Share

Chapter 2: Kapalit

             Napaawang ang bibig ni Gavin sa nakitang paghuhubad ni Trixxie. Napako ang tingin niya sa bumagsak na dress ni Trixxie sa sahig at buhat doon ay umakyat ang tingin pataas sa katawan ni Trixxie na nakakasilaw sa puti. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. 

Buti na lang ay sandali siyang dumaan kanina sa apartment niya at naligo dahil nanlagkit siya sa maghapong trabaho. Pag nagkataon ay nakikipag romansa sana siya na amoy-pawis. Iniwan na niya ang ama doon at nagbilin na bukas na bumalik sa hospital.

Sumilay ang nakakalokang ngiti ni Gavin. Desperada na nga si Trixxie at isang panlilinlang lang niya para subukin ang kagustuhan nito na isalba ang anak ay walang alinlangan nitong in-offer ang katawan. Grasya na ang lumapit kaya tatanggi pa ba siya? Matagal na rin ang huli nilang pagtatal*k ng girlfriend na si Dianne na ngayon ay nasa kanilang probinsya.

Nilapitan niya si Trixxie at kaagad niyapos ito ng walang pag-iingat. Ang babaeng katulad nito ay hindi dapat nirerespeto. Bumalik sa isipan ni Gavin ang panlilinlang nito noon sa kanya at dahil doon ay sumidhi ang poot niya dito.

Ginawa niya ang lahat ng gusto niya sa katawan ni Trixxie at nagustuhan niya iyon. Walang pag-iingat niyang inangkin ang babaeng dahilan kung bakit ilag siyang umuwi sa bayan nila sa San Bartolome.

Nanghihina na si Trixxie sa lakas ng pag-angkin ni Gavin sa kanya at ng makaraos ito ay dahan-dahan siyang naglakad para pulutin sana ang kanyang damit at panty ng hinila siya ni Gavin. Buti na lang ay hindi siya napatili.

“Saan ka pupunta? Akala mo tapos na tayo?” Nakangising tanong ni Gavin. Hindi man lang ito nag-abalang takpan ang naghuhumindig pa rin nitong pagka*****i.

Parang isang demonyo ang tingin ni Trixxie rito. Pero dahil may sadya siya dito ay wala siyang imik ng muli siyang kabigin nito. Marahas siyang sinibasib nito ng halik. 

Muli niyang pinagbigyan ang tawag ng kanyang laman sa babaeng willing gawin ang lahat para sa anak nito.

Tama nga ang hinala ni Gavin, desperada si Trixxie pero natuwa siya lalo at walang kupas pa rin ito kung performance lang din ang pag-uusapan, milya ang layo nito kahit kay Dianne, ang kanyang girlfriend.

Nilapitan ni Gavin si Trixxie. Napaigik ito nang hilahin niya ang malambot nitong buhok. Muli niyang nilamutak ang bibig nito na medyo namaga na sa kanina pa niyang paghalik dito. Kumawala sa halik si Trixxie.

Hapong-hapo siya sa mga ginawa ni Gavin sa kanya. Hubo’t hubad man, ang anak kaagad ang inaalala. Kailangan na niyang magbihis at baka magising si Trevin at hanapin siya. Hinang-hina siyang naglakad para pulutin ang damit sa sahig ng nakitang kumislot si Trevin. Mahapdi ang kanyang kaselanan sa ginawa ni Gavin sa kanya. Dali-dali niyang isinuot ang damit kahit walang mga underwear.

“Mama!” Parang naiiyak na usal ni Trevin. Minuwestra nito ang kamay para lumapit ang ina. Dali-dali naman na lumapit si Triixie sa anak pagkatapos siguraduhin na walang bahid ni Gavin ang katawan.

“May masakit ba sayo anak?” Kaagad na tanong ni Trixxie. Hinaplos niya ang noo ni Trevin at kinintalan ng halik ang noo at pisngi nito. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang nakabihis na si Gavin.

Kumunot ang noo ni Trevin nang may kasama pala ang ina. 

“Mama sino po siya?” tanong ni Trevin sa ina.

“Ako ang papa mo anak.” Nakangiti na lumapit si Gavin sa anak na tinitingnan siya.

Hindi kumibo si Trevin nang sinabi ng ina na Papa niya ang lalaking andun ngayon sa kanyang silid. Bantulot pa rin siya na may estranghero na kasama. Niyakap niya ang ina at hindi pinansin ang kanyang ama.

“Anak, kausapin mo naman ang Papa mo.” Pakiusap ni Trixxie sa anak ngunit isang marahas na pag-iling lamang ang kasagutan nito. Hinaplos ni Trixxie ang mukha ni Trevin at minuwestra na harapin ang ama ngunit siniksik lamang nito ang mukha sa leeg ng ina.

Hindi na nagtataka si Gavin na ayaw ng anak niya sa kanya. Hindi ito sanay sa presensya niya dahil palaging si Trixxie ang kasama. Hindi niya alam kung matutuwa siya o mababahala sa nalaman na may anak pala sila ni Trixxie. 

Matanggap kaya ng kanyang girlfriend na si Dianne ang kanyang anak? Kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa dahil dalawang taon na silang magkarelasyon at sa tuwing nagkikita sila ay may nangyayari sa kanila. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito mabuntis kahit hindi naman sila nagkokontrol.

Pareho silang thirty na ni Dianne. Samantalang si Trixxie ay kung hindi siya nagkakamali ay twenty three pa lang at ang anak nila ay malapit na mag-apat na taon. Nabuntis niya ito dahil na rin sa kagagawan nito. Tinurukan siya nito ng pampagana sa sex ng hindi niya namamalayan at dinala sa kwarto ng kapatid nito kung saan natutulog si Erica. Sa huling hibla ng kanyang katinuan noon ay imbes si Erica ang galawin ay si Trixxie ang kanyang hinablot.

Hindi niya inaasahan na kahit ganoon kasama ang ugali at reputasyon ni Trixxie ay siya ang nakakuha ng kalinisan nito. At halos magdamag niya itong pinagsawaan at kung hindi pa humupa ang epekto ng gamot ay hindi niya ito tinantanan. Kaya hindi nakapagtataka na mabuntis niya ito. At dahil pumayag kanina si Trixxie sa gusto niya ay hindi na niya hihilingin na ipa-DNA test si Trevin.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Trevin kay Gavin. Gustuhin man ni Gavin na mayakap ang anak ay hindi na siya nagpumilit. Hindi na rin siya nag-aksaya ng laway na kausapin ito dahil kahit isang ha ay wala siyang narinig dito.

Pinauwi na lang Trixxie si Gavin pagkatapos ayaw kausapin ni Trevin ang ama. Mas maging komportable ito kung sila lang mag-ina ang andun. Nagpaalam na si Gavin sa mag-ina at hindi man lang ito nilingon ng anak. Napailing si Trixxie sa ginawi ng anak.

“Anak, bakit naman ganoon ka makitungo sa Papa mo? Di ba noon hinanap mo ang Papa mo sa akin tapos ngayon andito siya ay ayaw mo naman sa kanya.”

Biglang umiyak si Trevin na pinagtakhan ni Trixxie. Niyakap niya ang ina at mariing umiling ito. “Ayaw ko sa kanya bad siya Mama.” Umiiyak pa rin na saad nito kay Trixxie. Walang ideya si Trixxie bakit iyon na sabi ng anak kaya nag kasya na lang siya na haplusin ang malago at makintab nitong buhok. 

Kusang tumahan si Trevin at kaagad nakatulog ito. Natulog na rin si Trixxie nang makitang payapa ang paghinga ni Trevin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status