat kahit nakaranas ito ng paninilaw noon ay hindi naman ito nagkaroon ng karaniwang sintomas tulad ng dark urine at at gray stools. Hindi rin niya napa check up ang anak dahil mahirap siya financially nang kapapanganak lamang niya kay Trevin. Nitong taon lang si Trixxie medyo naging maalwan sa pamumuhay dahil sa sunod-sunod na project.

       Naging pabaya pa siyang ina o parusa na ito sa kanya sa pagwasak sa pamilya ng kapatid? Naniningil na ba ang karma sa kanyang mga kasalanan na nagawa niya kay Erica at Kuya Harvey niya? Pero, bakit si Trevin pa ang kailangan magdusa at magbayad ng mga kasalanan na siya naman ang may gawa? Bakit ang anak pa niya?

         Matapos ang lahat ng paliwanag ng doktor sa kanya at ma-discharge ang anak ay kaagad sila umuwi ng San Bartolome. Haharapin niya ang galit ng kapatid at mga magulang kung iyon lang ang tanging paraan para makalapit siya kay Gavin. Wala na rin siyang balita sa binata. May asawa na kaya ito? 

       Nakarating sila bandang hapon na. Walang tao sa garahe kaya diretso siya sa kusina. Nagulat si Trixxie dahil nandun ang kapatid. Nanatili siyang kalmado at ipinakilala ang anak sa tiyuhin.

         Nag-iba kaagad ang timpla ni Harvey nang makita ang anak ng kapatid. Gusto niyang magalit pero kailangan niya munang kumpirmahin ang hinala.

      Kinagabihan ay naganap ang komprontasyon ng magkapatid pero siniguro muna ni Harvey na tulog na ang pamangkin para hindi nito makita ang gagawin niya sa ina nito. Para silang nasa tagpo ng isang teledrama kung saan may nalaman na malaking sekreto.

     “I miss five years of my life with Erica and Natalie because of you!” Umiyak si Harvey at puno ng pagsisisi sa nagawa sa asawa at anak. Hindi na nito napigilan na saktan si Trixxie at buong puso naman na tinanggap ng huli ang panunumbat ng kapatid.

       Umiiyak si Trixxie sa pananakit ng kapatid pero naintindihan niya ang damdamin nito kaya hinayaan niya itong ibuhos na sama ng loob sa kanya. Dagling umawat ang Daddy nila at inilayo siya nito kay Harvey.

        Sa kwarto niya ay pinuntahan siya ng ama at doon ay ibinuhos niya ang lahat ng suliranin. Hiniling niya na puntahan ang mga Mendez para matuntun ang ama ni Trevin.

       Kinabukasan ay maaga sana silang pupunta sa mga Mendez ngunit kaagad na isinugod sa hospital si Trevin nang mawalan ng malay ito at may lagnat ulit ito. 

      Halos panawan ng ulirat si Trixxie nang makita kung paanong tila kandilang nauupos si Trevin na bumagsak sa garden nila. Naghisterikal siyang humingi ng saklolo sa mga kasambahay. Walang patid ang patak ng kanyang luha habang nasa sasakyan sila at isinugod sa hospital si Trevin.

Nagkagulo ang buong sambayang Angeles at nang sinabi ng Doktor na kailangan na ilipat sa mas malaking hospital dahil hindi kakayanin ang gamutan doon kaya walang atubili at kaagad silang pumayag.

         Sakay ng ambulansya ay na-transfer si Trevin sa isa sa pinakamalaking hospital sa Maynila. Ang mga magulang ni Trixxie ay siya nang nag-antay para makontak si Gavin. Nasa isang project daw ito ngayon sa bandang Bulacan.

       Gabi na nang dumating ang mga magulang ni Trixxie pati na ama ni Gavin na si Mang Guillermo. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ng abuelo nang masilayan ang apo nito kay Gavin. Kaagad na nagpaalam ang mga magulang ni Trixxie dahil sa pagod sa byahe at pansamantalang nag-check in sa kalapit na hotel.

      “Kumusta ang apo ko, hija?” tanong ni Mang Guillermo.

      “Hindi po mabuti lalo at malaki ang posibilidad na kailangan operahan si Trevin at kailangan niya ng donor ng atay, Mang Guillermo.” Napayuko si Trixxie sa sinabi na iyon. Kung hindi pa siguro nagkasakit ang anak ay hindi makikilala ng matanda ang apo nito.

       Kasalukuyang tulog si Trevin at nagkasya lamang na haplusin ng matanda ang apo. Biglang bumukas ang pinto ng executive suite room kung saan sila kasalukuyang naroroon. Sumungaw ang nakakunot na mukha ni Gavin na halatang galing sa maghapong pagtatrabaho. 

     “Magandang gabi, ‘Tay.” Hindi man lang nagawang batiin ni Gavin si Trixxie.

        Nilapitan nito si Mang Guillermo at nagmano sa ama. Halos ‘di nito tiningnan si Trixxie at diretso na itong tiningnan ang batang sinasabi ng ama na anak niya kay Trixxie. Masusi niyang sinuri kung totoo nga ang sinabi ng ama ngunit kumunot ang kanyang noo lalo at wala man lang siyang makitang hawig niya ang batang nakaratay.

       Tahimik lang si Trixxie sa tabi at hinintay na kibuin siya ni Gavin ngunit ni gaputok ay wala siyang narinig mula dito. Nag-uusap ang mag-ama sa gilid habang nasa katabing sofa lamang si Trixxie.

       “Iha, maghahapunan muna kaming mag-ama ha? May gusto ka bang ipabili sa akin?” Magiliw na tanong ni Mang Guillermo.

       “Wala po. Tapos na naman na ako kumain kanina.” Magalang ang bawat salitang binitawan ni Trixxie sa matanda. Tiningnan niya si Gavin pero pawang pagkabagot ang nakarehistro sa mukha nito.

        Umalis ang mag-amang Mendez at hindi man lang kinausap ni Gavin si Trixxie para lang siyang hangin na hindi nito makita. Hinamig ni Trixxie ang sarili. Walang lugar ang kaawaan ang sarili. Ang importante sa kanya ay makipag-cooperate ito para gumaling ang anak. Wala siyang interes kung anuman ang kalagayan nito sa buhay. Nandito siya para makiusap at sana ay pagbigyan siya nito sa kanyang hiling.

       Isang oras ang nakalipas at mayroong mga nurse na pumasok para i-monitor si Trevin. Matapos kunan ng temperature at ginamitan ng oximeter si Trevin ay tiningnan nito ang swero at in-adjust iyon. Nginitian siya ng nurse at lumabas na ito ng kwarto. Siya naman ang pagpasok ni Gavin.

       “Long time no see Miss Trixxie Angeles. Mapagbiro ang tadhana at sa ganitong sirkumstansya pa talaga tayo nagkita?” Isang mapanuyang tawa ang binitawan ni Gavin habang nakatingin sa natutulog na si Trevin. “Anak ko ba talaga siya? Ni wala man lang kaming pagkakahawig ni isang katangian maliban sa kulay ng balat.”

         “Please Gavin, anak mo siya. Just this once. Pumayag ka na magpa-test for possible liver transplant. Name your prize. Kahit anong gusto mo ay susundin ko.” Napaluhod na nagsusumamo si Trixxie sa harap ng lalaking minsan niyang nilinlang para mawasak ang pagsasama ng kapatid at ng babaeng kinamumuhian niya.

        “You will do anything?”Ang nakakalokong pang-aarok ni Gavin kay Trixxie. “As in everything? Just to convince me that your son is mine and you are asking a part of my internal organs?” Sarkastikong tanong ulit ni Gavin. “Then, strip and satisfy my manly needs. If you can surpass my expectations, then I might consider being tested.”

         Napaawang ang bibig ni Trixxie sa narinig mula ka Gavin. Desperada na siya at kahit pa siguro ibenta niya ang kaluluwa sa demonyo o maging parausan ni Gavin ay papayag siya. Gahol na sila sa oras at habang tumatagal ang operasyon ay mas maging mataas ang tsansa na mas malaki ang magiging pinsala naidudulot nito kay Trevin.

       Tumulo ang luha ni Trixxie ng hinubad niya ang kanyang dress sa lapag at tanging underwear ang natira. “Sapat na sigurong kabayaran ang katawan ko pumayag ka lang.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lilibeth Montero
a very interested story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status